Back
/ 39
Chapter 38

chapter 36

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

Sa ilang oras na paghihintay ay dumating na din ang karwahe ni ama, hindi naging maayos ang pagdating ng karwahe nito sa palasyo dahil walang tigil na pinagbabato ng mga galit na tao ang karwahe na kinasasakyan ni ama, nagmamadali akong lumabas at bumungad sa amin ang mga gwardya nang kanluran, halos lahat ata ng gwardya ng kanluran ay naririto, kasabay nang pagbaba ni ama sa karwahe ay ang pagbaba din ng hari ng kanluran at si David, kamag anak ko sila....hindi ako makapaniwalang kamag anak ko sila.

Mahigpit na napahawak ako sa bistidang suot at patakbong tinungo ang ama na hawak hawak na nang dalawang gwardya ng kanluran, kawawa ang kaniyang itsura at ilang araw lang ang pananatili niya sa kanluran ngunit ang laki ng kaniyang ipinayat, nag angat ito ng tingin at putok ang kaniyang labi at gusot gusot ang kasuota, pinigilan kong yakapin ito...ang bigat ng dibdib ko ngayon, akala ko ay pag uwi ni ama masasalubong ko na siyang may ngiti sa labi at maaayos pa namin ang pagsasama bilang ama, ang taas ng hopes ko dahil sa sulat na iniwan ni ama sa akin ngunit bakit ganito?

Sobrang bigat, hindi ko na kaya.....pinatay niya ang ina at ang aking kapatid, hindi man ako ang totoong nag mamay ari sa katawan na ito ay ramdam na ramdam ko pa din ang sakit, parang nasa loob ko lang ang totoong Cazim/Cazimiya.

"P...Patawad anak" nauutal nitong sabi sa akin, nahihirapan siyang magsalita at ibuka ang bibig dahil sa sugat na natamo

"Pinatay mo ang ina at aking kambal, nagsinungaling ka sa akin ama....pinakain mo ako ng kasinungalingan, tumanggi ako at hindi naniwala sa mga sinabi nila kanina tungkol sa totoong nangyari dahil pilit pa ding inilalaban ng puso ko na hindi mo iyon magagawa pero----" pinunasan ko ang pisngi dahil sa mga luhang hindi matigil sa pagtulo "binigo mo ako ama"

Parayin ang hari na yan!

Hindi siya nababagay na mamuno

Idinamay niya ang kaniyang anak sa kaniyang kabaliwan

Bigyang hustisya ang Reyna ng Cadrica pati na din ang totoong prinsesa Cazimiya!

Sigaw ng mga tao na mula sa labas ng palasyo, napayuko ang ama dahil doon

Napahakbang ako ng tatlong beses paatras nang maramdaman ang presensiya ng hari ng kanluran na nasa gilid na pala namin at masama ang tinging ibinibigay sa aking ama

Ayon sa sinabi ni Albert sa akin kanina hindi totoong anak ng hari ng kanluran si David, ito ay apo lang din niya kagaya ko, namatay ang mga magulang nito dahil sa pagbiyahe sa dagat at hindi alam na may paparating na bagyo at dahil bata pa si David nang mangyari iyon at dahil laging ang hari na nang kanluran ang nasa tabi niya ay itunuring na niya itong ama.

"Bukas na bukas ay ihaharap kita sa lahat ng mga tao at doon isasagawa ang pagpugot sa iyong ulo!" Galit na sabi ng hari ng kanluran

Napasinghap ako nang hampasin niya ang ama ng tungkod na hawak

Hindi ko na napigilan pang magsalita, ama ko pa din siya, galit ako sa kaniya, oo dahil inalisan niya ako ng karapatan na magkaroon ng kapatid at ina. Pero hindi ko kayang makita ang ama na kinakawawa at hindi ko kaya kapag nawala ito.

"Mahal na hari...."

"Anak"

Hindi ko pinansin ang tawag sakin ni ama pati na din ang tawag sa akin ng tatlong prinsipe at ang iba pa nang dahan dahan akong lumuhod sa harapan ng hari ng kanluran, gulat ito at pilit akong pinatatayo, pinagdikit ko ang dalawang palad

"Huwag niyong patayin ang ama ko" humagulgol ang ama

"Nahihibang ka na ba?! Pinatay ng lalaking iyan ang ina at kapatid mo! Dalawang buhay ang kinuha niya, kung maaari ay mas dagdagan pa ang kaniyang parusa dahil hindi sapat ang kamatayan sa ginawa niyang kasalanan!"

"Ako....ako nalang ang sasalo sa parusa ng aking ama, parusahan niyo ako---ang gusto ko lamang ay magkaroon kami ng masayang pagsasama ni ama, kung kailan malalasap ko na iyon ay biglang mauudlot---"

"Anak, tumingin ka sa akin...."

Ayaw ko man ay wala na akong nagawa, nilingon ko ang ama at nakangiti na ito sa akin, ngiting ngayon ko lang nasilayan, ngiting walang halong galit at inis, ngiting nagbibigay ng ligaya sa aking puso

"Pabayaan mo na ako, Cazim" he said "hindi ko hinihiling na patawadin mo ako, dahil sa ginawa ko ay alam kong hirap mo akong patatawadin. Siguro nga ay ito talaga ang aking katapusan, ang hinihiling ko lang ngayon Cazim ay kasiyahan mo, huwag kang mag alala sakin galit lahat ng mga tao. Ayoko na ding araw araw na sinisisi ang sarili sa ginawa ko, kailangan ko nang pagbayarin ang lahat. Hayaan mo na akong magpahinga"

"Ngunit ama! Paano ako?! Galit ako sayo pero hindi ko kayang mawalan ng ama, hindi ko kakayanin, magmamakaawa ako ng sobra sobra para hindi ka hatulan nang kamatayan---"

Binitawan siya ng dalawang gwardya upang makalapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit at alam kong huling yakap nalang ito na matatanggap ko kay ama, humiwalay na ito ng yakap sa akin at hinaplos ang aking pisngi kaya pumikit ako at mas binaon pa ang aking mukha sa kaniyang palad.

"Nandiyan ang tatlong prinsipe na handang bantayan at alagaan ka"

"Alaga ng ama ang hinihiling ko"

"Mahal na mahal kita anak ko, patawad"

Muli itong napahagulgol at hinila muli ako para muli kaming magkayakap, biglang naalerto ang nasa paligid at hindi ko alam ang nangyayari ngunit naramdaman ko nalang na may matalim na bagay na dumaplis sa aking buhok at pagbigat nang katawan ni ama, dahan dahan ko itong inilayo sa akin at nang itapat ko ang daliri sa ilong ni ama ay wala nang ni kunting hangin itong inilalabas, napatakip kaagad ako sa bibig at doon na malakas na umiyak

"May lason nang nakatago sa kaniyang bibig" rinig kong sabi ng isa sa tatlong prinsipe

"Ama! Gumising ka!"

Nang buhatin ang ama ng mga gwardya namin ay tumayo na din ako at doon ko nalaman na pinutol ni ama ang aking buhok at ngayon ay kasing liit na nang buhok ko ang buhok ng tatlong prinsipe.

-

Tahimik akong nakaupo sa sala, isang buwan na matapos ang lahat ng malulungkot na pangyayaring nangyari sa akin sa mundong ito, ang ibang mga tao ay hindi matigil sa kakareklamo dahil ang gusto nila ay makitang pugot ang ulo ni ama, ngunit hindi ako pumayag, binigyan ko ng magandang burial ang ama, inilibing siya sa likod nang palasyo.

Pinamigay ko na kay Rosie at sa ibang kasambahay ang mga pambabaeng kasuotan ko dahil simula nang araw na iyon, napagdesisyunan kong ipakita na sa lahat ang totoong ako, dahil wala na akong maitatago pa, alam na nang lahat.

Binibisita din ako ng hari ng kanluran kasama si David, nakakawalang galang man ay kadalasan ko silang pinapaalis dahil ayoko muna silang makita, kapag nakikita ko sila ay bumabalik ang mga malulungkot na ala ala sa akin.

"Prinsesa---prinsipe Cazim, kailan ka babalik sa eskwelahan?" Tanong ni Rosie na may dala dalang mirienda para sa akin

Gumuhit ako ng kung ano ano gamit ang hintuturo sa armrest ng kinauupuan ko

"Bukas na ako babalik" sagot ko

Lumiwanag ang mukha ni Rosie sa narinig

"Magandang balita iyan Prinsipe Cazim, matagal ka na kasing nakakulong dito sa palasyo......" pahina nang pahina ang boses niya

Natakot ata nang tignan ko siya, napabaling ang aking tingin kay Andrey na nakasalip sa amin

"Andrey, anong kailangan mo?" Tanong ko

"Nandito ako upang ipaalam sayo Prinsipe Cazim na mula ngayon lagi ko na kayong babantayan, pinagkatiwala ka sakin ng mahal na hari at sayo na din ibibigay ang trono" mahabang litanya nito sa akin

Bumuntong hininga ako

Masiyado pa akong bata para maging hari ng Cadrica, ni kunti palang ang kaalaman na itinuro sa akin ni ama....paano ko mapapanatiling magiging maayos ang Cadrica kapag naging hari na ako?

"Pakasalan mo kami Cazim upang ang apat na kaharian ay maging isa at mapapanigurado naming magiging maayos ang lahat" disididong ani ni Edward na nakahawak pa sa dibdib

"Wala ba kayong respeto? Libing ni ama ngayon at ay kasal ang binabanggit niyo?! Wala na ang ama at ang ibig sabihin nun wala nang bisa pa ang kasal kasal na pinag usapan niyo noon, ako na ang magdidisisyon sa sarili ko!" Galit ko silang tinalikuran

Wala nang kasal na magaganap, hindi ko gusto ang tatlong prinsipe.

"Nasa labas ang tatlong prinsipe at hinihiling na sila ay iyong kausapin!" Ani ni Andrey

Speaking of the three devil prince.

"Paalisin sila, gusto ko nang magpahinga, ayokong tumanggap ng bisita" tumayo ako at dumiretso sa kwarto

Humiga ako sa kama at itinakip ang likod ng palad sa mata.

Hahayaan kong ipagpatuloy ng tatlong prinsipe ang kanilang ginagawa, hanggang mawalan na sila ng interes sa akin at ituon ang atensyon sa iba.

Babalik na ako sa Royal School bukas at hindi ko alam kung anong pakikitungo ang gagawin nila sa akin.

This life....is so tiring.

The end.

Share This Chapter