Scar's Story
So, it all started when I got bored in elementary and decided to focus on this guy. His name is Kael, we were in 4th grade, and masasabi kong hindi siya gwapo, hindi rin naman siya matalino, pero sobrang bored ko, and masyado na akong malandi, bata pa lang ako.
"Hi kael, ikaw na lang crush ko ah, hanggang sa mag graduate tayo ng high school, wala na ako magawang crush eh"
So ayun, I treated him as my boyfriend, not totally, like minsan nakikipag holding hands ako sa kaniya, niyayakap ko siya, pinipilit ko siyang akbayan ako, and sweet sa kaniya minsan... pero pag asa school lang kami or pag magkakasama kami ng mga friends ko... so ganyan naging set up namin, hanggang sa naging araw araw ng ganyan, and for the last 5 years ganyan akto ko sa kaniya, wala naman siyang imik, parang tine-take niya lang ako, pero para lang siyang statwang naglalakad pag ganun ako sa kaniya. Hindi naman siya loner, pero ang pinaka topic lang niya tsaka ng mga kaibigan niya kung hindi laro, sasakyan like motor or kotse, matalino naman siya pag dating sa computer and technology, yun lang, tsaka siguro sa laro. Hangang sa naging part siya ng circle of friends ko, yung biglaang grupo na nabuo.
Ang weird nga ng pagkabuo ng circle namin eh, di ko na maalala kung kelan nag simula at kung pano, pero nag simula kami as lima lang halos, ako, si kyla, si don, si gillian, at si maxene,yang mga yan galing yan sa ibang circle of friends. Si gillian at maxene, kasama sa grupo ng mga matalino, si kyla kasama sa mga grupo ng mga volleball player na expert sa tiktok, and si don kasama niya si kael sa grupo ng mga puro computer at laro ang nasa isip, and boom may something na nangyare na naging grupo kami na nag kakaayaan tumambay sa bahay ni maxene every after class, tapos uuwi kami from tambay mga 12 am or 1 am na.
"Hey! Let's eat, may pizza ata now sa menu" sabi ko kay Kael, at hinawakan ang kamay niya at pinilit siya na makipag holding hands sakin, as usual wala lang sa kaniya, wala naman ata siya pake eh
"Yieeee HHWW sila oh!" Pang aasar ng mga kaklase namin, syempre ako umaktong nahihiya, tapos bigla siyang bumitaw, actually ako lang naman nakakapit... sad gurl yarn, i mean literal, imaginin mo naka-holding hands kayo pero ikaw lang naka kapit, parang hawak mo lang kamay niya ganun, imagine nakipag holding hands ka sa statwa. So ayun hinila ko na lang siya papunta sa canteen.
Agad naman kaming pumili at bumili ng pagkain namin, bumalik din naman kami agad sa room dahil masyadong crowded ang canteen, dami daming tao, pwede naman kasing pag iba ibahin schedule ng break time ng bawat grade eh, bakit kailangan sabay sabay buong school.
"Hoy bakla, peram nga selpon" sigaw ni kiana, isa sa kaklase ko, agad din naman siyang lumapit sa akin at hinalungkat ang bag ko para kunin ang cellphone ko. Ganyan na kami halos close ng mga kaklase ko kasi ba naman simula elementary pa lang magkakasama na kami, tsaka simula ng lumipat ng school yung mga hindi namin kaaya-ayang kaklase nawala lahat ng awayan at nakawan sa batch namin. For sure, punong puno na naman yang snapchat ko ng mga mukha ng mga yan, may password naman phone ko, alam nga lang ng lahat ng kaklase ko. Kinuha ko naman ang phone ni kael, dahil hindi naman niya ginagamit, at ayun nag picture lang ako at sinet iyon na wallpaper niya, nag my day pa ako ng mukha ko, tibay ko eh.
"Kael, tingin ka" sabi ko sa kaniya at nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kaniya at nag picture, tapos nilagay ko yun sa story niya sa Messenger at Instagram, masyado akong malakas at makapal ang mukha
"Alam mo, kakaarteng mong ganyan, matulyan kang mafall dyan kay kael" sabi ni Ruther, kaibigan kong lalake, mas matanda ako sa kaniya pero mag kaklase kami, nanay nanayan niya ako, kasi wala lang trip niya lang.... about sa sinabi niya, matagal naman na akong may gusto kay kael, di ko naman din tinatago yun, kaya nga tinuturing ko siyang boyfriend ko, i mean pag na sa school lang kami, pero never ko siyang kinausap sa chat or sa personal ng kaming dalawa lang, kahit never pa naman kaming nag sama ng dalawa lang kami outside ng school. Matagal na akong nafall sa kaniya, sabi ko lang naman sa kaniya outloud na crush ko siya, and that's it, pero never kong sinabi sa kaniya na may gusto ako sa kaniya ng kaming dalawa lang.
"Huh? Sinasabi mo? Eh matagal naman na akong nafall dyan, siya lang naman kung kani-kanino pa nafofall eh, pede naman sakin" sabi ko sa kaniya at nilagay ang kamay niya sa balikat ko, as usual wala talaga siyang reaksyon masyado, di rin naman siya nag rereklamo. Kasi lahat ng nagiging bagong kaibigan kong babae, naging crush niya, yan si kyla naging crush niya kaso nireject siya, tapos ang ending ako pa nag bigay ng advice sa kaniya about kay kyla and things about relationship, letche eh never nga akong nagka jowa, kahit nagka crush sakin wala. Ewan ko ba diyan kung saan saan pa natingin andito lang naman ako, pede naman ako, willing naman ako HAHAHA.
"Teka nakain ako" sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa pagkaka akbay niya, di ko na lang pinansin at kumain na lang din ako. After ko kumain naglaro na lang ako sa phone niya, dahil wala kaming klase sa next subject namin, wala kasi yung teacher, as always. Yang teacher namin na yan, once a month lang pumasok sa klase namin, pero may pa exam tapos sobrang baba mag bigay ng grades, di nga namin alam saan niya hinuhugot grades namin eh, tipong parehas lang naman kami ng exam result nung top 1, pero mas mataas grades nung top 1 sa card kesa sakin, eh wala naman kaming extracurricular activities sa kaniya, parehas lang din kami ng score sa project na binigay, kaya ewan ko, may magic ata yung grades niya. Habang nag lalaro nakatungo sa armchair si kael at natutulog, nang biglang may lumabas na chat head sa screen, di naman nag notification dahil naka mute ang phone.
"Beh laro tayo mamaya"
Mahinang basa ko sa chat, di ko inopen yung chat head kasi diba minsan nakikita naman yung message kahit di mo iseen yung mismong chat, pinatay ko na lang yung phone niya agad para kunwari di ko nakita or napansin. Sumakit dibdib ko eh, but then doesn't really matter, umpisa pa lang naman alam ko na ganito talaga mga mangyayare, since one sided lang naman, it does hurt, but does it matter? It's the truth, it's fate, my feelings has nothing against destiny.
Agad naman akong tumayo at naglakad papuntang rooftop, para lang huminga. Sobrang moody ko this past few months, as in kahit ako naiinis na sarili ko bakit ganun mood ko, tapos sobrang sensitive ko, like simpleng bagay minsan naiiyak ako, syempre di ko pinapakita na umiiyak ako, napaka papansin ko naman para gawin yun. Buti na lang ang lamig at ang lakas ng hangin dito sa rooftop, ang refreshing lang, agad naman akong pumunta at umupo sa pinaka edge, wala kasing harang yung edge dito eh, although elevated yung edge, kaya mas maganda umupo dun, feel na feel ko yung hangin. Pano kaya kung tumalon na lang ako dito bigla, kaso hindi naman masyadong mataas toh, mababalian lang ako ng mga buto.
"Tatalon ka? Wag na nababalian ka lang" sabi bigla ng boses sa likod ko, agad ko namang pinunasan ang mukha ko, at tsaka lumingon sa kaniya
"Yieee sinundan niya ako, miss mo agad ako? Char" sabi ko sa kaniya, si kael andito sa rooftop, halatang bagong gising. Agad naman akong bumaba sa edge, at lumapit siya sa akin
"Nabasa mo yung chat noh?" Tanong niya sa akin, nakakatawa siya, bakit kailangan niyang tanungin sa akin yun? Tinitignan niya ba magiging reaksyon ko? Sinisigurado niya bang nakita ko yun at alam ko na dapat ibig sabihin nun? Too bad, I'm very good at lying
"Chat? Anong chat? Chinat mo ko? Andun kanila kia phone ko eh, may inuutos ka ba?" Maang maangan kong tanong sa kaniya, halata naman sa reaksyon niya na hindi niya inaasahan yung mga sinabi ko, i told you I'm the greatest liar there is, magaling pa akong umarte
"Ah, wala, kala ko..." may sasabihin pa sana siya pero tinap ko lang siya sa balikat at agad na umalis dun at bumalik sa room. I'm not sure, pero iniiwasan ko laging magkasama kami sa isang lugar ng kaming dalawa lang, diba usually dapat parang i-take advantage ko yung ganung moment, pero ewan, parang ayoko siyang makasama talaga ng kaming lang dalawa, parang may something sa akin na hindi comfortable.
"Tapos ka na mag drama?" Tanong ni Mark, inirapan ko naman siya at tumabi sa kaniya at humiga sa lap niya, ganito naman kami lagi, lalo na pag walang klase nakatabi lahat ng upuan tapos sa sahig lahat naka upo
"Hindi nga eh, pumunta kasi dun si kael" sabi ko lang sa kaniya at napa ngisi lang siya sa akin at kinurot ko naman siya
"Nakita ko kasi yung nakita mo" sabi niya at hindi na lang ako umimik dahil obvious naman kung ano yung sinasabi niya...
"Oy pwede na daw tayo umuwi, may meeting daw teachers natin with other school" sabi ni kiana, ginising ko naman si Mark na nakatulog
"Oy, pede na daw umuwi, uwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at nag kusot kusot lang siya ng mata niya at tumango tango sa akin
"Hannah, uwi ka na?" Tanong ko sa isa sa kaibigan ko, umiling iling naman siya at tumayo na ako para mag ayos lang ng gamit, dahil parang tinatamad pa akong umuwi
"Guys, practice kaya tayo?" Bigkang sigaw ni joan, kaklase ko, medyo bida bida, medyo lang naman
"Para saan? First month pa lang ng school year, next month pa start ng events" sabi ko na lang at umupo sa tabi nila hannah
"Ayaw niyo nun? Para maaga tayo?" Sabi niya, kitams? Bida bida masyado sarap ihulog sa second floor, kesa mainis pa ako lalo, tumayo na lang ako at binitbit ang bag ko
"Una na me, chat niyo na lang ako kung may tambay us later" sabi ko kanila maxene at tumango lang sila sa akin at bumaba na ako.
Habang nag lalakad pauwi ay may bigla na lang sumulpot sa gilid ko na naglalakad din, pag tingin ko dito ay si kael pala, nakalimutan ko, iisang way lang pala yung house namin, mas mauuna lang ako.
"Uuwi ka na pala di mo sinabi" sabi niya, kala mo naman talaga may pake, okay inaamin ko na lagi kami halos mag kasabay umuwi, and parang yun yung alone time namin together, although di ko naman kinoconsider kasi mostly di naman kami nag uusap, sabay lang kami mag lakad
"Kala ko mag tatagal pa kayo dun" pag dadahilan ko, kahit naalala ko talaga kung ano yung rason kung bakit maaga siyang uuwi, remember? The message? Kaya nag manadali siya umuwi
"Nabasa mo talaga yun, nakita ko" sabi niya bigla, tumingin naman ako saglit sa kaniya at inirapan siya, ano bang problema nito? Pinag duduldulan ba neto sa mukha ko na may jowa na siya? Masyado atang nagiging conceited tong lalakeng ito
"And? What do you want me to do about it?" Mataray kong sabi sa kaniya, naiirita lang ako sa kaniya, eri ikaw ng may jowa, pake ko! Kaimbyerna amp!
"Wala naman, bat gagalit masyado" pang iinis niya sa akin, hindi ko na siya pinansin at mas nag madali sa paglalakad, buti na lang bakla ako, mabilis maglakad HAHAHA
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!