"Anak kamusta ka diyan" tanong ni mama pag ka sagot ko palang ng tawag niya.
"Ayos lang po ako dito mama. Kayo po ba ayos lang diyan?" tanong ko sakanya, nasa abroad kasi siya, nag tatrabaho bilang katulong kasama yung tita ko.
Mag isa lang ako dito sa condong tinitirhan namin pero mag isa nalang ako kasi wala si mama at si papa naman iniwan na kaming dalawa.
Agad akong na lungkot nang maalala si papa. Miss na miss ko na si papa!
Agad akong nabalik sa pag iisip ng magsalita si mama
"Ayos lang ako dito nak... mababait naman ang amo ko at tska ng kukulit din ng alaga ko pero natutuwa naman ako ang cute kasi ng dalawa eh kaya lalo tuloy kitang namimiss" dinig ko ang kalungkutan sa boses ni mama
"Miss na miss nadin po kita mama. Kailan po ulit tayo magkikita? Uuwi ka poba? Tsaka mag bibirthday na po ako nextmonth" sabi ko kay mama mag bi birthday na kasi ako. Kaya gusto ko siyang makasama mag celebrate kahit kumain lang kami sa Jollibee ay okay na , solve nako dun hehe
"Naku nak! mukhang malabo akong maka uwi diyan eh. Pero susubukan ko pa din mag paalam baka kasi payagan ako huwag kang mag alala" pag papagaan sakin ni mama alam niya kasing nalulungkot nanaman ako.
"Sana nga po payagan kayo. Para makabonding man lang tayo" sabi ko sakanya
"Sige nak, nga pala sa lunes na ang first day ng school niyo diba?" hala! oo nga pala pasukan na sa lunes wala pa akong gamit ko! lagot!!
"Oo nga pala ma! nakalimutan ko hehe" pilit na tawang sabi ko.
"Ayy naku! ikaw talaga. May gamit ka na ba? May pambili kapa ba? Gusto mo padalhan kita? May pera pa naman ako dito" sunod sunod na tanong ni mama.
"Naku mama! Huwag na po may pera pa naman ako. Ipunin mo na lang yan para makabili ka ng gusto mo diyan. May pera pa naman ako, nag titipid kasi ako eh."
"O sige, basta tawagan mo lang ako pag wala kanang pera" sabi naman niya.
"Opo!" masigla kong sabi.
Bukas na lang ako bibili ng mga gamit ko linggo pa lang naman bukas at tsaka konti pang naman ang bibilhin ko. Hindi naman marami, nag titpid nga ako diba!
"Hala! Ibaba ko na muna to nak. Umiiyak na yung mga alaga ko, tatawagan na lang kita o kaya tawagan mo na lang ako pag may problema ha!" nag mamadaling sabi ni mama. May narinig nga akong umiiyak na bata eh.
"Sigo po ma. Ba-bye po ingat ka diyan! love you!!" pag paalam ko kay mama
"Sige nak. Love you too!" at binaba na ni mama ang linya
Napa buntong hininga na lang ako. Na mimiss ko tuloy si mama. Na iingit tuloy ako dun sa inaalagaan ni mama. Sana ako na lang yun.
"Okay lang yan Riah! Para sayo naman yung ginagawa ni mama" pag papagaan ko sa loob ko.
Naalala ko bigla na kailangan ko palang bumili ng gamit ko bukas kaya agad na akong dumiretsyo sa kwarto para matulog.
Maaga akong gigising bukas para hindi ako mauubusan ng school supplies.
Natulog na lang ako.
-
Maaga akong gumising at dumiretsyo agad sa banyo para maligo.
May pa kanta kanta at pa sayaw sayaw pa ako habang naliligo. Hep! Bawal mang nash ang mang bash mamamatay agad! Syempre joke lang yun hehe.
Nag suot na lang ako ng maong pants at black t-shirt at rubber shoes ko at syempre hindi mawawala ang bag, ko sling bag lang naman, hindi naman gucci bag hehe, wala nga akong pera tapos may pangbili pa ako nun!
Grabe ang lamig ng tubig ngayon ko lang naramdaman. Abnormal na siguro tong balat ko late makaramdam haha.
Pag tapos kong mag ayos ng sarili dumiretsyo ako sa kusina para kumain ng niluto ko.
Ang ulam ko lang naman ay chicken adobo, caldereta, lumpiang shanghai at fried chicken! diba ang sasarap niyan, syempre wala ako niyan, di afford ng money ko ang bumili ng mga ganyang ulam, itlog lang kaya kong bilhin hehe.
Jino-joke time ko lang naman kayo hehehe.
Egg, hotdog, fried rice at syempre hindi mawawala ang paborito kong gatas.
Nung bata kasi ako yun palagi pinapainom sakin ni papa eh. Kaya nasanay na ako, tsaka masarap kaya ang gatas! Good for health pa yun!.
Teka.
English yun ah! Hahah
Natawa na lang ako sa mga iniisip ko. Siguro ito yung sanhi ng pagiging lonely ko sa bahay. Sarili ko na lang ang kina kausap ko. Alangan naman na kusapin ko yung upuan, lamesa at iba pang gamit, edi mukha na akong tanga niyan!
Siguro tanga na talaga ako hehe.
"Hays! kumain ka na lang riah. Dami mo pang sinasabi kakain ka lang naman!" pag usap ko sa sarili ko
Sinimulan ko nang kumain baka kasi lumamig na yung niluto ko, sarap ko talagang mag luto! grabe perfect..
Palagi akong pinupuri ni mama at papa noon na masarap daw akong mag luto kaya ayun mas pinag butihan ko pa ang pag luto. Tsaka inaaralan ko din yung mga ulam na hindi pamilyar sakin mag papatayo kasi ako ng sarili kong restaurant pag nag ka trabaho na ako hehe.
"Bayad po" abot ko nang sampung pisong barya sa lalaki..alangan naman isang libo ibigay ko eh sabi nga nila ' barya lang sa umaga ' kaya sinusunod ko yung patakaran nila hehe.
Pag tapos ko kasing kumain nag abang agad ako ng tricycle sa labas ng condo ko, alangan naman sa loob ako mag hintay diba? tanga talaga hehe.
Malapit lang naman ang mall sa condominium na tinutuluyan ko kaya mabilis din akong nakarating.
Nag iikot ikot na ako sa loob ng mall, humahanap kasi ako ng mga mura na gamit para maka tipid na din.
Limang notebook, dalawang ballpen at yellow pad paper lang naman at hindi na ako bibili ng bag meron pa naman dun sa condo ko, ang mamahal pa naman ng bag ngayon.
Pumunta na akong counter para makabayad sa mga binili ko.
Kaso mina malas ka nga naman kasi lahat ng counter puno lahat kaya wala akong choice kundi pumula nadin at mag hintay ng napaka tagal.
Hay.
Bumuntong hininga nalang ako at nakipila nadin.
Ano ba namang buhay to! Kailangan ko nang makauwi para maka ayos na ng pinamili ko.
Habang nag hihintay may bigla naman akong naamoy na sobrang bangong pabango.
Singot lang ako ng singhot habang humihintay na umabante ang pila. Ang bango talaga!
Sumilip muna ako sa unahan para makita kung malapit na ako pero, diyos ko! may sampu pang tao na nakapila sa unahan ko at ang daming mga binili mag go grocery ata.
Yung sa kabilang counter naman sarado! Malas talaga.
Naka tunganga lang ako habang nag hihintay, pero laking pasalamat ko nang bumukas na yung katabing counter.
Ang bait mo talaga lord!
Agad akong nag madali papunta doon baka kasi maunahan pa ako ng iba.
Umusog agad ako, siksikan na kasi dito e.
Pero.
Laking gulat ko nang may nabangga ako sa likod ko.
Naku naman!
Agad akong humarap para humingi ng sorry ngunit natigilan ako ng makitang.
Ang pogi!!!
Napaawang nalang ang labi ko sa itsura niya tsaka ang tangkad niya pa, gusto ko pa naman sa lalaki ang matangkad.
Teka.
Yung kanina ko pang inaamoy na pabango sakanya pala yun. Di ko alam hehe.
Nakatingin lang ako sa kanya na nakaawang ang labi.
Pero nabalik ako sa ulirat ko ng marining ko siyang tumikhim.
Napapahiya naman akong nagtungo dahil kung makatitig ako kanina wagas! Bwisit ka self!!
"S-sorry po" malumanay kong sabi at agad nag lakad sa kabilang counter.
Naunahan tuloy ako, may nakaunang apat na tao tuloy! Kasalanan mo to pogi!! Bwisit.
Sinulyapan ko siya pero laking gulat ko nang nakitang sakin ito nakatingin.
Napaiwas nalang ako ng tingin, nakakailang kasi eh.
Nag hintay nalang ako, para naman makauwi na.
"Ang pogi naman ni kuya" dinig kong sabi ng nasa likod ko.
"Oo nga" sabi naman ng kasama niya ata.
At nag hagikhikan naman ang dalawa.
Kaya naman sinulyapan ko yung lalaki kanina.
Ang gwapo talaga, yun lang ang masasabi ko.
Na curious tuloy ako sa kanya, ano kayang pangalan nito at kung may girlfriend na ba?Sana wala pa hehe.
Pero napa isip nalang ako na masyado siyang Perfect sakin. Pero hindi naman masamang mangarap diba?
Inalis ko nalang ang tingin sakanya, dahil tapos na yung nasaunahan ko.
Nadidinig ko pa din ang usapan ng nasa paligid ko na pinag uusapan ang lalaki na nabangga ko kanina.
Tinignan ko ulit tuloy pero wala naman siyang pakialam sa paligid niya at naka poker face pa ang kumag!
Hinayaan ko nalang at kinuha na sng pinamili ko kasi tapos na.
Pag ka labas ko nag inhale exhale pa ako nahihilo kasi ako kasi samu't saring pabango ang naaamoy ko, may asthma pa naman ako.
Kaya bawal akong pumunta sa maraming tao at bawal din mapagod.
Narinig kong kumalam ang sikmura ko kaya naman napa ngiti agad ako.
"Gutom na ang dinasour hehe" pag usap ko sa tiyan ko at dumiretsyo sa mga nakatayong stall sa gilid ng kalsada.
Bulili lang ako ng sampung pisong fishball at kwek kwek at ang panulak syempre ang papamig!!
Naupo agad ako sa nakita kong bench sa gilid.
Uubusin ko muna to bago ako bumili ng ulam ko mamayang tanghali.
Ang sarap talaga ng mga street food, kaya paborito kong kumain palagi sa labas.
Ang ganda na sana ng upo ko habang kumakain ng bigla namang may nag busina sa harapang kong sasakyan.
Nabuga ko nalang tuloy yung kinakain ko! Bwesit!!
Sinamaan ko agad ng tingin yung kotseng nasa harapan ko kahit hindi ko makita sa loob, tinted kasi eh.
Nagulat na lang ako ng bigla nalang nitong pinaharurot ang kotse.
Nam bubwisit ba yun? kasi kung oo, bwisit na bwisit nako!!
Agad kong inubos yung kinakain ko para makabili na ng ulam, nabubwisit padin kasi ako sa nangyari kanina eh.
Lakas ng topak!
Dumiretso ako sa nag titindang pritong manok, favorite ko kasi ang chicken hehe.
"Dalawang piraso nga po manong" turo ko don sa manok na napaka crunchy kahit di ko pa natitikman, kitang kita kasi eh, umuusok pa bagong luto kasi.
"Sige" sagot naman ni manong.
"At tsaka pakidamihan po sana ng sauce, yung maanghang po ha" napakalaking ngiting sabi ko, baka kasi hindi pumayag kaya ginamitan ko na ng charm ko hehe.
Sana gumana.
"Oh sige" natatawang sabi ni manong.
Yes!!!!!
Swerte ko talaga!! Hayss.
Inabot naman sakin ni manong yung plastic na pinag lagyan ng manok.
"Bayad po at tsaka keep the change hehe, dahil mabait kayo sainyo na po yan" dagdag ko pa.
Napangiti na lang yung tindero sakin.
"Naku. Salamat ineng" naka ngiting pasalamat niya sakin.
"Ok lang po yun, tutal dinagdagan niyo naman po yung sauce hehe."
Natawa nalang kaming dalawa.
Dumiretso agad ako sa gilid ng kalsada para mag abang ng masasakyan.
Naka hanap naman agad ako ng jeep at agad na sumakay.
Mabilis naman kaming nakarating kaya binigay ko sa katabi ko yung bayad, pasa pasahan na lang hehe.
Inilagay ko agad yung pinamili ko sa mesa at agad naupo sa sofa para makapag pahinga.
Isinandal ko yung ulo ko sa headboard ng sofa at pumikit.
Grabe napagod ako dun ah!
At bigka naman pumasok sa isip ko yung lalaki kanina sa mall.
Ang gwapo niya!
Napangiti na lang ako ng maalala ko pa yung itsura niya, pero mukhang masungit.
Pero ganon ang type ko sa lalake, yung masungit hehe.
"Matulog na lang nga ako." sabi ko at dumiretsyo sa kwarto ko pero nag palit muna ako ng damit baga ibinagsak sa kama ang katawan.
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng gutom.
Bumangon ako at dumiretsyo sa kusina pero tinigna ko muna yung oras at alas sais na nang gabi, ang haba pala ng tulog ko.
Kumain na lang ako at pagkatapos nag hugas at nag sipilyo.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko oara matulog.
Maaga ang pasok ko bukas alas otso ng umaga, kaya matutulog na ako.
' This day is a tiring day '....bulong ko bago pumikit.
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Hipe you like it.^â _â ^
Don't forget to vote and comment.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!