Chapter 10 of 23

Chapter 9

He's The Campus Heartthrob2,075 words~11 min read

Andito na kami sa parking ng condo na tinutuluyan ko. Dala dala ko ang binili namin na street foods.

Bago kasi kami dumiretso dito bumili muna kami ng mga pagkain. Siya ang nag bayad lahat kaya ako eto pa chill chill lang kasi wala akong ginastos kahit piso man lang. Hehehe.

Treat niya daw to dahil sa kasalanan na ginawa niya noon. Dahil daw kasi sakanya nahulog yung kinakain ko noon, kasi ginulat niya daw ako. Kaya eto nalibre na naman. Food is life!

Isang piraso lang naman yung nahulog na kwek-kwek tapos ang dami ng kapalit. Ayos to!

Bumaba na siya sa sasakyan nv maiparada niya na ang kotse. Kaya sumunod na ako.

Pinauna niya ako sa paglalakad kasi di niya alam kung saan ang condo ko.

Lumakad na ako papasok sa loob at dumiretso sa harap ng elevator. Walang kaming kasabay sa pagsakay.

Mabilis naman kaming nakarating sa floor ko kaya lumabas agad ako. Nakasunod naman sakin si tukmol at pinagmamasdan ang paligid.

"May kasama ka ba sa condo mo?" tanong niya sakin. Nakatayo lang siya sa gilid ko habang binubuksan ko ang pinto.

"Meron" simpleng sagot ko.

Pero wala naman talaga binibiro ko lang to. At naisipan ko na naman siyang lokohin. Hihihi.

"Who?" kinakabahang sabi niya.

Pigil na pigil ang pagtawa ko habang nakatingin sakanya. Para na kasi siyang matatae sa itsura niya.

"Anak ko" sagot ko agad. Nasabi ko na lang yun dahil wala akong madahilan.Hehehe.

Pero wala naman talaga akong anak. Ang bata ko pa kaya. Mag aaral muna ako noh!

Napaawang na lang ang bibig niya habang pinagmamasdan ako. Epic ang itsura niya hahahaha.

Naniwala ata sa sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako tapos sineryoso naman ng tukmol nato.

Ang bilis niya maloko pag ganyan siya. Hayst. Delikado to.

"A-are you serious?" malungkot ang tinig ng boses niya habang nakatingin sakin.

Malamang hindi! Pero hindi ko muna sasabihin syempre!

Mamaya na muna hehehe.

Pero bakit siya nalulungkot? Wala naman na masama diba?

Hayst. Ewan.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko.

Mamaya ko na lang itatawa to. Hahahaha

Napabuntong hininga naman siya.

"I.... T-think we should do it t-tomorrow" nakayukong sabi niya. Bakas sa boses ang... pagkabigo?.

Tsaka anong bukas?! Bukas na kaya ang pasahan nito! Dapat ngayon na namin to gawin. Baka hindi pa namin magawa bukas edi sayang yung points.

Di nag iisip ang lalaking to.

"Bakit naman? May gagawin ka ba ngayon? Oh kung gusto mo ako nalang gagawa? Baka busy ka?" sunod sunod na tanong ko.

Umiling naman siya habang nakayuko parin.

"Andyan ba yung anak mo? ilang taon na siya?" tanong niya sakin.

Di ko na napigilan ang tawa ko kaya nagtataka niya akong tinignan.

Tawang tawa ako habang tinitignan ko siya habang nakakunot naman ng noo niya.

"Hey. Stop it" medyo irita ang boses na sabi niya.

Pero di pa din ako tumitigil sa pag tawa. Ang tagal ko pa naman maka get over. Hahahaha.

Tumatawa ako habang nakahawak pa sa tiyan.

"I said stop it!" sigaw na niya.

Pero parang wala akong naririnig at patuloy pa din sa pagtawa.

"If you won't stop I will kiss you " seryosong sabi niya.

Napahinto naman ako sa pagtawa at umayos ng tayo. Lumalapit na siya sakin kaya napapaatras naman ako. Naramdaman ko na tumama na yung likod ko sa pinto.

Nilalapit niya ang mukha sakin na nag bigay kilabot sa sistema ko.

Ano ba yan!

Nararamdaman ko na yung hininga niya kaya nilalayo ko ang mukha ko sakanya.

Napangisi na lang siya dahil hindi ako mapakali sa posisyon namin.

"Gusto mong tumawa? Go. So I can clean that lips of yours ." sabi niya habang nakatingin sa labi ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!

Huwag! Yung first kiss ko!

Tinulak ko naman siya palayo para magkaroon ng space sa pagitan namin. Dikit na dikit kasi eh.

Di pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.

Pero hindi ito natinag at mas dinikit pa ang katawan sakin.

No... please.

"U-umalis ka n-nga" utal na sabi ko.

Pero hindi ito nakinig at nanatili pa din sa posisyon.

Tinulak ko siyang malakas kaya napaatras naman siya ng konti. Dun ko kinuha ang pagkakataon para makalayo sakanya.

Umatras ako palayo sakanya. Nakatingin lang naman siya sakin.

"Bakit hindi kana tumatawa?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Hindi naman ako nagsalita at nakatingin lang sakanya.

"P-pumasok na tayo" sabi ko na lang at binuksan na ang pinto at agad pumasok.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nagtatanggal ng sapatos. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.

Bwisit na tukmol nato!

Sumunod naman siya sakin at hinubad din ang sapatos. Ang tahimik na tuloy namin.

"Asan yung anak mo?" biglang tanong niya kaya napa ubo na lang ako.

Agad siyang lumapit sakin ng may pagaalala.

Grabe.

Di na tuloy ako makatawa dahil sa banta niya kanina.

"N-nagbibiro lang naman ako sayo. Wala akong anak." pag amin ko.

Napaawang na lang ang labi niya dahil sa sinabi ko.

Di ata inaasahan na nag sisinungaling lang ako. Hahahaha. Uto uto kasi.

Pero ngumgiti na lang siya.

Huh?! Bat nangiti to?Baliw.

"That's good." sabi niya at lumakad na papunta sa sofa at umupo.

Feel at home lang ang peg. Lang hiya!

Ayos to ah.

"Diyan ka muna magpapalit lang ako."

Tumango na lang siya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagsuot lang ako ng pants at tshirt. Ayos na to. Tsaka dito ako komportable.

Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin bago lumabas.

Eto maganda pa rin. Charot hahahaha.

Lumabas na ako at naabutan ko naman yung tukmol na pinagmamasdan yung condo ko.

Malinis naman to, palagi ko kasi tong nililinisan tsaka hindi naman ako makalat sa mga gamit ko.

Tumingin siya sakin ng makalapit na ako sakanya.

"Simulan na ba natin?" tanong ko.

Baka kasi matagalan kami sa pag sagot nun at malate na siya makauwi. Mag d-drive pa naman siya.

Tumango na lang siya at may nginuso.

Nagtaka naman ako kaya tinignan ko yung nginunguso niya.

Yung binili namin na street foods. Gusto niya ata matikman.

"Ahh okay.. wait lang ilipat ko muna sa plato." sabi ko at kinuha na yung plastic.

Pumunta na ako sa kusina at nilagay na sa may plato yung mga pagkain kumuha nadin ako ng tubig baka mabulunan pa yung tukmol na yun. Hehehe.

Lumabas na ako at nilapag sa table yung plato. Sa harapan niya.

Nakakain na ba siya nito?

Imposible naman na hindi pa diba?

Nakatingin lang siya sa may pagkain at mukhang gusto ng tikman. Gutom ata.

"Can we eat na?" tanong niya sakin kaya napatingin din ako sakanya.

Bakit ang cute?! Ang cute niya pag conyo siya!

Shit!

Tumango ako sakanya habang pinipigilan ang pag ngiti. Napaka cute kasi eh. Busitt.

Agad siyang kumuha ng isang piraso ng kwek kwek. Sinisipat sipat niya pa yun bago kainin.

Kinain niya na yung ng buo at ninanamnam ang lasa.

Inaabangan ko naman ang reaksyon niya sa pagkain.

Ano kaya lasa?!

Sana masarapan siya!

Ako tuloy yung kinakabahan. Parang siya yung judge at ako yung chef na nagluto.

Hahahaha. Parang tanga.

Napangiti na lang siya ng malunok niya na yung pagkain. Nasarapan ata?!

"Masarap ba?" excited na tanong ko.

Tumango naman siya. Sabi ko na!

Basta street foods masarap talaga yan!

Kumuha na din ako para kumain. Ang binili namin kanina ay kwek kwek, cheese stick, fishball, at hotdogs with stick tsaka marami na din kaming hiningi sa tindera na sauce para masarap.

"We should do the activity now, we can't finish it if we're still eating" natatawang sabi niya habang may hotdog sa kamay.

Pero gusto niya naman na kumain lang. Pa sikreto pa ang isang to. Hahaha.

"Tara na nga" sabi ko at kinuha na yung bag. Binuksan ko na yun at kinuha yung papel na binigay ng prof.

Tinignan ko yung at nakita kung may math problem. Naku! Mahina pa naman ako sa math. Hate ko ang math eh! Sinusumpa ko yan!

Pinakita ko sakanya yung papel habang nakasibangot.

"Ikaw na bahala sa pag solve niyan ako na lang susulat" nakanguso kong sabi.

What should I do if I can't solve math?. It's better if I should give it to him. And let him answer it. Good idea right? Hehehe.

Natawa naman siya at kinuha yung papel. Tinignan niya yun at tumango tango.

"You can't answer it?" tanong niya sakin.

Ibibigay ko ba yan kung alam ko ang sagot?! Boplaks din ang isang to. Joke lang hehe.

Napailing na lang ako.

"Madali lang naman to. Ako na lang ang sasagot." sabi niya.

Sana all matalino! Edi ikaw na!

Pero sabi niya siya na daw sasagot kaya ako na lang ang susulat.

Yes! Wala akong poproblemahin na sagutan kasi matalino ang partner ko. Mabuti na lang at siya ang naging partner ko.

Pero okay din naman si Zander, matalino din siguro ang isang yun.

Inubos muna namin ang pagkain bago sagutan. Mabilis lang naman namin yun naubos kasi pareho kaming gutom. Patay gutom kami eh. Hahaha.

Nakaupo kami sa sahig at nasa harapan namin yung lames at tama lang tangkad nun.

Siya naman ay sinasagutan na yung activity pero nasa scratch lang kasi ako na ang mag re-rewrite sa papel namin.

Tinitignan ko kung pano niya yun sagutan kaya may na gets naman ako kahit konti. Konti lang naman hehe.

Napansin ko din na ang gamda ng sulat niya pati mga number ay ang gaganda ng pagkakasulat niya.

Samantalang ako parang kinahig ang sulat. Pero pag tinatamad lang naman ganun ang sulat ko. Hehehe.

"Done" sabi niya at nilapit na sakin ang papel.

Kinuha ko yun at binasa. Tama siguro to. Hehehe. Syempre siya ang sumagot.

Napahikab na lang ako habang binabasa ko yun. Antok na din ako kadi ang dami namin na kinain kanina.

At madilim na din sa labas. Uuwi pa ang isang to.

"Antok ka na ba? Gusto mo ako na lang ang mag sulat niyan?" tanong niya sakin.

Ang sipag naman nito! Siya na nga sumagot siya pa susulat. Nakakhiya naman sakanya.

Umiling na lang ako habang nakangiti.

"Ako na lang tsaka gabi na oh." tinuro ko yung bintana at madilim na nga. "Tsaka uuwi ka?" sabi ko.

Dapat makauwi na siya, baka kasi pagalitan siya sa kanila.

"It's okay. I don't mind." aniya at kinuha ang  papel na hawak ko.

Napansin ko lang na nagiging gentleman na ang isang to. Nakakain lang ng street foods naging ganiyan na. Hahaha.

Kukunin ko na sana sakanya yung papel pero nilalayo niya naman. Kaya hindi ko makuha.

Ang kulit ng isang to!

"Ako na lang susulat. Baka pagod kana eh." pagpipilit ko sakanya.

Pero makulit din siya at ayaw ibigay sakin.

Ano bang pwede kong gawin para makuha ko yung papel? Nakataas kasi yung kamay  niya at nandoon yung papel.

Ah alam ko na! Sana gumana hehehe.

Nilalapit ko yung mukha ko sakanya at binibigayan ng nang lalambing na mata.

Aabutin ko kasi yung papel sakanya. Para hindi niya malaman na kukuhanin ko ginagamitan ko siya ng charm ko. Hehehe.

Tumatayo na din ako na unti para maabot ng konti yung papel ang haba kasi ng kamay eh kaya di maabot pag naka upo lang.

"Please" sabi ko.

Pinapakinang ko pa ang mata ko habang sinasabi ko yun.

Ano kaya itsura ko? Siguro ang cute ko hehehe.

Nagtataka naman siya sa inaasta ko at nilalayo niya na din ang mukha niya sakin ang lapit na kasi eh.

Nakakailang lunok na siya at pilit iniiwas ang tingin. Pero hindi niya magawa kaya sakin na lang siya nakatingin.

Hahaha! Wala ka ng magagawa! Wohh!.

Aabutin ko na sana yung papel ng mawalan ako ng balanse nakaluhod na kasi ako at walang mahawakan.

Kaya ang ending nakapatong na ako sakanya at siya naman ay nabigla sa nangyari kaya wala siyang lakas na ibalanse ako. Ayan tuloy napahiga siya at nakapatong ako sakanya.

Pero laking gulat ko ng pagbagsak namin yun din ang pagdikit ng....

Labi namin!

Agad akong tumayo habang nakahawak sa labi ko.

Yung first kiss ko! Huhuhuhuhu!.

Habang siya naman ay nakatingin lang sakin habang gulat pa din sa nangyari.

Wala na! Huhuhuhu.

Umayos na din siya ng upo at nakahawak na din sa labi.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. At parehong gulat sa nangyari.

"Y-you stole my first kiss" rinig kong bulong nito.

Agad nanlaki ang mata ko ng ako ang nakakuha sa first kiss niya.

Parehas kami! Huhuhuhu.

Pano na!

•••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!