Tulala lang ako habang naglalakad papunta sa room ko.
Kasabay ko pa tong tukmol nato. Nasa likudan lang niya ako kasi nahihiya ako sa sinabi niya kanina eh.
Lakas ng topak.
Imbis na siya yung mahiya ako pa tuloy ang umiiwas. Haystt.
Inaasar na naman ako nun. Yun pa!
Habang naglalakad di ko napansin na huminto na pala yung tukmol. Nasaktan tuloy yung matangos kung ilong! hehe.
Pero masakit din konti.
Nasa tapat na pala kami nang room kaya huminto na siya. Kasalan to nang tukmol binubulabog niya kasi isip ko, ayan tuloy di ko na namalyan na nasa room na kami.
"Huwag mo kasi akong iisipin para alam mo yung nilalakaran mo. Ayan tuloy may nabubunggo kana." sabi niya ng hindi humaharap sakin.
Kapal!
Ang hangin!! sobrang lakas. Natatangay ako!
Bakit kaya ang kakapal na ng mukha ng mga lalaki ngayon no? Daig pa yung bagyo sa kahanginan. Gaya na lang ng nasa harap ko ngayon.
"Tse!" singhal ko sakanya at inirapan.
Papasok na sana ako sa loob ng may humawak sa palapulsuhan ko.
"Just admit it" nang aasar na sabi niya.
Abat!
"Mind reader kaba?" tanong ko habang namamangha.
Kala mo ikaw lang marunong mag biro?!
Napataas naman ang kilay niya. Nagtataka siguro.
Hehehe.
"So.... umaamin kana?" naka ngising sabi niya.
Parang nasa mood ako lumandi ngayon ah! hahaha.
Actually hindi naman landi. Parang aasarin ko lang hehe.
"Oo eh... Iniisip-isip nga kita palagi eh" malawak na ngiting sabi ko sakanya.
Ikaw naman kiligin ngayon!
Wala naman talaga akong balak pumatol sakanya. Nasa mood lang talaga ako kasi busog ako.
Hehehehe.
Nakita kong kinagat niya yung pang ibabang labi niya at pilit iniiwas ang tingin sakin.
Hahahaha! effective!
"May gusto kaba sakin?" nakataas kilay niyang tanong.
Eww. As if...
Yabang talaga ng isang to!. Binubuhat niya sarili niyang upuan. Hahaha
Tsaka as if naman kung magkagusto ako sakanya. Pero pwede din hahaha, syempre joke lang.
Asa!!
"Bakit may angal?" nakangising sabi ko sakanya.
Alam ko naman na hindi siya maniniwala sa sinasabi ko, kaya okay lang.
Tsaka... As if naman na magkagusto ako sakanya. Asa!
Nagulat na lang akong bigla na lang siyang tumakbo. Nangunot ang noo ko sa inasta niya.
Problema nun? Baliw.
Pumunta siya papuntang C.R, habang nagmamadali.
Tsaka napansin ko bago siya tumakbo nakita kong namumula ang tenga niya at pisngi.
Nagtataka akong nakatulala sa labas ng room namin habang pinagmamasdan ang dinaanan niya.
Ano nangyari dun?
Natawa na lang ako ng biglang pumasok sa isip ko ang dahilan.
Hahahahahahahaha!
Alam ko na!!!
Kaya siya tumakbo papunta dun kasi... natatae na siya! Hahahaha!
Siguro hindi na niya napigilan kaya tumakbo na lang siya. Takaw kasi! Pero konti lang naman kinain niya.
Di ko talaga maintindihan ang lalaking yun. Tinotopak na naman siguro hehehe joke lang.
Pumasok na ako sa room ng mag ring na yung bell. Umupo agad ako sa upuan, as usual sa gilid. Favorite spot eh.
Unti-unti na din na pumapasok yung mga classmates ko. At nagsisupuan na din sila sa upuan nila.
Kukuhanin ko na sana ang notebook ko para sa next subject ng biglang may sumigaw.
Kahit nasa labas palang siya ng room rinig na rinig na dito sa loob.
Grabe ang boses ni ate girl!. Pwede na sa palengke! hehehe.
Hahayaan ko na sana at kukuha na ng notebook ng....
"Hey! You!" sigaw ng kung sino.
Sakit sa tenga! Argh!
Tinignan ko kung sino ang sinisigawan niya ng makita kong sakin siya nakatingin at nakaduro pa ang kamay niya sakin.
Luh. Problema nito?
Galit na galit siyang nakatingin sakin habang papalapit.
"Oh. Your the newbie?" mataray na sabi niya sakin pagkalapit niya.
Nagtataka ko siyang tinignan. At dahan dahan akong lumingon sa likod ko, baka kasi hindi ako yung kinakausap niya.
Pero wala pa naman na tao na nakaupo sa likod ko, kaya ako talaga kinakausap niya.
Ngayon ko lang napansin na maganda siya, pero hindi naman masyadong maganda hehehe kaya mas maganda pa din ako hehehe.
Straight ang buhok niya at matangkad din pero mas matangkad pa din ako.
Tsaka medyo makapal din ang make-up niya, kaya masasabi mo talaga na maganda siya. Pero mas maganda pa din sa babae ang natural beauty. Gaya ko hehe.
Ako kasi bawal mag face powder or kahit na anong make-up. Namumula kasi ang mukha ko pag nalalagyan kasi allergic ako at bawal din sakin na makalanghap kasi baka atakihin ako ng asthma.
Pero ang nasa harap ko ngayon mukhang sanay na sanay na.
Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong may bumagsak sa lamesa ko na nag bigay ng ingay.
"I'm talking to you!" sigaw niya.
Nakakagulat naman ang isang to! Di ba uso sakanya ang magsalita ng hindi sumisigaw?!
Kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ako inatake dito dahil sa gulat.
"H-ha?" utal kong sabi.
Di ko naman alam ang sinasabi niya eh.
"Are you deaf?!" sigaw na naman niya. Nakalunok din ata tong microphone.
"A-ano ba kasi yun?" tanong ko sakanya.
Di pa kasi sabihin eh, sigaw pa kasi ng sigaw.
Mahirap pag ganito ang kausap mo, masasampal mo nalang siya ng di oras dahil sa pagkakalakas ng boses.
Bwisit.
"I said, are you flirting with the king?!" sigaw niya ng napakalakas. Dinig na ata sa hallway boses niya eh o baka pati sa kabilang building na.
Ang tinis pa naman ng boses niya.
Tsaka ano bang sinasabi niya na nilalandi ko yung king nila! Si tukmol ba yung king nila?!. Asa naman na lalandiin ko yun!.
Duh.
Wala nga akong gusto sakanya tapos lalandiin ko pa?!
Tanga naman ng babaeng to.
Gusto ko sana patulan, pero inalala ko na scholar lang pala ako dito at baka patalsikin na lang niya ako. Kaya hayaan ko na lang..... muna.
"Di ko po yun nilandi." sarcastic pa yung pagkakasabi ko nang po.
Muntik na nga akong masuka ng galangin ko siya.
Eww.
Bigla na lang siyang tumawa pero halata naman na peke. Gaya niya.
"What a loser" naka ngising sabi niya.
As if naman na gusto kitang sabihan ng po. Napipilitan lang ako uy.
Sabunutan kita diyan eh tsaka tapunan ko ng tubig ang make-up mo. Para matanggal.
"Sino ka ba?" mahinahon kong sabi kahit gusto ko na din siyang sigawan na rinig ng buong campus.
Edi talo siya kasi mas malakas yung sigaw ko.
Hahahaha.
"Well..." sabi niya at flinip pa ang mahabang buhok. "I'm the queen of this campus" mayabang niyang sabi.
Kahit ipaalam mo pa yan sa buong mundo. Wala akong pakialam!.
Tinignan ko nalang siya na parang interesado sa sinabi niya.
"Scared now?"
Scared mo mukha mo!
Di ko na lang pinansin yun at tinignan lang siya.
"So... back off, because he's mine." nanlilisik na mata niya kong tinignan.
Umiwas ako ng tingin kasi nakakatakot yung itsura niya. Mukhang papatay ng tao.
Pero ngayon ko lang napansin na lahat ng nasa room namin nakikiusyuso na din at nakapalibot samin.
Mga tsismosa at tsismoso!
Hay naku!!!
Ang tagal naman ng next teacher namin. Di ba siya papasok? Para makaalis na tong nasa harap ko ngayon.
"Okay" sagot ko sakanya. At parang walang pakialam.
Nagtataka naman niya kong tinignan.
"Stay away from him." utos niya.
Sino ba siya para sundin ko?! Pero susundin ko na lang para matapos na to.
"Okay" sagot ko nanaman sakanya.
Halatang nainis siya sa sagot ko kasi nangunot yung noo niya at ang sama na naman ng tingin niya sakin.
"Your irritating me" inis na sabi niya.
Iniinis talaga ako ng babaeng to!
"I don't care" pag e-english ko din sakanya. Kala niya siya lang ang marunong. Marunong to!.
Sinagad niya ako eh. Kaya ayan nasagot ko na tuloy siya.
"You bitch!" sigaw niya sakin at sinampal ako ng malakas.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.
Mangiyak ngiyak akong hinawakan ang pisngi ko dahil sa sakit. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal, kahit magulang ko hindi pa nila ako sinampal.
Pero ang isang to walang pag aalinlangan niya na lang akong sinaktan.
Huhuhuhu! Bruha!!
May naramdaman akong tumulong luha sa mata ko. Di ko man lang naramdaman dahil sa gulat.
"B-bakit mo ko sinampal?" tanong ko sakanya habang pigil ang pagluha.
Gusto kong bumawi pero hindi ko naman magawa. Hays!
Tumawa siya ng malakas. Kaya nabwisit ako.
"Gusto mo pantayin natin. Sa kabila naman" napapikit na lang ako ng makitang papalapit na ang palad niya na handa na akong sampalin.
Nakailang segundo na pero wala pa din akong naramdaman na kamay ng bruha.
Unti-unti kong dinidilat ang mata ko para tignan kong ano na ang nangyari, bigla kading tumahimik eh.
Nakita kong may humawak sa kamay ng bruha kaya pala di niya natuloy ang pag sampal sakin.
Nagulat na lang ako ng makitang hawak hawak ni Clark ang kamay niya at masama ang tingin na binibigay dito.
Para siyang papatay sa tingin niya!
Halatang dismaya yung bruha kasi di niya natuloy ang balak niya.
"Let go of my hand Clark!" injs na sabi niya dito.
Pero hindi niya pa din binibitawan ang kamay niya.
"Why would i?" nakataas kilay na tanong niya.
"I will slap that bitch!" sigaw niya habang nakaturo ang kamay sakin.
Abat!!
Putulin ko yang kamay mo!. Bruha ka!
"Hurt her or i will make your life miserable... choose." nakangising sabi niya.
Pero andun pa din yung tindig na matatakot ka talaga.
Nakakatakot pala siya pag seryoso?!
Parang natakot naman yung bruha at binawi niya na yung kamay niya at naglakad na paalis.
"Go" seryosong sabi niya kaya nagtaka naman ako kung sino yung sinasabihan niya.
Agad na nag alisan yung naka paligid samin at bumalik na sa upuan nila na parang walang nangyari.
Bat sila natatakot sa tukmol na to?!
Ganyan ba talaga siya sa mga tao.
Agad na nagtama ang tingin namin kaya umiwas agad ako ng tingin.
Grabe naman makatingin!
Humarap na lang ako sa unahan at umaakto na walang nangyari. Dedma!.
Napa balikwas nalang ako ng upo ng maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Nang makahadapna sakanya nakita kong pinagmamasdan niya yung pisngi ko.
Naramdaman kong kinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko.
Tangina!!!
Anong ginagawa mo?!!!
"Is it hurts?" malumanay na sabi niya at nababakas sa boses ang pag aalala.
Anyare dito?! Kanina mukhang papatay ng tao ngayon mukhang pusa na gusto mag pa lambing!!
Nagtataka ako sa inaasta niya.
Umiling na lang ako bilang sagot. Di kasi ako makapag salita dahil sa pagtataka sa tukmol na to.
"Fuck.... no one's allowed to hurt you" galit na sabi niya.
Shit.
Kingina. Lakas mag pa kilig nito ah. Hehehehe.
Enebe?! hihihi
Pag ako na fall sayo. Panagutan mo ang nararamdaman ko!
Charot lang!
"O-okay lang... promise" sabi ko at nag smile pa para di na siya mag alala.
Nag smile din siya sakin pero halatang pilit lang, di ata naniniwala sa sinabi ko.
"Uhm... thank you pala kanina" sabi ko
Mabuti na lang at dumating, siya kong hindi maiiyak na lang ako nyan dahil sa sakit manampal ng bruha na yun.
"It's my responsibility" sabi niya sakin.
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Agad na nagwala ang buong sistema ko sa huling sinabi niya.
"You're my responsibility, baby."
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!