Back
/ 44
Chapter 38

CHAPTER 37

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 37: "REVELATION"

FRANCE LOPEZ

Idinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata, inilibot ko iyon at napag-tanto kong nandito ako isang maliit na kuwarto, may ilaw, may mga diyaryo na naka-kalat. Hindi ako makagalaw dahil... Naka-yali ako! May takip din ang bunganga ko kaya hindi ako makapag-salita, isang kadena ang naka-ikot saaking kamay. Dahan-dahang bumulas ang pinto at--

Iniluwa nito ang dalawang lalaking naka-kapoteng itim, mahaba, hanggang paa nila, hindi ko makita ang mga mukha nila dahil naka-harang ang hood nila. May isa pang lalaki ang pumasok---Matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan, at paniguradong may lahi ito.

Lumapit sya saakin at na-upo sa tabi ko, naka-titig lang sya saakin at para bang masaya sya ng makita ako.. Agad na gumapang ang takot at kaba saaking katawan, natatakot ako.. "Ang ganda mo pala sa personal" Nakangising sabi nya.. Buti naman at alam mo! Charez! Ano ba France! "Gusto mong malaman ang lahat?" Tanong nya.. Hoy! Teka! Anong lahat? Ano ba ha?

Sa di malamang dahilan ay tumango ako, natatakot ako pero may bahagi ng katawan ko na nagsasabing makinig ako sakanya. Tinanggal nya ang panyo saaking bibig, hinabol ko agad ang aking hininga at tumingin sa kanya. Tinangal nya rin ang kadena saaking kamay, papakawalan nya ba ako? Dinga? "S-sino ba kayo?" Lakas loob kong tanong. Muli syang tumingin saakin, "BBW.. Bloody Black Warriors" Ika nya.

Alam ko! Alam kong BBW yung mga lalaking naka-kapoteng itim! "Kamukha mo talaga sya" Biglang sambit nya. Ano bang tinutukoy nya? Bakit hindi nya nalang ako diretsuhin? Daming dada?! "Magkakaibigan sila Satan, Demon at si Lucifer. Bata pa lamang sila ng pag-aralin sila ng mga magulang nila dito, ang mga ama nila ay kaibigan din ng ama ko. Si dad ang naka-isip ng paaralang ito, sa kasamaang palad naging sakim ang ama ko. Pinatay nya ang ama nila Lucifer, kaya ng lumaki kami ay mailap at magka-away kami, kalaunan ay pinatay nilang tatlo ang ama ko." Paliwanag nya. Ako naman ay nakikinig lang.. Pero bakit ako? Ano bang meron saakin?

"Hanggang isnag araw may tatlong babae ang nag-aral dito, si Rhiann, Chloe at si Heaven ang pinsan ko. Una palang ay alam kong gisto na ni Lucifer si Heaven, naging sila.. Nagmahalan sila ng sobra, nalaman nalang ng lahat na mahal din pala ni Satan at ni Demon si Heaven, nagka-gulo ang tatlong magka-kaibigan ng dahil sa pinsan kong si Heaven, mahal nilang tatlo ang pinsan ko. Pero ang mahal ny ay si Lucifer, hanggang sa nagka-away na nga sila Satan, Demon at si Lucifer.. Nagpasya silang mag laban, marami ang namatay, marami ang sugatan at marami ang gulong nangyari nung gabing yon... Sa kalagitnaan ng labanan, napansin ni Satan at ni Demon na wala na si Lucifer at si Heaven, may kutob na sila na mangyayari iyon. Sinundan nila Satan at ni Demon sila Lucifer sa kagubatan, habang sila Lucifer at si Heaven ay tatakas na.. Aalis na sila sa kulungan na ito, hindi pa nahahanap nila Demon sila Lucifer ay nakarinig na sila ng isnag putok ng baril... Sinundan nila iyon at tumambad ang walang buhay na si Heaven, sa gilid non ay naka-upo si Lucifer na halatang umiiyak. Sibrang nagalit si Demon, agad nyang pinag-susuntok ang mukha ni Lucifer, muntik pa syang mamatay non... Si Satan naman ay hindi malaman ang eskpresyon ng mukha, sobrang nanlumo at napa-iyak si Demon, si Heaven kasi ang kauna-unahang babaeng inib nya..." Mahabang paliwanag ng lalaing to.. Habang nagku-kwento sya ay hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Ang sakit.. Ang sakit-sakit, "Alam mo kung bakit ka nila nagustuhan? At ganon nalang ang pakikitungo ng lahat sayo?" Nakangising tanong nya. Maging ako ay naguguluhan na! Ano ba talagang meron saakin? "Kamukha mo si Heaven" Nang sabihin nya iyon ay lalo pag lumakas ang paglabas ng basang likido saaking mata...

"Kaya ganin nalang ang pakitungo sayo ni Demon.. At ng iilang estudyante dito" Dagdag nya pa.. Argh! Ayoko na! Ayoko ng marinig ang sasabihin nya...

"Alam mo kung bakit ka minahal ni Lucifer? Dahil nakikita nya sayo ang maganda kong pinsan na si Heaven" Tumawa sya ng parang baliw. "Hindi ka nya mahal France.. Si Heaven ang mahal nya, at alam mo ba.. Yung duyan kung saan kayo unang nagkita ni Lucifer?" Wika nya. Ano? Paano nya nalaman yun? Ano nanamang meron? Please sabihin mo na!

"Dalawa ang duyan duon.. Isa para kay Lucifer.. Isa para kay Heaven.." Sa sinabi nya ay lalo pa akong napahagul-gol... Bakit? Bakit Lucifer?

"Meron pang-isa.. Alam mo din bang sa likod ng malaking punong iyon ay... Nanduon ang puntod ni Heaven, kaya laging nanduon si Lucifer dahil lagi nyang binabantayan si Heaven" Paliwanag nya.

Napayakap ako saaking tuhod ng marinig ko iyon, napaka-sakit! Ang sakit-sakit! Tumayo na ang lalaki, "Ako nga pala si Lucio Fernando" Wika nya tapos nag lakad na palais. Pero hinarang sya ng isnag lalaki, "Papatayin na ba namin yan boss?" Tanong nito kay Lucio.

"Hindi... Sya ang papatay kay Lucifer" Sabi ni Lucio. Tinignan ko sila, may-isa pang pinapasok dito, babae.. Buhat-buhat ng isnag lalaki ang walang malay na si---Si Maan Ivy?! Inilapag nya ito saaking haraon at iniwan na kami. Muli akong tinignan ni Lucio na nakatayo sa pintuan. "Nga pala.. Si maam ivy ang nanay ni Lucifer" Sambit nya sabay ngisi. Umalis na rin sya kasama ang mga lalaki.

Mas lalo ko pang niyakap ang aking tuhod, nanghihina ako.. Patuloy lang bumabagsak ang mga basang likido saaking mga mata, parang isnag gripo. Bakit ganto ka Lucifer? Napaka-sama mo! Mahal mo ba talaga ko? Minahal mo ba talaga ako? O baka hindi? Nakikita nya lang ba talaga saakin si Heaven? Ang sama ng ugali mo Lucifer! Gusto ko syang saktan tulad ng nararamdaman ko ngayon... Si Lucifer lang ang nagparamdam saakin kung paano ba mag-mahal ng higit sa kaibigan, sya lang ang kauna-unahang minahal ko.. Bakit ganto? Kailangan ba talaga akong masaktan palagi?

Iniwan ako ng ama ko, binugbog ako ng sarili kong nanay. Halos araw-araw akong hambalusin ng stepfather ko, lagi akong umiiyak sa sulok.. At ngayon ginagawa ko nanaman, akala ko si Lucifer na talaga, ang sabi ko pa nung una ay hindi ako papayag na saktan ni Lucifer ang mga magiging anak namin in the future... Pero ako sinaktan nya na agad, bakit? Bakit hindi nya sinabi saakin?

Galit at lungkot ang nasa puso ko ngayon, ang daming tanong ang tumatakbo saaking isipan.. Bakit?

I hate you Lucifer!

Share This Chapter