I-a-announce na ang mga nanalo. Puno na ang auditorium kaya medyo nahirapan kaming humanap ng upuan. Nakita ako ni Rio at ngumiti ito sa akin kaya gano'n din ang ginawa ko.
'Yung nangyari kanina... Did he... confess his feelings to me? Or was I dreaming?
Nagsisimula na ang program. Nakahanap na rin kami ng mga upuan. Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Daryl kanina dahil dumating na si Austin. Tinamad na raw kasi siyang pumila kanina at nagpabili na lang din.
"We are now announcing the winners of our contests held in the past few days. Are you guys ready?!" We clapped our hands loudly. Some are yelling because of excitement.
"For our Solo Singing Contest! The winner is... Section B!"
My lips parted. I expected Hendrix to win. Pero okay lang. Nag-enjoy naman siguro siya. Pero syempre nakakalungkot pa rin.
Naramdaman kong may umakbay sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Hendrix lang pala. Ngumiti siya habang pinapanood na bigyan ng certificate ang nanalo.
"Okay lang 'yan. Mukha kang nalugi," natatawang sabi niya sa akin.
"Kapag hindi mo inalis 'yan, puputulin ko 'yan," rinig kong bulong ng isa ko pang katabi.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Sino namang kausap ng lalaking 'to?
Nagulat ako nang biglang alisin ni Hendrix ang braso niyang nakaakbay sa akin.
Natigilan ako nang ma-realize iyon pero agad din akong umirap at nag-iwas ng tingin sa kaniya para itago ang... kilig na nararamdaman. Ngumuso ako. Bakit naman ako kinikilig sa gano'n?
Malandi.
Pumunta sa harap ang nanalo. Nag-picture ito hawak-hawak ang certificate niya. Kasama ang mga teachers sa picture. May photographer naman na nagpi-picture.
"At ang nanalo sa ikalawang contest natin ay ang..."
Ngumiwi ako. Akala mo naman nakaka-intense ang way ng pag-announce niya e' hindi naman.
"Section E!"
Napakurap-kurap ako. Ano raw? Mabilis akong tumingin sa katabi ko dahil sa gulat. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko para pumunta na sa stage.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa Host at proud na ngumiti naman siya sa akin. I bow my head as a respect to the Principal.
Inabot na sa amin ni Daryl ang certificate. Ako ang humawak no'n. Ngumiti na ako sa camera. I bit my lower lip. Magkadikit kami ni Daryl ngayon kaya hindi ako mapakali. Pagkatapos ng nangyari kanina ay mukha bang makakagalaw ako ng maayos kapag sobrang lapit niya sa akin?
Tuwang-tuwa ang mga kaklase namin. Rinig namin ang sigaw nila kahit na malayo sila sa amin. Napailing na lang ako dahil medyo nahihiya na dahil sa sobrang ingay nila.
"Ang galing!" malakas na sigaw ni Austin at tumakbo para mayakap kami ni Daryl.
Kinuha niya ang certificate at tinitigang mabuti iyon habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin.
"Nakita niyo ba 'yung dalawa? Bagay sila, 'no?" biro ng Host at kinikilig pa.
Maraming sumuporta sa sinabi niya at may mga lumingon din sa amin kaya napatakip ako ng mukha habang nakangiti. Pulang-pula na siguro ang mukha ko! Yumuko na lamang ako para hindi mahalata. Nanatili akong ganoon hanggang sa maramdaman kong hindi na mainit ang pisngi ko.
"And the winner is... Section E!"
Napaayos ako ng upo at mabilis na napapalakpak kahit na hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko.
Nakita kong tumayo na sina Austin. Bakas sa mukha nila ang tuwa habang umaakyat ng stage. Nakakabingi rin ang palakpakan.
Wow, sikat 'yan?
Nang makababa sila sa stage ay hindi ko na sila hinintay pang makabalik dito. Tumakbo na ako para salubungin sila. Naramdaman ko namang parang may umaalalay sa likod ko habang tumatakbo ako pababa.
Akmang yayakap na ako kina Austin nang maunahan nila akong gawin 'yon.
"Para sa 'yo 'to, Jade!"
"Nanalo tayo!"
"Ang galing natin!"
Niyakap nila ako... ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw agad dahil sa gulat. Maging sina Shawn kasi ay nakayakap din sa akin. Parang gusto kong umiyak ngayon dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman.
Ngumiti sila pagkatapos yumakap sa akin. Iniyabang pa nga ang hawak nilang certificate.
"Okay ka naman pala, e," nakangiting sabi ni Ezekiel habang nakatingin sa certificate na hawak niya. 'Tsaka ko lang nakumpirma na ako ang sinasabihan niya nang tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Thank you," medyo nakangiting sabi ni JM sa akin. Nakipag-apir pa pero mayroon pa ring awkwardness. Pero okay na 'yon, 'di ba? At least hindi na sila galit.
"Mag-celebrate tayo sa amin!" si Shawn. Naglalakad na kami pabalik sa upuan namin dahil may mga nahaharangan kami kanina. "Sama ka, Jade."
Ngumuso ako para itago ang ngiti. Ayaw ko namang ipahalata na masyado akong masaya ngayon.
"Mukhang pupunta rin si Michael para mag-sorry sa 'yo," pagkausap sa akin ni James. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa mga nangyayari. "And anyway, I'm sorry, Jade. I'm really sorry," he said sincerely.
I bit my lower lip. Naluluha na ang mga mata ko at pinipigilan ko lang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ang emotional ko ngayong araw. Siguro kasi hindi ako sanay sa kanila at masaya talaga ako. Bago kasi para sa akin ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Parang ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Nakakapanibago.
"Okay lang. Okay na." I smiled while playing with my fingers.
"Ibig sabihin ba nito ay okay na kayo?" gulat pero natutuwang tanong ni Austin. Nagulat pa ako nang bigla siyang lumuhod sa upuan niya para makaharap kami. Nasa unahan kasi namin ang upuan niya kaya kailangan niya pang umikot para lang makaharap kami.
"Jade," tawag nila sa pangalan ko na para bang nasa akin ang desisyon.
Umirap ako at tumango. Napapalakpak na naman si Austin sa tuwa. Ang apat naman ay lumapit ulit sa akin para yumakap. Kinabahan pa ako dahil baka may magreklamo na sa amin dahil mga nakatayo sila ngayon at nahaharangan ang mga nasa likod namin.
"Bakit na naman ba?" naiinis na tanong ko kay Daryl dahil isa-isa niyang inalis ang mga brasong nakayakap sa akin. Tumawa lang naman ang apat na mukhang naiintindihan ang inaasta nitong kaibigan nila.
Umiling siya bago umayos ng upo at tumingin sa harap. Nanatili naman akong masama ang tingin sa kaniya.
Nagseselos na naman ba siya?
"What?" inis niya ring tanong sa akin.
Tumaas naman ang isang kilay ko at napaayos din ng upo para lang harapin siya. "Nagseselos ka na naman ba?" He looked at me as if I said something ridiculous.
"Sinasabi mo?" parang nagtatampo niyang tanong.
"Lakas mo namang magselos e' wala naman tayong relasyon. Tigilan mo nga, naiinis ako." Siraulo ba 'to? Ako nga hindi pa nakakaramdam ng selos sa kaniya. Sabagay, saan naman ako magseselos e' hindi ko pa naman siya nakikitang nai-involve sa mga babae?
Naalala ko naman si Mia. Ex girlfriend niya nga pala 'yon. Napaisip naman ako. Walang sign na may nararamdaman pa rin siya roon sa babae. Hindi katulad nung mga unang araw ko sa Section E. Naka-move on na siguro talaga siya, 'no?
"Payagan mo 'kong manligaw para tapos ang usapan."
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang sinabi niya. Nawala ang focus ko sa ibang bagay dahil napunta 'yon lahat sa kaniya.
Ano raw ang sabi niya?
Payagan ko siyang manligaw?
Mabilis ko siyang binigyan ng masamang tingin. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis dahil ang pangit naman ng way niya para sabihin na gusto niya akong ligawan.
"Jade," tawag niya at kinulbit pa ang balikat ko. Halos tatlong beses niya ring ginawa iyon bago niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kaniya.
"Pumayag ka na, please? Ligaw lang. Ligaw pa lang naman," pilit niya at halatang nagpapa-cute pa sa akin.
Sa tingin niya ba madadala niya ako sa gano'n?
Syempre.
Syempre hindi, 'no!
"Jade, manliligaw pa lang naman," ulit niya. "Handa naman akong maghintay." Seryoso at sincere na siya ngayon. Napaisip naman ako.
"I'll do everything for you to like me too, Jade. And I promise, you won't regret liking me. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako hanggang sa magustuhan mo rin ako. Pero ngayon... payagan mo muna akong manligaw sa 'yo."
My heart skipped a beat. At parang naglaho ang lahat sa paligid. Papayag ba ako?
"Jade," tawag niya ulit. I could almost hear him begging.
Dahan-dahan akong tumango. I'll let him court me. He said he'll wait, right? Then, let's see if I won't regret this. Hindi pa niya alam na may nararamdaman din ako para sa kaniya.
Natigilan siya at mabilis na napahawak sa dibdib. Napasandal siya sa inuupan at napatitig sa kawalan habang nakangiti. Para bang hindi siya makapaniwala sa akin.
At nang mukhang natauhan na siya ay lumapit siya sa akin at yumakap. Ako naman ang nagulat ngayon.
"Thank you, Jade! You will never regret this, promise," he said. And after that, he planted a kiss on my forehead which made me smile sweetly.
My smile quickly faded when I saw Hendrix and Lawrence watching us. They immediately looked away when they saw me looking. But the sadness and pain in their eyes were visible.
What the hell did I do?
I don't want to hurt them, yes. But I want myself to be happy. Is that wrong? Am I wrong?
"The winner is Grade 12!"
Bumalik ang atensyon ko stage. Gulat na napatayo ako. Narinig ko ang malakas na tili nina Austin at ang mga palakpakan nila.
"Jade, tara!" ngiting-ngiti na tawag sa akin ni Dianne. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na papunta sa unahan.
"Congrats! Ang galing niyo kasi, e," sabi ng Principal sa amin habang inaabot sa amin ang certificate. Sunod-sunod naman kaming mag-thank you.
May trophy at certificate kaming nakuha. Nag-picture rin muna bago kami bumaba ng stage.
Nakangiti ang lahat nang makababa ako ng stage. May hawak na cellphone si Austin at mukhang pi-picture-an ako kaya nag-pose ako na ipinapakita ang certificate na hawak. 'Yung trophy kasi ay na kay Sir Jayson.
This day will hold a special space in my heart, really. Ang daming nangyari. Shawn, JM, Ezekiel and, James are now fine with me and I guess.. we're friends now. A little celebration will be held at Shawn's house after this event and after that, balik sa normal na ulit sa school.