Chapter 9 of 28

Chapter 9

Always Been with You1,969 words~10 min read

Madaming nangyare, actually wala masyadong nangyare pala after ng mga naganap na drama between me and the others, wala na, wala nang pansinan, ni isang usap wala, hanggang sa mag moving up na kami at tuluyan na kaming nag hiwa-hiwalay. First day ng senior highschool ko, and to be honest, wala na agad akong ganang pumasok at magpaka mabuting estudyante. Pumasok na lang ako sa room ko at pumwesto sa pinaka dulo, agad ko namang pinagmasdan bawat students na nasa room na ito, agad ko silang hinuhusgahan, and as expected none of them are the kind of people that will last. Ngayon pa lang may nakikita na akong nag sisiraan, first day pa lang magkaka issue na. Tumungo na lang ako sa desk ko at pinakinggan na lang ang ingay ng paligid. Narinig ko naman sila na nagbubulungan, ayon sa mga sinasabi nila may kaklase na daw silang pogi, baka may kakapasok pa lang na lalakeng student. Maya maya pa ay naramdaman ko na may umupo sa upuan sa tabi ko, wala naman na akong pake kung may tumabi sa akin or wala, pero mas okay sana kung wala, at sana hindi madaldal at epal yung katabi ko para matapos tong year na toh na tahimik lang buhay ko.

Anyways, ang tagal pala naming di nag kita ni mark, dahil sobrang awkward ko sa kaniya dahil sa nangyari samin nung last kita namin... nag kiss kami, hanggang kiss lang naman yung nangyari samin pero sobrang hiyang hiya ako sa nangyari, I mean alam ko naman na siya nag initiate, pero I know din naman na ginawa niya lang yun as some sort of comforting thing for me, and siguro para mawala na din yung bad

Thoughts ko that time kaya niya ginawa yun. Dahil dun sa nangyari na yun, 5 months ko na siyang di nakikita, last kita namin is moving up, nung February pa, eh September na ngayon, nag uusap naman kami, sa chat pero di ako sumasama sa kaniya pag nag aaya siya ng gala, di ko siya kaya harapin.

"Good morning class, please remain seated, no need for loud greetings, just write your name in this paper" rinig kong sabi ng teacher ko na kakapasok lang, ayoko na sanang kumilos pa mula sa pwesto ko pero no choice ako, kaya inangat ko na ang ulo ko at tumingin sa white board, nag susulat kasi ng list ng topics yung teacher namin about sa subject namin.

"Honey, Na miss kita, sana miss mo din ako" mahinang sabi ng katabi ko at for real kinilabutan ako dahil sa boses ng nag sabi nun, sino pa bang ibang mag sasabi sa akin ng ganyan, iisang tao lang mag sasabi sa akin niyan at kakausap sakin

"Mark" medyo gulat na sabi ko pero mahina lang dahil ayoko namang agaw atensyon ako, dahan dahan naman akong lumingon sa kaniya, na para bang isa akong character sa horror movie na alam niya nang nasa likod niya yung killer tapos lilingon pa siya ng dahan dahan, pero yung kaba ko pang character din sa horror movie

"Callie, Mag usap tayo mamaya" bigla niyang seryosong sabi sa akin, kita ko naman sa mukha niya na may inis siya nung sinabi niya nun, for sure galit siya sa akin, pero sana hindi siya sobrang galit sa akin, i don't want to be in trouble with him.

Habang nag sasalita si maam ay hindi ko mapigilang tumingin tingin kay mark, hindi kasi ako mapakali eh, kinakabahan kasi ako sa pwede niyang sabihin sa akin mamaya, okay lang na magalit siya sakin pero wag sana to the point na never na kaming mag uusap, or kaya sana wag about sa kiss, kasi honestly I can't talk about that, di ko alam ano sasabihin bukod sa mag apologize. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko, wala siyang sinabi at wala din naman akong magawa, pero the whole class ay hinawakan niya lang ang kamay ko. After ng first subject ay humiwalay ako kay mark para pumunta ng bathroom, pagka punta ko ng cr ay agad akong pumasok sa isa sa cubicle at naupo lang dun, at tinry pa kalmahin ang sarili. Ng medyo kalmado na ako, ay agad akong lumabas ng cubicle, pero nagulat ako sa nakita ko...

"So tama ang hinala ko, iniiwasan mo ko?" Bungad niya agad sa akin, naka abang kasi si mark sa tapat ng cubicle na pinang galingan ko

"Hindi kita iniiwasan" medyo nauutal kong sabi pero sana hindi masyadong halata, pero sinong niloko ko? Eh si mark tong kausap ko, for sure bawat kilos ko pansin niya at alam niya na tumatakbo sa isip ko, lumapit naman siya sa akin, kaya medyo napa atras ako pero agad niya din akong hinila palapit sa kaniya at niyakap

"Sorry na Hon, mag papanggap sana akong galit sayo kaso di ko kaya, tapos sobrang lamig pa ng kamay mo kanina, pero sana sabihin mo sakin kung bakit mo ko iniiwasan" sabi niya sa akin habang nakayakap siya sakin, alam niya naman yung reason kung bakit ko siya iniiwasan, alam kong alam niya yun, pero kung hindi niya nasabi ng deretsa yung reason, hindi ko din masasabi sa kaniya

"Hindi naman kita iniiwasan eh" medyo naluluha kong sabi sa kaniya, akala ko kasi talaga kanina last na pag uusap na namin toh kasi galit siya sa akin, hinampas hampas ko naman siya habang nakayakap pa din siya sa akin

"Sorry na hon" medyo natatawa niyang sabi sa akinnat humarap siya sa akin at pinunasan ang mukha ko, kumawala naman ako sa kaniya at lumapit sa sink para mag hilamos

"Napapansin ko, napapadalas yung pag iyak mo, hindi sa sinasabi kong masama yun or dapat pigilan mo, pero sobrang emotionless mo dati. Pero mas gusto ko ikaw ngayon, atleast hindi ka na masyadong nag tatago ng feelings mo" sabi niya, at oo inaamin ko sobrang emotionless ko dati, lahat ng nararamdaman ko di ko pinapaalam or pinapakita sa actions ko, pero after ng mabigatang iyak ko kay mark, mas lumalabas na yung emotions ko, at parang hindi ko na siya masyadong pinipigilan.

"Sana ganyan ka na lang lagi, para hindi ko na kailangan hulaan kung anong nararamdaman mo. Kahit nag oopen ka sa akin ng mga problema mo dati di ko alam kung anong nararamdaman mo eh, sobrang poker face mo kahit sakin. Tara na kain na tayo" sabi niya sa akin at hinila na ako palabas ng cr.

"Punta tayo sa SM malapit dito, arcade tayo bago TAYO UMUWI SA BAHAY KO" sabi niya at diniinan niya talaga ang pagkakasabi sa dulo, i know naman na nag tampo siya sa pag iwas ko, obvious naman kanina pa siya nag paparinig sakin about doon, siya din naman may kasalanan bakit ako umiwas, siya ang nag initiate ng dahilan kung bakit na awkwardan ako...

"Tutuloy pa ba tayo sa SM?" Takang tanong ko kay mark ng matapos ang class namin for the whole day, tumango tango naman siya sa akin dederetso na sana ako papuntang exit gate ng school nang biglang iba yung nilikuan ni mark

"San ka pupunta?" Takang tanong ko at sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kaniya at wala naman akong choice kundi sundan na lang siya, maya maya pa ay napunta kami sa underground parking lot ng school

"Dito mo na ba ako papatayin at ididspose?" Natatawang sabi ko sa kaniya pero di siya lumingon man lang sa akin, at mag dadabog na sana ako kasi tinatamad na ako magkikilos ng biglang may nag alarm na kotse, yung alarm na parang na unlock yung kotse, sinundan ko naman agad kung saan nang galing yun, at nakita ko ang isang matte black na kotse na may customized na plate, pumunta naman dun si mark at inopen ang pinto ng shotgun seat.

"Sakay na" sabi niya sa akin at naka ngisi naman siya habang sinasabi niya yun at inirapan ko na lang siya at sumakay na, sinara niya naman na ang pinto ng maka pasok na ako at sumakay na din siya

"Kung hindi mo sana ako iniwasan, malalaman mo sana na may kotse na ako at may license na ako" sabi niya pa at inirapan ko na lang siya, ako ng ako sinisisi eh siya nga may kasalanan

"Aba oy i congrats mo naman ako, iniwasan mo na nga ako, iniirapan mo pa ako" sabi niya at nag simula ng mag drive, nainis naman agad ako sa mga sinabi niya at hinampas siya ng bag sa mukha

"EH KUNG HINDI MO SANA AKO HINALIKAN EDI SANA DI AKO AWKWARD SAYO! MAKAPAG SALITA KA DYAN, IKAW MAY KASALANAN KUNG BAKIT AKO UMIWAS KAPAL NG MUKHA NETO!" iritang sigaw ko sa kaniya at aba ang loko parang tanga tinawanan lang ako at humagalpak pa siya sa tawa, tinggal ko yung seatbelt ko at agad na lumusot sa gitna ng upuan namin para pumwesto sa passenger seat sa likod.

"Mag drive ka na lang dyan kung ayaw mong tumalon ako mula dito" inis na sabi ko sa kaniya at hindi ko siya pinansin buong byahe which is hindi naman ganun katagal mga after 30 minutes ay nakarating na kami sa SM.

"Oy andito na tayo pansinin mo na ako, libre naman kita eh" sabi niya habang naka akbay sa akin, andito na nga kami sa sm at nag hahanap ng nag bebenta ng ice cream

"Sorry na, alam ko namang ako first kiss mo eh, ayaw mo nun at least sure ka na forever mong kasama yung first kiss mo, tapos pogi pa" sabi niya at sinikmuran ko naman siya dahil nakakainis siya, i mean totoo naman siya ang first kiss ko, hello wala akong jowa at never pa akong nagkajowa, atsaka christian school pinang galingan ko, mukha bang may jojowa sa akin dun, at lastly mas madaming homophobic sa paligid ko kesa ally.

"Scar, wag kang lilingon pero asa food court sila kiel, magkakasama silang lahat, naka tingin sila satin" sabi niya at mas hinila ako palapit at padikit sa kaniya, tinignan ko naman yung sinasabi niya pero di ko pinahalatang tumingin ako, nakita ko nga sila na nakatingin sa dereksyon namin at tinuturo kami habang nag bubulungan

"Alam mo sila sila na lang din nag sisiraan at nag iissue sa isa't isa. Lahat sila may gc na hindi kasama ang isa sa kanila. Sinama kasi nila ako sa gc during ng months na di mo ko masyado pinapansin, Syempre nag leave agad ako" sabi niya sa akin at tumingin ako sa kaniya, i still can't stop myself from thinking na ako ang dahilan kung bakit hindi niya na kaibigan yung mga kababata niya, ng dahil sa akin he's forced to be just with me and talk to me, i kinda ruined and is still ruining his life

"Hahalikan kita sa harap ng lahat ng mga tao dito pag hindi mo itigil yang mga iniisip mo" sabi niya sa akin na para bang nagpa gising sa akin sa realidad na nag lalakad pa din kami, sasapakin ko na sana siya ng marahas niya akong hinila paliko at napunta na kami sa bentahan ng ice cream.

"Di ako mapapagod sabihin sayo na, kung hindi dahil sayo hindi ko malalaman tunay na ugali ng mga yan, atsaka kahit naman mas matagal ko na silang kilala, ikaw lang naman ang nag stay sa tabi ko from the beginning, ikaw lang lang yun andyan para sakin lalo na noon. Tingin mo ba di ako sinisiraan niyang mga yan? Kahit sino sinisiraan nila, wag mo na nga sila isipin di naman sila importante. Dapat pala di ko na lang sinabi na andun sila" sabi ni mark habang nakain ng ice cream, eto naman ako at nakatitig lang sa kaniya...at napunta sa lips niya yung tingin ko, tapos biglang pumasok sa isip ko yung time na hinalikan niya ako...

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!