CHAPTER 19
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 19: "RIOT"
FRANCE LOPEZ
Today is Friday, maraming nangyari nung nakaraang araw. Tulad ng nauna ay faundation day parin ngayon, sila Devi and Gab mag kasama parin. Si Fae and Alier syempre iniwan nanaman ako
Hapon narin at kasalukuyan akong kumakain ngayon dito sa isang booth,ako lang mag-isa! Nakain lang ako tapos hahanapin kona sila Devi. Kanina kopa sila di nakikita eh
"Hi" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko iyon--Si Chloe. Nilingon ko sya sa kaliwa, "Hi din" Bawi ko.
"Natatandaan moba yung sinabi kong babawian kita?" Tanong nya. Ahh! Yung nag kabanggaan kami sa cafeteria no'n, seryoso ba sya?
"I think this is the right time to do that" Tinaasan nya ako ng kilay. "Wala akong panahon sayo" Sabi ko, akma namang tatayo naako.. Ngunit kinalampag nya ang lamesa kaya napa-upo muli ako.
"Baka nakakalimutan mo ang motto ng school na'to?" Maangas na tanong nya. "Fight or else you will die" Giit nya. Tinaasan ko sya nang kilay para malaman nyang hindi ako natatakot sakanya.
"Fine! Gusto mo ng laban?" Taas noong sabi ko. Ngumisi sya "Mauna kana" Sabi nya. Ahhh! Pinauna moko ah!
DEVINA KELT
Nakatambay lang kami ni Gab dito sa baba ng booth, ayan nanaman sya! Lumapit si Lovely saamin habang naka ngiti. Tsk! Magaling na pala yung kalmot ko.
"Hi Gab" Lovely said. "Desperada" Bulong kong narinig nilang lahat. "Ano? Ako? Desperada?" Tapang ah!
"Oo! Ikaw Despera-"
Dikona naituloy ang aking sasabihin dahil bigla nya nalang ako hinablot, at dahil nga mahaba ang galamay ko ay nahablot kodin sya. Nagsabunutan kami
Ramdam kong pinipigilan kami nila Gab kaya hinawakan ko mabuti ang anit ni Lovely, napababa sya kaya pag kakataon kona to! Hinila ko ang buhok nya... In short, kinaladkad ko sya. Papunta sa plaza
FAE KATSUMI
"Hindi moba talaga lalayuan si Alair?!" Galit na tanong ko sa babaeng lapit ng lait kay Alier. Sya yung babae sa cafeteria dati
"Grabi naman kaselosa yung girlfriend mo" Sabi nya. "Oo selosa ako! Kaya pag dika lumayo.." Tinaasan ko sya ng isang kilay
"Ilalampaso ko'yang mukha mo" Taas noong sabi ko. Ngumiti sya kaya lalong kumulo ang dugo ko.
"Pathetic" Bulong nya na narinig ko. Bubulong kapa eh narinig ko naman! TANGA!
Akmang aalis na sya pero diko hinayaan, tinawag mokong pathetic ah! Lagot ka sakin! Hinila ko ang buhok nya at winag-wag ito.
Siniko nya ang tiyan ko kaya napabitaw ako, sya naman ngayon ang humatak sa buhok ko. Ramdam kong kinakaladkad nya ako, papunta sa plaza...
NARRATOR
Habang nagsa-sabunutan sil Devi, Fae and France ay umatake ang BBW (Bloody Black Warriors) Pinana nila ang mga tauhan ni Lucifer pati narin ang tauhan ni Demon.
Lahat ay nag kagulo, madaming nag takbuhan at sumali sa gulo. Napansin iyon ni Lucifer at ni Demon kaya dali-dali silang pumunta sa plaza. Pagdating ni Devi at ni Lovely sa plaza ay agad na ibinagsak ni Devi si Lovely.
Si Fae naaman ay naitulak ang babaeng kalaban nya, si Fae na ngayon ay naka patong sa babae habang winawag-wag ang buhok nito. Ang daming pinana ng BBW, marami ang mga nasugatan.
Hindi kaya ng Dark Chaos at ng Bloody Dragons ang mga BBW dahil di nila inaasahan na susugod ito. Galit ang namuo sa mata ni Demon kaya maging sya ay sumugod narin. Si Lucifer naman ay kumuha ng paputok, itinutok nya ito sa langit at ipinutok kaya ang iba sa kanila ay tumigil.
FRANCE LOPEZ
Nang marinig ko ang malakas na putok ay huminto ako, pero si Chloe ay di parin binibitawan ang buhok ko kaya hinablot ko muli sya. Madumi na ang damit ko dahil ibinag-sak nya ako sa lupa, ang buhok nya naman ay napaka gulo dahil sa sabunot ko.
"Tigil!" Malakas na sigaw, at muli na namang umalingaw-ngaw ang malakas na putok.
May lalaking hymumarang saamin ni Chloe at hinatak si Chloe--Si Demon, "Ano yan naba yung ganti mo ha?!" Sigaw ko.
"Para kang bata kung sumabunot, mahina." Giit ni Chloe
"Ah talaga mahina?! Eh yung buhok monga para nang gubat eh!" Sigaw ko muli.
Agad naman akong hinawakan nila Devi and Fae na nakipag sabunutan din pala, inilibot ko ang aking mata at laking gulat ko ng makita ko ang ibang miyembro ng Dark Chaos at ng Bloody Dragons na may palasong naka tusok.
Kita ko ang bawat isa na sumusigaw sa sakit ang iba naman ay binubunot ang palaso na para bang hindi nasasaktan. Nakita ko si Lucifer na hawak ang isang palaso at kita ko ang galit sakanyang mga mata, inayos ko muna ang sarili ko at humarap kila Devi.
"Nakalaban mo pala yang dilis na reynang yan" Bulong saakin ni Fae. "P*ta! BBW! Nasaan kayo?!" Sigaw ni Lucifer na umalingaw-ngaw sa buong plaza.
"May kinalaman ba kayo dito ha?!" Tanong nya kay Demon. "Sa tingin mo bakit ko papanain ang sarili kong kakampi ha?!" Sagot naman ni Demon
Akmang mag lalapit angdalawa ngunit humarang si Chloe at si Gab para pigilan sila. "Galit ka nanaman, mag-isip ka muna!" Galit na sabi ni Demon. Tinignan lang sya ng masama ni Lucifer at bumaling saakin ang mata nya.
"Anong nangyari sayo?" Taning ny asaakin, "Nakipag-away, diba halata?" Inis na smabit ko. "Kinakalaban na talaga tayo ng BBW" Biglang sbai ni Gab
"Di ko sila uurungan" Nakangising sabi ni Lucifer. "Wag kang magpadalos-dalos, nagagalit ka nanaman Lucifer" Sabi ni Demon na para bang nag-aalala?
"Ano naman sayo?" Wika ni Lucifer sabay alis na. Napabuntong hininga nalamang si Demon, kalaunan ay umalis narin sila ni Chloe na tinarayan paako. Tsk!
Inayos nanamin ang mga itsura namin at bumalik na sa dorm, sayang! Diko pa naingud-ngod yang chloe nayan! Pero ayos lang, nag lagay naman ako ng chiclet sa buhok nya. HAHAHA.
"Sayang! Kung hindi mo ako pinigilan edi sana nailampaso kona yang Via nayan!" Inis na sabi ni Fae. Si Via ang nakalaban nya kanina, ang babaeng lumalandi kay Alier.
"Buti pako, nakalad-kad ko si Lovely. Masyadong GG! Di naman maganda" Sabi ni Devi sabay taray.
"Ikaw France? Anong nangyari?" Tanong ni Gab. Ngumisi ako, "Nilagyan ko ng chiclet ang buhok ni Chloe" Sambit ko sabay ngiti.
Natawa naman sila "Good girl, manang-mana ka samin ni Devi" Biro naman ni Fae. "Dor sure babalikan kayo no'n sa Bloody Midnight" Biglang sabi ni Alier
Oonga pala! Isang araw nalang Bloody Midnight na. Hays! Panigurado ngang babalikan kami no'n.
"Edi maganda, malalampaso kona yung pisteng mukha nya" Giit ni Fae. "Bibigyan ko kayo ng balisong, dalhin nyo lang" Suhestiyon ni Gab
"Balisong? Tsk! Di namin kailangan" Pabmamayabang ni Devi "Kaya namin ng walang sandata" Sabi ni Fae
"Gagamitin nyo lang naman pag kailangan, nakita nyo ba yung nangyari kanina? May mga nasugatan dahil sa pana. Kaya nasa inyo na kung gagamitin nyo o hindi" Paliwanag ni Gab. Sabagay! May point sya!
"Hoy lalaki! Saan kaba nakakakuha ng balisong ha?!" Pasigaw na tanong ni Devi. "Nanghihingi ako kay Lucifer" Sagot ni Gab.
-
Dina naiotuloy ang mga booth dahil sa riot kanina, nandito lang kami sa dorm dahil di pinapalabas ang mga estudyante. May mga armado nanamang nag iikot sa buong paligid, siguro dahil sa nangyari kanina.
Si Gab ay nasa labas, syempre member daw sya ng Dark Chaos, yabang noh? Si Alier ang nag luto ng hapunan namin. Si Fae ay naligo na at si Devi naman ay pinapagana ang selpone nya, nag hahanap ng signal.
Ako naman ay naka higa lang sa kama, iniisip ko kung paano ko nagawang manakit kanina.. Well oo sinaktan nya din ako pero ayoko kasing nananakit.
Feeling ko pag nananakit ako... Para na akong nanay ko, lagi nya akong sinasaktan dati. Ayoko ng bumalik pa sa nakaraan...
Pero maiba ako, anong ginagawa ng BBW kanina?