Chapter 3 of 28

Chapter 3

Always Been with You2,037 words~11 min read

"Ako sayo'y kaibigan lamang~" biglang kanta ko, dapat sa utak ko lang yan kakantahin kaso lumabas sa bibig ko

"Oy uulan" pang aasar ni cyrus, i mean yeah di naman maganda boses ko but that will not stop me from singing

"Shhh broken kay kael yan" sabi nila jhanna, at umarte naman ako na umiiyak, bigla namang umakbay sakin si kael, katabi ko kasi, agad ko namang hiniga ang ulo ko sa shoulders niya

"Putek ang rupok mo ah" sigaw ni annie, at umakto naman akong pabebe, pero maya maya din ay tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sakin, for sure na ngangalay na din yan, atsaka naiirita ako bigla. Lumipat na lang ako ng pwesto at pumunta sa tabi ni mark, di naman siya nag reklamo ng kunin ko ang kamay niya at inangklahan ang braso niya

"Problema mo?" Tanong niya sa akin at napa buntong hininga na lang ako ng malalim at agad na nag fake smile sa kaniya, at tumingin siya sa akin at umiling iling. He knows. Only Mark, and Ruther, knew about this... I am not mentally and emotionally stable. I experience a lot of mood swings, more than i can control, more than i am aware of. I overthink a lot, more than i can think, and I have suicidal thoughts more than I should. I have tried, but was able to save myself, however I don't know how long can I keep on saving myself.

"Is he, perhaps, your trigger?" Tanong ni mark sakin, although sometimes my moods or thoughts gets triggered by something or someone, but most of the time nasty thoughts with a nasty attitude comes in unexpectedly, i can be in the middle of hanging out with friends, i can be focusing on my studies and i can be in the middle of sleeping.

"Everyone that i genuinely love are my triggers" mahinang sabi ko, alam niya naman eh, I have valued my friends more than i should have, my friends right now are the last group of people na i will love and care for. Yes, I am aware of my differences with them, and that soon they'll all be together without me, and the soon is near, however I chose them as the last people that I will love for the rest of my life. My family is them, my blood relatives have shown me how forced they are to even take care of me, trying to guilt me with the cost of how much they have spent for me with the things I didn't choose, but they did. I don't think i have told this to anyone, but I am the result of a teenage pregnancy, I am an accident, and my blood relatives did not forget to remind me of that every single day of my life. Enough with the trauma dump, I'm currently in peace, now that I am this close with mark, his warmth make me feel at peace.

"Do I trigger you?" Tanong niya at hindi ako sumagot, hindi ko din sasabihin sa kaniya na isa siya sa nagpapakalma sa akin, kahit andyan lang siya at walang gawin, basta nasa literal na tabi ko siya, kakalma na ako. Syempre di ko sasabihin sa kaniya yan, kasi iisipin niya na siya ang safe haven ko, at iisipin niya na baka may mangyari sakin habang wala siya sa tabi ko, edi naging pabigat pa ako, may problema din namang kinakaharap yung tao, makikidagdag pa ako, wag na lang.

"Yes you do, but you must never think that its your fault, kasi I'm wired inside differently." Yan na lang sinabi ko, baka mag isip pa ng kung ano ano toh bigla pa akong layuan, edi napa aga ending nitong story ko. Pinat niya naman ang ulo ko at pinaglaruan ang hair ko, And then i fell asleep.

"Hoy gising na, lunch break na, uuwi ka ba?" Tanong ni mark habang dinudutdot ang pisnge ko, wait mark? Bakit parang nag iba boses niya? Dahan dahan ko namang inangat ang ulo ko at kinusot kusot ang mata ko bago ko siya harapin, nagulat na lang ako ng makita ko na si kael pala ang gumigising sa akin, inirapan ko naman siya agad at uminom ng tubig

"Di ako uuwi" sabi ko sa kaniya, may sasabihin pa ata siya sa akin ng biglang dumating tong mang iiwan na si mark

"Tagal mo gumising, bumili na ako lunch natin" sabi niya sa akin at nilagay niya yung pagkain namin sa table namin at tumingin naman siya kay kael

"Bakit pre may kailangan ka ba?" Takang tanong niya kay kael at umiling iling lang ito at nag ayos ng sarili

"De wala, geh uwi na ako" sabi niya at umalis na, di ko naman na siya sinundan ng tingin at agad na kinuha ang armchair sa harap ko at inikot ito at duon inilapag ang pagkain ko

"Grabe iniwan mo talaga akong tulog dito eh noh, di mo man lang ako ginising muna bago ka bumaba" sabi ko sa kaniya at nag peace sign lang siya sa akin at inabot ang isang litrong c2 na red, mahal mahal nito san kayo bumili toh? Atsaka pala desisyon siya ah, wala naman akong sinabi di ako uuwi at di ako mag lalunch pero binilhan pa ako, mapapagastos pa tuloy ako, pero okay lang thankful naman ako dahil ang tiyan ko ay nangangatok na

"Wag mo nang bayaran, atsaka kinalikot ko bag mo eh, nakita ko yung science at computer book mo, kaya obvious na wala kang balak umuwi, dala mo pa cellphone at charger mo, balak mo pa atang tumambay dito hanggang sa mag uwian" sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya dahil nasimulan ko nang kumain. I have thought about this for quite awhile, mark is the most perfect man I have ever known, and yet I am not attracted to him romantically, maybe my subconscious is telling me that he is the most perfect man for me, because he is perfect for me, the more reason na i should only stay as friends with him and love him platonically, because if i tried to be romantically involved with him and it didn't end well, i will lose him and myself.

"Mark, I love you" sabi ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin at nginitian niya ako habang pinapat ang ulo ko

"I know, and I love you too" sabi niya sakin at kinurot niya ang pisnge ko sabay layo ng pinggan niya sa maabot ko, inirapan ko naman siya agad dahil alam ko na kung bakit niya nilalayo pinggan niya

"Pake ko sa hotdog mo? May hotdog pa naman ako oh, mas malaki pa nga sa hotdog mo, di ko babalakin kunin yan liit liit na nga payat pa" sabi ko, favourite ko kasi ang hotdog, nung bata kasi ako parang every Christmas lang nagkakaruon ng handa na hotdog, kasi ayaw ng lolo at lola ko na nakain kami ng mga ganung klase ng foods, kaya parang naging something siya na gustong gusto ko pero minsan lang napapasakin, at hotdog lang ang reason kung bakit masaya ang pasko ko nung bata pa ako. Nagtaka naman ako ng narinig kong natawa si mark, pati na rin ang iba naming kaklase na dito rin sa room nag lunch

"Bakit anong meron? Bat natawa kayo?" Takang tanong ko kay mark at umiling iling naman siya at sinenyasan ako na ituloy ko lang ang pagkain ko, kaya ayun tinuloy ko na lang ang pagkain ko habang nag hahanap ng pwedeng mapanuod sa phone ko, tibay ng teacher namin eh binigay samin password ng wifi ng school, kaya ayan lahat halos kami naka phone sa room pag walang ginagawa which is halos palagi, grade 10 na kasi kami kaya mga teacher namin minsan di na napasok samin, which is kabaliktaran ng iniisip ko dati bago mag grade 10 kala ko laging busy, puro chill lang pala. Mga teacher kasi namin advance pala mag isip, may year calendar na ginawa para sa lahat ng activities na kailangan namin magawa bago mag moving up, eh lahat yun puro activities talaga, walang written, exams namin mostly video or hands on, project namin puro presentation or gagawa ng miniature na something. Alam na nga namin finals namin sa halos lahat ng subject eh, tinutulungan naman kami mag prepare ng teachers namin, pero madalas asa meeting kasi, halos every month may school activities, from nutrition day to intrams, basta every month may ganap, dami daw kasi nilagay ng DepEd sa school calendar, may set na date pang nilagay. Isang subject lang talaga pahirap sa buhay namin, laging may klase tapos puro written exam pa, pa special talaga ang math eh, although tuesday and thursday lang naman kami may klase sa math, pamatay naman ang sched, tipong kakagising mo pa lang math agad, aga aga naman kasi, 7 am to 9:30 am math class, actually dapat hanggang 9 lang, eh nag eenjoy ata sa pag tuturo yung magaling naming teacher, ayun madalas pa sa araw araw mag overtime.

"Matutulog ka ba uli? Wait mo ko, tapon ko lang tong kinainan natin" sabi niya sa akin at tumango tango, paglabas na paglabas ni mark ng room ay siya namang pag dating ni kael, napatingin tuloy agad ako sa orasan dahil sobrang aga niya dumating, wala pang 30 minutes ng mag simula ang lunch break pero nakauwi na siya at nakabalik na siya agad, bilis naman this boy. Kinuha ko naman ang cellphone ni mark, at nag bio, naka register kasi fingerprint ko dito eh, syempre ako nag sabing iregister fingerprint ko at facial recognition ko, bida bida ako eh. May nakita naman agad akong chat head, at babae ang profile, so syempre pinatay ko agad yung phone at binalik sa pwesto.

"Ganyan na ganyan ginawa mo sa phone ko nung may nakita ka" sabi bigla ni kael na nakaharap sa akin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay at inirapan

"Eh ano ngayon, kwento mo sa pagong" sabi ko, napaka childish ko talaga kahit kelan, pero pake niya ba masyado siyang usisero, feeling may pake eh, kala mo talaga totoo

"Bakit ba apaka taray mo sakin? Kala ko ba may gusto ka sakin? Papaakbay akbay ka pa dyan, makikipag holding hands ka pa tapos tataray tarayan mo lang ako? Diba dapat mabait ka sakin kasi gusto mo ko?" Sabi niya sa akin, hala? Problem neto? Alam kong uso ngayon ang gawing confidence booster at gawing validation ang pag kakagusto ng isang bakla sa isang lalake, pero parang sumobra naman pagka conceited nitong isang toh?

"And so? Sino ka ba? Gusto lang kita, bakit ako magiging mabait sayo, gusto mo ba ako? Hindi diba, so manahimik ka dyan" iritang sabi ko, pasalamat siya kakakain ko lang at medyo good mood pa ako baka nabatukan ko siya pag nagkataon

"Sigaw mo rinig na sa baba, ingay ingay eh matulog ka na nga" sabi ni mark habang pabalik sa pwesto niya, syempre san pa ba pwesto niya? Sa tabi ko malamang, kailangan nating maging possessive minsan kahit di atin. Ay oo nga pala mukhang may jowa na din tong lalake na toh, kainis lahat na lang may jowa, sana all na lang po sa inyo, parang gusto ko po kayo lahat ipakulam.

"Ewan ko sayo, bwiset ka" sabi ko kay kay mark at agad na tumayo at lumipat sa tabi ni ruther na kakadating lang, tumingin naman sakin si mark na nag tataka, inirapan ko naman siya at agad na sumalampak sa sahig dahil malamig ang sahig, dito ko hihiga.

"May nakita yan sa phone mo na ikinainis niya" sabi ni kael at muntikan ko nang ibato sa kaniya si ruther, literal, hinila ko na kasi paa ni ruther eh para itulak siya kay kael para maiba usapan nila

"Bobo mo, si mama nag chat, pati nanay ko pag seselosan mo, ayos ka lang?" Sabi niya at nag taka naman ako, pano ko malalaman itsura ng nanay niya eh simpleng pag Punta sa bahay niya ayaw niyang pupunta ko dun, unless totally alone siya for 2 to 3 days straight sa house nila, para papuntahin niya ako. Homophobic siguro parents niya kaya ayaw niya ako papuntahin pag andun sila

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!