Chapter 40 of 42

Chapter 36 : Battle/She's Back

SOMEONE POV

Palagi akong nakabantay sa kanila, ako ang nagpapadala ng impormasyon na kailangan nila lalo na pag maysusugod na kalaban.

"Hindi ka pa ba babalik?" Tanong ng taong nasa likod ko.

"Hindi pa pero malapit na at nais ko sa aking pagbalik ay kasama ko na ang aking anak."

"Okay, basta ay magiingat kayo. Alam mo naman na napalapit na kayong dalawa sa akin."

"Salamat sa pagaalala mo, mike utang ko sayo ang buhay naming dalawa" ngumiti lang ito sa akin bago nagpaalam, may pupuntahan pa daw kasi. Alam ko naman na pupuntahan niya lang baby niya tsk!

Kunting tiis na lang babalik na kami.

THIRD PERSON

Naghahanda ang bawat panig para sa madugong labanan.

Hindi lingid sa kaalaman ng isang panig na nakahanda na ang kanilang susugurin. Napakakampanti nila na sila ang mananalo dahil wala daw kuno ang empress ng kalaban ngunit di nila alam na nasa paligid lang ito para bantayan ang kanyang mga kasamahan.

"Queen, nakahanda na po ang lahat para sa pagsugod" sabi ng isang tauhan sa kanilang reyna na si merry anne Marquez

'Magbabayad ka shantal sa ginawa mo sa mahal ko, hindi ako makakapayag na ako lang ang magdusa.'

Sa kabilang panig naman ay nakahanda na kung may susugod man sa kanila. Nasa main hideout kasi sila sa pilipinas dahil nabalitaan nilang dun susugod ang kalaban.

Malaki ang hideout na 'to na magkakasya ang libong tao. Pinagawa ito ni queen emp para sa kanilang samahan na naninirahan sa pilipinas.

"Nakahanda na ang lahat king" sabi ni red o C01 kay joshua na kanina pa seryoso ang mukha habang nililinis ang katana na regalo pa ng kanyang asawa.

"Nakapwesto na?" Tanong nito na di man lang tumitingin.

"Yes, ngayon–" hindi natapos nj red ang sasabihin ng biglang may sumabog na hudyat na may sunusugod na.

"EVERYONE, BE SAFE! MALALAGOT AKO SA ASAWA KO PAG NAUBOS TAYO!" malakas na sabi ni king sa lahat na siyang ikinatawa nila dahil sa huling sinabi nito.

Agad din naman sumeryoso ang lahat bago kinalaban ang mga nagtatangkang pumasok sa gate.

Sa tulong nila sam ay hindi agad nakakapasok ang mga sumusugod dahil pinagbabaril nila ito gamit ang sniper at bow and arrow naman kila sandy na sana taas din ng building.

Walang silang kaalam alam na kanina pa sila pinapanuod ng isang babaeng nakahood na itim. Hindi mo makikita ang mukha nito dahil natatakpan ng hood.

Seryoso siyang nagmamasid sa kalaban at pinapatay ang mga nagtatangkang patayin ang asawa at iba pang mga kasamahan niya.

JOSHUA DELA VEGA POV (KING)

Lahat ng lumalapit sa akin ay pinaghihiwa ko. Brutal na kung brutal pero mas brutal ang asawa ko.

I miss my honey! Shit!

Muntek na akong mabaril kung hindi lang may bumaril sa magtatangkang bumaril sa akin. Ilang beses ko ng napansin iyon na may bumabaril sa mga nagtatangka sa akin ngunit akala ko ay isa lang sa malalapit kong kasamahan.

Inilibot ko ang paningin ko at dun ko nakita ang isang tao na nakahood malapit sa puno.

Sino siya?

Dubdub dubdub

Shit! Puso ko, ikaw na ba yan hon! Muntek na naman ako tamaan aba!

Hindi ko na muna pinansin yun dahil baka mamatay ako ng wala sa oras!

Wala na akong sinayang na oras at sinugod ko na agad ang mga taong kagaya kong gumagamit ng katana.

"Woah! 1 vs 5? Not bad."

"Sugod!" Sigaw nung isang pangit!

Kingina! Sabay sabay talaga? Ayaw kong patagaling pa. Bago pa sila makarating sa pwesto ko ay hinugot ko na ang baril na nasa bewang ko at pinutukan sila

"Balleye!" Sapol na sapol kasi sa noo.

Inilibot ko ang paningin ko at napansin di man lang nauubos ang mga kalaban. Kingina!

Bang

Bang

Bang

Bang

Puro putok na baril ang maririnig ko sa lugar nila louis. Hinawakan ko na ulit ang katana ko bago tumulong kila maica na nalaban na ngayon.

"Shit!" Mura ko ng tamaan ako ng bala ng baril sa bewang.

"King may tama ka! Louis i cover niyo kami papu–" naputol ang sasabihin ni maica ng may magsalita.

"Well! Well! Well! Natamaan pala kita, akala ko sala eh HAHAHA"

"Merry anne?" Usal ko. Siya ang bumaril sa akin.

"Yes, its me baby!" Malanding sabi nito.

"Don't call me baby, your not my wife!"

"Oh! Your wife? Hindi pa ba siya patay?" Tila nag iisip nitong sabi.

Mauubusan na ako ng dugo! Patay? Alam kong buhay pa siya dahil wala kaming nakitang katawan sa loob ng kotse.

"Well, ako ba hanap mo?" Napalingon kami sa nagsalita, malamig ang boses niya tulad ni hon. Siya yung babaeng nakahood na bumaril kanina.

"Shantal?" Usal ko. Tumingin ito sa akin bago ngumiti pero nagdilim ang paningin nito ng masulyapan ang tama ko. Kahit nakamaskara ay nahahalata ko ito.

"Oh! Buhay ka pa pala!"

"Malamang! Sa pagkakaalam ko ay si rocky ang namatay, not me!" Bigla na lang sumugod si merry kay shantal kaya naman naalerto kami.

"Shut up! Magbabayad ka ng dahil sayo namatay ang mahal ko!" Hindi kami makalapit sa kanila dahil hinaharangan kami ng mga tauhan ni merry.

SHANTAL GOLDEN ROSE DELA VEGA POV

A/n: guys yung someone kanina ay si shantal baka kasi malito yung iba.

Galit ako ngayon dahil may tama si hon. Bakit kasi di siya nag iingat, kung kanina di siya natamaan ngayon ayun ang lala!

Kung di lang ako sinugod ng mga tauhan ni merry ay makikita ko kung may babaril sa kanya.

Kalaban ko ngayon si merry na galit na galit! Hindi ko naman kasalanan na di umalis si rockey sa loob ng building, alam naman siguro nilang may bomb–ops may ibinato nga pala akong needles kaya di siya nakaalis, mybad!

"Dahil sayo wala na siya! Kaya di ako papayag na maging masaya ka habang ako nagdudusa!" Parang tumigil ang mundo ko ng makita kong nakatapat kay joshua ang baril niya, alam kong di yun napapansin ni josh dahil busy siya sa kalaban niya ngayon.

Bago pa man niya maiputok ay tinakbo ko na ang agwat namin ni josh at niyakap siya para saluhin ang balang tatama sa kanya.

Bang

Bang

Bang

Tatlong putok ang narinig ko bago ko naramdaman ang isa isang pagbaon ng bala sa likod ko!

"Hindiii! Hon look at me, dadalhin ka na namin sa ospital. Hold on baby!"  Naluluhang sabi nito.

"T-take care to our babies, may m-magdadala kay a-ace sa-sayo. M-mahal na m-mahal ko kayo" utal utal kong tanong bago may lumabas na dugo sa bibig ko.

I'm not yet ready to leave my family!

"DOC YUNG ASAWA KO!" rinig kong sigaw ni josh ng makapasok kami sa ospital "hon please kunting tiis na lang. Wag mo kaming iiwan, kailangan ka pa namin ng mga anak mo" nakatingin lang ako sa kanya habang itinutulak nila ang hinihigaan ko.

I mouthed 'i love you' before i closed my eyes i heard him reply

"I love you too"

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!