Umuwi rin ako agad pagkatapos mag-awards ng winners. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa mga kaklase ko dahil tinawagan ako ni Kuya Anthony.
"Jade," salubong ni kuya nang makarating ako.
"Anong sasabihin mo, Kuya?" tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa mahabang sofa. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.
"Uuwi ang Mommy at Daddy mo bukas dito." Napahilot siya sa sintido. "Baka hindi ka muna makapasok."
Napalitan ng pagtataka ang tingin ko sa kaniya. Puwede namang kausapin ako nina Mommy pagkatapos ng school, 'di ba? Ayaw nilang uma-absent kami, ah?
"Huh? That's new, akala ko ba ay ayaw nilang lumiliban kami sa klase?" kunwaring natatawang sabi ko para hindi mahalata ang kabang nararamdaman.
"Ano ba talagang meron?" tanong ko sa normal kong boses para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
Nagkibit-balikat siya bago bumuntonghininga. "Hindi ko rin alam. You should rest, Jade." He smiled before messing my hair.
Kunwaring umirap ako kaya natawa siya. Nagtungo na ako sa kwarto ko para sana maligo at magpalit ng damit kaya lang ay nakasalubong ko si Jake kaya ang nangyari, agad ko siyang tinulak papasok sa kwarto ko. Siya naman na ang nagsara ng pinto pero dire-diretso siyang umupo sa kama ko.
"Wow. Kwarto mo?" sarkastikong tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
Umirap lang siya sa akin at humiga sa kama. Nanatili ang mga mata niya sa kisame. Pakiramdam ko tuloy ay may problema siya.
Bumuntonghininga ako. "May alam ka ba kung bakit ako kakausapin nina Mommy?" tanong ko sa kaniya habang naghahanap ng damit sa closet.
"Hindi ko alam. Baka tungkol lang sa school," pabulong na sagot niya.
Ano namang meron sa school? Wait. Alam na ba nila?
"Hoy, teka! Nagsumbong ka ba kina Mommy?" tanong ko at tumalon sa kama para komprontahin siya.
May ugaling sumbungero pa naman ang lalaking 'to.
"Tanga. Hindi." Nagtalukbong siya ng kumot dahil sa akin.
Defensive! Halatang nagsumbong!
Pumwesto ako sa dulo ng kama para hilahin ang kumot ngunit mahigpit niyang hinawakan iyon.
"Hoy, tangina mo! Kapag ako talaga pinalipat ni Mommy ng school, malilintikan ka sa 'kin!" sigaw ko habang hinihila pa rin ang kumot pero ayaw niya talagang magpatalo sa akin!
"Matulog na nga kayong dalawa!" Tumigil ako nang marinig ang sigaw ni Kuya Anthony mula sa kabilang kwarto, halatang naiinis na.
"Kumag, balik na sa kwarto mo," bulong ko at baka puntahan pa kami ni Kuya Anthony dito dahil sa sobrang inis!
"Ayaw. Tinatamad na 'ko," inaantok niyang sagot kaya napabuntonghininga ako.
Mas okay pa palang nag-aaway kami kaysa ganitong hindi ko siya mapaalis sa kwarto ko dahil lang inaantok! At isa pa, nararamdaman ko ring parang may dinadala siya ngayon dahil sa bigat ng bawat pagbuntonghininga niya.
Naligo ako at nagpalit na ng pantulog bago tahimik na humiga sa tabi niya.
Bwisit na lalaki. Nakakabuwisit!
Paano ako makakatulog kung palagi siyang bumubuntonghininga na para bang dala-dala niya ang problema ng Pilipinas?
Bigla siyang gumalaw na hindi ko na pinansin dahil pinipilit kong matulog. Kaya lang ang gagong putangina, pinitik ang noo ko!
"Ano ba?! Lumabas ka na nga kung mang-iinis ka lang!" inis kong sigaw.
Napipikon na ako!
"Ano ba kasing iniisip mo?" inis niyang tanong. Sinasabayan pa talaga niya ang inis ko!
"May problema ka ba?" hindi mapigilang tanong ko.
Naramdaman ko ang pagsuklay niya sa buhok ko gamit ang mga daliri niya. Bagay na hilig niyang gawin sa akin noon kapag nahihirapan akong matulog.
"Just a problem between me and my girlfriend," he whispered before darkness swallowed my thoughts.
Nang magising ako ay nasa tabi ko pa rin si Jake. Yakap-yakap niya ang isang unan ko. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya nakakatulog nang walang yakap-yakap na kahit ano?
Naligo naman na ako agad pero hindi ako nasuot ng uniform. Home clothes lang dahil nga hindi muna ako papasok.
Paglabas ko ng bathroom ay gising na ang kapatid ko. Ang kaibahan lang naming dalawa noong magising ay ang mga aso ko ay nakadagan sa kaniya.
Now, I'm jealous. Mukhang mas gusto pa ng mga aso ko na maging amo siya kaysa sa akin, ah?
Ngayon ko lang ulit nakasama sa kwarto ang dalawang aso ko dahil pinalinis ni kuya ang kwarto. May mga ini-spray rin kasi kaya nag-stay muna sila sa kwarto sa kabila. Hindi ko na rin sila masyadong nache-check, buti na lang at hindi sila napapabayaan dito sa bahay.
"Pomy, Ghost, come here." I clapped my hands and they immediately went to me. I caressed their furs.
"Bakit hindi ka pa naliligo?" tanong ko kay Jake dahil anong oras na pero hindi pa rin siya tumatayo.
"Hindi muna ako papasok," sagot niya at lumabas na ng kwarto na agad namang sinundan ni Ghost kaya napasimangot ako.
"Does your brother like him more than me, huh?" pagkausap ko kay Pomy na akala mo'y naiintindihan ako nito.
Bumaba na ako pagkatapos magpatuyo ng buhok.
Agad akong napatigil sa paglalakad. Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang makita ko ang dalawang taong pumasok sa pinto.
"M-mommy? Daddy?" Bakas sa mukha ko ang gulat, hindi inaasahan na makikita ko rito si Daddy.
We talked a little while our maids were bringing their baggage inside.
Naramdaman ko ang pagseryoso ng paligid nang magtungo kami sa kusina para kumain ng breakfast.
"Maupo ka," seryosong ani ni Daddy.
Agad ko namang sinunod ang gusto niya. Dumating na rin si Jake at naupo sa tabi ko.
Dad sighed heavily. "I'll go straight to the point." His face was serious and I know that he didn't come home for his children. He didn't come home to bond with us or to check on us. He came home for a reason.
"I want you two to live with us. Sa New Zealand," he seriously said which made my mouth drop.
Pareho kaming umangal ni Jake. Pareho naming ayaw tumira roon!
"Daddy," Jake and I both said, pleadingly.
"Binu-bully ka na pala roon at hindi mo man lang sinasabi sa amin?" sabi ni Mommy kaya napayuko ako.
"Bakit kailangan pati ako?" singit ni Jake kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Si Jade lang naman ang may problema, Daddy."
Napanguso ako at umirap. Ayaw niya lang mapalayo sa girlfriend niya kaya ayaw niyang umalis at lumipat sa New Zealand!
"Mommy naman... Hindi na nila ako binu-bully. Wala na silang ginagawa sa akin, please? Ayaw kong lumipat," nagmamakaawang sabi ko.
"Mommy, ayaw ko rin. Malapit na akong g-um-raduate! Mahihirapan po akong mag-adjust kung lilipat pa ako," singit muli ni Jake. Ayaw kong marinig ang rason niya dahil alam kong ayaw niya lang mapalayo sa girlfriend niya.
Narinig ko ang buntonghininga ni Daddy habang seryoso ang tingin kay Jake. "Alam kong ayaw mong umalis ng Pilipinas dahil sa girlfriend mo. There's a lot of girls in New Zealand, Andrei. Magaganda at mayaman pa."
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Daddy. I know what he's trying to do. Pero mas alam kong hindi iyon gusto ni Jake.
"She's your classmate, right?" dagdag na tanong ni Daddy. Nagulat pa si Jake dahil doon dahil hindi pa naman niya napapakilala ang girlfriend niya sa kanila. "She's currently living with her Auntieâ"
"Did you have her checked?" Jake cut him off. "Did... did you check her background?" he asked, gritting his teeth.
"I did and there's nothing wrong with that. I am your father, I have the right to know whoâ"
"You have the right to know, yes. But you don't have the right to do that. I know what you're trying to do, and I'm telling you now, I'll decide on this one."
"Andreâ"
Mabilis akong sumingit dahil umiinit na ang usapan nila. "Mommy, wala naman na silang ginagawa sa akin! Maniwala ka..." I glanced at Jake who's currently trying to calm down.
Dad did a background check on Mia. Hindi galing sa mayamang pamilya ang babaeng 'yon pero sakto lang naman ang katayuan nila sa buhay. May kaya naman. Pero hindi siguro ganoon ang gusto ni Daddy.
"Mommy, ayaw kong lumipat," si Jake. "Paano naman ang girlfriend ko?" Kay Mommy siya nakabaling at mukhang walang pakialam sa galit na mukha ni Daddy.
Hindi ko na rin pinansin ang galit na mukha ni Daddy at nagpatuloy na lang sa pagmamakaawa kay Mommy. Kapag kasi napapayag namin si Mommy wala nang magagawa si Daddy dahil takot siyang kumontra sa asawa.
"Kaibigan ko naman po 'yung ibang mga kaklase ko, Mommy. They are protecting me from those... uh... bullies," I reasoned. I can protect myself but I need to tell something positive about my classmates.
"Mahirap po ang long distance relationship, Mommy," sabi pa ng kumag. Hindi ko makuha kung nagjo-joke ba siya o seryoso ang sinabi niyang 'yon.
Mommy surely doesn't care about the status in life. Mayaman ka man o hindi. Kaya siguro mas open sa kaniya si Jake.
Binalingan kong muli si Daddy dahil malapit na naming makumbinsi si Mommy.
"Daddy naman... Maawa ka naman sa 'kin, please?" nagpapa-cute na sabi ko.
"Mommy, Daddy, alam ko naman na mabait kayong dalawa, please? H'wag na." Jake put his palm together.
"You love us, right? Ga-graduate na kami, oh! Lilipat pa ba? H'wag na..." dagdag ko pa sa sinabi ni Jake.
Daddy's eyes soften when he realized that we were helping each other. Alam ko rin naman kasing alam niya na hindi naging maganda ang relasyon namin ng kapatid ko pagkatapos no'ng nangyari kay Lola.
Napahilot na lamang si Daddy sa kaniyang sintido at si Mommy naman ay napahawak na lamang sa kaniyang noo. Si Kuya Anthony naman ay naroon sa gilid, nagpipigil ng tawa at mukhang kinuhanan pa kami ng picture dahil nakatapat sa amin ang likod ng cellphone niya.
"Pasaway talaga kayong dalawa, ano?" iiling-iling na sabi ni Daddy.
"Bakit pa ba natin sinubukan?" natatawang baling ni Mommy kay Daddy. "Wala naman tayong laban sa kanila, mga anak natin 'yan. May mga sarili na rin silang gustong gawin."
Ibig sabihin ba hindi na kami lilipat? Gusto kong tumalon sa tuwa pero nanatili akong kalmado para magtanong.
"Hindi na po ba kami lilipat?" I asked, smiling from ear to ear. Hindi ko namalayang pinaglalaruan ko na rin ang mga daliri ko.
"Tss. May magagawa pa ba kami?" Dad drank his coffee. "Kapag lang talaga nalaman kong nabu-bully ka pa... sinasabi ko sa 'yo Emerald, dadalhin talaga kita sa New Zealand at hinding-hindi ka na makakabalik pa rito," seryosong sabi ni Daddy.
"Don't worry, Daddy, kapag sinaktan pa nila ako... kusa akong aalis at hindi na babalik pa rito," I assured him.
"I don't trust that section of her. I suggest... ilipat niyo na lang siya sa section ko." My mouth dropped open with my brother's sudden suggestion.
Akala ko ba okay na? Ayaw ko ngang lumipat, e! Pero... bakit nga ba ayaw kong lumipat?
I sighed, not knowing the answer.
I don't know what's keeping me from leaving. Kung tutuusin hindi naman talaga mahirap mag-adjust lalo pa't sanay naman na akong magpalipat-lipat ng section at ng school. Pero dahil ba 'yon kina Austin? Dahil ba bumubuti na ang relasyon ko sa kanila? Or was it... because of Daryl? I don't know, and I think I don't wanna know.
Tumingin ako kay Daddy at halatang pinag-iisipan niya ang sinabi ni Jake.
"That's... a good idea. Para na rin mabantayan mo 'tong kapatid mo." Tumingin si Daddy kay Kuya Anthony. "Asikasuhin mo na ang paglipat niya sa section ni Andrei."