JOSHUA DELA VEGA POV
"Hon! Wake up!"
"5 minutes hon"
"NO! NOW NA!" Napabangon ako ng mabilis dahil sa lakas ng sigaw ng asawa ko.
"Hon naman ang aga aga pa eh" napapahawak sa noong tanong ko.
"Bili mo ng akong strawberry tapos mangga with bagoong" nakangiting sabi nito. Yun lang naman paâwait!
"What? Hon naman one palang ng gabi eh. Pwede bang mamaya na lang?"
Saan naman kasi ako bibili sa ganitong oras? One palang ng madaling araw!
"*Sob" i want it *sob* now" naluha nitong sabi. Shit! Nagmadali akong lumabit bago niyakap siya.
"Okay! Bibili na ako, dito ka lang ha?" Tumango naman ito at ngayon ay nawawala na ang hula.
Nagmadali na akong bumaba habang nagtatype ng numero sa cellphone at tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin.
["Dude naman! Ganitong oras ka talaga tumawag pwede naman mamaya eh!"] Rinig kong reklamo sa kabilang linya.
"Salder kailangan ko ng tulong mo" yes! Si salder ang tinawagan ko. Alam kung tutulungan ako niyan lalo na at para kay shantal.
["Bakit? May problema ba?]" Napabuntong hininga ako bago nagsalita
"Kailangan ko ng strawberry ngayon. Naghahanap kasi ang kapatid mo alam mo naman buntis, hayst!"
Rinig ko ang tawa niya sa kabilang niya kaya naman napasinghal ako.
["Haha siya hintayin mo na lang dyan bibili na ako, alam ko naman na ako ang pabibilihin mo kaya ka tumawag"]
"Salamaâ"
["Di yan libre!"] Parang si mark na siya!
"Para ka ng si mark eh! Name your price"
["One million dude"]
"Deal, isesend ko na lang sa acc mo"
["Okay"]
Namatay na ang tawag. Nagpunta na ulit ako sa kwarto para tignan kung ano ng ginagawa ni shantal.
Shantal is 6 months pregnant kaya naman tudo bantay ako baka may mangyaring di maganda eh.
Hindi ko ba alam kung anong gender ng baby, ayaw pa kasing sabihin ni shantal gusto niya daw ay suprisahin ako sa araw ng kapanganakan niya.
Sa loob ng anim na buwan na paghubuntis ni hon ay malaking hirap ang naranasan namin. Madalas kasi siyang maghanap ng pagkain sa gabi, katulad na lang ngayon.
Pasalamat nga ako dahil nandyan ang barkada para tulungan ako sa paghahanap kaso ang malupit lang talaga ay sila salder at mark palaging may bayad.
Mga mandurugas!
"Where's my strawberry?" Tanong agad ni shan ng makapasok ako sa room.
Nandun siya sa gitna ng kama habang nakaupo at nakatingin ng deretso sa akin.
"Padating pa lang hon" tumango lang ito. Lumapit ako sa kanya para haplusin ang malambot nitong buhok.
Lagi ko 'tong ginagawa pagmagkasama kami dito sa bahay.
Malaki na ang tiyan niya, hinaplos ko ito ng maramdaman kong may gumalaw kaya naman napatingin ako kay shan na ngayon ay nakangiti.
"S/he kick?" Tumungo ito. My baby is awake.
"Baby daddy can't wait to see you. Pakabait ka diyan sa loob ng tiyan ng mommy mo para di siya mahirapan huh? I love you baby and hon" hinalikan ko ang tiyan niya bago sa pisnge niya.
"Ilang months na lang lalabas na ang baby natin"
Kunting tiis na lang makikita na kita.
3 months later (November 7)
Nandito ako ngayon sa kitchen para magluto ng kakainin ni shan. Simula kasi ng magbuntis siya ay ako ang pinagluluto niya kahit na may maid naman kami.
Kabuwanan na ngayon ni shan kaya di ko siya maiwan iwan na mag isa. Baka kasi bigla na lang manganak ay wala siyang makasamâ
"JOSHUAAAAA!" rinig kong sigaw ni hon mula living room.
Nagmadali na akong pununta dun dahil baka may nangyari.
"What happened?" Tanong ko agad. Nakita ko siyang nakaupo habang hawak hawak ang tyan niyang malaki na.
"M-manganganak na ako!" Shit!
"MANANG PAKISUNOD PO NG GAMIT NG BATA SA KOTSE"sigaw ko bago maingat na binuhat si shantal pasakay sa kotse.
Alam kong naihanda na yun ng driver namin dahil sa lakas ba naman ng sigaw ko.
"Manang sakay na!"
Nagdrive agad si butler sam papunta sa ospital. Napatingin ako kay hon na ngayon ay nadaing sa sakit.
"Hon, malapit na tayo, relax ka muna" sinamaan ako nito ng tingin bigla.
"Paano ako makakapagrelax eh ang sakit sobra?! Di ka na talaga makakaulit!"
"Hon naman!"
"Bahala ka dyan! AHH!"
Maya maya pa ay nakarating na kami sa ospital. Dinala agad siya sa room kung saan yung paanakan.
Kinakabahan ako!
"Dude naman wag kang malikot masyado nakakahilo ka!" Sita sa akin ni salder.
Nandito silang lahat. Kumpleto walang kulang!
Tinawagan ko kasi sila agad noong nakarating kami dito sa ospital.
"Kaya nga king, wala naman mangyayari sa mag ina mo eh"
"Hayaan niyo na lang si joshua baka pagnagbuntis din ang mga girlfriend baka mas malikot pa kayo kay joshua, right sandro?" Sabi naman ni louis. Tumango naman si sandro tanda ng pagsang ayon.
Kaming tatlo palang ang nagkaruon na ng anak dahil nanganak na si sam last month. Babae ang anak nila ni sandro.
"How's my wife and my baby?" Tanong ko agad ng makita ko ang doctor na nagpaanak kay shantal na lumabas sa delivery room.
"Your wife is fine and congrats mr. Dela vega, mrs. Dela vega give birth to a healthy twins."
Thanks god! Wait twins?!
"Twins?" Gulat kong tanong. Tumango naman ang doctor.
"Yes twins, one boy and one girl" sabi nito bago nagpaalam na may gagawin pa daw.
Nagsigawan ang mga kaibigan ko dahil sa balita habang ako ay nakatulala parin. Nagmagsink in sa sakin ay
"YES! KAMBAL ANG ANAK KO!"
"Congrats! Nakakambal ka agad" bati ni sandro.
"Galing niyo naman! Hahaha"
"Ninang ako yehey!" Parang bata na ani ni sandy. Nagtawanan na lang kami bago nagpunta sa room kung saan dadalhin si shantal.
SHANTAL GOLDEN ROSE DELA VEGA POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Ano ba yan?! Hindi ba nila alam na natutulog yunâ
"Ang cute cute naman nila"
"Ang pogi nito oh?! Mana sa tito" rinig kong boses ni ross.
Waitâdahan dahan kong iminulat ang paningin ko, napansin kong nandito silang lahat tsaka ko lang naalala na nanganak nga pala ako.
"Hey, your awake" pansin ni joshua bago ako hinalikan sa noo. "Thank you hon for giving a wonderful blessing"
"You're welcome. Can i see my babies?"
"Sure, kunin ko lang sa kanila" kinuha niya ang kambal na buhat buhat kanina ni ross at kathy.
Nakakatuwa na nandito silang lahat.
"Look ang cute nilang dalawa" tumango naman si josh tanda ng pangsang ayon.
Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si ace dahil di ko siya nanpansin kanina.
"Baby ace, come here" sabi ko ng makita ko siyang nakaupo sa may couch kasama si manang.
"Why mommy?" Tanong nito pero hindi sa akin nakatingin kundi sa kambal.
"I want you to name this girl"nakangiting ani ko
"Really mommy?" Tumango naman ako. Kaya ngumiti itong tumingin kay hon bago ibinalik sa sanggol ang tingin.
Kita kong nag iisip ito habang pinagmamasdan ang bata. Alam kong natutuwa si ace dahil may kapatid na siya.
"Haralyn charlotte Dela vega" usal ni ace kaya nagkatinginan kaming dalawa ni josh bago tumango tango.
Maganda! Hara means reyna.
"And this boy, James Cameron Dela Vega" ani naman ni joshua.
"Welcome to the family Haralyn Charlotte and James Cameron Dela Vega" nakangiting sabi ko.
Welcome to the family of Lee and Dela Vega my babies!
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!