Nakakahiya ka self!
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na to!
Pano ko to tatanggalin?
Bakit ba kasi ginawa ko yun ayan tuloy na momroblema na ako. Tsk.
Tinignan ko yung loob ng shoulder bag ko kung may panyo. Pero wala!
Anong ipang-pupunas ko sa damit niya?!
Punyetang luha at sipon yan. Bat kasi dumikit pa kayo sa damit niya?!
Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako humahanap ng panyo. Pwes! Ipang-pupunas ko kasi sa damit niyang basa at ang dahilan nun ay ang luha ko at sipon! Pati sipon nakisali din!
Di tuloy ako makatingin sakanya. Siya naman tinitignan lang ako. At parang okay lang sakanya na basa yung damit niya.
"Uhm... sorry, wala akong panyo. Ikaw ba meron?" nahihiyang sabi ko at hindi ako makatingin ng deritso sakanya.
Nakakahiya talaga!
"It's okay. I have an extra shirt in my car." aniya.
Nakahinga ako ng maluwag.
Mabuti nga!
Nakaupo lang kami dito sa bench sa sementeryo sa ilalim ng malaking puno. Mabuti nga at tumahan na ako sa pag iyak. At gumaan na din ang loob ko kahit konti. Kasi nalabas ko na din yung mga sakit na nararamdaman ko. Mabuti nga at nandito si Clark.
Nakatingin lang kami sa malayo at walang kibuan.
Mag iisang oras na din kami dito simula ng dumating siya.
At medyo madilim ang kalangitan, siguro ay uulan.
"Are you okay?" tanong niya ng mapansin na tahimik ako.
Ilang segundo muna akong hindi umimik bago sumagot.
"Ayos na din, kahit papano." mahinang sabi ko.
He nodded.
Narinig ko ang pag kulog ng kalangitan at ang pag patak ng ulan.
Tumayo na ako. Baka kasi abutan pa kami at hindi na makaalis.
"Let's go to my car." sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nag simula ng tumakbo.
Medyo lumalakas na kasi ang ulan. Kaya sure akong basa na kami pag dating namin sa kotse niya. Medyo malayo pa naman ang kotse niya.
Habang tumatakbo hindi ko maiwasan na mapatingin sa magkahawak namin na kamay. Parang bumagal yung oras at kaming dalawa lang ang tao sa mundo.
Hindi din tumigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.
Anong nangyayari?
Posible bang?... Hindi pwede?! Bakit ko naman siya magugustuhan eh isang buwan pa lang kami simula na nagkakilala, kaya imposible talaga!
Sana mali tong iniisip ko.
Ramdan ko na ang pag dausdos ng ulan sa mukha ko. Basang basa na talaga ako. At siya din. Kita ko kasi yung likod niya eh, basang basa na.
Wala naman na saysay kung tatakbo pa kami, eh basa naman lang kami.
Kaya huminto na ako sa pagtakbo. Nagtataka niya naman akong nilingon.
Nginitian ko lang siya at binitawan na ang nakahawak niyang kamay sakin. At nakita ko sa mukha niya na ayaw niya pang bitawan ang kamay ko.
Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya basang basa na talaga kami. At sana hindi kami magkasakit pagkatapos nito.
"Mamaya na muna tayo umuwi, gusto ko pa kasi mag pa-ulan eh. At tsaka basa lang naman din tayo." sabi ko habang naka ngiti.
Unti-unti niya ng tinanggal ang kamay niyang nakalagay sa ulo niya.
"Okay." nabigla na lang ako ng kunin niya ang kamay ko at nagsimulang tumakbo na parang bata. Natawa na lang din ako at sumabay na din sa pagtakbo niya.
Sumisigaw sigaw pa kami habang naghahabulan. At sa bawat sigaw namin ay ang lalong paglakas pa ng ulan.
At sa oras na to saya lang ang nararamdaman ko. Walang kahit na anong problema na bumabagabag sa loob ko.
At isa lang ang masasabi ko.
Masaya ako pagkasama ko siya.
At sana hindi na matapos to. Gusto ko palagi akong masaya at walang problemang dinadala.
"Hey, look at me" pag agaw niya sa atensyon ko. Kaya tumingin naman ako sakanya.
Tumalon siya ng mataas, kaya nagtalsikan yung mga mga tubig papunta saakin. Tinawanan niya lang ako. Bwisit na lalaking to!
Tumalon din ako ng mataas kaya nabasa din siya. Hahahaha! buti nga!
Nagtawanan lang kami hanggang sa tumila na din yung ulan. Pinaghalong tubig at putik ang dress ko. At kitang kita yung dumi kasi puti yung suot ko. Siya naman ay naka pants lang na itim at navy blue polo. Kaya hindi masyado kita yung dumi at yung pagkabasa ng damit niya.
Pumunta na kami sa kotse niya at nagpatuyo muna saglit. Baka kasi mabasa yung loob ng kotse niya. Nakakahiya pa naman.
"I'll just get something." paalam niya habang nakaturo sa kotse niya. Nakaupo kami dito sa bench sa gilid ng parking lot.
Tumango na lang ako.
Medyo nilalamig na din ako kasi kanina pa ako basa. Tsaka sleeveless pa naman tong dress ko. Malakas din ang ihip ng hangin kaya mas lalo akong nilamig.
Nakita ko na siyang naglalakad papunta sakin at may hawak na damit.
"Use this. It's cold, you may get sick." abot niya sakin ng damit. Its color black. At ang laki, baka mag mukhang dress to sakin.
"Meron ka pa bang extra? Baka magkasakit ka din."
Baka kasi nilalamig na din siya.
"It's okay. Just wear it." pag pilit niya.
Sinuot ko na lang yun para mabawasan na din yung lamig sa katawan ko.
"Ngayon ba yung death anniversary ng papa mo?" biglang salita niya sa gitna ng katahimikan namin.
Naalala ko na naman.
Umiling lang ako.
"Hindi. Birthday ko kasi ngayon, at dito ko naisipan na mag celebrate. Wala kasi si mama, nasa abroad." nakangiting sabi ko.
Napatingin siya sakin.
"You should have told me. So I can treat you." aniya.
Natawa na lang ako.
"Uhm... Happy birthday." nahihiyang sabi niya.
Napangiti na lang ako. First time kasi na may mag bati sakin na happy birthday, noon kasi si mama at papa lang. Tsaka wala naman akong kaibigan.
"Thank you." humarap ako sakanya at nginitian siya. Sinuklian niya din yung ngiti ko at ginulo ang buhok ko.
Ilang minuto muna kaming nag patuyo bago pumasok sa kotse niya.
Nanginginig na din ako dahil sa lamig. At siya naman ay parang wala lang.
Nagsimula na siyang mag drive. Naka tingin lang ako sa labas. At medyo inaantok din ako.
Umidlip muna ako sandali.
Nagising na lang ako na andito na kami sa tapat ng building ko. Tinignan ko si Clark at nakita kong nakatingin din siya sakin.
Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya at nakipagtitigan pa. At ganon din siya.
Hindi ko maikakaila na gwapo talaga siya. That dark eyes who will drown all the girls that might look at him, the pointed nose, the thin kissable lips, the perfect jawline, and that black messy hair.
His so perfect.
Sobrang swerte ng magiging girlfriend niya.
Napaiwas na lang ako ng tingin ng tumikhim siya. Medyo napatagal pala ang pagtitig ko sakanya. Pogi kasi eh. Hehehe.
"Uhm... salamat pala sa pagsama mo sakin kanina. Sobrang na appreciate ko yun." l smiled at him.
He also smile at me and he nodded.
"Medyo malamig na. Gusto mo pasok ka muna sa condo ko para maligo? May extra shirt pa naman dun si papa." yaya ko sakanya.
Umiling na lang siya.
"It's okay. I'll go ahead."
Bumaba na ako sa sasakyan niya at kumaway.
Dumiretso na ako sa loob para maligo. Warm water na lang ang gagamitin ko pangligo kasi malamig na. Baka magkasipon pa ako niyan.
Si Clark ang inaalala ko, baka kasi magkasakit siya. Alam kong nilalamig na yun kanina pa. Hindi niya lang pinapahalata.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at pumunta sa kusina para kumain.
Konti lang kakainin ko kasi kinain na namin ni Clark yung cake. Ang sarap nga eh, nakakabitin. Sa susunod bibili naman ako hehehe.
Pagkatapos kong kumain pumasok na ako sa kwarto ko. Di ko namalayan na gabi na pala.
Matutulog na ako kasi may pasok na bukas. Maaga na naman akong gigising nito.
-
"Bakit hindi ka pumasok nung friday?" tanong ko kay Zander.
Naglalakad na kami papunta sa room namin.
Pagpasok ko kasi kanina sa gate nakita ko siya na mag isang naglalakad, kaya sumabay na ako sakanya.
"Emergency." aniya
Tumango na lang ako.
Napansin ko na medyo matamlay si Zander. May problema siguro siya. Gusto ko nga sanang tanungin, pero nakakahiya naman. Hindi pa kami masyadong close para mag share ng problems sa isa't isa.
Pagpasok namin sa room medyo madami na din ang classmates namin. Pero ang napansin ko wala si Clark.
Mag-a-absent ba siya?
Shit!
Baka nagkasakit siya! Nag paulan pa naman kami kahapon. Kaya posible talagang magkasakit siya. Kasalanan ko to. Pero hindi naman siguro siya nagkasakit. Sana nga.
Ilang minuto muna akong naghintay, baka kasi papasok siya.
Pero dumating na yung prof. namin wala pa din siya.
Hindi siguro siya papasok.
Na guilt tuloy ako, dahil kasi sakin kaya siguro siya nagkasakit. Sana pala hindi ko na lang siya niyaya mag paulan.
Hayst.
Kung pupuntahan ko siya, hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Kaya wala akong magagawa. Kainizzz.
Hanggang sa natapos ang klase ko, hindi na talaga siya pumasok. Pero kasama ko naman si Zander mag lunch. Nilibre niya pa nga ako eh. Hehehe.
"Hatid na kita?" sabi ni Zander. Naglalakad na kami palabas ng gate.
Nakakahiya naman. Baka may pupuntahan pa siya at baka nakakaistorbo na ako.
"Baka may pupuntahan ka pa at baka nakakaistorbo na ako. Tsaka mag hihintay na lang ako ng masasakyan ko." ani ko.
"Okay lang. Wala naman akong gagawin." pag pilit niya pa.
Hay naku. Makakatanggi pa ba ako? Eh pogi na yung pumipilit. Hehehe.
"Sige na nga." nakangiting sabi ko.
Ngumiti na lang siya na parang nanalo sa lotto. Natawa na lang tuloy ako.
Pumunta na kami sa sasakyan niya. At in fairness ang ganda ng kotse niya. Yayamanin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya napatingin ako sakanya.
Nagtaas lang siya ng kilay.
Mabuti pa siya gentleman. Yung tukmol kasing yun hindi eh. At bakit ko ba siya iniisip? Hayst. Ewan.
Pumasok na ako sa loob at pinagmasdan ang loob ng kotse niya.
Wala siyang masyadong gamit dito. At amoy na amoy ko din yung pabango niya. Ang bango niyang amuyin. At hindi pa siya masyadong strong sa ilong.
Pumasok na siya sa driver seat at binuksan na ang makina.
"Sayo ba tong kotse?" tanong ko habang nakatingin sakanya.
Naka focus naman ang tingin niya sa daan.
"Yeah. My dad gave it to me. As a gift." sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa unahan.
Tumango na lang ako.
Mabuti pa siya nireregaluhan ng magulang na ganyan na regalo. Ako kasi noon simpleng mga damit lang pero ang laki na ng halaga sakin. Basta galing sa pamilya.
Hindi na ako umimik pa. Hanggang sa nakarating na kami sa building ng apartment ko.
Tumingin siya sakin.
"Bukas sabay naman tayo?" aniya.
Hindi ako sumagot. Nakakahiya naman kasi sakanya, hindi naman pwede na palagi niya akong ihatid. Sayang ng gas hehehe. At kaya ko naman na umuwi ng walang humahatid.
"Wag ka ng mahiya sakin. Di ba friends na tayo?" nakangiting sabi niya.
Friends pala kami? Hehehe.
Yey! May kaibigan na din ako!.
Sobrang saya ko kasi meron na akong kaibigan. Hindi na ako mag isa. Alam kong matutuwa si mama pag sinabi ko sakanya na may kaibigan na ako. Noon kasi gusto ni mama na may kaibigan ako, pero ayaw ko naman kasi wala naman akong kakilala. Useless din yun.
Galak akong tumango sakanya.
"Sige na nga, ihatid mo na ako bukas. Pero hindi dapat araw-araw." sabi ko.
Tumango na lang siya. Pero ang laki ng ngiti niya. Cute.
"Thank you sa paghatid. Baba na ako." paalam ko.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng hawakan niya ang braso ko. Nagtataka naman akong napatingin sakanya.
At nung pagkaharap ko nagulat na lang ako ng dampian niya ng halik ang pisngi ko.
Hindi agad ako nakapagsalita at nakanganga pa din habang nakaharap sakanya.
"It's just a friendly kiss." Natatawa niyang sabi.
Nabalik naman ako sa ulirat.
"A-ah. O-okay. Alis na a-ako." utal-utal kong sabi. Gulat pa din kasi ako sa ginawa niya. Alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa hiya. Ikaw ba naman kasing halikan. Sinong hindi mamumula niyan. Hihihi.
Ngumiti lang siya at tumango.
Bumaba na ako at hinintay ko munang makaalis yung kotse niya bago ako pumasok.
Nung hindi ko na nakita ang kotse niya, napahawak agad ako sa pisngi ko.
Ramdam ko pa din yung labi niya sa pisngi ko. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.
Ano ba yan?! Kinikilig tuloy ako. Ahihihi.
Naglakad na ako papunta sa loob habang hawak ang kaliwang pisngi at may malawak na ngiti.
Parang ayaw ko na tuloy madumihan at liguan ang mukha ko. Baka kasi mawala eh. Hehehe.
Pag angat ko ng tingin nagulat na lang ako sa nakita.
Nakatayo siya sa entrance at seryoso at parang galit ang mukhang nakatingin sakin. Nakakatakot ang aura niya.
At anong ginagawa niya dito?
Ngayon ko lang napansin na nakasuot lang siyang black t-shirt at pants. Magulo din ang buhok niya at parang matamlay siya.
Lumapit agad ako sakanya.
"H-hi. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkalapit ko pa lang.
Seryoso pa din ang tingin niya sakin.
Nakakatakot talaga siya ngayon. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan ka seryoso.
"Fucking bullshit. That boy is getting into my nerves." galit na sabi niya.
Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Sinong tinutukoy niya? Anong problema nito?
"H-ha?" nagtataka kong tanong.
"You like it huh? He just kiss you in your cheeks, and your already blushing? How sweet." sabi niya pero andun pa din yung sarcastic sa pagsabi niya sa huling salita.
Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako.
"Wipe your cheeks. I don't like someone's kissing you. What mine is mine." inabot niya sakin yung panyo niya at nilagpasan na ako.
Agad ko siyang sinundan ng tingin pero yung pag alis na lang ng kotse niya ang nakita ko.
Anong problema mo?
Clark.
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!