One year later
JOSHUA DELA VEGA POV
Isang taon na ang nakalipas simula ng makuha nila si alise. Walang namatay sa kanilang lahat kaya naman laking pasasalamat ni Shantal ngunit hindi parin naiwasan ang masugatan katulad ni Sam noon na may tama sa bewang kaya naman ang galit talaga ni Sandro.
Mabuti na nga lang ay napakalma ito ni Shantal kung hindi baka ang dami nitong nawasak. Naalala ko pa ngang nagkagulo sa headout sa Korea pagkadating nila
Nakaabang na kami sa kanilang lahat. Kinakabahan ako ganon din si Sandro na siyang kasama ko dito sa hideout dahil nasa pilipinas sila Ross.
Napahinga ako ng malalim ng sunod sunod ang pagdating ng mga van at ang mabilis na pag lapit ng mga doctor dito sa hideout at isa na dun si Andrea na nakilala ko lang kahapon.
"Tangina!" mura ni Sandro at mabilis na tumakbo sa van ng makitang inaalalayang ng mga doktor si Samantha at ang ibang sugatan.
Mabilis akong lumapit kay Shantal at chineck kong may sugat o tama ba siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng isang daplis lang ng patalim ang nakuha nito sa may braso. Hindi naman ganon kalalim kaya nabawasan ang kaba ko.
Napatingin ako kay Sandro na ngayon at tumutulong na sa pagdala kay Samantha sa kwarto.
"May tama si Samantha?" biglang tanong ko kay Shantal.
Tumango ito at yumakap sa akin "May tama siya sa bewang. Nakalagyan na naman kanina ng first aid kit kaya alam kong hindi ganon kalala ito" tumango na lang ako at inalalayan din siyang pumasok.
NAPATAKBO sa kwarto ni Samantha dito sa hideout ng biglang may magsabi sa amin na nawawala daw si Sandro.
"Stop it kuya!" pigil ni Shantal kay Sandro na susuntok na sana sa pader.
"Ano ba kuya?! Can't you stop hurting yourself? Alam mong ayaw ni ate Sam ang ginagawa mo. Anong silbi ng pag-iwan namin sa iyo dito kung ngayon palang ay sinasaktan mo na ang sarili mo huh? Bahala ka nga dyan naiinis ako! Hintayin mong magising si ate baka tumino ka saglit" galit na umalis si Shantal na ikinatulala ni Sandro ngunit mabilis din namang hinabol si Shantal at humingi ng pasensya.
Nailing na nga lang ako ng magkaayos din naman sila. Ganon talaga ng dalawa, magagalit ngunit mabilis ding mag-aayos siya close eh.
Ngayon ay hindi na kami nag aaral dahil kumuha na lang kami ng exam para makapagtapos agad kahit na bata palang kami.
Sila louis ayun lumabas na ang anak nila and it's a boy.
Nalaman din namin na pati sila sandy ay kasali sa mafia kaya naman nagulat si louis na ang mapapangasawa niya ay isang nakakatakot na tao.
Sinong mag-aakala di ba? Mga mahal namin ay mas matataas pa sa amin. Kaya naman takot na lang namin kung iiwan at sasaktan namin ang mga yun.
"Hon, tara na susunod na sila sa simbahan" biglang sabi ni shantal ng makalabas siya sa pinto kung saan nandun ang ikakasal na babae.
"Okay, let's go" tumango naman ito at ikinawit ang kamay sa barso ko.
Nakasuot si dress patube na dark pink habang may bulaklak sa ulo. Bride of hinor si hon ako naman ang bestman.
Ang ganda! Light make up lang na siyang nakadagdag ng ganda nito.
"Hon, matunaw ako niyan" natatawang ani nito.
"Haha ang ganda mo talaga" habang pinasadahan siya ng tingin mula paa pataas sa ulo, pero napatigil ako ng tingin sa dibdib niya. Fuck! "Hon yung cleavage mo talaga" inis kong sabi.
"Wag ako sisihin mo si ate sam kaya sisihin mo ito ba maman ang hiling"
"Aish kung di lang talaga nila kasal di ako papayag sa suot mo! Dapat ako lang ang nakakakita niyan. Mamaya gamitin mo suit ko pagkatapos huh?" Tumango naman ito.
Naglakad na kami sa kotse ko para makapunta sa simbahan kung saan ikakasal sila sandro.
Yeah ikakasal na sila ngayon. Dahil nga tapos na kami mag aral ay ikakasal na sila dahil ayon ang gusto ng pamilya nila at gusto rin naman nila.
Soon kami naman ang ikakasal HAHA. Yeah walang kaalam alam si shantal na magpopropose ako sa kanya mamaya after weeding nila sandro.
Alam nilang lahat yun maliban kay shan.
Nakakaexcite na nakakakaba, malay natin baka di niya ako sagutin.
"Eyy nangyare sa mukha mo?" Takang tanong ni shan. Di ko pala napansin na nakasimangot na ako.
"Wala lang hon, may iniisip lang ako"
"Hmm, hon malapit na ang birthday ni ace mag seseven na siya. Ano kayang gagawin natin? Alam mo naman hindi tayo masyadong nakapaganda noong birthday niya last year dahil sa mga nangyari.
Oo nga noh, malapit na pala ang birthday ng anak namin. 2 months na lang.
Di man tunay na anak namin si ace ay tinuturing namin itong tunay na anak ganon din naman sa amin si ace na magulang na talaga ang turing sa amin.
Mahal namin ang batang iyon!
"Hmm kung magpaparty na lang tayo? 7th birthday niya naman eh tsaka na lang natin dalhin kung saan niya gusto"
"Maganda yan! Excited na ako, siguradong pati sila mommy matutuwa." Tumango naman ako.
Sila tita ay napalapit na kay ace lalo na madalas si ace sa kanila pag busy kaming dalawa ni shan sa company at sa Organisasyon.
Tahimik ngayon ang buong mafia world na ikinakakaba namin.
Alam namin na di yun basta basta tatahimik. Siguradong may pinaplano na ang mga kalaban lalo't isang taon na silang nananahimik.
Ayokong mawala ang mga mahal ko lalo na si shantal. Alam kong siya ang pinaka target ng kalaban kaya naman ayokong nawawala siya sa paningin ko.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa napiling simbahan nila sandro. Halos si shantal ang gumastos sa lahat dahil ayon ang daw ang regalo niya.
Noong una pa nga ay ayaw pumayag nila sandro baka daw maubos ang ipon ni shan pero noong sinabi ni shan na hindi yun mangyayari ay nagulat sila.
Naalala ko pa nga ang nangyari noong araw na yun.
Nandito kaming lahat sa mansion ng mga lee para magdiner, kumpleto kaming lahat na akala mo ay may party pero parang meron naman talaga, dahil nagpropose si sandro kay samantha kahit na mag engaged na naman sila.
Sabi niya kasi gusto niya daw iparanas kay sam na may magpropose sa harap niya.
"So kailan ang kasal niyo?" Tanong ng chairman ng mga lee.
"Hmm siguro po mga after 3 months dahil aayusin pa naman po namin ang lahat" tumango tango naman ito sa sagot ni sandro.
"Ate sam, kuya i want to give the both of you an advance weeding gift kung papayag kayo" sabi ni hon.
Tumingin sa kanya lahat na may nagtatanong na mukha.
"What is it?" Excited na sabi ni sam.
"Hmm baka di kayo pumayag eh" napout nitong sabi.
"Sabihin mo muna kasi" sabi ni ross kaya naman inirapan siya ni Shantal. Kawawang ross meron kasi ngayon si shantal kaya maldita at isip bata na naman.
"Ako ang gagastos sa lahat sa kasal niyo" deretsong sabi nito. Gulat ang mababasa sa mga mukha nila. Ako naman di na nagulat dahil nasabi niya sa akin yun.
"Seryoso ka baby golden?" Gulat na tanong ni sandro. Tumango lang si shan. "Pero saan ka kukuha sa ipon mo?" Tanong ni sandro uli. Umiling naman si hon.
"Eh saan nga twin?" Tanong naman ni ross. Hindi nagsalita si shantal pero may kinalikot sa cellphone niya.
Maya maya pa ay ipinakita nito ang cellphone kay ross na makikita mukha ang gulat ng makita at mabasa ang nakasulat dun.
"What the?!" Usal nito.
"Hey anong yan bro?" Lahat na ay nagtataka maliban sa amin ni shan na kumakain parin.
"Oh my god!"
"This is real?"
"Kailan pa?"
"G-Rose Company?!"
"OMG! Ikaw ang owner non?"
Kanya kanyang usal ng mga kasama namin na patin magulang ay nagulat din.
Maliban pala sa lolo ni shantal na nakatingin lang sa kanila. Alam kung alam ng lolo ni shan dahil katulong niya ito.
"So di na kayo tatanggi?" Dahan dahan lang tumango ang dalawa. "Good."
Kaya ang nangyari, si shantal ang gumastos habang sila ang namimili.
Maganda ang theme ng kasal nila. Malafantasy. Yun kasi ang gusto ni samantha kaya naman sumang ayos na lang si sandro sa mapapangasawa.
SHANTAL GOLDEN ROSE LEE POV
Hinihintay na lang namin dumating ang bride kasama ang magulang nito.
Nakakaexcite dahil ikakasal na sila. Sila kate naman ay kasal na kaya pa dalawa na si ate sam na magkakaroon na ng asawa sa grupo.
Ewan ko ba kanina ko nararamdaman na kinakabahan ako sa di ko malaman na dahilan. Hindi na siya yung feeling na may mangyayaring masama. Ano lang yung kaba na di maintindihan.
Wala naman sigurong mangyayari dahil kasal lang naman nila ate ngayon.
Maya maya pa ay dumating na ang bride kaya naman nagsimula na ang kasal. Madaming dadalo may media rin sa labas dahil kilala ang pamilya namin at ni ate sam.
KAKATAPOS lang ng weeding ceremony kaya naman ngayon ay papunta sa sa reception. Madami ang ginastos ko pero worth it naman dahil nakikita kong nagugustohan nila ang naging resulta.
"GOOD AFTERNOON EVERYONE! NOW LET'S WELCOME THE NEW WED COUPLE, MRS. AND MR. LEE" sabi ng emcee ng makarating sila kuya sa loob ng reception.
Madaming bumabati sa kanila habang naglalakad papasok.
"Thank you everyone for coming to our weeding day" nakangiting sabi ni ate sam. "Especially, thank you sam for this beautiful place. Kung hindi dahil sayo hindi magiging ganito kamemorable ang kasal namin kaya naman please come here" tawag sa akin ni ate sam. Kahit nagtataka ay tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila.
"Thank you baby golden ko" pasalamat ni kuya tsaka ako niyakap kasama si ate sam.
"Haha wala lang yon. By the way you're welcome" humiwalay na ako sa kanila.
"We want you to be more happy kaya look at your back"
Kahit nagtataka ako sa sinabi ni kuya sandro ay tumingin ako dahandahan, una kong nakita ay ang nakatayo kong mga kaibigan habang may mga letrang hawak na siyang nagpaluha sa akin.
WILL YOU MARRY ME?
Tumingin ako sa harapan ko kung saan nakaluhod si josh habang may hawak na red box sa loob ay may diamond ring.
"Hon, alam mo naman na mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mawala ka pa sa piling ko, bata pa man tayo pero hon i will ask you this question... Nakakakaba" dahil sa huling sinabi niya ay natawanan kaming mga nakarinig lalo na ang mga kaibigan namin.
"Si king kinakabahan HAHAH" asar ni louis kaya naman sinamaan siya ng tingin ni josh.
"Shantal goldem rose lee Will you marry me?" Tanong nito habang nakatingin ng deretso sa nga mata ko.
Tumingin ako sa mga nakapalibot sa amin at lahat sila ay nakangiti na naghihintay sa sagot ko. Nagthumps up naman sila mommy sa akin kaya tumingin ako kay hon at
"Yes i will marry you joshua dela vega" nagpalakpakan ang lahat ng maisuot na ni josh ang sing sing tsaka ako hinalikan HAHAHA.
"Congrats bro, ingatan mo kapatid ko kundi lagot ka sa amin pagniloko mo yan" biglang sabi ni kuya sandro sabay tapik sa balikat ni josh.
"Don't worry bro di ko kayang saktan ang mahal ko" nakangiting sabi ni josh kaya naman nahawa ako.
Kung dati ay napakacold niya ngayon naman ay puro ngiti na ang makikita mo sa mukha.
SOMEONE POINT OF VIEW
Sige lang magpakasaya kayo hangga't wala pa kaming sapat na dami, dahil sa oras ng pagbabalik namin ay di ko na hahayaan na mabuhay pa kayong lahat HAHAHAHAHAHA
"Tara hayaan muna natin sila na magsaya pero maghanda sila sa araw ng ating pagbabalik" sabi ko sa aking mga tauhan na ngayon ay kasama kong nakatingin sa mga kalaban namin.
"Okay po boss"
Maghintay kayo sa aking pagbabalik dahil wala akong ititira kahit na ikaw shantal!
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!