Chapter 7: Kabanata 05

The Only GirlWords: 14693

Emerald Jade

Pagkatapos kong magpatingin sa school clinic ay dumiretso na ako rito sa bahay. Alam ko kasing gaganti ang lalaking 'yon sa akin at kapag nangyari 'yon ay gaganti na naman ako. Edi ang magiging ending ay maggagantihan kaming dalawa.

Nag-taxi lang ako pauwi dahil wala pa si Jake.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Medyo nawawala-wala na rin naman ang mga gasgas at mapupula sa katawan ko. Pati 'yong braso ko ay maayos-ayos na rin.

Dahil maaga pa naman, naisipan kong mamayang gabi na lang mag-review para roon sa quiz na ibibigay nung ibang teacher. Minsan kasi ay tinatamad talaga akong mag-aral. Pero syempre, minsan lang dapat tamadin. Hindi pwedeng araw-arawin.

Nagtingin-tingin na lang ako sa mga accounts ko. I checked my Instagram, Facebook and Twitter. Walang bago. Tadtad na notifications lang ang nakikita ko.

Boring.

Bumuntonghininga ako at bumaba na lang para kumuha ng pagkain.

"Ma'am, magluluto na po ba kami ng tanghalian?" tanong sa akin ng isang maid nang makita niya ako.

"Mamaya na." Kumuha ako ng tubig sa fridge. "Intayin niyo si Jake."

"Sige po."

"Nasaan nga pala si Nay Ester?" tanong ko. Hindi ko pa siya nakikita simula pag-uwi ko. Nakakapagtaka dahil sa tuwing uuwi ako ay si manang agad ang sumasalubong sa akin.

"Sinundo po ng family driver niyo. Pinapasundo raw po kasi ng mommy niyo." Ngumiti siya at nagpatuloy na sa paghuhugas ng pinggan.

Kunot-noong binalik ko ang pitcher sa fridge. "Ni Mommy?"

"Opo. Pinapunta po sa Pampanga dahil doon daw po uuwi ang Ma'am Jane."

Bakit hindi ko alam?

"Kailan daw ang uwi?" tanong ko pa dahil wala talaga akong alam sa mga nangyayari!

"Hindi po nasabi sa 'kin, ma'am."

Tumango na lamang ako at kumuha na ng pagkain dahil iyon naman talaga ang balak kong gawin kaya ako bumaba.

Inayos ko ng lagay sa lamesa ang mga pagkaing kinuha ko. Gusto ko kasi ay maganda tingnan iyon kapag kinuhanan ko ng picture. Binuksan ko ang t.v at nilagay 'yon sa Netflix. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng hoodie ko at mabilis na kinuhanan ng picture ang pagkain at ang t.v.

I posted the picture on my Instagram story.

After a couple of minutes, may narinig akong nag-doorbell. Nagtatakang tumingin ako sa pinto.

Si Jake na ba 'yon?

"Yaya!" sigaw ko at itinigil saglit ang pinapanood.

Walang lumabas na katulong kaya napanguso ako saglit. Malapit lang ako sa pinto pero tinatamad akong tumayo.

"Yaya! Ate!" sigaw kong muli pero wala pa rin.

Inis na lumingon ako sa may bandang kusina. Hindi ba nila ako naririnig? Masyado bang busy ang mga tao rito at walang nasagot?

Bumuntonghininga ako bago tumayo para buksan ang pinto. Natigilan naman ako nang malaman ko kung sino iyon.

Paano niya nalaman ang bahay ko?

"Ba't andito ka? Paano ka nakapasok?" I asked, not letting him in.

"Bukas 'yung gate." Ngumiti siya at akmang papasok na pero mahinang tinulak ko siya palabas.

"What are you doing here?"

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Nakita ko 'yung story mo. Daming pagkain kaya pumunta ako, akala ko kasi nang-iinvite ka, e."

Paano niya nalaman ang Instagram ko?

"Are you stalking me?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Uy, hindi. Naka-follow ako sa 'yo. Baka hindi mo lang napansin, dami mo kasing followers." Nagkibit-balikat siya.

Okay?

Nginitian niya ako at mahina akong tinabig para makapasok na siya sa loob. Patalon na umupo siya sa sofa.

Feel at home?

Ano pa nga bang aasahan ko? Austin 'yan, e.

Lumabas ako para isara ang gate at baka kasi may sumunod pa sa lalaking 'to.

"Laki ng bahay niyo," puna niya habang nililibot ang tingin sa bahay. "Ang ganda."

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Kapitbahay mo 'ko, duh," maarteng sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi naman siguro siya bakla? Ganito ba talaga siya?

I sighed. "Since when did we become neighbors?" tanong ko na lang.

Ngayon ko lang siya nakita— or baka nakita ko na siya at hindi ko lang siguro naaalala. Mabilis kasi akong makalimot lalo na kapag hindi talaga ako interesado.

"Ang taray naman ng english mo, sis! Matagal na kaming nakatira rito. 'Yung bahay namin ay doon medyo sa unahan."

Tumango-tango ako. I see.

Kapitbahay namin sila kaya ibig-sabihin ay mayaman din ang pamilya nila kaya bakit parang manghang-mangha siya kanina sa laki at ganda ng bahay nina kuya?

Humble yarn?

"Jade, picture nga tayo!" Inilabas niya ang cellphone niya at inutusan akong umupo sa tabi niya.

"Sure."

He took a lot of pictures. Nangawit ang panga ko kaka-ngiti.

"Post ko 'to," masayang sabi niya.

"Where?" tanong ko naman. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon.

"Instagram," sagot niya habang nakangiti pa rin.

Is he that happy?

Hinanap ko ang username niya at ni-follow 'yon.

austinjayyy

9 Posts - 549 Followers - 14 Following

Ni-like ko na rin ang post niya na marami na agad ang comment. Binasa ko 'yon isa-isa. Most of it were from our classmates.

calyx_:

bakit walang ayaan na naganap? daya ah!

jaydee_:

since when did you two become close?

Mahilig ba sila sa underscore? Pinindot ko ang profile ni Daryl.

jaydee_

0 Posts - 7,344 Followers - 0 Following

Ayos din 'tong lalaking 'to, ah. Ang daming followers kahit wala namang post.

Shawnnnn:

okay.

james.lopez:

wow.

Itinigil ko muna ulit 'yong pinapanood ko na Girl From Nowhere ang title. Ang daldal kasi ni Austin kaya hindi ko maintindihan. Ang dami niyang kwento na hindi ko naman maintindihan dahil paiba-iba ang sinasabi niya!

Ubos na ang pagkain bago pa ako makatapos ng isang episode.

"Yaya!" sigaw ko at humikab. Inantok na ako kakahintay na matapos ang kwento ng batang 'to.

"Bakit po?" Tumatakbong lumapit sa amin ang isa naming kasambahay. Akala ko ay hindi na naman nila ako maririnig.

"Pakitimpla kami ng bagong juice," utos ko at ibinalik na ang tingin sa t.v kahit hindi naman naka-play ang pinapanood ko.

"Sige po." Akmang aalis na siya nang marinig niyang bumulong ang katabi ko.

"Jade, sabihin mo magdala na rin ng pagkain," pasimpleng bulong sa akin ni Austin. Siniko pa ako!

Takaw talaga. Talagang pagkain lang ang pinunta niya rito!

Bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon ni Austin.

"Anong ginagawa niyan dito?" galit pero kalmado pa ring tanong ni Jake.

Umirap ako. Problema niya na naman?

"Bisita ko siya, 'wag kang epal." Pwede naman siyang dumiretso sa kwarto niya at 'wag na kaming pansinin!

"Paalisin mo 'yan!" sigaw niya habang nag-aalis ng necktie.

"'Wag mo na nga lang kaming pansinin! Epal ka, alam mo ba yon?!"

He sighed before biting his lower lip. Tumingin siya sa akin, halatang nagtitimpi.

Weh? Galit yarn?

"Pagbaba ko dapat ay wala na 'yan. Mag-ayos ka, susunduin natin si mommy."

"Whatevs," sagot ko na lang at palihim na umirap.

Napangiti ako agad nang makita ko ang babies ko.  Galing sila sa labas, pinasamahan ko sa playground sa isa sa mga maid namin. They stopped running nang makita nila si Austin. Mabilis nilang tinahulan ito kaya napangiwi na lamang ako sa sunod-sunod na sigaw ni Austin.

"Gago!" malakas na sigaw niya at tumayo sa sofa, pilit na lumalayo sa mga aso ko.

"What the hell? They are my dogs— my babies! 'Wag mo ngang murahin!" inis na sigaw ko rin.

"Jade, baka kagatin ako," nanginginig na saad niya at parang kaunti na lang ay iiyak na.

Tangina. Para aso lang.

Umirap ako at bumuntonghininga. "May taste ang mga aso ko, Austin."

Ngumuso siya, hindi pa rin umuupo.

"Come here, babies." Lumapit naman sila at tumalon papunta sa hita ko. "Don't worry, mabait 'tong mga 'to."

"Sigurado ka?" naninigurong tanong niya. I gave him an assurance nod.

Takot na takot sa aso. Tss.

"This one is Pomy..." Binuhat ko ito at inabot sa kaniya. Nag-alangan pa siya noong una pero tinanggap niya rin naman. White pomeranian si Pomy.

"Ang cute niya, Jade." Ngumiti ako. "Pwede akin na lang?" Mabilis na napawi ang ngiti ko at inagaw na si Pomy sa kaniya.

"This one is Ghost," nakangiting sabi ko habang nilalaro-laro si Pomy. Itinuro ko si Ghost na nakatitig ngayon kay Austin. Brown pomeranian naman si Ghost.

"Sungit, mana sa 'yo," rinig kong bulong ni Austin kaya inirapan ko siya.

"Bakit Ghost ang pangalan?" pag-iwas niya sa akin.

"Sumusulpot na lang kasi bigla."

"Saan siya pumupunta?" curious na tanong niya at akmang bubuhatin si Ghost pero mabilis siyang tinahulan nito.

"Sa hideout niya." Pinatay ko na ang t.v at inayos na ang pinag-kainan namin.

"Pagkatapos mong kainin 'yan ay umuwi ka na. Aalis kasi kami." Umayos ako ng upo at hinintay siyang ubusin ang pagkain na hawak.

"Nasaan ba ang mommy mo?" tanong niya habang punong-puno ng pagkain ang bibig. Muntik ko nang hindi maintindihan ang tanong niya.

"New Zealand," maikling sagot ko.

"Ubos na! Thank you, Jade. Sa uulitin sana." Nakangiting tumayo siya at tumakbo na sa pinto dahil nakita niya si Jake na pababa na ng hagdan.

"Bigyan mo 'kong chocolate!" pahabol na sigaw pa niya.

Napailing na lang ako habang pinapanood siyang tumakbo palabas.

Binuhat ko si Ghost. "Let's go!" excited na sabi ko. They started wagging their tails.

Pumunta na kami sa kwarto ko. Expert sila sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan kaya hindi ako nag-aalala kahit iniiwan ko silang mag-isa rito. Kinuha ko sa box ang laruan nilang dalawa at binigay 'yon sa kanila para hindi na sila pagala-gala sa buong bahay. May sarili rin silang bed sa kwarto ko kaya hindi na nila kailangan lumabas.

Habang naglalaro sila ay humiga muna ako sa kama. Iidlip muna ako habang may oras pa.

"Miss Emerald? Kakain na po." May kumatok sa pinto kaya nagising na ako. I groaned. Kakapikit pa nga lang ata ng mga mata ko, e!

"Bababa na!" inaantok na sagot ko. Kinusot ko ang mga mata ko bago ako umupo.

Ilang minuto akong nakatulala hanggang sa maramdaman kong gising na talaga ako. Bumaba ako para kumain na. Tinignan ko ang oras.

Hapon na agad?

Tahimik lang akong kumakain. Ganoon din si Jake.

"Sabi ko mag-ayos ka na, 'di ba?" as usual, nagsusungit na naman siya.

Tapos na rin naman ako kumain kaya tumayo na rin ako. Tumango lang ako sa kaniya at umiwas na agad ng tingin.

Kumuha muna ako ng dog food at tubig bago bumalik sa kwarto.

"Hi, babies! Eat na."

Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog iyon. Inayos ko muna ang kakainin nila bago ko sagutin ang tumatawag.

Kuya Anthony is calling...

"Yes, kuya?"

[Susunduin niyo raw si tita?] tanong niya. Base sa background ay alam kong nasa opisina siya. Kita ko ang mga papel na nasa lamesa.

"Yes, po. Mamaya."

[Take care. H'wag kayong mag-aaway sa harap ng mommy niyo, ha?] Strikto na ulit ang tono niya kaya natawa ako. Nakita kong may mga pinipirmahan siya.

"Yes, sir. Basta 'wag magsisimula si Jake," biro ko.

He chuckled. [Silly. I'll hang up na, baby.]

Tapos na kumain si Pomy at Ghost kaya niligpit ko na ang mga kinainan nila at pati na rin 'yong mga laruan. Dinala ko sila agad sa banyo para liguan. Pagkatapos ko naman silang liguan ay hinayaan ko na muna silang mag-ikot dito sa kwarto. Pinatay ko rin muna ang aircon.

Naligo na rin ako dahil sigurado akong bigla na lang magtatawag si Jake! Ang hilig pa naman no'n magmadali!

I wore my favorite skinny jeans and paired it with a Chanel crop top. Kitang-kita ang curve ng katawan ko. Mabuti na lang at maganda pa rin ang katawan ko kahit marami akong kumain.

Habang nagsusuot ako ng sapatos ay nahagip ng mata ko ang isang picture na nakalagay sa side table ko. Family picture namin iyon. Kumpleto kami... nandoon pa si Lola.

Bumuntonghininga ako bago pumili ng bag na dadalhin. Nang makapili na ay nilagay ko na agad ang shades at wallet ko para hindi ko malimutang dalhin.

Nag-open muna ako ng Instagram habang hinihintay na tawagin ni Jake. Humikab ako at nakaramdam na naman ng antok.

I followed some of my classmates' accounts.

One account caught my attention.

alvarezkian

15 Posts - 1, 054 Followers - 14 Following

Familiar sa akin 'yung pangalan— ah! 'Yung ex ng dati kong friend. I scrolled on his posts. Umabot na ako sa dulo pero wala akong nakitang picture nila. Baka binura?

"Hoy, tara na!" sigaw ni Jake sa labas ng kwarto ko.

I kissed the top of my babies' heads. "Bye, babies! See you later."

As usual, tahimik lang kami ni Jake habang bumibyahe. 'Yung kotse ko kasi ay nasa Pampanga pa kaya hindi ko magamit. Magtiis muna siya sa mukha ko habang hindi pa naiiuwi rito 'yong kotse ko.

After an hour ay nakarating na kami sa airport. Hinihintay na lang namin si mommy.

"Mom!" masayang tili ko nang matanaw ko si mommy.

"Jake, I saw her na!" I unconsiously held Jake's hand. "Let's go!" Tumakbo ako palapit kay Mommy habang hila-hila si Jake na wala yatang balak na gumalaw.

Mabilis kong niyakap ang mommy ko. I haven't seen her for months. I missed her!

"Mommy! I missed you!" I faked a crying sound while hugging her tightly.

"I missed you, too, Jade ko!"

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya para malapitan naman siya ni Jake. I'm smiling from ear to ear.

"Hindi kita na-miss, mommy," pabirong sabi ni Jake kaya nakatanggap siya ng hampas mula kay mommy na ikinatawa niya lang.

"Wala kang pasalubong." Umirap si Mommy sa kaniya.

After the hugging scenario, bumalik na kami sa kotse. Si Jake na ang nagdala ng mga luggage ni mommy. Nagmukha tuloy siyang alipin ngayon. Hindi ko na sinabi ang nasa isip ko at baka mag-init na naman ang ulo niya.

"Mommy? Bakit sa Pampanga ka mag-i-stay?" I asked.

She caressed my hair while smiling. "Don't worry... one week lang ako sa Pampanga at sabay-sabay na kaming uuwi after that. Hindi naman muna ako babalik ng New Zealand dahil pumayag naman ang daddy niyo."

"Really?! Bonding tayo pagbalik mo, please?"

What the hell? Para akong batang excited mabigyan ng gift.

"Yes, we will," she said, smiling.

Pauwi na kami sa bahay dahil sabi namin ay mag-rest muna si mommy. Bukas pa naman siya susunduin papuntang Pampanga.

I'm tired and excited at the same time. Masaya ako kasi makakapag-bonding na ulit kami ni mommy. Ang tagal din naming hindi nagkita. I missed her so damn much!

***

Shawn

Nagsalin ako ng tubig sa basong ibinigay sa amin ng katulong nina Alexis. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Biglaan lang dahil mga walang magawa sa bahay.

"Nakita niyo 'yung post?" tanong ko sa kanila. Lumabas kasi sa Instagram ko 'yong post ni Austin kanina.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin at si Jack lang ang halatang hindi interesado.

Kumunot naman ang noo ko bago muling nagsalita. "Pinapunta mo si Austin doon, 'no?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Nagkibit-balikat ako. "Para gawing spy si Austin?"

Umirap siya at umiling bago binalik ang tingin sa cellphone niya na hanggang ngayon ay si Mia pa rin ang wallpaper.

Nagtataka ako sa ikinikilos niya. Halata namang ayaw niya roon sa babae pero bakit parang wala siyang ginagawa? Hindi naman ganito dati. Palagi kaming may plano kapag may napupuntang babae sa amin pero ngayon ay wala man lang akong naririnig na kahit ano.