Chapter 8 of 27

#5

1 am » poetry70 words~1 min read

pwede bang ako nalang

yung dahilan kung bakit ka nakangiti,

kung bakit ka nagmamadali,

kung bakit di ka mapakali.

pwede bang ako nalang

yung mas importante sa iyo,

yung laging hahanap-hanapin mo,

yung iisip-isipin mo.

pwede bang ako nalang

ang laman ng iyong isipan,

ang laman ng iyong nararamdaman,

ang gusto makitang harapan.

sana ako nalang

ang nilalaman ng puso mo.

pwede bang ako nalang,

ako nalang ang mahalin mo.

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!