SHANTAL GOLDEN ROSS LEE POV
ANO naman kaya ang maisip ni josh kung bakit ako niyakag lumabas. Magsosorry lang pero may padinner pa. Hindi ko man aminin ngunit parang may nararamdaman ako ngunit hindi ko mapangalanan kung ano iyon.
Alam niyo yun tuwing nakikita ko si joshua ay parang nakikita ko narin yung childhood friend ko.
Napahawak ako sa may bandang dibdib nang maramdaman ang kirot na namuo sa loob nito. Hindi ko alam ngunit nasasaktan ako at nananabik na muling makita siya ngunit hindi ko alam kung paano lalo na't nickname lang ang alam ko sa kaniya.
Napapaisip ako, ano na kaya ang itsura niya ngayon? Lalo bang pumogi at nagbinata ang kaniyang mukha? Yung feeling na kahit dumaan ka lang nakakahatak ka na ng atensyon.
âWalang taon na jay-jay pero wala ka parin. Ano na bang nangyari sayo at hindi ka na muli nagpakita? Nakalimutan mo na ba ako?â mahinang sambit ko at mabilis na pinunasan ang luhang lumandas sa pisnge ko.
I sigh and bit my lower lips while looking at my face at the mirror.
Mariin akong pumikit at inalis ang malungkot na iniisip.
Naligo at nag-ayos na ako. Tumingin sa salimin at sinigurado kung ayos na ba ako at wala ng kulang pero parang kulang pa âAhh! Yung bracelet na galing kay Jay-Jay, suot ko yon minsan. Heart ang palawit nito kaso half lang dahil ang kabiak ay nasa kanya.
Napangiti na lang ako nang mabasa ang nakasulat sa likod ng bracelet dahil may nakalagay dun na tawag niya sa akin na 'Baby den-den' tapos sa kanya 'Baby jay-jay'
[Imagine niyo na lang na may pangalan sa likod ng bracelet]
âGOLDEN BUMABA KA NA NANDITO NA SI JOSHUA!â sigaw ni kathy buti na lang bukas yung pinto dahil kung sara yun di ko maririnig.
Naglakad na ako pababa papunta sa hagdan.
JOSHUA DELA VEGA POINT OF VIEW
KINAKABAHAN ako para mamaya. Ewan ko ba kung bakit ko siya niyaya magdate. Tapos kanina feeling ko di ko kayang naiinis o nagtatampo siya sa akin. Hindi kaya ng damdamin ko dahil kumikirot ang puso ko sa di ko malamang dahilan.
Papunta na nga pala ako sa dorm niya, nandito na ako sa elevetor. Nasa taas lang naman kasi yung dorm nila, alam niyo na silang apat lang yung may dorm sa last floor.
Ting ito na naglakad na ako papunta sa tapat ng dorm niya bago ako magdorm bell ay chineck ko muna kung ayos lang ba ang suot ko.
Okay na naman kaya nagdoorbell na ako. Bumukas din naman agad ito bumungad sa akin ang isa sa mga kaibigan niya. Kathy ata ito. Yung maingay.
âPasok ka pababa na din yun.â tumango na lang ako at nagpunta sa living room. Nadatnan ko dun si maica, ang kapatid ni mark tapos si kate.
âPogi natin ahâ puri ni kate, buti hindi ako tinarayan nito.
âSalamat.â ngumiti lang siya. Isinuot ko sa bulsa ang kamay ko ng di sinasadyang may nahawakan ako.
May inilagay ba ako kanina dito?
Nang ilabas ko, nakita ko yung bracelet na kabika ng ibinigay ko kay baby den-den. Napangiti na lang ako, miss ko na ang babaeng iyon.
Musta na kaya siya? Siguradong ang maganda na yun lalo. Sana makita na kita, alam mo bang miss na miss na kita. Isinuot ko na lang yung bracelet na may pangalan na 'baby jay-jay', yan kasi ang tawag niya sa akin.
Maya maya pa sumigaw si kathy kaya napatingin ako dito.
âGOLDEN BUMABA KA NA NANDITO NA SI JOSHUA.â sigaw nito. Ilang saglit pa ay may tunog ng isang heels ang narinig sa buong paligid.
Nang makarating siya sa hagdan parang bumagal ang oras at nawala lahat ng tao sa pagilid maliban sa aming dalawa.
Ang ganda niya sa suot niyang black dress bumagay din ang ayos ng buhok niya lalo na ang light make up. Kahit naman wala siyang make-up ay maganda parin siya.
Di ko napansin na nasa tapat ko na pala siya. Natulala na talaga ako, ang ganda niya sobra.
âHey!â Nakangiting bati niya.
âH-hi, beautiful.â natawa naman siya.
âThank you. By the way you look handsome.â nag mouth ako ng thank you. Ngumiti lang siya.
âIngatan mo yan joshua ikaw ang susugurin naman pag may nangyare diyan.â
"Yes ma'am" sagot ko kay kate kaya nagsitawanan ang lahat.
Umalis na kami. Dadalhin ko siya sa restuarant nila mark. Maganda kasi dun. Kaya formal ang mga suot.
Bagay na bagay talaga kay shantal yung suit niya. Sana lang wag siyang pagtinginan mamaya. Lalo na ng mga lalaki baka makapanapak ako ng di oras.
Nakarating na kami sa kotse kaya agad ko siyang pinagbuksan nagthak you naman siya. Ako naman umikot agad papuntang driver seat.
Nagdrive na ako papuntang V restaurant. Mga 20 minutes lang siguro ako nagdrive ng makarating kami.
Pagkapark ay pinagbuksan at inalalayan ko siya. Humawak ako sa bewang niya at nginitian siya.
Sumama ang tingin ko nang magsitinginan ang mga tao sa loob lalo na sa mga lalaking tumititig sa kasama ko.
Hindi ko alam ngunit naiinis at nagagalit ako sa ganitong bagay na hindi naman normal sa akin.
"Ang ganda at ang gwapo nila"
"Ang ganda nung babae"
"Dude ang sexy"
"Gago boyfriend ata yung kasama oh"
Nagtuloy lang kaming naglakad papunta sa table na pina reserve ko. Inalalayan ko siyang makaupo. May lumapit naman agad na waiter sa amin.
"Ma'am, sir this is our menu" sabay abot sa amin ng menu.
"Hey what do you want?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw na lang pumili" tumango na lang ako. Hmm ano kayang maorder.
"Please give us this food and this then two slice of chocolate cake in one plate"
"Okay sir, what's the drink sir?"
"Two wine and juice" umalis naman agad ito ng makuha na ang order namin.
Habang hinihintay nagkukwentuhan lang kami ni shantal. Nakakatuwa siyang kasama.
Maya maya napatingin ako sa kanan niyang kamay. May nakita akong bracelet dun na nakapagpalaki ng mata ko. Its same as mine. Tumingin naman agad ako kay shantal tapos hinawakan ko yung kamay niya.
"Its there something wrong?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang ang suot niyang bracelet. Huminga ako ng malalim idinikit ang bracelet ko para mabuo ang puso nito at lumabas ang litrato namin noong bata pa kami.
Noong tumingin ulit ako sa kanya nakita ko nalang na lumuluha na pala siya. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.
"B-baby jay-jay?" Naluluhang tanong niya sabay yakap na din sa akin.
"Shh don't cry baby. I miss you so much ang tagal kong hinintay na makita kang muli."
"Alam mo b-bang ganon d-din a-ako. Miss n-na n-nakita. Akala ko d-di nakita makikita. A-akala ko di mo na a-ako b-babalikan"
"No no baby it's not true alam mo naman na mahal kita kaya please baby tahan na"
Tapos maya maya tumahan na siya kaya bumalik na ako sa upuan. Saktong dating naman ng pagkain namin.
Susubo na sana ako nang mapansin kung masama ang tingin sa akin ni baby den-den.
"Bakit baby?" sumama lalo ang tingin nito.
"Anong bakit ka riyan! Paalala ko lang sayo nagka ex ka na tapos yung merry anne na yun pa." asar niyang sabi.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa, ang cute niya kasi.
"Baby di ko naman minahal si merry anne ikaw kaya ang first love ko, i love you baby." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod nito.
"Tsk" tapos kumain na lang siya. Ang mga babae talaga ngayon.
Kumain lang kami ng kumain. Ang cute niya kumain. Nagkaroon siya ng cake sa gilid ng labi kaya inalis ko yun. Nagulat siya saglit pero iniripan din ako kalaunan.
Nang matapos na kami kumain naisipan naming umalis na dun.
"Saan mo gusto pumunta baby?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa daan.
"Wala gusto ko na matulog. Pwedeng sa condo na lang tayo matulog natatamad na ako bumalik dun eh"
"So saan ba ang condo mo?"
"G. Rose condominium." wow same pala kami ng condo.
"Baby dun din ang condo ko. Malapit lang pala tayo. Baby pwede tumabi sayo matulog namiss lang kita?"
"Hindi!"
"Please baby!"
"fine."
Yes! Nang makarating kami sa condomimium. Pumasok agad kami sa elevator. Pinindot niya agad yung last floor. Akala ko pravite ang floor na yun para sa may ari. Don't tell me?
Nagtatanong na tumingin ako sa kanya.
"What?" Painosente nitong tanong.
"Baby, sayong condominium ba ito?"
"Well, yeah its mine. Wag mong sasabihin kahit kanino baby jay-jay its a secret. Hayaan natin sila ang makaalam kung sino ang may ari ng mga G. Rose." paliwanag niya.
"So baby sayo din yung iba pang G. Rose." tumango lang ito.
Ang yaman niya na ngayon. I mean oo mayaman na naman sila dati pero ngayon parang mas lalong yumaman sapagkat meron na din si Shantal.
Nang makarating kami sa floor pumasok agad kami sa nag iisang room pero pagpasok mo makikita mong kumpleto ang lahat
May limang guest room, kitchen, living room, master bedroom, ect. Di ko pa napapasok yung iba. Parang isang bahay na talaga.
Nagpunta na kami ni baby den-den sa master bedroom. Malaki ang room niya. Napansin ko din na may pool sa veranda.
"Hmm maligo muna ako next ka na lang sa akin may damit dyan na panlalaki para talaga sayo if makita nga kita" sabi niya sa akin. Wow pinaghandaan talaga. Umupo muna ako sa kama pagkatapos ko kumuha ng damit.
Lumabas din naman agad siya na nakarobe. Di ko na muna dinala yung damit twalya lang. Ang ganda ng bathroom, ang laki.
Saglit lang ako naligo at nagbalok lang ng tuwalya. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko siyang nakaharap sa salamin ng katinginan kami sa salamin. Umiwas naman agad din siya.
"Hey magbihis ka na at matulog na tayo" pero ang ginawa ko lumapit sa kanya tapos niyakap sya patalikod.
"I miss you and i love you simula bukas liligawan na kita baby" sabay halik sa pisnge niya kaso parang di ko napigilan bumaba sa leeg niya ang halik ko.
"Hmm... baby, stop that! let's sleep" ungol niya ng halik halikan ko siya
"I'm not sleepy yet, baby" tuloy tuloy parin ako sa ginagawa ko hanggang hinarap ko na siya sa akin at inangkin ang mapupula niyang labi.
"But i am." Usal niya sa gitna ng halik namin. Tumigil ako hinila na siya sa kama.
"Okay, let's sleep baby"
Pagkatapos ko magbihis tumabi na ako sa kanya. Niyakap ko siya habang siya naman siniksik pa ang sarili sa akin.
"Good night, Joshua. " sabay halik niya sa pisnge ko.
"Good night too my baby den-den" sabay halik sa noo niya.
Thanks god pinagtagpo niyo muli kaming dalawa. Ang tagal ko ng hinahanap ang mahal ko. Di ko naman talaga minahal si mery anne siguro nagustuhan ko siya pero di ko minahal. Talagang si den-den lang talaga ang gusto at mahal ko.
Ang saya ko ngayon dahil kumpleto na muli ang buhay ko. Nasa tabi ko na siya at nililigawan pa. Ang saya ko ng malaman ko na hinihintay niya pala ako. Kaya ito ako ngayon gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Di na ako aalis muli. Gagawin ko ang lahat para magstay sa buhay niya. Alam kong marami na akong di alam sa buhay niya ngayon pero di ko siya pipiliting sabihin at hihintayin ko lang na magsabi siya sa akin.
I love you so much my queen!
To Be Continued...
__________________
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!