Chapter 34 of 42

Chapter 30 : Ace's Birthday

ACE GILBERT LEE POV (January 2)

Nakakamiss sila mommy! 2 months ko na silang hindi nakikita, nakakausap ko naman sila kaso sa cellphone lang.

Kaarawan ko ngayon pero wala sila dito pero naiintindihan ko naman sila dahil may mga malaking responsibilidad silang ginagampanan.

Alam kong di madali ang mga ginagawa nila, nakita ko yun. Ang hirap ni mommy sa tuwing may nangyayari sa isa sa kanila.

Kahit na adopted child lang ako ay minahal parin  nila ako na parang tunay na anak kaya naman nakapaswerte ko sa kanila.

Nandito nga pala ako sa mansion nila lolo, magulang ni mommy.

Nandito ako sa veranda ng kwarto ko sa mansion. Maganda dito dahil ang view ay kita ang likod ng mansion kung saan nandun ang pool na malaki.

Happy birthday to me!

SHANTAL GOLDEN ROSE LEE POV

Dalawang buwan na simula ng magpropose sa akin si Hon at dalawang buwan na rin na hindi ko nakakasama ang baby ace ko.

Ngayon na ang 7th birthday niya, walang ka alam alam ang baby ace ko na naghahanda kami para sa party niya mamaya.

Alam kasi ng baby ko na busy kami pero ang totoo ay tinapos na namin bago pa dumating ang araw na 'to.

Gusto ko—namin na makasama siya sa araw na' to.

Excited na ako para mamaya. Naalala ko kanina na tumawag si mommy at nag send ng picture ng anak kong nakaupo sa veranda niya.

Haha akala niya talaga wala kami sa birthday niya, padalawang taon na namin siyang kasama mag celebrate ng birthday niya.

"Hon papunta na daw sila mom kasama si ace" sabi ni Josh ng makalapit sa akin.

Dito sa rest house ko sa tagaytay namin naisipan ganapin malaki kasi ito at maganda ang tanawin.

"Hmm, magugustuhan kaya ni baby ace ito?" nag aalangan kong tanong kay Josh.

"Oo naman. Alam mo Hon di naman maluho ang anak natin kaya alam kung ito lang ay sasaya na yun"

Tama siya, simple lang si ace kaya naman natutuwa ako sa kanya.

Di talaga ako magsisisi na inampon ko siya. Bilang mommy ng isang napakabait at mapagmahal na anak ay nagpapasalamat ako't naging mommy niya ako.

"Tara na? Nandyan na baba yung ibang bisita eh" Yaya sa akin ni Josh.

Nandito kasi kami sa taas sa kwarto ko. Nagpapahinga kasi kami dahil sa dami ng ginawa kanina.

Gusto ko kasing may gawin kami sa araw na 'to, special sa anak ko ang araw na' to kaya naman gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya.

"Let's go" maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang waist ko kaya naman na patingin ako sa kanya.

Mataas kasi siya sa akin hanggang ibaba niya lang ako ng tenga eh.

"Why?" tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin ng malalim. Bumaba ang mga tingin niya papunta sa mapupula kong labi kaya naman nakagat ko ito.

"Don't do that Hon" he said on his husky voice.

"If I don't?" naghahamon kong sabi bago kinagat ang ibabang labi.

"Na-ah hon! Ako dapat ako gagawa niyan" bigla na lang ako isinandal sa wall at hinalkan. Tinugon ko ang mga halik niyang kanina pa naghihintay.

JOSHUA DELA VEGA POV

Hindi ko mapigilan ang sarili lalo na't kami lang dalawa dito. Tuloy tuloy lang ako sa paghalik sa kanya.

I bit her lower lips, kaya naman nagreklamo siya HAHAHA.

"That's hurt you know" mataray nitong sabi.

"Sorry, hon i-i just.. Ahh" di ko matuloy ang sasabihin ko.

"You're horny?" deretsong tanong nito. Tumango naman ako. Simula ng may mangyari sa amin lagi ko na lang siya hinahanap tapos madalas pa akong dalawin ng kapilyohan ko pag siya ang kasama ko.

"Later ho–" di natapos ni shan ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto.

"Shan nasa labas na sila tita kasama si Gil" rinig kong boses ni Jamaica sa labas ng pinto.

"Okay susunod na kami" sagot ni hon kay maica.

"Okay" sigaw nito pabalik.

"Nandyan na daw sila, so baba na tayo" naglakad na kami pa labas hawak nakapulupot parin sa waist niya ang kamay ko.

Nang makababa kami ay sumalubong sa amin ang mga bisitang masayang nag uusap.

May ibang business ang usapan, ang iba naman about sa mafia. Ang mga visit kasi ay kasama sa organization ng dalawang mafia.

"Yun nandito na rin kayo! So let's start" sabi ni Kate na siyang nakaupo sa table kasama ang mag ama niya.

Wala paring nagbabago kay Kate maliban na lang sa pagiging manhater niya.

Ngayon ay na bawasan na dahil nga nagkaroon na ito ng asawa habang ang kakambal naman nito na katabi si Ross habang masayang nag uusap.

Ang dalawang yun ay mahilig parin magbangayan pero nag liligawan na sila.

Sa aming magkakaibigan dalawa na lang ang walang label, isa sila Kathy na nasa ligawan stage palang habang sila sandy at Mark na ganon din. Sila maica at salder ay mag jowa na

Maya maya pa ay pumasok na sila mom kasama ang anak namin na inililibot ang paningin sa buong lugar hanggang sa tumigil ang paningin niya sa amin ni Shantal.

"Mom? Dad?" gulat nitong tanong. Tumago naman kami na may ngiti sa labi kaya naman tumakbo ito pa punta sa amin at niyakap kami.

"Happy birthday our son" sabay naming Bati ni Shantal.

"I thought you both forgot my birthday kaya wala kayo sa bahay" he said.

"Hindi namin makakalimutan noh. Alam mo naman na ikaw lang ang anak namin kaya dapat wala kaming nakakalimutan about sayo" nakangiting sabi ni shantal

"Tama mommy mo baby, ikaw ang una namin anak kaya di ka namin makakalimutan, okay?" tumango naman ito.

Nag simula na ang party. Madaming gifts na natanggap si ace lalo na kay Nathan, yung pinsan ni Shantal na akala ko ay iba niya.

Maling akala!

Kaya wag kayong gagaya sa akin na nag iisip agad kaysa itanong muna.

"Happy birday kya Ace" Bati ni franchesca yung anak nila kuya franco at ate Eunice. Bulol pa siyang magsalita. Limang taon palang ito ngayon.

"Thank you cheska" sabay gulo ng buhok nito kaya naman nakita namin na sumimangot ang bata.

"Ehh?" napout ito sa harap ni ace kaya naman natawa ng mahina ang anak ko.

"Cute! Soon magiging akin ka, baby cheska ko"  rinig kong bulong ni ace na narinig din pala ni Shantal kaya naman nagkatinginan kami na may malalaking mata.

Shit! Anong pinag iisip agad ng batang ito? Ang liit liit pa eh.

Pitong taon palang pero kung mag isip ay akala mo matanda na kaya nga nagtataka ako minsan na baka anak talaga namin si ace dahil minsan kaugali nito ang mommy niya minsan naman ako.

"Napaaga ata ang pag ibig ng anak natin Hon" sabi ko kay shan.

"let see" tumango na lang ako.

Tatandaan ko ang sinabi ni baby ace para paglaki niya ay matanong kung naalala niya pa yun.

Hindi ako makapaniwala na may kinahahangaan agad ang anak namin.

Maganda naman si cheska at bibo kaya di na ako nagtatakang humanga si ace sa batang iyon.

Nag tuloy tuloy lang ang party hanggang sa magsiuwian na ang iba habang kami naman ng mga kaibigan ko ay dito matutulog kasama syempre ang mga commander na umatin dahil gabi.

Malaki naman ang rest house kaya magkakasya kami. Di narin umuwi sila mom dahil nga gabi na pati narin sila kuya franco dahil commander ang isang yun.

Nandito na kami sa kwarto kasama si ace. Tatabi daw kasi siyang matulog ngayon ay tulog na sa gitna namin.

"Hon" tawag pansin ko kay Shantal. Tumingin naman ito sa akin na nagtatanong. "Sabi mo kanina later" nakanguso kong sabi. Totoo naman kasi.

Tumingin ito kay ace na nasa gitna namin kaya naman na gets ko agad ang ipinaparating niya kaya naman hinila ko siya papunta bathroom sa loob ng kwarto.

"Ikaw talaga. Gagawa't gagawa ng paraan makuha lang ang gusto" naiiling nitong sabi. Ako naman ngumise lang ng malaki bago siya binuhat pataas sa tapat ng salamin. Yung pinapatungan ng mga gamit like toothbrush, sabon, etc.

Sinunggaban ko agad siya ng halik, habang hinahalikan ko siya ay isa isa kong inaalis ang saplot niya ganon din ang suot ko.

Nang maalis ko lahat ay ginawa ko na ang mga gusto kong gawin sa kanya. Walang tutol siyang ibinigay ang lahat ng yun.

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!