He kissed another girl. He kissed another... girl. He did that while we were in the same place. Nasa loob lang ako ng bahay nung ginawa niya 'yon! Bumuntonghininga ako habang nakatulala sa kawalan. Natawa ako sa sarili. I have met a lot of boys. Marami na akong naging lalaki pero lahat naman ng 'yon ay laro-laro lang para sa akin. Karma ko na ba 'to? Kasi marami na akong nasaktan na lalaki? I don't take relationships seriously before. Kaya bakit ngayong seryoso na ako ay saka nagkaganito?
I drank the liquor that I was holding. Wala akong balak tumigil sa pag-inom kahit na tumutulo na iyon sa bibig ko ngunit may bigla namang humawi nito sa akin. I sighed irritatedly.
"Jade, please, stop this na," Alexis begged. Umiling siya at sinalo ako dahil muntik na akong matumba dahil sinubukan kong maglakad paalis.
Alexis is here. He called me earlier. Nagtataka raw silang lahat kung bakit natagalan kami ni Daryl sa labas. Si Alexis lang ang nakakita roon sa babae. I told him not to tell anyone about this. Ibinigay ko sa kaniya ang address namin dito sa Pampanga dahil gusto niyang sundan ako.
I cried on his chest. He caressed the back of my head gently, comforting me.
"Alexis..." I cried loudly. "Bakit?"
It made me question my worth. It made me question myself. Kasi kung maayos naman ang lahat sa akin ay hindi niya magagawa 'yon. Ano bang mali? Ano bang kulang?
I cried harder when Alexis hugged me tightly. "He cheated," I whispered painfully. It hurts to say that word. It gives me a lot of pain... that I almost can't breathe just by thinking of it.
"Sige na, iiyak mo lang lahat. Nandito ako," bulong niya na para bang nasasaktan din para sa akin. He caressed my hair as he whispered comforting words to me.
Balak niya nang saktan ang kaibigan niya dahil sa nalaman niya ang ginawa nito. Nagkakagulo na rin daw kasi ang lahat kanina sa bahay nina Alexis dahil nga hindi nila ako makita. Napigilan ko lang siyang gawin ang binabalak niya dahil narinig niya akong umiiyak habang magkausap kami sa telepono.
Patuloy ang pag-iyak ko habang umiiling. Hindi ko mapigilan. Ganito pala kasakit.
"Alexis, sa tingin mo bakit? Kulang pa ba 'ko?" halos bulong na lamang ang huli kong pangungusap.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko bago ako sinagot. "No. You're enough, Jade. You're enough."
Umiling ako. Hindi naniniwala sa kaniya. Kasi kung sapat na ako... bakit nagawa niya 'yon? If I were enough, why would he kiss her?
Kaya ba siya balisa simula pa noong umaga? Kaya ba hindi siya mapakali habang papunta kami kina Alexis kasi pupuntahanan pala siya ng babae niya? Kaya ba siya umalis sa venue habang nagde-deliver ako ng speech ko at bumalik lamang siya sa kalagitnaan nito, ganoon ba? Does the girl even know that Daryl has a girlfriend?
My tears won't stop falling. Gusto kong tanungin si Daryl kung bakit pero hindi ko magawa. Kasi hindi pa ako handa. Ni hindi ko nga gustong makita ang mukha niya ngayon. Hindi ko siya kayang makita pagkatapos no'n.
Humiwalay ako kay Alexis para matingnan siya sa mata. Tinulungan niya naman akong punasan ang mga luha ko.
"Do you know her?" I asked. "Do you know that girl?" Umawang ang labi ko nang umiwas siya ng tingin sa akin. Ibig sabihin ay kilala niya 'yung babae. He knows that bitch!
"Kilala mo siya?" hindi makapaniwalang sagot ko.
Hindi man siya um-oo sa tanong ko kanina pero alam kong kilala niya ang babae dahil kung hindi niya 'yon kilala, bakit siya iiwas ng tingin?
Handa na sana akong magalit din sa kaniya dahil hindi niya agad sinabi sa akin pero naunahan na niya akong magsalita. My mouth dropped and my heart sank more because of what he said.
"Kilala ko nga siya," nahihirapang bulong sagot niya sa akin. "Ex girlfriend siya ni Jack, Jade. His first girlfriend, first love, first... in everything."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin dahil unti-unti nang nagsi-sink in ang lahat.
She's his first... in everything. First love and first girlfriend? Anong laban ko roon?
Bigla rin akong napaisip kung kailan pa? Matagal na ba silang may connection ulit sa isa't isa? Nag-uusap na ba sila ulit habang kami pa? Nagbalikan na ba ang dalawa?
"Stop crying na, hmm? Please, itigil mo na 'to. Hindi ka naman ganito dati, ah?" halos naiinis na niyang sabi pero halata mo ring nasasaktan dahil nakikita akong nagkakaganito.
"Ano bang ginawa sa 'yo ni Jack at nagkaganito ka? Lumambot ka na ng sobra. Ang swerte niya na nga dahil sa kaniya ka napunta tapos ngayon lolokohin ka lang niya dahil bumalik na si Melanie? That's bullshit!" dagdag niyang sabi.
I couldn't answer him. Hindi ko alam ang sagot kasi... ano nga bang ginawa sa akin ni Daryl at nagkaganito ako? Hindi naman ako nagseseryoso sa mga relasyon ko dati... kaya bakit noong si Daryl na ay parang mamamatay na ako dahil sa sakit?
Akala ko ba mahal niya ako? Palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Nararamdaman ko naman na mahal niya nga ako. Pero bakit nung bumalik 'yung first love... bakit parang nakalimutan agad ako? Parang nawala bigla lahat?
"Hindi ko alam kung anong nangyari. . ." I sobbed. "Maayos naman kami. Maganda naman ako. . . mayaman din. Ayaw niya ba sa ugali ko? Pwede niya namang sabihin kung anong naging problema. Sana sinabi niya, pwede ko namang baguhin 'yon," I whispered desperately.
Alexis sighed disappointedly as he tried to calm me again. "You're being desperate," he whispered while shaking his head.
Anong magagawa ko? Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay handa akong baguhin ang sarili kung gusto niya. Handa akong gawin lahat ng gusto niya basta sa akin pa rin siya.
I woke up because of the sunlight that is hitting my face. Sinubukan kong tumayo at doon ko naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Ang mga mata ko rin ay mahapdi na dahil siguro sa labis na pag-iyak ko kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na at kung nandito pa ba si Alexis.
I groaned as I tried to move my body. "Hindi na ako iinom ulit, pucha," inis na bulong ko.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Jade, gising ka na ba?" Boses iyon ni Alexis. Nandito pa siya. Hindi siya umalis.
"Come in," I replied, still feeling groggy.
Hindi ko naman siya kailangang pagbuksan dahil hindi naman siguro naka-lock ang pinto. Nanatili akong nakahiga at kumunot ang noo.
Sinong nagdala sa akin dito sa kwarto?
Pumasok si Alexis na may dalang tray ng pagkain. Tiningnan ko lang siya saglit at pumikit muna dahil mahapdi ang mata. Bumuntonghininga ako at pinilit na tumayo.
"Eat first and then fix yourself. You looked like a mess, Jade. This is not you." He carefully placed the tray of food on my bed.
I smiled weakly. Ang hirap pala talaga magmahal, 'no? Lalo na kapag binigay mo talaga lahat. Dapat talaga nagtitira ka palagi para sa sarili mo kasi kung hindi. . . wala na. Talo ka talaga. Mahihirapan kang bumangon muli.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit dahil ngayon lang naman ako nagmahal ng totoo. Masyado ata akong napanatag kay Daryl dahil naging kaibigan ko siya dati. Masyado ata akong napanatag na mahal niya nga ako. Na siya na nga 'yon.
We should've just stayed as friends. Baka akala niya lang ay mahal niya ako pero ang totoo. . . mahal niya lang ako bilang kaibigan. Baka nalito lang siya dahil nga mahal niya pa ang babaeng 'yon at pilit niya lang 'yong kinakalimutan.
Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit na nahihirapan akong gumalaw dahil sa sakit ng ulo at katawan.
Nakatitig lamang sa akin si Alexis at pinapakiramdaman ang bawat galaw ko. Bumuntonghininga siya at nakita kong umiling. He took out his cellphone from his pocket and just busied himself with that.
"Alexis. . ." Tumingin siya sa akin, hindi pa rin nagsasalita. "Thank you."
Ngumiti lang siya sa akin at inayos na ang pinagkainan ko. I was about to rest again when my phone ring. Tiningnan namin pareho iyon. Inayos niya muna ang kumot ko bago isinara ang kurtina ng kwarto dahil masyadong maliwanag sa labas.
"Talk to him when you're heart is ready," he said before leaving me alone.
Pinatay ko ang tawag niya. I'll talk to him when I am already stable. Sarado pa ang utak ko ngayon. Hindi ko rin maiintindihan ang mga sasabihin niya. Sisigawan ko lang siya at aawayin.
Maraming missed call at message ang natanggap ko mula sa kaniya at sa mga kaibigan namin. They were asking if I am okay.
From: Babe
Hey, love. Let's talk, please. I'll explain everything.
From: Babe
She's nothing to me. Please, talk to me.
From: Babe
Where are you? Sinong kasama mo?
From: Babe
Are you safe?
From: Babe
Jade, please reply. I'm worried. Babe, I'm sorry. I swear, she's nothing. I didn't kiss her. Let's talk in person, please. I'll explain everything.
From: Babe
I understand that you don't want to see me because of what happened. Mag-isip ka muna kung ayaw mo pa akong makita. Reply and talk to me when you're ready. I love you. You know that I can't do that to you. Hindi kita kayang saktan, Jade.
Umupo ako at tiningnan pa ang ibang natanggap na message na mula naman sa Section E. Nag-aalala sila. I smiled when a familiar feeling came in.
Nakita ko rin na tumatawag sa akin si Mommy sa kagabi. Kumunot ang noo ko. Ano kayang problema? Hindi naman siya tumatawag ng ganito karami kung hindi emergency?
From: Pretty Mommy
where are you, anak? umuwi kami kasama nina jacky. i have pasalubong
Iyon ang una niyang message sa akin. Umuwi pala ulit siya. Kasama kaya si Daddy? Kinabahan naman ako bigla kung kasama nga niya ang asawa.
I called my mother's number. Wala pang ilang ring ay sinagot niya 'yon agad.
[Hello, anak ko? Where are you? Pumunta rito si Daryl kagabi, oh my God, lasing na lasing!] Mommy sounds shocked and frustrated.
Napahilot ako sa noo at bumuntonghininga.
"Mom. . ." My voice shaken. Tawagin ko lang siya ay parang naiiyak na ako.
[Are you crying? Why? Tell me what's happening, anak. We're clueless here."]
"Mom. . . I saw him kissing another girl," I told her. My tears started forming again.
[What happened daw, Tita? Asan daw po siya?] Rinig ko ang nag-aalalang boses ni Kuya Anthony. [May nangyari raw ba? I can't reach her phone since last night.] Si Jake naman ngayon.
My mother sighed, controlling herself. [That guy. . . I won't let this slide! I trusted himâ No. We trusted him and this is what he'll repay us?]
Natahimik saglit sa kabilang linya. Narinig kong pinapakalma siya nina Daddy. Nandoon din sina Tita Bealyn. Mukhang lahat sila ay hinahanap ako.
[He kissed another girl, Bea. It's already called cheating! My daughter saw it with her own eyes! Imagine how hurt could she be right now. How dare he? My daughter trusted him! She loves him!] Malayo na ang boses. Mukhang binitawan ni Mommy ang cellphone niya at pilit siyang pinapakalma nina Tita.
Narinig ko ang mura ni Kuya Anthony. My eyes widen. Kilala ko si Kuya. I know what he'll do.
Kahit na nanghihina ang katawan ay nagawa kong tumakbo at hanapin si Alexis.
"What happened?" Alexis worriedly asked when he saw running. He supported my body to make sure that I won't fall.
"Tawagan mo si Daryl," nag-aalalang sabi ko.
Kumunot ang noo niya. Naguguluhan sa nangyayari. I begged him to call Daryl.
"Alam na nina Mommy ang nangyari at kung bakit ako nawala bigla. Alam na rin nina Kuya Anthony. They will hurt himâ"
"And he deserves it, Jade," putol niya agad sa sasabihin ko.
Bumuntonghininga ako. "Just please. . . call him for me."
My knees started to feel weak. He held my arms tightly. I can hear him calling my name but it was all blurry. I lost consciousness.
#
I woke up feeling lightheaded. I can smell the familiar scent of alcohol and medicines. Sigurado akong nasa Hospital ako ngayon. I started feeling my surroundings as I tried to open my eyes slowly.
"She's awake," someone announced. I couldn't figure out who owns that voice because everything was still blurry. My body is still adjusting.
Tuluyan nang bumukas ang mga mata ko nang maalala si Daryl. I forced myself to get up but a hand stopped me.
"You need to rest first. Mataas pa ang lagnat mo," bulong nito sa akin at tinulungan akong umupo. Si Jake. I stared at him. Maayos na ang paningin ko.
"Nauuhaw ka ba?" tanong niya at inutusan ang lalaking nasa likod niya para ikuha ako ng tubig. Si Kuya Anything ang inutusan niyang 'yon.
My brows furrowed. It took a couple of minutes for me to realize that they are all here. Ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko.
Kumunot ang noo ko nang makitang may pasa sa mukha ang iba. Tinuro ko sila habang nagtataka.
"Anong. . . nangyari sa inyo?" mahinang tanong ko dahil nahihirapan pa.
Umiwas silang lahat ng tingin sa akin. Napaayos ako ng upo nang maisip kung anong nangyari.
"You. . ." I stopped because Hendrix spoke.
"Ang gagong 'yon, lima na kami pero talo pa rin sa kaniya," naiiling na sabi niya.
"Batak makipagsuntukan ang hayop," dagdag pa ni Kian na ngayon ay putok ang labi. Umiiling din siya, mukhang hindi pa makapaniwala.
Natigilan ako dahil napagtantong pinagtulungan nila si Daryl. I bit my lower lip. Hindi pala agad mawawala ang pag-aalala ko sa kaniya.
"H'wag mong sabihing nag-aalala ka sa kaniya, anak?" Nagulat ako nang pumasok si Mommy sa kwarto. Masungit ang mukha nito at seryoso ang tingin sa aming lahat. Maging sa mga kaklase ko ay malamig ang tingin niya.
Bumuka ang labi ko pero walang salitang lumabas dito. Itinikom kong muli ang bibig at pinaglaruan na lamang ang basong hawak.
Pakiramdam ko may kulang sa akin ngayon. Hindi ako sanay na wala ang presensya ni Daryl. Hindi ako sanay na hindi siya nakakausap. Gusto ko siyang yakapin at puntahan. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat ng nakita ko pero hindi ko namang pwedeng ibaba ng ganoon ang sarili ko.
Tiningnan ni Mommy isa-isa ang mga kaibigan ko. "Let her rest first before you say anything about that guy."
Mukhang natakot naman sila kay Mommy dahil kaniya-kaniya silang tumango. Nag-iwas pa sila ng tingin dahil sa takot kay Mommy.
Lihim naman akong natawa sa itsura nila. Nakakatakot nga si Mommy kapag seryoso siya. Kaya nga kaming lahat ay under sa kaniya, e. Kaya lang naman ako may lakas ng loob na magpasaway dati dahil alam kong busy sila sa trabaho at hindi sila uuwi para lang sermonan ako.
Bumuntonghininga ako dahil si Daryl na naman ang sumagi sa isipan.
Tangina, hindi ba talaga ako lulubayan ng lalaking 'yon?
Napatingin sa akin si Mommy at umiling. "You're not thinking of talking to him, right?"
Ngumuso ako at namuo na naman ang mga luha sa mata kaya napailing si Mommy. Naalerto silang lahat at kaniya-kaniyang umiwas ng tingin bago pa ako makitang lumuha.
"Can't I. . . let him explain? Baka mali lang ako, Mommy." And once again, I sound desperate.
"You saw it with your own eyes, anak," malamig na sabi niya habang pinupunasan ng basang towel ang mukha ko.
"I might got it the wrong way. Baka akala ko lang naghahalikan sila dahil madilim," pilit ko pa. Pero alam ko naman sa sarili ko na nakita ko talaga. Kasi may kaunting liwanag naman na nagmumula sa poste ng kalsada. Kitang-kita ko na magkadikit ang labi ng dalawa. Hawak pa siya sa batok nung babae at hawak niya naman ito sa braso.
Bakit ba ipinipilit ko pa? Gusto kong isipin na mali lang ang nakita ko kasi ayaw ko ng ganito. Ayaw kong iwanan siya. Ayaw kong iwanan niya ako. I don't want us to fall apart. Hindi ko kaya. At hindi ko rin kayang kayanin.
Nagpaalam na muna sina Austin kay Mommy para makapag-usap daw kami. Naiwan kaming buong pamilya sa loob.
Hindi ako makatingin kay Jake at Kuya Anthony dahil sila ang maraming pangaral at warning sa akin noon. Tama pala sila.
Umiling si Kuya sa akin. "Rest first."
Ako naman ngayon ang umiling. I bit my lower lip. Daryl wants to explain. He wants to talk to me. Gusto ko rin siyang makausap at tanungin kung bakit niya nagawa 'yon. Kung ano bang nangyari sa amin.
"Where's my phone?" Hindi ko sila pinakinggan. I tried to move to find my cellphone but they all wanted to stop me.
"You're not in condition yet, Jade. Mataas pa nga ang lagnat mo!" inis na sabi ni Jake. Umiling ako at hindi siya pinansin. Nagpapasaway na ako noon, kaya ko ulit gawin 'yon ngayon.
"Jade, isa," Kuya Anthony warned me but I refuse to listen. Hinawi ko ang mga kamay nilang nakahawak sa akin. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko pero hindi ko 'yon pinansin dahil gusto kong mahanap ang cellphone ko.
"I hid your phone," my mother told me. My lips parted. Masama ko siyang tiningnan at bumuntonghininga.
"Mommy. . ." They never touched my things before. Hindi sila nangingialam ng gamit pero ngayon ay itinago nila ang cellphone ko.
I pushed my hair backward as I blew a loud breath, completely accepting my defeat.
Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kanila kung ganito pala ang mangyayari. Sana ako na lang mismo ang umayos ng problema ko.
"What did you do to him?" tanong ko na lamang dahil alam ko namang hindi nila ako hahayaang makalapit kay Daryl ngayon. At mas lalong hindi makakalapit si Daryl sa akin ngayon, bantay-sarado kami.
"Nabugbog lang ng kaunti. Malakas si gago, e," naiiling na sabi ni Jake habang nakahawak sa labi. Naaalala niya ata ang nangyari sa kanila sa kamay ni Daryl.
I wonder, did he think of me when he kissed that girl? Did he think about me? Naisip niya ba ang mararamdaman ko?
"We will take you with us." I stilled. Napatingin ako kay Daddy matapos niyang sabihin 'yon.
"Po?" I was hoping that I heard him wrong but I did not. Tumayo siya at inayos ang suot na damit.
"You'll be discharged later at diretso na tayo ng alis," pinal niyang sabi.
Tumingin ako kay Kuya Anthony para humingi ng tulong pero blangko rin ang tingin nito sa akin. Lahat sila ay galit.
"Shouldn't we. . . at least, hear his side? His explanation?" I was desperate enough to bravely said that in front of them.
"Hindi ka ba galit sa ginawa niya sa 'yo?" hindi makapaniwalang sabi ni Jake habang nakakunot ang noo sa akin.
"Yes, I was mad at him!" I answered.
"Was? So, hindi ka na galit ngayon? After what he did?" he fired back.
"But, I want to hear something from him! I want him to explain why he did that! I want to know what went wrong!" I burst out. "Oo, nagalit at nasaktan ako sa nakita ko pero. . . an explanation for him is what I only need. I can't move forward without hearing him. Kahit 'yon na lang Mommy."
"You really want to talk to him?" hamon ni Mommy. Desidido naman akong tumango, pinapantayan ang malamig niyang tingin. "Then go, puntahan mo siya roon sa bahay ng babae niya!"
My mouth dropped as I felt my heart went numb. Sobra-sobrang sakit na ang nararamdaman ko na halos hindi ko maramdaman ang sarili kong puso.
"Mommy! Ano ba?" galit na sigaw ni Jake na para bang ayaw niyang malaman ko 'yon.
I just know that this will be the last time they will see me here in the Philippines. Ayaw ko na.