CHAPTER 12
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 12: "A DAY WITH DEMON"
FRANCE LOPEZ
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon sa hallway dala ang mga papeles na dadalhin ko sa room 309, inutusan kasi ako ni maam ramirez. Ako lang mag-isa ngayon dito dahil third floor na ito.
May mga dahon na nakakalat dito sa lapag, wala din masydong nag kaklase dito. Lumiko ako at napa tigil dahil may mga lalaking nasa harap ko ngayon, para bang inaabangan ako.
Apat sila at malalaki ang katawan, may mga mahabang kahoy silang hawak kaya kinabahan ako bigla. "France Lopez, nag kita rin tayo" Saad ng lalaki sa gitna.
"S.. Sino kayo?" Nauutal kong tanong, "May kasalanan ka sa boss namin" Naka ngisi nyang saad. "A-ano? Sinong boss?" Takang tanong ko.
Dahan-dahan lumapit saakin ang lalaki sa gitna kaya napaatras ako ng kaunti, akmang ihahampas nya na saakin ang kahoy ng bigla akong pumikit...
Walang nagyari? Iminulat ko muli ang aking mga mata at tumambad sa gilid ko si Lucifer na hawak-hawak ang kahoy na sana ay ihahampas saakin. "L-lucifer?" Patanong na sabi nung lalaki.
Di na kinausap ni Lucifer ang lalaki, agad nyang tinadyakan sa tyan ang lalaki at inihampas ang kahoy sa mukha ng lalaki. Agad ng tumumba ang lalaki kaya napa ngiti ako. Yeyy! One down!
"Kayo? Dipa kayo aalis?!" Sigaw ni Lucifer. "May kasalanan yang babaeng yan!" Sigaw nung isa. "Ha?! Ano bang kasalanan ha?!" Galit na sigaw ko. Kasi naman ano bang kasalanan ko?!
Dahan-dahan lumapit si Lucifer sakanila kaya dahan-dahan silang napaatras. Di sila natitinag, lumapit ang isang lalaki kay Lucifer at hinampas sya ng kahoy. Shems! Parang wala lang kay Lucifer, hinatak ni Lucifer ang kahoy saka inihampas sa mukha ng lalaki.
Agad syang umikot at tinadyakan ang isa pang lalaki dahilan para sya ay matumba, isa nalang! Kinalampag ni Lucifer ang kahoy na hawak nya at hinampas sa lalaki kaya agad itong natumba at nahimatay.
Ibinato na ni Lucifer ang kahoy at humarap sakain "Mag-ingat ka" Malamig na sambit nya. "Salamat-" Diko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na syang tumalon sa labas. Agad ko syang tinignan pero wala na sya, di man lang sya nahulog? Shems! Parang unggoy talaga.
Nag patuloy naako sa pag lakad dahil baka magising patong mga mokong nato! Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa room 309. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad saakin si...
"D-demon?" Gulat na saad ko. Pag kababa ng papel sa mesa ay agad nang tumingin saakin si Demon.
"France? Andito karin pala" Sambit ni Dmeon.
Lumapit naako sa lamesa at ibinag-sak ang mga papeles, lalabas na sana si Demon nang biglang...
"F*ck!" Pasigaw na wika ni Demon kaya agad akong napatingin sakanya. "Anong meron?" Kunot noong tanong ko.
"T*ngina. Ayaw mabuksan nitong pinto" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Demon. "Eh sa isang pinto?" Suhestyon ko.
"Sira ang dalawang pintong toh kaya naka sara na talaga yon, ito naman ay kailangan buksan sa harap" Mahaba nyang sambit.
Di naman kami makakadaan sa bintana dahil pati iyon ay saradong-sarado. Pero may liwanag, maliit nga lang, naupo si Demon sa gilid ng pinto kaya yun nalang din ang ginawa ko.
Mejo malayo ako kay Demon para walang mangyaring... Basta!
"Ang layo mo ah" Sambit ni Demon. "Sorry na" Dagdag nya pa, agad akong napa lingon sakanya. Nakita kong naka ngiti sya
"Pinapatawad na nga kita" Saad ko. "Eh bakit parang diko ramdam?" He pout.
"Di naman tayo close noh" I rolled my eyes.
"Sige makiki-close ako" Sambit nya.
DEVINA KELT
Kanina pa wala si France kaya mejo kinakabahan ako. Takte! Saan nanaman yun nag su-suot? Nandito kami nila Fae sa classroom nag susulat ng notes.
Waka kaming teacher dahil nasa meeting, "Nasan na kaya si France?" Biglang saad ni Fae. "Hays kung saan-saan nanaman nag punta." Sambit ni Alier habang nag susulat.
"Alier pakopya ko" Sambit ni Gab na nasa tabi ko, sila Fae and Alier naman ay nasa gilid lang namin.
"Hanggang kaylan kaba kokopya sakain?" Biro ni Alier. "Hanggang kamatayan" Sambit ni Gab na ikinangiti namin.
Saaming lahat kasi si Alier ang pinaka masipag sa pag-aaral, sumunod si France, Me, Fae at syempre itong si Gab. Si Alier ang pinaka matalino saaming lahat lalo na sa math, naalala ko panga dati nung may swimming conpetetion sila. Halos lahat ng babae ay nag tilian nung mag hubad sya, si Fae naman ay gusto nang tanggalin ang mga mata ng kababaihan duon. HAHAHA ang gandang ala-ala...
FRANCE LOPEZ
Kanina pa ako tawa nang tawa dahil sa mga jokes ni Demon, napaka jolly nya at napaka dal-dal katulad ko. Ibang-iba kay Lucifer na lagi nalang seryoso ang mukha, kanina pa kasi nag j-joke si Demon.
"HAHA, seryoso ba yon?" Natatawang sabi ko. "Oo, tapos naalala ko nung tumae si Gab" Saad ni Demon na ikinatawa ko.
Kanina pa nya sinisiraan saakin si Gab, kanina parin kami naka hawak saaming tyan sa sobrang tawa. "Ito meron ako" Sambit ni Demon kaya sumeryoso ako ng kaunti.
"Roses are red, violets blue.. The face like yours belongs to zoo" Natatawa nyang samabit. Nainis ako ng kaunti, takte! "Don't be sad.. I'll be there too" Saad nya pa kaya napa ngiti ako.
"Not in the cage.. But laughing at you" Wika nya sabay tawa ng malakas. Argh! Ano ba! Saya mo ah! Hinampas ko ang balikat ni Demon at nag kunwaring natawa. Takte! Kainis
"Ito meron pako" Smabit ni Demon na kanina pa tawang-tawa. Argh! Sana naman maayos noh!
"Why is DARK spelled with K and not C?" Tanong ni Demon, "Why?" Kunot noong tanong ko. "Because you can't C in dark" Wika nya sabay tawa.
Ako din ay napatawa sa sinabi nyang joke. Letche tong lalaking toh! Akala ko nakakatakot na sya, pero di pala. Napaka saya nyang kausap at napapadali nya akomg patawanin, mabilis nya lang nakuha ang loob ko.
-
Nag didilim na pero hanggang ngayon ay natawa parin kami ni Demon, nakakramdam ako ng konting gutom kaya naka-hawak ako saaking tyan. Hays wala ba talaga magbubukas ng pinto?
"Gutom kana? Ako rin eh" Smabit ni Demon sabay himas sakanyang tyan. "Sabay tayo dinner?" Pag-aya saakin ni Demon
"G!" Masaya kong sambit. Di namin namalayang gabi na pala, kanina pa kasi kami nag-uusap ng kung-ano-ano, siguro kanina pa ako hinahanap nila Devi.
Hayss! Tuluyan na ngang nag dilim ang buong paligid kaya napa usog ako sa tabi ni Demon, "Okay kalang?" Tanong nya.
"Oo, okay lang ako" Sagot ko sabay hinga ng malalim.
Agad kaming napatingin ni Demon sa pinto dahil narinig namin na parang sinisira ito. Sabay kaming napa tayo ni Demon para abangan ang pag tumba ng pinto.
Biglang natumba sa lapag ang pinto at bumungad saamin si... "Lucifer?" Patanong na sambit ko.
Agad kong nakita si Fae sa likod kaya tumakbo ako papalapit sakanya para akapin sya, nasa labas naako kasama sila Devi.
Si Lucifer naman ay naka tingin lang kay Demon na para bang galit, si Demon din ay parang galit. Matagal silang nag-titigan "Tara na?" Pag aya saakin ni Devi.
Hinila naako ni Fae and Devi kaya nakaalis na kami. Si Gab and Alier naman ay naiwan lang duon, kasalukuyang nag lalakad kami ngayon dito sa labas patungo saaming dorm.
"Ang LT kausap ni Demon" Masaya kong wika. "Sis kanina mopa mukang-bibig yang Demon nayan" Sambit ni Fae.
Napangiti nalang ako, diko namalayang sya lang pala ang lumalabas sa bunga-nga ko. "Wag mong sabihin gusto mo sya?" Biglang smabit ni Devi.
"Ha? Gusto agad?" Saad ko.
"Pwede narin si Demon pero mas gusto ko si Lucifer for you" Wika ni Fae sabay sundot sa beywang ko.
"Ako din mas bet ko si Lucifer" Sabi ni Devi.
Gaga! Daming kwon? Friend ko lang naman sila, wala naman akong nararamdamang kakaiba sa kanilang dalawa... Kay Lucifer parang meron, pero diko sure. Kay Demon? Parang... Ewan! Basta!
Haysss! Ang saya kasama ni Demon.