Devon's PoV
Next Morning...
"Nak nandito ang mga kaibigan mo. Hinihintay kana nila sa labas. Bilisan mo dyan."
Halos mabilanuukan ako sa sigaw ni nanay mula labas ng bahay. Buti na lang at hindi ko naubuga ang iniinom kong tubig. Ginulat ako.
"Sige nay pakisabi sa kanila na magto-Tooth brash lang ako." sigaw ko pabalik.
Hindi ko na sya narinig na sumigaw. Kaya binilisan ko na lang ang ginagawa, baka iwan ako ng mga yun e. Mahirap na.
Pagkatapos kong mag toothbrush agad akong lumabas ng bahay. Nakita ko naman si nanay na kausap ang mga kaibigan ko.
Hanggang dito dining na dinig ang boses. Hehe. Si inay talaga o ang lakas ng boses.
"Ayaw nyo bang pumasok muna mga iho at iha? Baka matatagalan pa ang anak kong yun. May pagkabagal pa naman ang isang yun."
Naningkit naman ang dalawa kong mata dahil sa sinasabi ni inay sa mga kaibigan ko. Aba si inay sinisiraan ako patalikod. Nanay ko ba ito?
"Hindi na po tita, hintayin na lang namin sya dito. Hehe!" nakangiting pagtanggi ni Megan.
"Oo nga po... Oh ayan na po pala sya."
Hindi natapos ang sasabihin ni Ross ng makita nya akong papalapit sa kanila. Buti pa ang isang ito, nakita agad ako.
Kaya lahat sila napatingin sa akin. Kung makatingin naman ang mga ito wagas. Psh. Hindi ako artista para titigan uyy. Hehe.
"Good morning sa inyong lahat." ang lawak ng ngiti kong pagbabati sa kanilang lahat.
Bakit masama bang maging masaya? Ewan ko kung bakit maganda ang gising ko ngayong araw. Hehe.
Napakunot naman silang lahat sa akin na parang nawiwirduhan sa inaasta ko.
Hay naku, bakit kasi ganun sila makatingin sa akin? Bakit mukha ba akong tanga kung nakangiti ako? Bakit mas lalo ba akong pumangit dahil wala ang nerdy glasses ko??
"Good morning din sayo Devon." nakangiti din nilang bati sa akin.
"Ganda ng araw natin ngayon Devon a..." bigla na lang sabi ni Tristan habang nakangiti.
Napatingin naman ako sa kanya at biglang ngumiti. Hehe. Gusto ko lang ngumiti e.. May masama ba sa ngiti ko?
"Bakit, masama bang maging masaya? Hehe.." balik na tanong ko naman sa kanya. At sinabayan ko din ng mahinang tawa.
Napakamot naman sya ng batok." Hindi naman sa ganun.. Ang weird lang." sagot nya.
"Para kang nakasyabu nak. Umamin ka nga, naka-syabu ka ba?" singit na tanong ni mama mula gilid ko.
Narinig ko naman silang nagtawan. Hmp. Tumingin naman ako sa kanila ng masama. Pero sila, nagpeace lang sila sa akin at iniba ang tinitignan.
"Nay naman e, ano bang pinagsasabi mong nakasyabu. Hindi po ako nakasyabu. Wala namang masama kung maging masama ako ngayon." nakangusong pagmamaktol ko.
Pero ang nanay ko, inirapan lang ako.
"Oo na, oo na. Sige, baka malate pa kayo." pagsusuko nya.
Humalik muna ako sa pisngi nya bago umalis.
"Sige nay ingat ka huh. Wag ka masyadong magpapagod. Makakasama yan sa kalusugan mo." paalala ko sa kanya. Baka kasi pagurin nya na naman ang sarili nya.
May pagkamatigas din ang ulo ni inay e, basta gusto nya yun ang gagawin nya.
"Ikaw din, kumain ka sa tamang oras, huwag kang magpapagutom." paalala din nya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango bilang sagot.
"Sige tita mauna na kami." paalam nila kay inay.
"Ingat kayo sa biyahe"
"Opo"
"Sige nay"
Sumakay ako sa dala nilang van. Hanep talaga ang mga ito. Yayamamin ang sasakyan papuntang school. Tsss.
Agad akong tumungo sa pinakadulo ng van, sa likod. Dun lang kasi ang may bakante.
Nagulat naman ako ng makita ko si Calvin dito sa likod na nahilig ang ulo sa bintana ng van. Mukhang natutulog dahil nakapikit ito.
"Hindi ka ba uupo?" bigla na lang syang tanong habang nakapikit ang mata.
Napakunot naman ako bigla. Paano nya nalaman na nasa harap nya ako na nakatayo? Nagtulug tulugan ba ang isang ito?
Agad naman akong umupo sa tabi nya.
Palihim na lang akong napakagat ng labi dahil amoy na amoy ko ang pabango nyang panlalaki, ang tapang ng pabango nya.
Napabuntong hininga na lang ako dahil dun.
Napatingin naman ako sa harap namin, nakita kong nasa kani-kanilang pwesto.
Ganito ang pwesto namin.
Driver||Tyron D
Trisha||Tanya||Megan O
Ross||Tristan O
Calvin|| Me R
Nang umandar na ang van, agad akong umayos ng upo. Napabaling ng ang tingin sa katabi ko.
"P-paano mo pala n-nalaman na kanina pa ako n-nakatayo sa harap mo?" medyo utal kong tanong sa kaniya.
Napakagat naman ako ng labi dahil sa tanong kong yun. Syet! Bakit bigla akong kinabahan nung bigla syang lumingon sa akin.
Bakit ang cute nya? Hehe..
Yung mata nya ang sinasabi ko.. Ang cute parang kulang sa tulog ang lalaking ito, parang gusto pang matulog. Haha..
"Tsk!"
Yun na yun? Ang haba nun a... Magpaparty na ba ako dahil sa sagot nya?
Bwisit talaga ang lalaking ito. Kinakausap ng matino, sasagutin ka lang ng 'tsk' ang sarap ingudngud ang mukha sa bintana
Ito na nga ang kinakausap ng matino. Gusto ko pa sanang magpasalamat sa pagsalo sa akin kahapon e. Hmp.
Bakit kasi tinanong ko pa e? sa isip ko.
Tumingin na lang ako sa harapan. Hindi ko na lang pinansin ang katabi ko.
Psh.. Kaasar talaga ang lalaking ito.
Bakit nga ba ako naiinis dahil lang hindi nya ako pinapansin?
Pakialam ko naman.
Maya maya naramdaman ko naman na may pumatong sa kandungan ko. Kaya wala ako sa sariling napatingin dun.
O_O
Lumaki agad ang dalawa kong mata dahil sa bagay na nasa kandungan ko. Wala sa sariling napatingin sa kanya.
Nakita ko naman na nakatingin pala sya sa akin. Binigyan ko sya ng kunot noo.
Pero heto na naman ang kakaibang tunog ng puso ko... Parang nagwawala ng ewan. Pero ramdam ko sa magkabilang pisngi ko ang pag init.
"B-bakit ganyan ka makatingin sa akin?" bigla na lang nyang tanong. Kaya medyo napaigta ako dahil dun.
"Bakit mo ako binigyan ng salamin?" yun na lang ang tanging tanong ko sa kaniya. Hindi ko sinagot ang tanong nya sa akin.
Titig na titig lang ako sa kanya. Hindi makapaniwalang binigyan ako ng salamin. Nawiwirduhan talaga ako sa lalaking ito.
Hindi naman gaano kalabo ang mata ko. Ok pa naman pero habang tumatagal naluluha ang dalawa kong mata. Ewan ko ba kung bakit ganun.
Medyo nagulat naman ako ng bigla nya akong tignan diretso sa mata.
*tug*
*tug*
*tug*
Hala ka heart.. Bakit ba ang bilis ng puso mo kung titignan lang sya diretso sa mata ko? May sakit na ba ako sa puso? Wag naman sana.
"Ang pangit mo kasi kung wala kang suot na salamin." dire diretsong sagot nya sa tanong ko.
HUWAATT???...
Abat gago to a... Sabihin ba naman akong pangit kung wala akong suot na salamin... Kahit kailan wala itong sinabi na maganda sa akin. Puro panlalait na lang ang lumalabas sa bunganga nya.
Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya. Bwisit kong binigay sa kanya ang paper bag na naglalaman ng salamin.
"H-hoy.. Akala mo naman kung sinong makalit... Anong akala mo sa sarili mo sobrang gwapo? Nek Nek mo. Ang pangit pangit mo kaya." bwisit na bwisit kong bulyaw sa kanya...
Kumukulo talaga ang dugo sa isang ito. Lagi na lang nya akong nilalait.
Binigyan naman nya ako ng bored na tingin. Putek talaga ang lalaking ito.. Ang lakas ng tama sa utak.
"Dapat na talagang magsalamin ka para makita mo ang totong gwapo. Nandito na sa harapan mo hindi mo pa makita. Paano pa kaya kung lumayo ako sayo konti? Tsk!" wala gana nyang sagot sa akin.
Ang hangin talaga ng lalaking ito. Buti na lang at nangdito kami sa loob ng van, kung nagkataon na nasa labas kami baka tinangay na kami ng malakas na hangin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka man lang mahiya sa pinagsasabi mo. Duh. Saan banda ang gwapo. Kung tatalikod ka baka makikita ko pa ang totoong gwapo. Haha." pag aasar ko at sinabayan ng nakakainsulto na tawa...
Belat ng lalaking ito. Kaasar. Akala mo kung sinong gwapo...
O_O
"A-anong g-g-ginagawa mo?" utal utal kong tanong sa kaniya. Bakas sa boses ko ang kinakabahan...
Bakit nya ba nilapit ang mukha nya sa mukha ko? Ramdam ko ang pag init ng dalawang pisngi ko...
Ang bango ng hinga nya sa totoo lang, pero naaasar parin ako sa lalaking ito...
Napangisi naman sya ng makita nya ang mukha ko...
"Oh bakit namumula ang magkabilang pisngi mo? Siguro in love ka na sa akin 'no?" pang aasar nyang sabi sa akin...
Huwaatt?? In love sa kanya? Nagpapatawa ba ang lalaking ito? Psh..
"M-mainit lang dito sa loob kaya n-namumula ako.. Pwede ba tigil tigilan mo ako sa kakaasar mo. At isa pa, ako in love sayo? Asa ka, hindi kaya kita gusto... " inis kong bulyaw na kanya..
Ngumisi na naman sya sa akin..
"Nasa loob tayo ng van at may air-con tayo dito. Paano ka maiinitan?" nakangisi nyang tanong pero ramdam ko sa boses nya ang pang aasar..
Tinignan ko sa ng sobrang sama.. Ugh.. Medyo napahiya ako dun a.
"Bwisit ka talaga..." inis na inis kong bulyaw sa harap ng mukha nya dahil sa ginawa kong yun bigla syang inilayo ang mukha sa akin...
"Ang baho ng hininga mo.."
Kumaki agad ang dalawa kong mata dahil sa sinabi nya isabay mo pa ang paglalaki ng butas ng ilong ko...
BWISIT KANG LALAKI KAAAAA....
"ANONG SABI MOOO??" umuusok ang ilong kong sigaw sa kanya... Halos mamaos ang boses ko dahil sa lakas ng boses ko...
Kaya dahil dun napaigta sya bigla parang hindi makapaniwalang sinigawan ko ng sobrang lakas..
"Oh c-chill ka lang.. BAKIT KA BA NAKASIGAW HUH? EH MAGKAHARAP LANG NAMAN TAYONG DALAWA..." sigaw din nyang pabalik sa akin..
Kaya napaigta din ako dahil sa sigaw nyang yun. Nakakatawa ang mukha nyang sumigaw.. Hehe..
"PWEDE BANG WAG MO AKONG SIGAWAN??" sigaw ko din sa kanya..
"IKAW ANG NAUNANG SUMIGAW E.."
Inirapan ko na lang sya. Hindi talaga magpapatalo ang lalaking ito kung sigawan ang pinag uusapan. Ang lakas ng boses..
Nang hindi ko na sya pinansin dun na din nya hindi nagsalita. Akala ko kung ngangawa na naman sya...
Humarap na lang ako sa harapan..
O_O
O__O
Nasaan na silang lahat?
Nakita ko naman yung driver ng van na nakatingin sa amin ni Calvin.. Parang nawiwirduhan. Nakakahiya.. Kami na lang pala ang nandito.
Bakit hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng school?? Ganun na lang ba kahaba ang pagtatalo namin ni Calvin para hindi ko mapansin na nandito na pala kami?
Bakit hindi lang kami sinuway ang mga kamasa namin? Hinayaan lang kami ng lalaking na magtalo ng magtalo?? Kaasar talaga ang mga yun.. Hmp..
Ginala ko naman ang paningin ko sa labas..
Ayun nakita ko silang nakatayo sa labas medyo malayo dito. Parang naiinip sila kakahintay .
"Ano hindi ka pa bababa? Gusto mo bang magpabuhat?"
"Sinong nagsabi sa'yo na gusto kong magpabuhat sayo?" badtrip kong bulyaw sa kanya..
Pero ang loko, binigyan lang ako ng ngisi.. Bwisit! Ang sarap tanggalin ang labi ng isang ito..
"Edi bumaba ka na.. Akala ko gusto mo pang magpabuhat sa akin e.." bigla na naman syang ngumisi.. Ayoko talaga sa ngisi ng isang ito.
Tinignan ko naman sya ng masama at padabog na tumayo. Hahakbang na sana ako ng biglang.
Biglang nadulas ako...
Pero hindi sa sahig ng van ang nakabagsakan ko. Kundi sa.....
Kandungan ni Calvin
WAAAHHHHH...... OMO!!!!
para kaming hindi makagalaw dahil sa nangyari..
"hindi pa ba ka----OH MY GOSH!!! WAAAHHHHH!!!""
Lumaki naman ang dalawa kong mata dahil sa boses na sumigaw mula sa pinto ng van. Mas lalo akong hindi makagalaw sa kinakaupuan ko dahil sa nangyari...
Siguro namula na ang buo kong mukha isabay mo ba ang tenga ko. Ramdam na ramdam ko din ang napakalakas na tibok ng puso ko.
Ramdam ko din ang hininga ni Calvin sa tenga ko. Mas lalong namula ang pisngi ko.
"Ehem!"
Napalunok na lang ako ng laway dahil sa pagtikhim ng lalaking nasa likuran ko ngayon...
"Ayieee!!"
Wala ako sa sariling napalayo sa kanya... Dire diretso akong lumabas ng van.. Hindi ko na din sya nilingon pa... Para kasing hindi ako makahinga dun sa loob...
Nang makababa na ako. Lahat ng tingin nila ay nasa akin. At may nakapaskil sa kani kanilang labi na ngisi.. Medyo nailang naman ako sa tingin nila.
Iniwas ko naman ang tingin sa kanila at wala sa sariling tumingin sa loob... Agad ko din iniwas ang tingin sa lalaking yun ng nagtama ang paningin namin.
"Ano yun huh? Bakit ganun ang posisyon nyong dalawa? Hmmm??" panunudyo nila sa akin..
Sabi ko na nga ba e... Alam ko na aasarin na naman nila ako.. Agad akong Iniwas ang tingin sa kanila. Hindi ko kayang tignan sila sa mata.
"H-huh? A-anong p-p-pinagsasabi nyo?" maang maangan ko sa kanila.. Kahit alam ko kung anong sinasabi nila.
"Asus! Maang maangan pa ang lola nyo.. Alam kong alam mo ang ibig sabihin namin.. Hmm" pag aasar ni Trisha.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi nyo.." dire diretsong sagot ko.
Dahil sa sobrang pamumula ng pisngi ko.. Agad akong tumalikod sa kanila upang mauna ng pumasok.. Hindi ko na sila hinintay pa..
Ewan ko na lang kung anong sabihin nila sa akin. Nahihiya akong harapin sila..
"Saan ka pupunta Devon?"
"Hintayan mo naman kami."
"Devon, bakit nagmamadali ka?"
Dinig na dinig ko ang sigaw nilang lahat sa parking lot.. Waahh.. Nakakahiya talaga ang pinagsisigaw ng mga yun..
Hindi ko na sila pinansin pa.. Nahihiya ako.
"Hayaan nyo na si nerd na mauna, alam kong kinikilig lang yun sa akin kaya nauna na sya..."
Napaurong ang paglakad takbo ko dahil sa narinig ko mula sa likuran ko.. P*nyeta.. Anong sabi nya?
Ako kinikilig sa kanya? Ang kapal talaga ng mukha ng playboy na yun..
Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya.. Medyo nabigla ako ng makita ko silang nakatingin sa akin..
Syet! Bakit nakangisi silang lahat sa akin? Pero nakakatakot nya lang yung ngisi ni Calvin the playboy. Parang adik sa totoo lang. Naasar ako sa ngisi nya.
Agad akong tumalikod sa kanila at tinuloy ang pagpasok sa loob.. Pero dinig na dinig ko ang mga tawanan nila..
Hmp.. Kaasar talaga ang mga iyun, ang hilig nilang mang-asar..
Nang makalayo ako sa kanila, wala ako sa sariling napatingin sa likod ko.... Napabuntong hininga ako, buti na lang wala sila sa likod ko...
Dahil busy ako kakahanap sa kanila, hindi ko namalayan na may nabunggo pala ako, kaya napaupo ako sa sahig...
Aww!
"Aray!!" daing ko.. Huhu.....Ang sakit ng pwet kong naitama sa sahig..
Napaangat naman ako ng tingin, para tignan kung sino ang nabunggo ko. Pag angat ko ng tingin, umawang ang labi ko dahil sa taong nakatayo sa harapan ko..
Bakit ang gwapo ng lalaking ito?
Ewan ko kung bakit may kung ano sa pagkatao ko ng napatitig ako sa mga mata nya.. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko..
Parang may kahawig nya, pero hindi ko alam kung sino. Kinalkal ko sa aking isipan kung sino, pero hindi ko talaga alam kung sino..
My gosh! Ang puti puti nya, ang tangkad tangkad nya pa, hanggang kili kili lang nya ako. Hmp. Ako na ang maliit. Parang pang K-pop pa ang style ng buhok na may bumagay pa sa mukha nya. Ang tangos pa ng ilong, pero hindi naman kahabaan ang pilik mata. Pinkish pa ang lips nya. Bilugan din ang kanyang mata, kagaya ko. Pero kapansin pansin ang nunal sa kanyang leeg, sa side nito..
Napakunot ako bigla. Nagkataon lang ba ito o ano? Pati din kasi ako, meron ding nunal sa leeg kagaya nya, nasa side din nito. Parehong pareho kami ng laki at hugis. Sa kanang bahagi ng leeg niya.
Pero winaksi ko na sa isipan ko yun. Baka nagkataon lang lang.
"Ehem! Done checking my face?" medyo malamig nyang tanong.
Kaya napatingin ako sa mga mata nya.. Wala akong mabasa na kahit ano sa mata.
Wala sa sariling napalunok ng laway. Syet! Medyo kinabahan din ako sa boses nya.
Napatayo naman ako sa pagkakaupo sa semento.. Ewan ko ba kung bakit hindi man lang ako nalagalit ng hindi nya ako tinulungan na tumayo.
Syet! Ang tangkad ng lalaking ito. Ang sakit ng batok ko dahil sa kanya.
"Sorry naman hindi ko kasi tinitignan ang dinadaanan ko." medyo sarkastikong sabi ko sa kaniya at palihim ng pinaikutan ng mata..
"Tsss."
Napatingin na lang ako sa likod nyang papalayo sa akin.. Hmp. Naasar ako ng konti sa lalaking iyun. Ang haba haba pa ng sinabi. Nakakatuwa, promise. Tsss.
"Hey! Miss Nerd bakit nakatunganga ka dyan? Konting konti na lang, mapapasukan na yang bunganga mo ng langaw.."
Kutyaw ng boses mula sa likuran.. Kaya mas malo naman akong nabwisit.. Tinignan ko naman yung nagsalita mula sa likuran ko.
Napakunot bigla ang noo. Ito na naman yung lalaking nasa field noon, yung naglalaro ng soccer. Tsk. Kung minamalas nga naman o.
Tinignan ko lang sya ng parang ewan at agad na tumalikod sa kanya.. Makapasok na nya sa room..
Kung ano ano ang kabwisitan ang nangyari ngayong umaga sa akin. Kaasar lang. Psh...
Pagdating ko sa loob ng room. Nakita ko sila Tanya na nakaupo sa kanikanilang mga upuan. Napakunot naman ako bigla. Ang bilis naman nilang nakarating dito.....
Natigilan naman ako ng paglalakad ng madinig ko ang bulong bulungan ng iba kahit hindi gaano kalakas ang boses, dinig na dinig ko parin ang boses nila..
"Si Devon ba yan?"
"Ewan ko, pero parang kamukha nya e.. Wala lang syang salamin ko mata."
"Si Devon yan bes.."
"Pero in fairness ang ganda nya kung wala syang suot suot na salamin.."
"Nagmukha ng syang tao..haha.."
Namula naman ako dahil sa komento nila sa akin.. Kaya napayuko na lang ako dahil dun.. Nahihiya ako e.
Agad akong naglakad patungo sa upuan ko. Pagkarating ko nilapag ko agad ang bag ko at humarap sa kanila.
Hindi ko pinagtuunan ng pansin itong katabi ko. Nagpanggap lang ako na wala akong katabi.. Hanggang ngayon kasi naaalala ko parin yung nangyari kanina sa loob ng van. Sobrang nakakahiya yung nangyari.
"Bakit ang bilis nyong makarating dito? Eh mas nauna naman ako na pumasok?" takang tanong ko sa kanila.
Kabit balikat sila." Nagulat nga kami e. Akala namin nandito ka na kasi nauna ka nga na pumasok. Nagtaka kami kung bakit ngayon ka lang." sagot ni Megan.
Napakagat ako ng labi. Naalala ko naman ang nangyari kanina sa corridor, yung lalaking nakabangga ko.. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nakita ko ang mukha nya.
"Bakit pala natagalan ka Devon?" tanong bigla ni Tanya.
Sasabihin ko ba ang nangyari? Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko ang tanong nya diba?
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong nya.
"May nakabangga kasi ako kanina sa corridor habang naglalakad ako.... Kaya ayun medyo nataggalan ako.. Kainis pa ang lalaking yun, hindi man lang ako tinulungan na tumayo.." mahaba kong sagot sa kanila.
May konting halo sa boses ang pagkainis...
"Palampa lampa ka kasi kaya yan ang napapala mo. Tsk."
Naningkit bigla ang dalawa kong mata dahil sa komento ng katabi ko. Badtrip, hindi naman sya ang kinakausap, tapos nakikisabat ng usapan....
Inalis ko ang tingin kina Tanya at binaling ang tingin sa katabi ko...
"Anong sabi mo? Ako? Palampa lampa?? Ano ba pakialam mo? Tsk! Pwede ba, wag kang makikisabat sa usapan ng may usapan.. Kaasar ka talaga kahit kailan." inis kong bulyaw sa kanya..
"Tsss."
Mas lalo lang ako naasar sa inasal nya. Kahit kailan walang maganda ang lumabas sa bibig ng lalaking ito. Tsss.
Pinaikutan ko na lang sya ng mata. At agad akong humarap sa harap ko.. Ayokong makita ng pagmumukha ng lalaking ito. Naasar lang ako.
Maya maya naramdaman kong may pinatong syang bagay sa ibabaw ng arm chair ko..
Kaya napatingin naman ako dun.. Napakunot ako bigla. Yung Paper bag na naglalaman ng salamin.
Naguhuluhan naman akong tumingin sa kanya..
"Bakit binibigay sa akin nyan?" naguguluhan kong tanong sa kaniya..
Humarap naman sya sa akin ng blankong tingin.
"Gamitin mo na lang ang bigay sayo. Ang dami pa kasing arte e hindi naman ikakaganda. Tsk." asik nyang sabi..
Halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi nya.. Inasayan pa nya ng panlalait. Wala naman akong sinabi ibigay nya akin yung paper bag na naglalaman ng salamin.. Kahit kailan itong lalaking ito talaga.
"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na bigyan mo ako nyan huh?" sarkastikong sabi ko.
"Tsk!"
Nagulat na lang ako ng bigla nyang nilapit ang mukha sa akin.. Naduling naman ako. Anong gagawin nya? Bakit ang lapit ng mukha ng isang ito?
Pero ramdam ko ang pagbibiklis ng tibok ng puso ko.
"A-a-ano ba? B-bakit mo ba n-nilalapit a-ang m-mukha mo sa m-mukha k-ko?" utal utal kong tanong bakas sa boses ko ang nanginginig.
"Nervous?"
"Hindi a." mabilis kong sagot.
"Pwede ba ilayo mo yang mukha sa mukha ko." iritang bulyaw ko.
Pero hindi sya nakinig sa sinabi ko, napangisi lang sya. Parang nasisiyahan. Urgh. Kaasar.
"Inaano ka ng mukha ko? Wag mong sabihin na naiilang ka? May gusto ka na ba sa akin huh?" nakangising pang aasar nya.
Naningkit ang mata ko. Buti na lang at inilayo na nya ang mukha sa akin. Baka mabingwasan ko pa yang mukha kung hindi nya pa ilalayo e. Tsk.
"Wa..... La...... A......... Kong...... Gus...... To.... Sa..... Yo...." pinagdininan ko ang sinabi ko sa kanya. Para malaman nya na wala akong gusto sa kanya.
Pero umiwas ako ng tingin ng matapos kong sinabi ang katagang yun.
Badtrip talaga ang lalaking ito.
Pero ewan ko kung guni guni ko yung nakita ko na dumaan sa mata nya o ano. May emosyon akong nakita na hindi ko mabigyan ng kahulugan.
Siguro namamalik mata lang ako.
"Talaga lang huh?" nakangisi nyang panunukso.
Pinaikutan ko na lang sya ng mata.. At wala sa sariling napatingin sa bigay nyang paper bag. Kukunin ko ba ang bigay nya? Baka kasi may malaking kapalit ito e..
Napabuntong hininga naman ako, at napakagat ng labing tumingin sa kanya.
"May bayad ba ito?" naguguluhan kong tanong.
Kumunot naman ang noo nya.
"Wala. May sinabi ba akong bayaran mo yan? Tsss."
Napabuntong ulit ako at binalik ang tingin sa paper bag. Ayoko sanang tanggapin dahil may hiya naman akong natitira sa katawan no.
At isa pa, lagi kaming nagbabangayan ng isang ito.
Kung hindi ko naman tatanggalin ang bigay nya, parang pangit naman tignan. Ako na nga yung bibigyan ako pa ang may ganang umayaw.
Sayang din ang effort nyang bumili ng ganito. Oo na, kahit naman ganito lang ako may konti konsensya naman ako no. Hindi naman ako yung tao na hindi pinapahalagaan ang bigay.
"S-salamat dito?" halos pabulong kong pasasalamat sa kanya. Hindi ako nakatingin sa kanya nung sinabi ko yun. Eh sa naiilang ako e.
Wala naman masama kung tatanggapin ko ang bigay nya.
Isa pa, medyo naluluha ang mata ko kung wala akong suot na salamin. Magpapabili sana ako kay nanay pero naisip ko, hindi gaano kalaki ang kinikita nya sa paglalabada at pagtitinda ng kakanin.
Sobrang nag alala siya ng makita nyang wala akong suot na salamin nung umuwi ako kahapon.
Buti nandun ang mga kaibigan ko upang magpaliwanag kay nanay. Pero hindi namin sinabi ang totong nangyari.
Ang sinabi na lang namin ay nahulog sa mukha ko at naapakan ko. Kahit ang totoo ay may pumatid sa akin at naapakan ko. Half lies. hehe..
Naapakan ko naman talaga e..
"Ano yung sinabi mo hindi ko narinig e.." medyo nakangisi nyang tanong. Urgh. Alam kong nang aasar na naman ang lalaking ito.
Inis naman akong humarap sa kanya. Pero pagharap ko, nagulat na lang ako ng sobrang lapit ng mukha namin.
Kaya medyo naduling ako.
Naamoy ko din ang hininga nya.
De javu