Hindi ko alam subalit patuloy parin ang paglipad, pag-ikot at pagpagaspas ng mga paruparo sa aking tiyan. Naparami ata ang napakain mo sa akin at tila sasabog na ang aking sikmura. Sa paglipas ng ilang buwan na ako'y tila nangungulila sa kawalan ay bigla ko nalang ulit naisipang gumawa ng tula. At ito ay ilathala. Sapagkat sa mga nagdaang araw ay napakarami ko nang nabigkas na mga piyesang hindi nagawang itala bagkus ay harapan na lamang na binigkas sa milyun-milyong tala. Ang mga paruparo'y nagliliparan subalit ang iba'y sumuko na. Ngunit sa kabilang bandang tingin ko'y hangga't meron ka ay walang humpay at hindi mapapagod ang pakpak ng galak at pagkahibang ng mga paruparong ito. Isa kang kakaibang bulaklak at nais ng mga paruparong ito'y dumapo sa iyo. Ngunit paruparo nga bang maituturing o ang isang tulad ko'y gamugamo?
-Jef
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!