Back
/ 44
Chapter 21

CHAPTER 20

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 20: "BLOODY DATE"

FRANCE LOPEZ

Natapos ang Faundation week, ngayon na ang Bloody Midnight. Maaga palang ay ginising na kami ni Gab at binigyan kami ng Balisong, hindi ko naman gagamitin ang balisong kaya nilagay ko nalang sa kabinet ko.

"Kakain na" Pasigaw na wika ni Devi. Lumapit na kami at nag sinula nang kumain, "Wag na kayong lalabas ah" Sabi ni Gab. "Pano ka?" Tanong ko.

"Magbabantay ako sa dorm natin.. " Sagot nya. "Mag-ingat ka ah" Pagapaalala ni Devi.

6:00 Umalingaw-ngaw ang sirena sa buong university.. Hudyat na mag sisimula na ang Bloody Midnight, si Gab ay lumabas na, naiwan kami nila Fae dito sa loob ng kuwarto. Si Alier ay nag huhugas ng pinggan sa may kusina. Nakadungaw kami sa bintana kung saan kitang-kita ang mga estudyanteng tumatakbo.

May mga nag-sisigawan, at nag puputukan. "Ano bang klaseng lugar toh?" Kabadong tanong ni Fae. Lumabas ako ng kuwarto at naupo nalang sa sofa. Diko kaya makita ang mga taong namamatay at nag papatayan.

Napatingin ako sa pinto dahil may kumakatok. "Teka ako na" Pagpigil saakin ni Alier. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at tumambad saamin si--Lucifer. Dali-dali akong lumapit "Lucifer?" Patanong na sambit ko.

"Kamusta kayo dito?" Tanong nya. Nag tungo na si Alier sa kusina at naiwan kami ni Lucifer. "Okay lang naman kami.. Ikaw? Bakit nasa labas ka?" Balik ko ng tanong. "Baka nakakalimutan mong ako ang gumawa ng Bloody Midnight. Tsaka isa ako sa may-ari ng school nato" Paliwanag nya.

"Ano ngapalang ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Aayain ka mag date" Wow! Lucifer! Speed ah! Ngumiti ako at inipit ang buhok ko saaking tenga. "Sige.." Sagot ko.

Ngumiti din sya, "Tara na?" Pag-aya nya saakin. "Pero may mapanganib sa labas" Pag-aalala ko. "Hangga't nasa tabi mo ako.. Walang maaring manakit sayo, naiintindihan moba?" He said.

Ngumiti ako ng malawak at inakap sya. "May tiwala ako sayo" Bulong ko. Nag paalam naako kila Devi, nung una ay ayaw pa ni Fae pero dahil sinabi ni Deving pwede.. Pwede!

Bago ako umalis ay inayusan paako ng dalawang toh! Ang tagal na nag-aantay ni Lucifer sa labas.. Naka suot ako ng silver na dress, hanggang taas ng tuhod ko. Naka black naman akong small heels, nag lakad naako palabas. Ngumiti lang si Lucifer saakin at kinuha na ang kamay ko.

Naglalakad kami ngayon sa madilim na plaza, diko nga alam kung saan kami pupunta eh. Ang daming duguan, may mga naka hilata na sa sahig, yung iba naman ay nag tatkbuhan. Parang walang nangyayari sa paligid para kay Lucifer, may mga nag sisigawan na gusto ko nang puntahan. Pero pinipigilan ako ni Lucifer, nag lakad lang kami at nakarating na sa mataas na gusali. Mas maganda ang gusaling ito at mas malaki. Siguro ito na ang Main Building

Pumasok kami sa Main Building, parang mall ang loob. May dalawang hagdan sa harap, may malalaking shandelier, gold and white ang theme. Nag elevator kami, "Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko. "Kakain lang tayo.." Sagot nya. Pagkalabas namin ng elevator ay bumungad saamin ang napaka laking kwarto, para bang isang court.

May mahinang music, may mga petals na naka-kalat sa lapag, may isang bilog na lamesa malapit sa glass window. "Tara na?" Pag-aya saakin ni Lucifer. Ibinigay kona ang aking kamay sakanya, pina upo nya ako sa kanan at sya naman ang nasa harap ko.

"Do you liked it?" Tanong ni Lucifer. Ngumiti ako "Oo, ang ganda nga eh" Sagot ko. "Kain na tayo" Pag-aya nya. Stake and wine ang naka-hain sa harap namin, buti nalang may tubig sa gilid kaya yun nalang ang ininom ko.

Habang kami ay kumakain ay tanaw ko sa gilid ang mga lalaking nag tatakbuhan, di yon pinapansin ni Lucifer. Ang daming nagsa-saksakan sa labas, "Okay kalang ba?" Biglang tanong nya. "Mhh" Maikling sagot ko. Kumain kami ni Lucifer ng tahimik, di naman sya mabunganga eh. Siguro kung si Demon kasama ko kanina paako natawa... Okay! Wait! Bakit napasok si Demon? France ano ba?!

-

Nang matapos na kami kumain ay inaya nya akong sumayaw, nakatayo kami ngayon sa harap ng malaking glass window kung saan maraming nagpa-patayan. Naka-ikot ang dalawa kong kamay sa batok ni Lucifer habang ang dalawa nyang kamay ay nasa beywang ko naman.

"I Love you" Lucifer said. Ngumiti ako ng malawak, "I Love you two" Sagot ko.

Habang kami ay sumasayaw sa magarang kwartong ito.. Sa labas naman ay maraming nag papatayan, sana ay ayos lang sila Devi. "Lucifer. Dika ba natatakot?" Biglaang tanong ko. "Dika ba natatakot sa mga nangyayari?" Dagdag ko pa.

Ngumiti sya ng kaunti at sumulyap saglit sa labas, "Ito na ang buhay na nakalakihan ko, dito naako nabuhay" Sagot nya, seryoso bayun? Nabuhay ka ng maraming nag papatayan at nag-aaway sa harapan mo. Awtch!

Napabugtong hininga nalang ako. Nag-enjoy nalang kami ni Lucifer sa date namin ngayong gabi, kahit wala sya masyadong sinasabi ay masaya syang kausap lalo na kapag nakatitig ka sakanya.

Pag tapos namin sumayaw ay naupo muli kami, "Gusto mo nabang umuwi?" Nakatingin si Lucifer sa labas habang tinatanong yon. "Dipa naman ata ako hinahanap nila Devi" Nakangiting sagot ko. Ibinaling ni Lucifer ang mga mata nya saakin...

"Hindi yun ang ibig kong sabihin" Seryoso nyang sabi. ".. Gusto mo nabang lumabas dito?" Dagdag nya pa. Napakunot ako ng noo dahil duon, ilalabas nya ako dito tama ba? Ilalabas nya ako sa paaralang ito? Pero paano sya?

"Huh? I-ilalabas moko dito?"

"Ayokong madamay ka sa mga gulo.. Ayun lang ang paraan para maging ligtas ka"

"P-pero paano ka? Sasama ka ba sakin sa labas?"

Ngumiti sya ng mapait at tumingin ulit sa labas, "Hindi pwede" Malamig na sabi nya. Anong gagawin ko? Kung kaialn ako napa-mahal sakanya duon nya ako papakawalan. Oo gusto kong makalabas dito... Nang kasama sya

"A-ayokong lumabas"

Muli nya akong tinignan, "Paano kung manganib ang buhay mo? May hika ka pa naman... Muntik kanang malagay sa alanganin" Sabi nya. "Pero gusto kong kasama ka.." Wika ko habang naka tingin sa mga mata nya.

"Kung mamamatay ako dito... Ayos lang kasi naranasan kong magmahal, at ayos lang dahil kasama ko ang taong mahal ko" Paliwanag ko. Lumabas ang matamis na ngiti sa mga labi at mata ni Lucifer, tumayo sya at humarap saakin. Hinawakan nya ang aking pisnge

"Hindi ka magsi-sisi sa desisyon mo" Nakangiti nyang sabi. Tumayo din ako at niyakap sya ng mahigpit, "Mahal kita" Bulong ko. "Mahal na mahal din kita" Bawi nya.

Halos ilang minuto kaming nag yakapan, ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nag mamahal sayo ng ganito. Ang malamig nyang mukha ay napapalitan ng nakangiti at maaliwalas na itsura. Hindi ako nagsi-sisi sa disesyon kong ito.

I Love you Lucifer....

Share This Chapter