Chapter 35: Kabanata 33

The Only GirlWords: 8464

Nasa backstage na kami. Nandito rin ang ibang magpe-perform at ang iba ay nakatingin sa amin. Hindi ko sila kilala pero ang iba ay familiar ang mukha dahil nakikita ko naman minsan sa campus.

May nagme-make-up sa amin habang kinakausap kami ni Sir Jayson. Nakaharap kami sa mahabang salamin, tinitingnan ko sila isa-isa roon. Hindi naman sila mukhang kinakabahan. Nakangiti pa nga si Dianne at Mia. Si Lei Anne naman, as usual wala man lang reaksyon pero paminsan-minsan ay nahuhuli kong masama ang tingin sa akin.

Suot na namin iyong pinagawa naming damit. Hindi ko na pinagalaw ang buhok ko. Pinahayaan ko na lang na nakalugay ito. Mas gusto ko kasi ang itsura ko kapag malaya lang na nakalugay ang buhok ko, mas feel ko ang pagiging maganda ko.

"Just enjoy it. H'wag niyo na lang isipin na nasa isang competition kayo."

Sa lahat ng sinabi ni Sir ay iyon lang ang naintindihan ko dahil hindi ako nakikinig sa mga pinagsasasabi niya kanina. Hindi ako masyadong makagalaw dahil may nag-aayos ng mukha ko. Hindi naman masyadong heavy ang make-up na ginagawa sa akin. Sinabi ko kasi na mas prefer kong mag-light make-up na lang para mas bumagay sa pink naming outfit.

I closed my eyes as I blew a loud breath. Naghihintay na lang kami na tawagin. Dalawa na ang nakapag-perform. Ngumuso ako at naisipiang mag-picture na lang muna para naman hindi masayang ang ganda ng outfit ko.

"And please welcome these amazing girls that will be performing for... Grade 12!"

Nagmulat ako ng mga mata. Sabay-sabay na kaming tumayo para mag-ready sa paglabas namin. Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi.

***

Jack Daryl

Umawang ang labi ko nang makita na sila. Nagsisimula pa lang ang kanta pero dumadagundong na sa ingay ang auditorium. Napailing na lang ako nang ma-realize kung bakit.

"Ang ganda niyo!" sigaw ng marami.

"Ang sexy po nung naka-pink!" Rinig ko pang sabi nung isa. Kumunot ang noo ko. Lahat naman sila naka-pink.

Nawala ang inis na nararamdaman ko nang makitang masaya si Jade sa suporta sa kanila ng mga nanonood. I smiled proudly while watching her perform confidently in front. Hindi siya kinakabahan ngayon. Nakasunod lang ang mata ko sa bawat galaw niya. Pakiramdam ko bumabagal ang ikot ng mundo ko sa tuwing ngumingiti siya.

"Oh, wait 'til I do what I do

Hit you with that ddu-du, ddu-du, du"

Maraming nakikisabay sa kanta. May mga babae rin na nakikisayaw. Ngayon alam ko na kung bakit sila ang pinili ng mga teachers. Iba ang dating nila sa mga estudyante rito. Sa mga nag-perform kanina, ngayon lang nagkagulo ang mga estudyante. Sobrang ingay rin dahil sa mga hiyawan at palakpakan.

"When the bass drop, it's another banger"

My lips parted after she delivered her rap. She winked while smiling proudly at the crowd.

How can that girl be so cool and cute at the same time?

"Ang angas," bulalas ni Austin.

Napabuntonghininga naman si Ivan na para bang nahirapan siyang huminga dahil doon.

"Hit you with that ddu-du, ddu-du, du"

We stood up while clapping our hands when the music stops. I checked the judges reaction. Nakangiti ang mga ito habang may sinusulat sa mga papel na nasa harap nila.

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!" they screamed while the girls were walking backstage.

"Masyado naman atang pinagpala ni Lord si Jade. Grabe ang talented," manghang sabi ni Austin.

May ilan pang magpe-perform pero hindi ko alam kung manonood pa kami. Depende siguro kay Jade. Kung pagod na siya, edi babalik na kami sa room. Pero kung gusto niya munang manood, edi dito muna kami.

"Anong gagawin natin pagkatapos nito?" tanong ni Alexis habang hinihintay naming pumunta rito si Jade.

"Pa-deliver naman tayo ng McDo," suhestiyon ni Austin. "Sawa na ako sa mga niluluto niyo."

"Wow, ha? Buti nga pinapakain ka pa namin, nagreklamo ka pa!" Umambang mananakit si Harry kaya tumakbo agad palayo sa kaniya si Austin. Siya kasi ang nagluluto minsan para sa amin.

"H'wag na ulit tayo sumali sa palaro nila. Maglaro na lang tayo ng atin," nabo-bored na sabi ni James.

"Anong laro naman?" tanong naman ni Kian sa kaniya.

Tiningnan ko ang lalaki. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi pero parang ang init ng dugo sa kaniya ni Jade.

Tumingin ako sa likod nila para tingnan kung nandoon na ba si Jade pero wala pa. Hindi pa sila lumalabas. Ang tagal naman ata?

Nakaabang na kaming lahat dito sa may gilid ng stage dahil dito ang daan papuntang backstage. Kita namin iyong Host, tumingin pa ito kina Austin ang ngumiti.

"H'wag nang maglaro. Katamad naman mga laro niyo," pagtanggi agad ni Harry sa gusto ni James. "Manood na lang ulit tayo ng horror, marami naman si Austin."

"Tapos ano? Pagti-trip-an niyo na naman si Jade?" medyo natatawa namang singit ni Neil sa usapan nila.

Napailing na lamang ako at napaayos na ng tayo nang makita na si Jade. Naka-track pants at crop top na siya ngayon. Kaya siguro sila natagalan dahil nagpalit pa ng damit. Pansin ko rin na pati ang sapatos niya ay may tatak na Adidas.

Favorite niya siguro?

"Jade!" sigaw agad ni Austin nang makita si Jade. Lumapit siya rito at mabilis na yumakap. Napangiwi naman ako. So close.

"Galing mo roon, ah!" si Alexis naman. Nakipag-high five pa. Ulol. Gusto lang makahawak sa kamay niyan.

"Ang angas talaga. Ang ganda mo pa," Austin said while giggling like a child.

Nginitian lang sila ni Jade dahil umiinom pa ito ng tubig. Mukhang pagod. Sigurado akong hindi na 'to manonood.

Napansin kong parang may hinahanap siya sa amin. Lumingon ako sa paligid. Wala namang kulang sa amin dahil nandito naman kaming lahat. Sino namang hinahanap niya?

Tumigil ang mga mata niya sa akin. Nagtagal ang tingin niya at parang may hinihintay na sabihin ako kaya kumunot ang noo ko. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling na lang ang atensyon kina Austin pero mukha siyang... disappointed?

Bakit naman siya disappointed kung gano'n? Magaling naman siya. Hindi naman siya nagkamali sa stage kanina. Kahit sa pagkanta niya ay wala rin namang naging mali.

I unconsciously checked out her body. Maganda ang katawan niya kahit medyo malakas siyang kumain. Flat stomach, small waistline, long legs, long hair and a fucking pretty face. Sinong hindi mahuhulog d'yan?

We decided to go back to our room and watch a movie. Nagpa-deliver na rin sila ng maraming pagkain. Sinabi na rin kasi ni Sir Jayson na kailangan ni Jade magpahinga dahil may parade bukas.

Kaming dalawa ni Jade ang ginawang face of the section. Kami ang nasa unahan bukas habang may hawak-hawak na banner ng Section E. Iniisip ko pa lang na mag-iikot kami bukas nang naglalakad lang ay napapagod na agad ako. At isa pa, sure akong hindi sanay na maglakad ng ganoon kahaba si Jade. Hindi ko alam kung kakayanin niya ba kaya kailangan niya nga magpahinga.

Kasabay maglakad ni Austin si Jade. Nasa unahan ko ang dalawa kaya naririnig ko ang kwentuhan ng dalawa. Pansin ko pa rin ang pagiging tahimik ni Jade. Minsan lang siya sumagot sa mga sinasabi ni Austin pero kahit na ganoon ay tuloy-tuloy pa rin sa pagkukuwento iyong isa na para bang ayos lang sa kaniya na hindi sumagot si Jade sa mga sinasabi niya basta ang mahalaga ay alam niyang nakikinig ito sa kaniya.

Bumuntonghininga ako at hinabol ang lakad ng dalawa. May kani-kaniya namang kwentuhan ang mga kasama namin kaya hindi nila kami mapapansin.

"Hi, Jack!" bati ni Austin na akala mo'y ngayon lang ako nakita. Hindi ba siya nawawalan ng energy?

Tinapunan lang ako ng tingin ni Jade at dire-diretso lang na naglakad. Kumunot ang noo ko. Bakit parang may kasalanan ako na hindi ko alam?

"Jade," I tried calling her but she did not look back. Hindi niya siguro narinig?

"Jade," I called her again, but it was louder this time. Lumingon na siya. Pati si Austin ay lumingon na rin.

"Mauna ka na, Austin," mahinang utos ko at agad naman siyang tumango at tumakbo na paakyat ng hagdan.

"Bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Jade. Tiningnan niya ang mga kasama namin at kumunot ang noo nang makitang nilalampasan lang kami ng mga 'to.

"Una na kami," bulong sa akin ni Neil at tinapik ang balikat ko bago sumunod sa mga kasama namin.

"Bakit?" ulit na tanong ni Jade sa akin nang makalayo na ang iba.

I bit the inside of my cheeks. Kanina pa ako may gustong sabihin sa kaniya. Hindi ko masabi dahil nahihiya ako at pakiramdam ko ay hindi niya naman na kailangang marinig mula sa akin dahil ilang beses na niyang narinig ang mga ang salitang sasabihin ko ngayon sa iba.

She stared directly at my eyes which made me distracted for a second.

"You did well kanina, Jade. Ang galing mo," nahihiyang sabi ko.