Chapter 36: Kabanata 34

The Only GirlWords: 11851

Emerald Jade

Nasa room na kami ngayon at kumakain. Nag-order lang sila dahil nauumay na ata si Austin sa mga niluluto nilang pagkain. Uminom ako ng tubig. Grabe 'yung pagod na naramdaman ko pero worth it naman. Akala ko ay magkakamali ako on stage pero hindi! Mas naging confident pa nga ako dahil sa mga suporta nila dahil hindi ko 'yon inaasahan!

"Dahan-dahan lang, Austin!" sita ko dahil kung kumain siya ay akala mo'y isang linggo namin siyang ginutom!

Dalawang fries at tatlong burger pa nga lang ang nakakain ko!

"Ikaw nga nakakadami na!" nakangusong reklamo niya sa akin.

"Napagod naman ako kaya okay lang!" sagot ko pa.

Kinain ko na ang binigay sa akin ni Daryl. Chicken with rice iyon. Mukhang kailangan ko para ma-restore ang energy na binuhos ko kanina.

Buti at hindi na sumagot si Austin sa akin dahil bukod sa nagtatalsikan ang laman ng bunganga niya ay naiistorbo rin niya ako sa pagkain! Kadiri pa!

"Umayos ka nga, Austin," warning din ni Daryl sa kaniya. "Para kang baboy kung kumain."

"H'wag kang magmadali dahil hindi ka naman mauubusan. Madami 'yan," mahinahon na dagdag naman ni Hendrix sa sinabi ni Daryl.

Pagkatapos naming kumain ay sina Calyx na ang nagligpit ng mga pinagkainan. Sila raw kasi ang walang ambag. Ang iba ay naglalaro ng kung ano-ano samantalang ako naman ay naglalaro lang sa cellphone ko. Nandito ako sa pwesto ko kung saan ako natutulog. Nakapatong ang kumot sa tuhod ko.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko matingnan kung sino 'yon dahil nakatutok ako sa cellphone ko.

"Bakit?" tanong ko sa lalaki nang hindi siya tinitingnan. Baka kasi mamatay ako sa nilalaro ko!

"Shit! Back up naman," iritang bulong ko kahit hindi naman ako naka-open ang mic ko sa laro.

"Naglalaro ka pala niyan?" tanong niya at doon ko lang nalaman na si Alexis pala ang tumabi sa akin.

"Oo," maikling sagot ko, hindi pa rin siya nililingon.

"End na, dami pang ginagawa, e," bulong ko dahil nasusura na sa mga kakampi.

"Sali ako," sabi niya nang makitang tapos na ako. Saglit akong tumango at umayos na ng upo.

"Sali rin ako!" habol ni Kian at agad umupo sa may paanan ko.

Nagulat ako nang sumunod sa kaniya si Neil. "Ako rin," nabo-bored niyang sabi.

Ang lakas naman ata ng pandinig nila? Ang hina-hina ng boses ni Alexis kanina tapos nasa kabilang bahagi pa sila ng classroom.

Sumunod din si Harry. "Mobile Legends 'yan? Sali!"

Nakapalibot ang apat sa akin at hinayaan ko lang dahil may space pa naman ako.

Nagsisimula pa lang ang game pero nagyayabangan na agad sila. Umirap ako at napailing. Mga lalaki nga naman.

"Ayusin niyo, ha," sabi ni Alexis.

"Ulul! Ikaw ang umayos, hirap na hirap na kaming buhatin ka," bawi naman ni Kian.

"Ingay," iritadong bulong naman ni Neil.

"First blood."

"Ano?" nang-aasar kong sabi dahil ako ang unang nakapatay sa amin.

"Tsamba lang 'yan," asar ni Harry.

Napangiti ako nang makapatay ulit.

"Double Kill."

"Ha? Ano, Harry?" natatawang asar ko kay Harry.

"Gago, namatay ako!" sigaw ni Alexis.

Natawa naman kaming tatlo at napansin kong napatingin sa amin ang iba naming kaklase.

"Bobo ka lang talaga," si Kian na napatay din pagkatapos sabihin 'yon kaya lalong lumakas ang tawanan namin.

Napabuntonghininga ako pagkatapos humiga. Gabi na at naghahanda na kami para matulog. Tumitig ako sa kisame. Ngayon ko lang na-realize ang mga nangyari ngayong araw. Masaya. Masaya silang kasama kahit na hindi maganda ang mga unang araw namin.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Bukas na kasi ang pinto at mga bintana ng classroom namin kaya kitang maliwanag na sa labas.

"Good morning, Jade!" bati agad ni Austin nang makitang gising na ako. Nakahanda na ang breakfast. Iilan na lang ang tulog pa.

Ngumiti ako kay Austin at hinanap agad si Daryl pero hindi ko siya makita. Kumunot ang noo ko at umayos ng upo. Lalo namang kumunot ang noo ko nang ma-realize na hinahanap ko siya.

Bakit ko naman siya hinahanap?!

Kumuha ako ng uniform at ang mga gamit na kailangan ko dahil kailangan ko nang maligo. Mukhang naliligo rin ang iba kaya wala sila rito. Ginigising na nina Hendrix sina James dahil tulog pa ang mga ito.

Pagkatapos maligo ay bumalik ako agad sa classroom. Naabutan ko silang naghihintay dahil gusto nila ay sabay-sabay kaming kumakain ng breakfast.

Magulo pa ang buhok ni Shawn at pipikit-pikit pa ang mata nang maabutan ko dahil mukhang pinilit lang nilang gisingin para makakain na ng breakfast.

Mabuti at hindi pa masakit sa balat ang araw nang bumaba kami sa field para humanay. Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi kami pinanghuli. Nasa pangatlo kami, kasunod ng Section B, hindi ko alam kung bakit... pero bahala na.

"Section E tayo, 'di ba? Bakit nasa pangatlo tayo?" nagtatakang tanong sa amin ni Calyx. Nagkibit-balikat lang naman kaming iba dahil hindi rin namin alam.

Isang ikot lang naman ang gagawin namin at malapit lang  din dito sa school. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nito, e.

"Wala pong aalis sa linya at susunod lamang sa mga nasa unahan niyo. Huwag muna tayong makulit para matapos tayo agad dahil alam naman naming ayaw niyong naiinitan kayo," sabi ng Principal. Umirap lang ako hindi na pinansin ang mga sinasabi niya.

Hawak namin ni Daryl ang banner na may pangalan ng school, grade level at section. Nasa unahan kaming dalawa.

Nagsimula na kaming maglakad. Paglabas ng school ay makikitang may iba't ibang street foods at stalls na inihanda talaga para sa mga estudyante. Pinayagan kaming mag-try ng mga teachers.

Bumitaw muna ako sa banner na hawak namin at hindi naman nagreklamo si Daryl. Lumapit ako sa isang food stall. Kukuha na sana ako ng stick nang makasabay ko si Lawrence. Nagtama ang kamay naming dalawa. Napailing na lamang ako at aatras na sana pero may brasong umakbay sa akin.

"Kumakain ka nito?" chill na tanong ni Alexis sa akin. Inilapit ni Alexis ang bibig sa tainga ko para bumulong. "Papansin talaga 'tong ex mo, 'no?"

Kumuha ako nung tinatawag nilang kikiam at sinubukan iyon. Kinakausap lang ako ni Alexis tungkol sa kung ano-ano hanggang sa mainis si Lawrence at umalis na. Hindi na bumili.

Napabuntonghininga ako nang mawala na siya sa paningin. "Salamat," bulong ko kay Alexis. Inalis ko na rin ang braso niyang nakaakbay sa akin.

"Ginugulo ka ba ng lalaking 'yon?" tanong pa niya sa akin, nakakunot ang noo habang tinatanaw si Lawrence na naglalakad na palayo sa amin.

Ngumiti na lang ako at hindi na sinagot ang tanong niyang 'yon. Maglalakad na rin sana ako kaya lang ay napaatras din agad nang makitang may nakatingin sa amin.

Kumunot ang noo ko. Diretso at seryoso ang tingin sa akin ni Daryl. Nilingon ko si Alexis para magtanong kung anong problema ng kaibigan niya pero iniwan na ako nito.

Great!  I sarcastically said in my mind.

Ganoon pa rin ang tingin sa akin ni Daryl at mukhang hinihintay akong lumapit sa kaniya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil feeling ko may ginawa akong kasalanan kahit na wala naman!

Pinabalik na kami sa pila para matuloy na ang pag-ikot at para makabalik na kami sa school. Umiinit na rin kasi. May photographer na nagdo-document sa amin.

Nakarating na kami sa school at lahat pero hindi pa rin ako hindi kinikibuan ni Daryl! Ramdam kong hindi talaga niya ako pinapansin! I tried to recall what happened earlier at wala naman akong matandaan na may ginawa ako sa kaniya. Umirap ako. Why do I feel bothered anyway?

Sa cafeteria muna dumiretso ang lahat para kumain. Si Harry na ang o-order para sa amin ni Daryl. Bumuntonghininga ako. Kaming dalawa lang ni Daryl ang naiwan sa table. Nagce-cellphone lang siya at hindi pa rin tumitingin sa akin!

Napailing na lang ako. Kinuha ko na lang rin ang cellphone ko at naglaro na lang ng ML. Pero lagi lang akong napapatay dahil hindi ako makapag-focus sa laro! Iniisip ko kung paano siya kakausapin! Nakakainis na!

Malakas kong binaba ang cellphone sa lamesa. Lumagabog iyon pero hindi pa rin siya tumingin. Nauubos na ang pasensya ko kahit na hindi ko alam kung may pasensya ba talaga ako. Bumuntonghininga ako bago umayos ng upo at naiinis na tumingin sa kaniya.

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" It slipped on my tongue softly. I stilled when I realized that. Dapat ay galit ako, ah?

Humigpit ang hawak ni Daryl sa cellphone niya. Hindi ko talaga alam kung anong kinakagalit ng lalaking 'to!

"Why don't you ask yourself?" sarkastikong bulong niya.

Anong ask yourself? Ano ako manghuhula?

Gusto ko siyang sagutin ng pabalang pero hindi ko magawa dahil baka lalo lang lumala. Lihim na lang akong umiirap. Mahaba ang pila kaya hindi pa agad makabalik sina Austin.

"Pwede ba? Umayos ka nga! Ano bang problema mo?" tanong ko, galit na talaga ngayon.

May mga napatingin na sa amin kaya natahimik ako saglit. Hinanap ko ang mga kaklase ko at baka pati sila ay nakatingin din pero nakita kong medyo malayo na sila sa amin.

Nang ibalik ko ang tingin kay Daryl ay masama itong nakatingin sa akin. Mukhang nainis dahil nagtinginan sa amin ang ibang estudyante gawa ko.

Nakapatong ang isa niyang kamay sa lamesa ngayon at mahigpit ang hawak sa cellphone na para bang doon niya ibinubuhos ang inis.

"Be honest with me, Jade. May gusto ka ba kay Alexis?" tanong niya, diretso pa rin ang kaniyang mata sa akin.

Nagulat ako. Iyon ba ang ikinakagalit niya? Bakit ba iniisip niyang may gusto ako kay Alexis? Hindi ko maintindihan!

"Wala, 'no!" gulat na sagot ko dahil nabigla nang maisip na baka... nagseselos siya kay Alexis lalo pa't mukhang nakita niyang nakaakbay sa akin ang lalaki kanina.

"Talaga lang, ah?" sarcastic niyang sabi kaya napairap na lang ako dahil sa frustration.

Ang hirap naman nitong suyuin— kausapin!

"Makulit? Wala nga sabi!" I crossed my arms while trying to look into his eyes. "Nagseselos ka ba sa kaniya?"

Gotcha! Napangisi ako nang makuha ang naging reaksyon niya. Nagulat siya at umiwas ng tingin sa akin.

Tumikhim siya. Mukhang nahihiya dahil nahuli ko. "Why are you smirking?" kunwaring iritado niyang tanong.

"Umamin ka na..." nang-aasar kong sabi at inilapit ang mukha sa kaniya para makita ng ayos ang mukha niya.

"Anong nagseselos? Hindi, 'no!" inis niyang sabi at hinawi ang mukha ko kaya natawa ako.

"Sus! Nagseselos ka, 'no? May gusto ka siguro sa akin!" natatawang asar ko at sinundot-sundot ang pisngi niya dahil pilit siyang umiiwas ng tingin.

Nagulat ako at natigilan dahil bigla siyang humarap sa akin. He froze too. Sobrang lapit ng mukha niya sa at mukhang isang maling galaw ko lang ay maaari ko na siyang mahalikan!

Tumikhim ako at mabilis na umayos ng upo nang makabawi sa gulat. Napaayos din siya pero nagtagal ang tingin sa labi ko.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at mukhang hindi na 'to dahil sa gulat. I tried my best to compose a playful smile, and thankfully, I did.

I crossed my arms again. Tumingin ako sa kaniya na parang walang nangyari. "Ngayon mo sabihin na wala kang gusto sa akin."

Iniwas niya ulit ang tingin niya sa akin. Ako naman ay natutuwa na sa kaniya. Ipinatong ko ang dalawang siko sa lamesa at tumitig sa kaniya.

Grabeng side profile naman 'yan, ang perfect.

"Sige. Kapag hindi ka humarap ay iisipin ko na talagang may gusto ka sa akin," natatawang sabi ko kahit na kinakabahan na sa ginagawa ko.

Inis na humarap siya sa akin. Nawala ang ngiti ko nang mapansing seryoso na siya ngayon at hindi na talaga nakikipagbiruan.

"Ano naman ngayon kung gusto nga kita? May mangyayari ba kung aaminin ko?" Umawang ang labi ko. "Jade, I like you. Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'to. Ayaw kong tanggapin ang nararamdaman ko dahil alam kong kaibigan lang naman ang tingin mo sa akin pero gustong-gusto talaga kitang angkinin sa tuwing nalalaman kong may ibang nagkakagusto sa 'yo kasi hindi ko sila mapigilan dahil wala naman akong karapatan."

"Daryl..." I whispered. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya.

"Hindi mo ba nahahalata, Jade? Hindi mo ba 'ko napapansin?"