Back
/ 44
Chapter 18

CHAPTER 17

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 17 "ALAS"

FRANCE LOPEZ

Isang araw lang ako nag stay sa clinic, tapos no'n ay umuwi narin kami dito sa dorm. Maayos na ang pakiramdam ko pero minsan ay nahihilo ako, mabilis narin akong mapagod kaya sila Devi muna ang kumikilos dito. Sila narin ang nag sabi sa mga teacher ko na ganto ang lagay ko.

"Ano France? Okay kana! Ikaw naman ang mag hugas!" Pagmamaktol ni Gab. "Magtumigil kanga! Lika dito! Dika pa tapos sa math diba!" Savior ko talaga tong si Devi.

"Oona! Mamaya ako na ang mag huhugas ng pinggan" Wika ko sabay kain ng Candy.

"Asan sila Fae?" Kunot noong tanong ko. Kanina kopa kasi sila hindi nakikita, "Nag Date" Sagot ni Devi. Shala! May date na nagaganap?

"Motmot (Monthsary) nila ngayon" Dagdag pa ni Gab. Ahh okay! Okay! Motmot naman pala.

Hanggang ngayon ay dipa rin ako pumapasok, bukod sa tinatamad ako ay masakit din ang ulo ko kakagawa ng mga assigment.

-

Someone's pov,

Kakapasok kolang sa aming kuta dala ang magandang mensahe para saaking boss. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay si boss agad ang nakita ko, nag lalaro sya ng baraha.

"Boss?" Pagtawag ko sakanya, agad naman syang tumingin saakin. "May bagong istudyante" Panimula ko. "Magugulat ka sa mukha ng isa sakanila" Nakangisi kong sabi.

Ibinigay ko ang aking selpone para ipakita kay boss ang litrato ng isang bagong estudyante. Pag kakita ni boss ay lumawak ang ngisi sakanyang mga labi, ako at ang kasama namin ay tumayo ang mga balahibo dahil nakakatakot na ngisi ang kanyang binitawan.

Tumawa sya ng malakas, "Mukhang may panibago nanaman tayong ALAS" Nakangisi nyang sabi sabay tawa ulit.

"Magaling! Ngayon ay bantayan nyo ang babaeng yan" Sabi ni boss, "Mai naiisip nanaman akong plano" Dagdag pa nya sabay halak-hak.

"Teka saglit" Pagpigil saakin ni boss sa pag labas. Nilingon ko sya ng seryoso, "Bakit boss?" Tanong ko.

"Anong pangalan n'yan?" Tanong nya. Ngumisi ako "France Lopez" Kasabay nang pag banggit ko ng ngalan nya ay ang pagtawa ng malakas ni boss.

Mukhang may plano nanaman...

FRANCE LOPEZ

Lahat kami ay lumabas ng kanya-kanya naming dorm, pinapatawag ang lahat ng estudyante sa plaza. Tulad ng noon ay may kanya-kanya na kaming upuan at puwesto, nasa gitna kami.

Nasa stage naman sila Lucifer at sila Demon, at nasa harap si Maam Feodor ang aming principal. Mukhang may sasabihin sya kaya lahat ng atensyon namin ay nasakanya.

Ngumiti muna sya at huminga ng malalim, "Alam kong biglaan ang pag tawag namin sainyo. May gusto lamang akong sabihin at alam kong ikatutuwa nyo nanaman ito" Panimula nya.

"Natuloy ang ating party, at syempre dapat lang na matuloy ang ating Faundation" Nakangiting sabi ni Maam Feodor.

Lahat ay nag hiyawan nanaman at para bang naka wala sila sa kulungan, may iba nag bubulungan, may iba namang naka ngiti. Tapos may ibang di maipinta yung mga itsura

"At may isa pang magandang balita!" Malakas na sabi nya kaya lahat kami ay naka tuon muli sakanya.

"Pag natapos ang ating Faundation na gaganapin sa darating na Lunes hanggang Sabado ay may isa pang magaganap" Sa pag kakataong ito ay lumawak ang ngisi ni Maam Feodor.

"Mag kakaroon tayo ng Bloody Midnight!" Malaks na sabi nya.

Nag karoon ng kaunting katahimikan, ang iba ay nag tatawanan at nag hahalak-hakan. May ibang natatakot at may ibang natutuwa, shems! Anong meron?

*Sh*t" Mahinang sabi ni Gab. "Bloody Midnight?" Halos sabay na sabi namin ni Fae.

Tumingin saamin si Gab ng seryoso. "Patayan" Isang word lang ang sinabi nya pero lahat ng balahibo ko ay nag tayuan.

"Ang Bloody Midnight ay gaganapin sa Sunday" Sabi ulit ni Maam Feodor. "6:00 pm. Magsisimula at matatapos ng 5:00 am." Dagdag nya pa.

Tumayo si Lucifer at kumuha ng mike, agad nag karoon ng katahimikan. "Pag dating ng Bloody Midnight, lahat ng taong gusto n'yong patayin ay maari" Nanindig lalo ang mga balahibo ko sa sinabi ni Lucifer.

Sumulyap sya kay Demon at ngumisi "Kaibigan, kaaway maging mga guro ay maari n'yong paslangin" Nakangisi nyang sabi.

Binalingan ko ng tingin si Demon. Nakatingin din sya saakin

Bakit ganon? Bakit may pa Bloody Midnight na nagaganap? Mga tao ba sila?! Nakakainis! Akala ko huli na yung nangyari nung nakaraang linggo. Takte! Mas malala pa pala ang magaganap sa Bloody Midnight.

Ano bang klasing paaralan toh?! Napaka sama ng may-ari neto! Ang sama ng ugali mo Lucifer! Demon!

"Ang dami naman nilang dama" Inis na sambit ni Devi habang hawak ang aking kaliwang kamay. Kita ko ang takot sa mga mata ng iilan dito, pero yung iba ay natutuwa pa.

Kainis!

Natapos na ang lahat ng sasabihin nila kaya nag lakad na kami pabalik ng dorm. Naupo kami sa sofa at nag-isip ng kung ano-ano

"Laro bayun para sakanila?!" Pambabasag ni Devi sa katahimikan. "Oo" Sagot ni Gab habang naka tingin sakanyang balisong.

"Marami ang mag kakagalit dito, at rumarami na din ang mga pumapasok" Seryosong sbai ni Gab. "Naisip nila toh para mabawasan ang mga estudyante dito" Dagdag pa ni Gab.

"T*ngina! Eh bakit di nalang nila palabasin yung iba?" Inis na tanong ni Alair. "Pag pinalabas ng buhay ang isa dito ay tiyak na mag susumbong yon sa gobyerno o di kaya sa mga pulis" Sagot ni Gab

"Makapangyarihan ang pamilya nila Lucifer. Ganon narin sila Demon" Isa-isa nya kaming tinitigan. "Wala tayong magagawa kung di sumunod. Wag kayong mag-alala, kakausapin ko ang mga kaibigan ko sa Dark Chaos para bantayan tayo" Wika ni Gab

"Pano kung may mamatay saatin?" Takot na tanong ni Fae. "Hindi ako apayag. Tsaka wag kayong nega! Wala naman tayong kaaway dito" Sabi ni Devi. "Porke lang don sa Lovely nayun na habol ng habol kay Gab" Dagdag pa ni Devi.

"Wow! Selos yarn?" Panunulso ni Alier. "Kayo naba te? Spoil the tea naman!" Sabi ni Fae.

"Mga g*ga!" Inis na sigaw ni Devi. Shala! Lumalablayp?

Hayss! Ang daming ganap! Nung narinig ko na may Faundation ay natuwa ako. Pero nung narinig ko yung pisteng Bloody Midnight nayan! Putcha! Nainis ako.

Sana ay walang gulo ang mangyari...

Share This Chapter