Back
/ 39
Chapter 37

chapter 35

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

Third person Pov:

Napamura ang tatlong prinsipe nang malaman na unti unti nang kumalat ang totoong kasarian ni Cazimiya, lahat ng mga residente ng Cadrica ay galit na galit sa hari dahil sa pagsisinungaling, ang iba ay sumugod pa sa palasyo buti na lamang at hinarangan sila ng mga gwardya upang hindi makapasok sa loob, hindi inaasahan ng tatlong prinsipe na naunahan na kaagad sila, ang kailangan nalang nilang gawin ay kunin si Cazimiya at ilayo muna sa mataong lugar lalo na sa palasyo nito dahil baka sa galit ng mga tao ay masaktan lamang ito.

Nakayuko ngayon si Cazimiya habang nilalaro ang kaniyang mga daliri, binigyan siya ng maiinom ni Rosie at hinaplos ang kaniyang likod, rinig na rinig niya mula sa sala ang sigaw at reklamo nang mga tao na nasa labas ng palasyo at pilit na idinidiin ang kaniyang ama na sinungaling at walang kwentang hari, nasasaktan si Cazimiya sa nangyayari, kahit gustong gusto na nitong lumabas at harapin ang mga tao ay hindi niya magawa dahil unang una wala siyang masasabi sa mga ito dahil mismong siya na anak ng hari ay walang alam kung bakit itinatago ng kaniyang ama ang kaniyang kasarian.

Ang tatlong prinsipe ang mukhang may alam sa lahat, at kailangan niyang makita ang mga ito.

"Hindi pa din nakakauwi ang ama, natatakot akong baka kung ano na ang mangyari sa kaniya sa kanluran lalo na at dahan dahan nang kumakalat ang pagsisinungaling nito" ani ni Cazimiya

"Huwag kang mag alala Prinsesa Cazimiya hindinsiya pababayan ni General Andrey" pagpapakalma ni Rosie sa alaga

"Prinsesa Cazimiya!"

Nag angat kaagad ng mukha si Cazimiya ng makarinig ng mga yabag at bumungad sa kaniyang harapan ang isang katulong na humihingal at napahawak pa sa dibdib, napatayo ako at hinawakan ang magkabilaan niyang braso

"Anong problema?" Tanong ni Cazimiya

Lumuha ang katulong sa kaniyang harapan.

Cazimiya Pov:

Anong nangyayari? Sa pinakikita sa akin ng katulong na nasa harapan ko ay parang hindi maganda ang kaniyang sasabihin, pinag papawisan na ako ng malamig at nanginginig na din ang aking mga kamay at tuhod, malapit na akong mahimatay dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman

"A..Ang mahal na hari" humagulgol ito

"Bakit ang ama? Bakit?! Ipagpatuloy mo ang iyong sinasabi!" Niyugyog ko na ito kaya inilayo ako ni Rosie sa kaniya "sabihin mo sa akin! Anong nangyari kay ama!"

"Ang mahal na hari," napaluhod ito at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad "iuuwi ang mahal na hari dito sa Cadrica, upang hatulan nang kamatayan sa harapan mismo ng kaniyang mga nasasakupan"

Doon na ako napaupo sa sahig at napatakip sa bibig, parang nabingi ako.....

Hindi maaari, hindi maaari.....bakit biglaan? Nagising na lamang akong ganito, panaginip ba ito? Nananaginip pa ba ako? Ginulo ko ang buhok at tinignan si Rosie, umiiyak na ito dahil sa nalaman.

"Ang tatlong prinsipe ng Escalus, Addelion at Aspiel ay naririto!" Narinig kong sabi ng gwardya mula sa labas

Kaya mabilis akong tumayo at nang makita sila ay kaagad ko silang nilapitan, isa isa kong hinawakan ang kanilang mga kamay

"A...Ang ama, hahatulan nang kamatayan ang ama! Hindi ito maaari, tulungan niyo ako, ayokong mawala ang ama!" Hinawakan ni Albert ang aking braso upang hindi ako mapadausdos sa sahig "tulungan niyo ako....."

"Maupo ka muna Cazimiya"

Iginaya ako ng tatlo sa upuan at pinainom ng tubig, nanlumo ako dahil sa paraan ng kanilang binibigay na tingin sa akin para bang naaawa sila sa akin at hindi nila ako kayang tulungan

"Pigilan natin ang paghahatol ng kamatayan kay ama" mahina kong pagmamakaawa sa kanilang tatlo

Nagtinginan sila bago bumuntong hininga

"Ipagpaumahin Cazimiya ngunit ang magagawa lang namin ay ilayo ka dito sa palasyo" Edward

"Hindi ako aalis sa palasyong ito habang hindi ko natutulungan ang ama! Isasama ko siya!" Hindi ko na napigilan pang pagtaasan sila ng boses "hindi ko man alam ang dahilan kung bakit tinatago ni ama ang totoo kong kasarian----"

"Gusto mo bang malaman ang totoo?" Seryosong sabi ni Raefon at pinag cross ang dalawang braso tsaka sumandal sa dingding

"Gusto kong malaman ang totoo" Rosie gasped and touch the back of my palm

"P...Prinsesa---"

"Alam mo din, Rosie? Ang totoo?" Tumingala ako upang makita siya "ANG TOTOO" i emphasized

Sasagot na sana ito ng magsalita na si Raefon

"You're father raped you're mother" kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag iyak

"H...Hindi magagawa ng aking ama yan! Huwag kayong magsinungaling sakin!"

Napaatras ako nang hampasin ni Albert ang lamesa

"Gusto mong malaman ang katotohanan Cazimiya at sinasabi namin ang puro katotohanan lamang at walanh halong kasinungalingan!" Galit na sabi nito sa akin "nang mangyari ang gabing iyon, hiniling nang iyong ina na magpakamatay na lamang, ngunit hindi niya magawa dahil halos isang hakbang na gawin niya ay bantay sarado siya! Hanggang malaman nitong pinagbubuntis ka niya pati na ang iyong kambal na babae, nawala ang pag iisip nitong magpakamatay dahil dumating kayong magkambal"

Lumapit ito sakin at hinawakan ang aking panga tsaka pinatingin sa kaniya

"Namatay ang ina dahil sa malubhang sakit at namatay ang aking kambal nang maipanganak kami" mahina kong sabi

Umiling ito at umalis sa harapan ko

"Hindi namatay ang iyong ina dahil sa sakit at mas lalong hindi namatay ang iyong kambal nang maipanganak ito, binuhay at pinalaki ka nang iyong ama sa kasinungalingan, Cazim!" Albert shouted

"K...Kung ganon, p...paano sila n...namatay?"

"Pinatay sila nang iyong ama" lumuha ako ng lumuha kaya dinaluhan ako ni Edward at niyakap "pinatay ng iyong ama ang iyong ina dahil sa takot na ipaalam ng iyong ina ang ginawa sa kaniya ng mahal na hari at ang totoong dahilan kung bakit naman nito pinatay ang iyong kambal ay dahil gusto niyang lalaki lamang ang maipanganak ng iyong ama upang maibigay sayo ang kaniyang trono, dahil ang mga babaeng anak ng hari ay hindi nararapat na maupo sa trono"

"H...Hindi ko alam yan" umiiling na sabi ni Rosie "ang ipinaalam lang sa amin ng mahal na hari ay hindi niya sinasadyang maitulak sa hagdan ang mahal na reyna"

"Ang hari ng kanluran ay ang iyong lolo, ang ama ng iyong ina, at si David ay iyong pinsan." Raefon said

"Kung ganon hindi dapat ako hinayaan ni ama na makapunta sa kanluran at hindi niya hahayaan na pumunta doon" ani ko

"Nais ng iyong ama na bilugin ang utak ng iyong mga natitirang kamag anak upang hindi nila malaman ang totoong nangyari, ngunit hindi alam ng iyong ama na matagal nang alam ng hari ng kanluran ang lahat at matagal na nitong gustong hatulan nang kamatayan ang iyong ama" Albert

"Ngunit ama ko pa din siya" hindi ko maisip na magagawa ni ama ang lahat ng ito "ngunit kung nais naman pala niya nang anak na lalaki ay bakit pinakalat niya na babae ako?"

"Ayon sa nalaman namin nang paimbestigahan namin ang iyong ama, ay may nagtatangkang pumatay sayo nang maipanganak ka dahil akala nila ay lalaki ang inilabas ng iyong ina, maraming kaaway ang iyong ama kaya gusto ng mga kaaway ng iyong ama na putulin ang kaniyang henerasyon, kaya kahit na ayaw ng iyong ama ay itinago ka niya at pinakita sa lahat bilang isang babae" sagot ni Edward "ilalabas ng iyong ama ang totoong ikaw sa iyong kaarawan at kapag nangyari iyon iikutin nanaman niya ang ulo ng lahat at gagawa nang paraan upang hindi madiin sa lahat ng kasalanan"

Naguguluhan pa din ako.

"Nandito ang prinsesa ng Albina!" Sigaw muli ng gwardya

Nilapitan ako ni Victoria

"Nalaman ko ang balita, kaya kaagad akong nagtungo dito, itinigil na muna anh Royal Exam dahil sa nangyari" hinawakan nito ang aking palad

"M.....May kailangan akong sabihin---"

She hushed me

"I already know, matagal ko nang alam, alam kong si Cazimiya ay Cazim ay iisa" she said

Pekeng umubo ang tatlong prinsipe kaya napalayo sa akin si Victoria

"Pareho kami nang oras at araw na nalaman ang totoong ikaw" ani ng tatlong prinsipe

"Simula nang banquet, kung kailan mo ako nakilala at kung kailan tayong lima ay nagkasama habang bilog na bilog ang buwan" Victoria

Hindi ko magawang humanga dahil ang nasa isip ko lamang ay ang kalagayan ni ama at sa pag uwi nila dito sa Cadrica.

(Boom, nabigla ba kayo? Ewan ko kung ano ano nalang nasasabi ko sa chapter na ito ih)

Share This Chapter