CHAPTER 16
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 16: "PAHINGA"
DEVINA KELT
Lahat kami ay tumakbo papalapit kay France, binuhat sya ni Lucifer patungo sa clinic. Dumidilat-dilat pa si France pero alam kong nanghihina na ang katawan nya.
Ipinasok sya ng mga nurse sa isang silid, nasa labas kami ngayon, kasama ko sila Fae, Alair, Gab, Demon, Chloe and Lucifer. Iyak ng iyak si Fae, ako naman ay hinihimas ang likod nya para pakalmahin sya.
Unti-unti ring bumabagsak saaking pisnge ang mga luha ko, kahit na amy sugat ako ay hindi ko ito nararamdaman dahil sa pag-aalala ko kay France.
"Kung hindi sana tayo lumabas, dito mangyayari eh" Nauutal sa sambit ni Fae. "Magiging maayos din sya" Sambit ni Alair na nag-aalala rin.
Nabaling ang tingin ko kila Demon at Lucifer, si Demon ay naka tulala lang sa pader alam kong pinipigilan nya ang luha nya. Si Lucifer naman ay may tinatawagan sa Phone nya, may signal ba sya? Pag karinig ko doctor ang tinatawagan nya.
May isang nusre ang lumapit saamin at nag bigay ng first aidkit. Agad namin iyong ginamit para naman maging okay kami.
Halos dalawang oras na kaming nandito, lumabas ang doctor sa kwarto ni France kaya lahat kami ay napatayo. "Doc okay lang ba sya?" Sabay na tanong namin ni Demon.
Huminga ng malalim ang doctor kaya diko maiwasang kabahan "Sa totoo lang ay nag-agaw buhay sya kanina" Sambit ng doctor na ikinagulat naming lahat. "Pero ngayon ay maayos na sya. Kaylangan nya nalang ng pahinga" Dagdag pa ng doctor kaya lahat kami ay naka hinga ng maluwag.
"Nga pala, wag nyo dapat syang pagudin ng pagudin. Tsaka kung maari wag nyo syang paiyakin ng paiyakin, masama kasi sa kalagayan nya iyon. Baka lalo pang lumala ang hika nya" Saad ng doctor. "Pwede napo ba namin syang makita?" Tanong ko.
"Tulog sya ngayon pero sige. Isa-isa lang muna" Sagot ng Doctor. Nauna ng pumasok si Fae.
Nakalabas na si Fae na humahagul-gol kaya agad syang sinalubong ng akap ni Alair. Ako naman ang pumasok, nanghina ako nang makita ko si France na nanghihina ang buong katawan.
Naka oxygen sya at namumutla ang labi, tumabi ako sakanya at hinawakan ang kamay nya. "B-bunso.. Magiging maayos din ang lahat" Napiyok ako "Pangako, nandito lang kami para sayo. Di kita iiwan, di ka namin iiwan" Maluha-luhang sambit ko.
Hinalikan ko na sya sakanyang noo at lumabas na, sinalubong din ako ng akap ni Gab. "Shsh magiging okay din ang lahat" Bulong saakin ni Gab.
Sumunod na pumasok si Lucifer...
NARRATOR
Pag pasok ni Lucifer sa kwarto ni France ay agad nya itong niyakap at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi nya pinapakita sa lahat na mahina sya at iyakin sya, pero deep inside gusto nya nang umiyak.
Sya ang tumawag sa doctor na nag asikaso kay France, hinahaplos nya lamang ang mikling buhok ni France, di rin maiwasang mapangiti sya.
May naalala kasi syang nakaraan na pilit nyang ibinabaon sa lupa, pero kahit na ipilit nyang kalimutan ay di parin maiwasang maalala nya ito. Dahil kay France
Si Lucifer ang tipo ng lalaki na sasabihin nya agad ang nararamdaman nya dahil ayaw nyang maunahan sya, ayaw nya ding masayang ang mga oras. Sabi nya dati nung bata sya, "Kapag nakita kona ang babaeng alam kong mahal ko ay hindi naako mag sasayang pa ng oras. Yayayain ko agad syang mag pakasal dahil gusto kong alagaan at maparamdam sakanya ang pangmamahal ko"
Bago umalis si Lucifer ay hinalikan nya muna si France sa noo. Tapos non ay agad na din syang nag ayos ng mukha at lumabas.
Susunod naman ay si Demon...
FRANCE LOPEZ
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, inilibot ko iyon at napag tanto kong nandito ako sa clinic. May oxygen ako kaya maayos ang daloy ng hangin saakin
Madilim at ako lang mag-isa, ano nakayang nangyari? Nag lalaban pakaya sila ngayon?
Agad nabaling ang paningin ko sa pinto ng bigla itong bumukas, iniluwa nito si Demon na may band aid ang panga. Dahan-dahan syang lumapit saakin at hinawakan ang kaliwa kong kamay.
"France? Okay kanaba?" Tanong nya. "Oo.. W-wala nabang g-gulo?" Balik ko sakanya. Tumango lamang sya at ngumiti, hinaplos nya ang aking buhok
"Wala nang gulo" Mahinahong sambit nya. Ngumiti ako "Hindi na kayo maanggugulo?" Saad ko.
Napatigil sya at tumingin saaking mga mata, "Hindi na" Maikli nyang sagot. "Pangako?" Patanong na wika ko.
Ngumiti rin sya at pinag patuloy haplusin ang buhok ko "Pangako" Sambit nya. "Sangayon mag pahinga ka muna" Wika nya.
Ngumiti ako at nakaramdam na nang antok kaya dahan-dahan kong ipinikit ang dalawa kong mata, ang sarap at ang ginhawa ng pakiramdam ko dahil sa oxygen at sa mga sinabi ni Demon.
Sana nga.. Sana nga ay wala nang gulo, pero diko parin maisip kung bakit? Bakit nung pumagitna ako ay lahat sila ay natigil? Bakit nung nahimatay ako ay lahat sila alalang-alala? Di naman kami ganon ka close nila Lucifer and Demon.
Pero sabi sakain ni Lucifer na mahal nya ako, si Demon naman ay naging kaibigan ko mag-mula nung na stuck kami sa classroom. Parang napaka special ko naman.
Bakit ba ako?
Ano ba talaga ang nangyayari?
Bakit nung umiyak ako ay parang nalungkot ang mga mata nila?
Ano bang meron?