Back
/ 23
Chapter 7

FI 5

FAKE IT | A KENTIN AU

"Hoy Ken! Ano ba 'yang mga tanong mo?!" Hindi maitago ni Justin ang gulat niya sa mga walang kapreno-prenong tanong ni Ken.

"Nagtatanong lang naman! Oo o hindi lang naman ang sagot eh. Nagkiss kayo ano? Bakit hindi ka makasagot?" Pang-uusisa nito.

"Ewan ko sa'yo." Hindi na tuloy makakain ng maayos si Justin dahil sa panghohotseat sa kanya nito.

"Nagkiss nga kayo. Ano'ng feeling?" Nakapangalumbaba pa ito habang nagtatanong.

"A-ano?!"

"Hindi ko pa kasi natry kaya ko tinatanong sa'yo." Eh?

"Hindi mo pa natry? Eh andaming may gusto sa'yo?"

"Hindi ko naman sila gusto. Tsaka hindi pa naman ako nagkakajowa. Gusto ko kasi kapag nainlove ako, siya na 'yong una't huli kaya sinisave ko 'yon para sa kanya."

"Woah! Romantic type ka pala. I never thought. Akala ko playboy ka eh."

"Hindi porke't heartthrob 'tong kaibigan mo, playboy na agad." Inirapan siya ni Justin.

"Ang lakas din ng tama mo ano?"

"Seryoso nga. Ano ang feeling?" Mukhang interesado talaga siyang malaman kung ano ang isasagot ni Justin.

"Nandiri kami pareho." Natatawang sabi ni Justin.

"Bakit?"

"Kasi nga 'di ba sabi ko hindi naman talaga kami seryoso no'n. Nacurious lang kami tapos tinry namin pero hindi namin nagustuhan. Siguro dahil mga bata pa kami no'n."

"Ngayong matanda ka na, wala ka bang balak itry ulit?" Ano ba naman 'tong mga tanong ni Ken? Naririnig pa ba niya ang sarili niya?

"Ken kumain ka na. Baka nalipasan ka na ng gutom. Kung anu-ano na lang 'yang tinatanong mo." Sumimangot si Ken at kumain na lang.

Ginawa na lang ni Ken ang mga plates niya na due na sa Lunes. Sinali na rin niya ang plates ni Justin dahil sinisingil na siya nito sa utang niya sa pagpapanggap nito na girlfriend niya.

Kapag pagod na siya ay humihilata muna siya sa kama ni Justin. Nagmumuni-muni. Ang totoo niyan, nakikipagtitigan lang talaga siya sa kisame. Gan'yan na siya kabored na wala si Justin.

"Ken Suson gising!" Naalimpungatan si Ken sa kanyang pagtulog nang may gumising sa kanya. Ke aga-aga. Sino ba 'to?

Napaisip siya kung sino pa ang nakakapasok sa kwarto nila nang mapagtantong sila lang ni Justin.

Napabalikwas siya sa pagkakahiga at kinusot muna ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakapameywang na kaibigang si Justin.

"Jah?"

"At bakit diyan ka sa kama ko natutulog? Ang ayus-ayos nang iwanan ko 'yan tapos hihigaan mo lang pala?"

"Jah!"

Tumalon si Ken sa kama at bigla na lang niyang niyakap si Justin. Gulat na gulat siya sa ginawa ng kaibigan.

"Waaah! Bumalik ka na! Akala ko hindi ka na babalik!" Sabi nito habang nakayakap nang mahigpit sa kanya.

"Siraulo ka talaga! Isang gabi lang naman akong nawala, nag-eemote ka agad diyan. Kaya nga umuwi ako ng maaga kasi baka naglupasay ka na sa lungkot." Natatawa niyang sabi. "Hoy! Awat na!" Puna niya rito at tinulak na si Ken.

Napansin ni Justin na simula no'ng nagpanggap siyang girlfriend nito ay nagiging clingy at touchy na ito sa kanya. Minsan nga ay napapansin niyang parang natural na lang kay Ken na gawin iyon.

"Ayusin mo 'yang kama ko ha. Bakit ba diyan ka natulog? Ano pa'ng silbi ng kama mo kung dito ka sa kama ko natutulog?"

"Namiss kasi kita kaya naisip ko na baka 'pag natulog ako sa kama mo, mabawasan 'yon. Effective naman! HAHA" Napapailing na lang si Justin.

"Bilisan mo na diyan. Nagdala ako ng pagkain galing sa bahay."

"Talaga? Yes!"

"SOS!" Bulong ni Ken kay Justin.

Nasa kalagitnaan kasi sila ng klase nila kaya hindi siya makapag-ingay.

"Ano?!" Bulong din ni Justin.

"Papunta sina mommy at daddy rito. Gusto raw nila tayong makita."

"WHAT?!?" Natahimik ang buong klase at nabaling ang kanilang atensyon kay Justin na kasalukuyang nakatayo ngayon.

Hinigit ni Ken si Justin paupo at nagsorry naman siya sa ginawa niya. Binalaan siya ng professor nila na 'wag ng ulitin.

"'Wag ka ngang nambibigla nang gan'yan! Pinapahamak mo ako eh." Bulong niya kay Ken pero nagpipigil lang ito ng tawa kaya kinurot siya ni Justin sa tagiliran.

—

"Ayoko ng magpanggap Ken. Bahala ka diyan."

"Jah naman. Please. Hindi ko naman alam na pupunta sila rito eh. Please Jah."

"Aminin mo na kasi na wala ka talagang girlfriend. Ayoko nang magsuot ng pambabaeng damit. Tsaka baka may makakilala sa akin."

"'Yong pants na lang gamitin mo. 'Wag na 'yong dress. Sige na Jah. Sige na oh. Please. Pleeeeaaase."

"Hay naku ka Ken! Tara na nga!"

Umuwi muna sila sa dorm nila para makapagbihis at maayusan si Justin. Alas siyete ang usapan nila ng mama ni Ken kaya umalis sila ng 6:30.

Almost 7PM na nang makarating sila sa hotel kung saan ang parents ni Ken. Pumasok na sila sa elevator nang mapansin ni Ken ang medyo nabuhaghag na wig ni Justin.

"Wait lang Jah. Ayusin ko lang ang buhok mo." Humarap si Justin sa kanya at inayos na niya ang wig nito nang bumukas ang elevator.

"Ahem." Saka pa lang napansin ng dalawa ang mga taong pumasok.

"M-mom. Dad."

To be continued . . .

[vee: Hello A'TIN/Kuting! I hope you can include MAHALIMA in your prayers. I always believe in the power of prayers kaya please include them. Hindi naman mahirap 'di ba? That's the least we can do for them. Thank you.]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter