Back
/ 39
Chapter 3

chapter 2

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

"gising na ang prinsesa!"

"paparating na ang mahal na hari"

"ipaghanda ng makakain ang prinsesa"

Sunod sunod ang ingay na narinig ko, iginalaw ko ang aking mga daliri sa kamay at paa, minulat ko ang mga mata ko at unang bumungad sakin ang kulay kremang kisame sunod kong inignan ang kinahihigaan ko, sobrang lambot ng kumot na nakapatong sa ibabaw ko na kulay krema din pati na ang bedsheet at mga unan ko, sa pagkakatanda ko kulay itim ang paborito kong kulay at itim din ang kulay ng kwarto ko pati lahat ng gamit na nasa loob ng kwarto ko.

Kumunot ang noo ko ng ma realize na nasa ibang lugar ako, napaupo ako bigla at napahawak kung saan ako nasaksak but I can't feel anything, walang bakas ng saksak sa dibdib ko.

Iba din ang suot ko ngayon!

Im wearing a purple fluffy dress, naramdaman kong parang may kakaiba sa akin ngayon may kakaiba sa katawan ko may kakaiba sa itsura ko, naglulat ako ng makitang sobrang daming tao ang nasa gilid ko lahat sila ay nakayuko lahat sila ay babae at nakasuot ng unipormeng pang kasambahay.

"sino kayo? Saan niyo ako dinala? Saang lugar to? Bakit ganto ang kasuotan ko? Where is my phone?!" sunod sunod kong tanong

Nagtaas ng ulo ang babaeng nasa gitna.

"p....prinsesa, nauunawaan namin ang ilang salitang lumabas sa inyong labi, ngunit sa huli niyong sinabi ang salitang pon---"

"phone" pag co-correct ko sa kaniya

"yun na nga po prinsesa, ano po ang ibig sabihin ng salitang iyon?" tanong nito, lahat ng mga kasama nito ay halos takot akong tignan at parang gusto nang lumabas ng kwarto tanging ang babaeng nagsalita lang ngayon ang mukhang matapang na harapin ako

Ano ang kinatatakot nila sakin?

"pahiram ng salamin" kalmado kong utos

Nagmamadali ang lahat sa pagkuha ng salamin at nagpaunahang ibigay sakin, nagtataka man ay kinuha ko nalang at tumingin na sa salamin----

"ahhhhhhhhhh!!!!!"

"anak" may pumasok sa loob ng kwartong isang matangkad na may edad na lalaki ngunit may itsura pa ito at makisig ang pangangatawan, may kasama siyang isang lalaking kaedaran ko lamang at may suot suot na armor sa katawan parang handang makipagbakbakan, hindi ba siya nabibigatan sa suot niya ngayon?

Binalik ko ang tingin sa salamin, sobrang puti ng kutis ko, kasing kulay ng dress na suot ko ang aking mga mata, manipis ang aking labi at kulay puti ang mahaba kong buhok, wala akong dibdib, lalaki pa din naman ako ngayon ngunit bakit tinatrato nila akong babae? Tinawag din nila akong prinsesa, naguguluhan ako sa nangyayari sa paligid ko.

Am I dreaming?

Lumapit sa akin ang matandang lalaki at tumabi sa akin, umatras ako at inilalayo ang kamay kong gusto niyang hawakan.

Ibang iba ang mukha ko ngayon sa mukha ko noon, kinurot ko ang aking kamay upang malaman kung panaginip ang lahat o hindi pero nakaramdam ako ng sakit na nakapagpangiwi sakin.

"bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" tanong sain ng matandang lalaki

"hindi ko kayo kilala, pinagloloko niyo ba ako ngayon?" umalis ako sa kama at lumayo sa kanila

"prinsesa Cazimiya, ano ang pinagsasabi mo?" tanong sakin ng lalaking nakasuot ng armor

Prinsesa Cazimiya? Napatingin ako sa sahig ng pumasok sa isipan ko ang librong binasa ko, bigla biglang nag sink-in sa akin ang lahat na halos ikinapanghina ko, nasa loob ako ng librong binasa ko!

Aano nangyari yun?

Nagpatawag ang mahal na hari ng doctor, nagpakilala ito sa akin at sinabing ama ko daw siya, nagkaroon daw ako ng malalang sakit hanggang dumating ang araw na bigla nalang akong nawalan ng pulso at ilang oras ang lumipas nabuhay ako at mahimbing ang ginagawang pagtulog, sa librong binasa ko mukhang sa simula sa araw na ito makikilala ko lahat ng mga taong magbibigay sa akin ng problema, ang kailangan ko lang gawin ay layuan ang tatlong prinsipe at huwag lapitan ang prinsesang si Victoria, she's the princess of Albina kingdom, ang babaeng magpapaibig sa tatlong prinsipe at magbibigay inggit sa buo kong sistema.

But I think this story might changed since im not the Cazimiya who threaten her sorroundings and bad mouthing everyone and make them her slaves.

-

"mukhang nawalan siya ng ala ala" sabi ng doctor sa aking ama matapos akong tignan.

"kailan mababalik ang kaniyang ala ala?" tanong ng aking ama.

"hindi ko masasabi kung kailan babalik ang kaniyang ala ala, mahal na hari" yumuko ang doctor

Lumabas na silang lahat sa loob ng kwarto ko upang hayaan akong magpahinga muna, naiwan si Rosie nagpakilala siya sakin kanina, sinabi niyang siya ang nag alaga sakin simula ng sanggol pa lamang ako....

Lumapit ako sa vanity mirror at umupo sa upuang nasa harapan nito, nagmamadaling lumapit sakin si Rosie at kinuha ang suklay na napapalibutan ng makikintab na diamante.

17 years old ako sa mundong ito.

Nagsimulang suklayan ni Rosie ang aking mahabang puting buhok, tinanong ko kung bakit nakasuot ako ng pang babaeng damit kahit na alam naman nilang lalaki at doon ko nalaman na pumayag ako sa kagustuhan ng ama kong mag disguise ako bilang isang babae upang pagtakpan ang kamatayan ng aking kambal ng maisilang kaming dalawa.

Humarap ako kay Rosie nagulat ako ng mabitawan nito ang suklay, her eyes widen and kneel infront of me.

"patawad prinsesa Cazimiya, hindi ko sinasadyang mabitawan ang inyong paboritong suklay, handa akong pagbuhatan niyo ng kamay o parusahan" takot na takot na sabi nito

Takot sila sakin, ang prinsesa Cazimiya ay walang ibang ginawa kundi sigawan, saktan at sungitan lahat ng kaniyang mga katulong kahit na makagawa lang sila ng kunting kamalian.

Naawa ako sa nakikita ko ngayon, nilahad ko sa harapan niya ang isa kong kamay.

"prinsesa Cazimiya?" nagtataka nitong tawag sa pangalan ko

"tumayo ka, marami akong gustong itanong sayo"

Nanginginig ang tuhod na tumayo ito.

Sinenyasan ko siyang umupo sa gilid ko ngunit pinilit nitong tumayo na lamang.

"ano ang ngalan ko? Ang totooong ngalan ko?"

"Cazim ang totoong ngalan niyo, prinsipe Cazim, ngunit hindi kami pinapayagang tawagin ka sa totoo niyong ngalan utos ng mahal na hari na kahit saan pumunta o kahit nasa loob lamang ng palasyo ay huwag na huwag ibibigkas ang ngalan mo" tumango ako

Napatingin ako sa bukas na cabinet at sa loob nun ay magandang uniporme, kulay berde ang paldang abot hanggang tuhod, kulay puting polo na may ribbon at berdeng pangpatong sa puting polo. Napansin ni Rosie na doon ako nakatingin.

"sa susunod na linggo na ang simula ng klase niyo prinsesa Cazimiya ang unipormeng iyan ang inyong susuutin" tumango ako

"maaari ka ng lumabas"

Muling nagmamadaling naglakad ito patungo sa pintuan, binalik ko ang tingin sa repleksyon ko sa salamin.

Walang makakaalam na lalaki ako dahil lahat ng katangiang meron ako ngayon ay halos pambabae.

Pati ang aking katawan ay pambabae, maliban nalang sa wala akong dibdib.

Matagal pa naman ang simula ng klase ko, kaya pwede pa akong maglibot sa palasyo.

Nag unat unat akong braso at humiga sa malambot na kama.

Sana pala ay tinapos ko ang pagbabasa sa libro.

(Hey, take care....don't forget to wear your facemask kapag lalabas kayo hahahaha)

Share This Chapter