Back
/ 23
Chapter 6

FI 4

FAKE IT | A KENTIN AU

"A-ano?" Nauutal na tanong ni Justin.

"Sabi ko ikaw lang ang gusto kong maging kaibigan—" Ah! Kaibigan. "Ayoko nang humanap pa ng iba. Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?"

"Nagdadrama ka na naman. Syempre gusto ko rin ng ME time. Time mo na rin 'yon para gawin ang mga gusto mo." Feeling ni Justin ay nagpapaliwanag siya sa isang bata na ayaw umintindi.

Hindi na umimik si Ken at halatang nagtatampo ito.

"Ken? Dito ka rin pala kumakain? Oh! May kasama ka pala." Napatingala si Justin sa nagsalita at nabigla siya nang mapagtantong si Paulo iyon.

Iniwas niya agad ang tingin niya ay pasimple niyang tinatakpan ang kanang bahagi ng kanyang pisngi. Kunwari nakapangalumbaba siya pero kinukubli lang talaga niya ang mukha niya baka sakaling mamukhaan siya nito.

"Hi! Paulo nga pala." Nilahad ni Paulo ang kamay niya sa harapan ni Justin.

Wala nang nagawa si Justin kundi ang kamayan din si Paulo.

"Hello. I'm Justin."

"Ah ikaw pala 'yon!" Kabado silang dalawa sa sinabi ni Paulo. Nagkatinginan sila at hindi maipinta ang mga pagmumukha nila.

"Bakit hindi mo sinabing dito siya nag-aaral?"

"Hindi ka naman nagtanong."

"Hindi naman na kailangang itanong pa 'yon! Dapat sinabi mo na agad! Ano'ng gagawin natin ngayon?"

Nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Kung paano nila 'yon ginawa ay sila na lang ang tanungin niyo.

"Magkapatid ba kayo ni Jewel? Magkamukha kasi kayo. Kaya pala familiar ang mukha niya."

"Oo. Kapatid niya si Jewel. Actually fraternal twins sila." Kinurot ni Justin ang tagiliran ni Ken dahil sa kasinungalingan na namang sinabi nito.

"Kaya pala she looks familiar. I saw you two during one of your matches pero bakit hindi mo kasama no'n si Jewel? By the way saan pala si Jewel?"

"Uhmm. Absent siya ngayon. Sumakit lang ang ulo." Tumango naman si Paulo sa sinabi ni Justin.

"By the way, I'll go ahead. Enjoy your lunch." Saka pa nakahinga ng maluwag si Justin nang makaalis na si Paulo.

"Halika." Hinigit ni Justin si Ken papuntang rooftop ng school. Sinigurado muna niyang walang ibang tao sa paligid.

"What the hell Ken! Ano'ng gagawin natin ngayon?! Konti na lang mabubuking na tayo kanina! At bakit hindi mo sinabi na schoolmate pala natin 'yang pinsan mo?!"

"Hindi ko naman alam na pupunta siya sa bahay no'ng weekend eh. Sorry. Don't worry, I'll fix this."

"How? Aaminin mo na sa parents mo na wala ka talagang girlfriend at nagpapanggap lang ako? Gano'n? Kasi 'yon lang ang paraang nakikita ko Ken para matapos na 'tong problema natin."

"Jah. Alam mo namang hindi pa pwede 'di ba?"

"Pumayag lang naman ako kasi sabi mo isang araw lang pero bakit parang araw-araw na yata akong magpapanggap?" Halata na ang frustration sa mukha ni Justin.

"Sorry Jah. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh."

"So, ano'ng plano mo?"

"As much as possible iwasan nating makasalubong si Paulo."

"'Yan lang ang naisip mong plano? Hindi habang buhay maiiwasan natin siya Ken."

"Ako na ang bahala. 'Wag ka ng mag-alala."

"Naku ka Ken! Sumasakit ang ulo ko sa'yo!"

—

"Hi Ken! Saan si Justin?" Pauwi na sana ng dorm si Ken galing practice nang harangin siya ni Stell.

"Bakit?" Walang gana nitong tanong.

"Pwede mo ba 'tong ibigay sa kanya? Hindi ko kasi siya nakita buong araw." Inabot nito ang isang box. "Thank you! Una na ako."

Inis na tiningnan ni Ken ang likod ni Stell na paalis.

Pagkarating niya sa dorm nila ay padabog niyang nilapag ang box sa harapan ni Justin na kasalukuyang gumagawa ng plates niya.

"Ano 'yan?" Tanong ni Justin.

"Bigay ng manliligaw mo." Walang gana niyang sabi.

Nilapag niya muna ang bag niya sa study table niya, kumuha siya ng towel at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkalabas niya ng banyo ay napansin niyang hindi ginagalaw ni Justin ang box at seryoso lang ito sa ginagawa niya.

"Hindi mo ba 'yan kakainin?"

"Hindi pa ako naghahapunan. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa rin. Magluluto muna ako."

"Okay."

Binalik ulit ni Justin ang atensyon niya sa plates niya habang si Ken naman ay nagluto muna ng panghapunan nilang dalawa. Pagkatapos magluto ni Ken ay hinain na rin niya ang mga pagkain sa mesa.

"Jah, kain na." Agad namang tumayo si Justin at dala na niya ang box na binigay ni Stell.

"Hindi pa rin pala sumusuko 'yang si Stell sa'yo." Wika ni Ken habang sinasandukan ng kanin si Justin.

"Ewan ko ba diyan. Sinabi ko naman na sa kanya na wala pa akong balak na magkajowa pero ayaw pa ring tumigil."

"Eh baka hindi mo lang talaga siya gusto." Sabi ni Ken at umupo na matapos pagsilbihan si Justin.

"Hmm. Siguro."

"Eh ako."

"H-ha?" What da hell!?

"Ako hindi mo tatanungin?" Bakit kasi hindi agad tinatapos ang sinasabi? Nag-iiba ang meaning eh!

"Hindi ako interesado." Ngumuso si Ken at tiningnan ng masama si Justin.

"Maalala ko lang. 'Di ba sabi mo nagkaboyfriend ka na dati?"

"Oo. Bakit?"

"How was it? Hindi ko pa kasi naexperience."

"Of course, we're not on the same wavelength! Baliw 'to!"

"Bakit bawal ba akong magkaboyfriend?" Napaisip si Justin sa sinabi niya.

"Pwede rin naman . . . kung gusto mo." Sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa plato niya.

"So, how was it nga?"

"I don't know. Dalawang buwan lang naman 'yon. Katuwaan lang namin 'yon no'ng high school tapos ayun hindi naman nagworkout kaya naghiwalay rin kami. No strings attached."

Habang kinukwento iyon ni Justin ay taimtim lang na kakikinig si Ken. Pagkaangat nang paningin ni Justin ay hindi niya alam na nakatitig na pala ito sa kanya.

"B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Umiling si Ken.

"Curious lang ako . . .

Nagkiss ba kayo?"

To be continued . . .

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter