Chapter 17 of 23

Chapter 16

He's The Campus Heartthrob1,726 words~9 min read

Ahhhhh!

Bakit ko yun ginawa?! Ang tanga mo self! Pano ko siya haharapin bukas?!

I'm doomed!

Pwede bang umabsent na lang bukas? Kahit bukas lang. Parang di ko kaya pumasok eh.

Hindi pa din maalis sa isip ko yung nangyari kanina! Pwede ko bang iuntog ulo ko sa pader, para magka amnesia ako.

Andito lang ako sa kama ng kwarto ko at pagulong-gulong lang. Alam kong para nang kamatis ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos ko kasi siya nakawan ng halik ay bumaba agad ako ng walang paalam. Baka kasi magalit siya, basta-basta na lang kasi akong umalis.

Pero ang di ko malimutan ay yung passionate kiss namin! Second kiss na namin yun. At take note, hindi yun aksidente lang. At tsaka ako pa naman ang unang humalik sakanya.

Di ako makapaniwala sa sarili ko na ginawa ko yun.

Sana pag nagkita kami bukas, wag niyang banggitin yung nangyari.

Di ko alam gagawin ko pag nagkataon.

Hayst. Ewan.

Matutulog na lang ako, at sana bukas ay makalimutan ko na yun.

-

Sana di na siya pumasok. Please!

Para naman hindi awkward samin dalawa. 7:45 AM na, 5 minutes na lang ay time na.

Andito na ako sa room, at hindi mapakali sa kinauupuan ko. Abang lang ako ng abang kung andyan na siya. Pero sana naman ay mag absent siya ngayong araw.

"Huy, girl. Sinong hinihintay mo? Tingin ka ng tingin sa labas eh." biglang sabi ng tao sa tabi ko.

Bigla na lang akong napaharap sakanya dahil sa gulat. Grabe naman ang babaeng to, di ba uso sakanya ang tawagin muna ako bago magsalita? Aatakihin ata ako sa puso eh. Kaloka!

Natatawa lang siyang nakatingin saakin.

"Hahahaha. Sorry, di ko mapigilan. Ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong ni Chelsea.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya ang nangyari. Kaya umiling na lang ako.

"Basta." ani ko at tumingin na naman sa labas.

She just shrugged.

"Okay. Bahala ka." aniya.

Tinanguan ko lang siya. Busy ako sa pag tingin sa labas eh.

Ilang minuto pa ay hindi pa din siya dumadating. At nagtataka din ako kung bakit wala pa yung prof. namin.

"By the way, wala pala prof natin. May meeting daw eh." biglang sabi ni Chelsea.

Ahh, kaya naman pala eh. Mabuti naman. Di kasi ako makakapag focus niyan. Kung may iba akong iniisip.

"Mabuti naman." sabi ko at itinigil na ang pag titingin sa labas. Siguro hindi siya papasok. At salamat naman.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Zander na nakaub-ob sa table niya. Tulog.

Palagi siyang absent, tapos pag papasok naman ay matutulog lang. Ano kayang problema ng lalaking to.

Hindi na kami nakakapag usap o kaya nagsasama mag lunch.

Miss ko na bonding namin. Kahit ilang beses pa lang kaming nagkasama.

Hay nako, Zander.

Inabala ko na lang ang tingin ko sa notes kasi mamaya ay may quiz kami.

Si Chelsea naman ay bumalik na sa upuan niya. May gagawin daw siya.

At ang mga kaklase ko naman ay may mga sarili din na mundo.

Kahit tatlong buwan na akong pumapasok dito, Si Ckark, Zander at Chelsea pa lang ang ka close ko.

Parang ilag ang mga tao dito sakin sa room, maliban lang sa tatlo. Pero hindi naman yun problema. Bahala sila sa buhay nila. Hehehe.

Napapikit na lang ako at hindi na makagalaw sa kinauupuan ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na yun.

Bakit ngayon pa?!

Pinipigilan ko ang sarili ko na lingunin ang taong naka upo ngayon sa tabi ko.

Kahit hindi ko na lingunin ay kilalang kilala ko na ito.

Pinagpatuloy ko lang ang pag basa ko kahit wala akong naiintindihan. Mawala lang sakanya ang atensyon ko.

Pero wala naman siyang kibo. Nakaupo lang talaga. Kahit di ko siya lingunin ay nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

At nakatingin siya sakin!

Gusto ko na lang maglaho!

Stop staring, please!

Kanina pa ako dito at hindi ko na nalilipat ang page ng binabasa ko.

"Hey."

Huwag kang lumingon self. Kahit anong mangyari. Don't.

Gaya nga ng sinabi ko ay hindi ako lumingon. Kahit naka ilang tawag na siya sakin.

Manigas ka diyan!

"Look at me." pilit niya.

Bawal.

"Please."

Fuck. He's voice softened.

Pero bawal talaga.

My breathing stopped, because of what he just did. Fuck. Alisin mo yan!

I don't know what to do.

Why are you doing this to me Clark?

Hindi ko na maintindihan kung bakit nagkakaganito ang puso ko. Ayaw tumigil sa pag tibok.

"Just look at me. Hmm?" naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. At bahagya din pinisil ang beywang ko.

I stiffened by what he did.

Hindi na ako makagalaw sa kina uupuan ko. At parang nalagutan din ako ng hininga dahil sa mga kilos niya.

Delikado na talaga ang puso ko dahil sakanya.

"R-remove your h-hand." utal kong sabi.

Sana hindi niya naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko.

I hate this feeling's.

Pero hindi niya sinunod ang sinabi ko at lalo pa yun pinisil.

Nilapit niya din ang upuan niya sakin. Wala ng space sa pagitan namin.

I know he's teasing me. And i hate that.

Pilit kong inaalis ang kamay niya pero hindi siya nag patalo.

Walang silbi ang lakas ko sa lakas niya.

"P-please, remove i-it." pag pilit ko at patuloy pa din inaalis ang kamay niya.

"You don't want me to touch you? You hate me na, baby?" malambing na sabi niya.

Napapikit na lang ako dahil sa pagiging clingy niya. Kaipan pa natuto ang lalaking to sa pagiging sweet?

Nakatingin lang siya sakin at naka nguso pa ang labi.

He's so cute. And I can't take it.

"I c-cant focus. You know that I'm r-reviewing." nauutal na sabi ko.

Tinignan niya naman ang notebook na hawak ko at agad din binalik ang tingin sakin.

"I know. But why are you not looking or talking to me earlier?" he said, while pouting.

Gusto kong pisilin ang pisngi niya dahil sa ka-cutan niya.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at binalik na lang ang tingin sa notebook.

Baka pag sinagot ko ay maalala niya ang nangyari kahapon. At hindi ko yun kakayanin. Lalo na't andito siya.

Habang nagbabasa ay ngayon ko lang napansin na ang tahimik ng paligid. Para bang may dumaan na anghel.

Inangat ko ang tingin ko at ganun na lang ang gulat ko ng nasa amin ang atensyon nilang lahat. Pati yung mga may sariling mundo ay nakatingin na saamin.

Tinignan ko si Clark, pero na saakin lang ang atensyon niya. Mukhang hindi niya alam na nakatingin na sila saamin.

Kanina pa ba sila nakatingin? Sana hindi!

"C-clark." tawag ko sakanya at nginuso ang mga kaklase namin.

Agad naman siyang tumingin at tinaas pa ang kilay.

"What are you looking at?" masungit na tanong niya.

Agad naman nilang inalis ang tingin saming dalawa. Hay, buti naman.

Pagkaharap sakin ni Clark ay agad lumambot ang ekspresyon niya sakin.

Ang bilis naman bumago ng mood nito!

Pero nag aalala pa din ako kasi baka ipagkalat nila ang nakita nila. Alam ko naman na mga chismosa at chismoso ang mga tao dito.

Binalik ko ang tingin sa notes ko pero hindi talaga ako maka concentrate dahil nasa beywang ko ang kamay niya. At humahaplos pa!

Sinong makakapag focus niyan?

Masama ko siyang tinignan. Pero ang loko ay walang pakialam. Nakangiti pa.

"Alisin mo nga ang kamay mo." masungit na utos ko.

Pero hindi niya pa din inaalis. Ngiti-ngiti pa na nakatingin sakin.

"No."

Kulit talaga.

"Alisin mo na at mag review ka na din kasi may quiz tayo mamaya." sabi ko.

Umiling siya.

Inirapan ko na lang siya at nag patuloy na lang sa pag basa.

Bahala siya diyan. Hindi ko siya papansinin.

Actually madali lang naman ang lesson namin ngayon. Hindi naman siya mahirap aralin. Pero mag re-review pa din ako, baka kasi gawin nilang tricky ang question. Para mahirapan din kami sa pag sagot.

"Baby, give me your hand." sabi ng katabi ko.

Pero hindi ko siya pinansin at nag kunwari na hindi narinig ang sinabi niya.

"Baby, please give me your hand." pilit niya pa din.

Dedma lang dapat ako. Manigas siya diyan.

"Hey."

Hindi.

"Okay, I'll remove it." hanggang sa naramdaman ko ang pagkalas ng kamay niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kailangan niya pa palang hindi pansinin para lang sumunod.

Bwisit na lalaking to.

"So... give me now your hand." pilit niya pa din.

Ewan ko sayo Clark.

"Please. I just want to hold your hand." may pag susumamo sa boses niya.

Dahil sa inis ay nilingon ko na siya.

"Bakit ba? May sarili ka naman na kamay, yun na lang hawakan mo." inis na sabi ko.

Di kasi ako makapag focus sa kakulitan niya.

Pag ako bumagsak, edi kasalanan niya.

"Okay. I'm sorry." mahinang sabi niya at yumuko. Kinuha na din niya yung notebook sa bag niya at nag simula na din mag basa.

Masyado ba akong naging rude? Para tuloy akong na guilt. Siguro nga.

Di ko naman kasi inaasahan na mag tatampo siya.

"Uyy. Sorry." pag pasensya ko.

Pero patuloy lang siyang nag babasa. Ganito pala feel pag hindi pinapansin? Masakit pala.

Sumobra ata ako.

"Clark, sorry na. Pansinin mo na ako."

Pero wala pa din.

"Oh, eto na. Pwede mo ng hawakan." sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

Pero hindi niya kinuha at parang wala siyang naririnig.

Nalungkot tuloy ako.

"Sorry." inalis ko na yung kamay ko na naka lahad sakanya.

Hanggang sa dumating na yung prof. namin at nag bigay na ng test paper.

Madali lang naman yung mga tanong at gaya ng inaasahan ko ay may mga tricky questions pero nahulaan ko din naman agad.

Habang sumasagot ay tumitingin ako kay Clark pero focus siya sa pagsasagot.

Habang natapos yung time at lunch break na naman.

Balak kung ayain si Clark, ililibre ko din siya, pambawi ko na din.

"Clark, tara lunch na tayo, libre ko." aya ko.

Seryoso siyang tumingin sakin.

"I dont want that." masungit na sabi niya.

Napakunot na lang ang noo ko dahil tumanggi siya. Siya lang ang taong tumanggi sa libre. Mayaman kasi eh. Kayang bilhin kahit anong gusto.

"A-ano ba gusto mo?" tanong ko.

Nag isip muna siya bago ngumiti ng nakakaloko.

Alam kong kalokohan ang balak nito kaya hindi na ako aasa ng matinong sagot.

"I want kiss. Like we did yesterday."

•••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!