Back
/ 44
Chapter 11

CHAPTER 10

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 10: "PUNISHMENT"

FRANCE LOPEZ

Nakaupo parin kami ngayon dito sa plaza, may problema ata sa mike nila kaya mejo natatagalan sila. Napa sulyap ako kay Lucifer, nakita ko syang seryoso ang mukha at naka tingin saakin. Problema non?

Tumingin naman ako kay Demon na nakatingin din pala saakin, ibang-iba ang ekspresyon nya kay Lucifer dahil naka ngiti si Demon. Pansin kong maganda ata angaraw ni Demon, si Lucifer naman ay ewan! Napaka seryoso ng mukha nya lagi.

May babaeng matanda ang pumunta sa harap kaya nabaling ang atensyon naming lahat sakanya. Malawak ang ngiti nya sakanyang mga labi, may hawak din syang mike kaya nakinig na kami sa kanya.

"Magandang hapon students" Maligaya nyang bati. "Alam kong kaliwat-kanan na ang patayang nagaganap saating paaralan. Kaya naman napag-isipan naming lahat na ipag patuloy ang naudlot na kasiyahan noon" Lahat ay nag simulang ngumiti at mag-usap-usap. Anong meron?

"Itutuloy natin ngayong buwan na ito ang ating party.. Lahat ay imbitado, marami ang mga ganap kaya wag kayong mawawala sa susunod na linggo" Masaya nyang sabi.

Party? Meganon? Natapos na ang sasabihin nya at kita sa lahat na ecited na sila si Fae din ay malawak ang ngiti. Tapos na kaya bumalik na kami sakanya-kanya naming room.

Nauna na sila Devi, ako naman ay pupunta sa science building duon kasi ang huling klasi ko, mejo malayo iyon kaya tinatakbo kona. Ako nalamang ang nasa labas, lahat ay nag kak-lase na.

Alam kong late naako at kinakabahan talaga ako. Huminto muna ako at humawak sa dalawa kong thod para huminga ng malalim, baka kasi sumpungin nanaman ako ng hika, mahirap na!

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako saaking likuran ng marinig ko iyon, isang babaeng matangkad ang bumungad saakin. Mahaba ang buhok, maputi, at may hawak syang itim na nootebook.

"Dapat ay nasa klase ka ngayon ah, late kana miss lopez" Ika nya, woah! Kilala nya ako? Sino ba sya?

"Sino ka? Tsaka alam kong late naako." Mapakala kong sambit.

Ngumisi sya "I'm Audrey Gomez" Pagpapakilala nya. "I am the SSG president in this university" Dagdag nya pa.. Holy sh*t!

"Sige. Papasok nako" Sambit ko, akma namang aalis naako pero bigla nalang nya hinablot ako braso ko.

"Teka ano ba!?" Bulas-las ko, "Late kana, so bakit kapa papasok?" Tinaasan nya ako ng isang kilay. "Eh ano naman. Bitawan monga ako" Wika ko, shems! Yung kuko nya bumabaon na sa braso ko.

"Audrey!" May babaeng lumapit saamin kaya sabay kaming napa tingin sakanya. "We have a meeting, ma-lalate na tayo" Sambit ng babae.

Agad naman akong binitawaan ni Audrey ng malakas. "You need some punishment." Wika ni Audrey saka alis na.

Huh? Ano namang klasing punishment? Sana naman yung madali lang! Argh. Kainis

-

Tatlong oras na ang dumaan, tapos na lahat ng klase namin kaya nag kita-kita na kami nila Devi sa labas ng dorm.

"Gab.. Anong punishment ang ibibigay ng SSG president?" Biglang tanong ko, lahat sila ay napa kunot ng noo.

"Huh bakit anyare?" Tanong ni Fae, "Deadly Tower" Sambit ni Gab. Shems! Ano naman yun?

"Anong meron dun?" Tanong ni Devi. "Simple lang, nasa tutok kalang ng tower" Saad ni Gab "Nang buong araw" Dagdag nya pa.

"Shems! May acrophobia (Fear of heights) pa naman ako" Saad ko.

"Ayaw mong tanggapin yung punishment? May kilala akong makatutulong sayo" Wika ni Gab.

"Sino?" Sabay-sabay naming sambit.

"Si Lucifer" Nakangisi nyang sabi.

"At paano ka naman makaka-siguro na tutulungan ako non?" Tanong ko. "Sabi ko nga sainyo diba, member ako ng Dark Chaos" Sambit ni Gab

"Mamaya sasabihin ko kay Lucifer na tulungan ka" Wika ni Gab

Hayss! Sana lang tulungan nya ako.

-

GABRIEL GARCIA

Tulog na silang lahat kaya lumabas naako ng dorm, tahimik lamang ang buong paligid at madilim. Nag tungo naako sa dorm nila Lucifer para sabihin na tulungan nya si France

"Lucifer?" Pag tawag ko sakanya. Agad nya akong nilingon at binaba ang telepono nya.

"Gab? Anong meron?" Tanong nya.

"France need you" Saad ko, napa kunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Yieeee! Kilig yarn?

"Pinarusahan sya ni Audrey, Deadly Tower" Wika ko. Napa bugtong hininga si Lucifer at nag lakad papunta sa dorm nila Audrey. Paktay ka!

Pumasok kami duon, walang katao-tao, malinis ang dorm nila ah. Kinatok na ni Lucifer ang kwarto ni Audrey. Bumukas naman iyon agad, bumungad samain si Audrey na naka dress na pantulog at naka lipstick pa. Katulad sya ni Fae

"Lucifer?" Patanong na sabi ni Audrey. "Pinarusahan mo daw si France?" Smabit ni Lucifer.

Napalunok ng laway si Audrey, yan! Alam kong kinakabahan nayan deep inside. Paktay ka na!

"O.. Oo" Nauutal nyang sagot

"Isama mo ako" Malamig na wika ni Lucifer, umalis na sya at iniwan kami ni Audrey na kunot ang noo.

Huh? Anyare? Bat sasama tong si Lucifer? Di nya man lang pag tatanggol si France? Siguro may balak tong lalaking toh! Hayss! Pasalamat ka amy tiwala ako sayo.

Bumalik naako sa dorm namin, nahiga nakao sa kama ko at natulog na.

-

Pagka-gising na pagka-gising ko ay si France agad ang bumungad saakin, "Anong sabi ni Lucifer?" Tanong nya

"Sasama daw sya" Sagot ko sabay unat.

"Huh? S.. Sasama?" Patanong na smabit nya, kitang-kita ang pag ka seryoso ni France.

"Ewan ko dun.. Basta sasama daw sya sayo mamaya sa Deadly Tower" Sagot ko sabay higa ulit sa kama.

Nag takip naako ng unan para di marinig ang nga bunga-nga ni Devi, ket naba mahal ko yun eh rinding-rindi natong dalawa kong tenga.

Pano kung asawa ko na sya? Sino masusunod? Hayss! Alam kona! Sya! Oona sigae na panalo kana Devi my Baby!

Ano naman kayang balak ni Lucifer?

Share This Chapter