chapter 1
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
-START-
"it's sucks"
Mahina kong sabi sa sarili matapos kong basahin ang librong binili ng kaibigan ko sa second hand bookstore malapit sa pinapasukan naming eskwelahan, pinatago niya muna sakin dahil pagagalitan siya ng kaniyang nanay kapag nalaman nitong pinambili nanaman niya ng libro ang perang sana ay pambili ng kaniyang project para sa science
bumuntong hininga ako at binato ang libro sa dulo ng kama na kinahihigaan ko ngayon, hindi ko pa nakakahalati ang librong binabasa ko....hindi naman ako mahilig magbasa naakit lamang ako sa plot ng kwentong nakasulat sa likod ng libro, tungkol ito sa isang magandang binibining napakabait at hinahangaan ng lahat dahil sa taglay na kagandahan at kabaitan, nang makapasok siya sa bago niyang eskwelahan ay hindi niya inaasahang may tatlong prinsipe ang nagustuhan siya at pinag aagawan siya.
Hanggang pumasok sa kwento ang isang babaeng walang ginawa kundi awayin at saktan ang bidang babae, sobrang sama nito at halos wala nang galang sa lahat ng nakapaligid sa kaniya.
Luma na ang libro halata naman dahil sa cover nito at mga pahina na unti unti nang naglalagas, tumayo ako sa pagkakahiga at dinala ang libro papuntang kusina, nilapag ko muna iyon sa lamesa at binuksan ang ref, naubusan na ako ng stock ng pagkain nakalimutan kong mag grocery kanina dahil pagod ako galing sa paglalaro ng badminton malapit na ang intrams namin kaya nagsisimula na kaming mag practice.
Nagtimpla nalang ako ng kape at sumandal sa sink.
Sisimsim palang ako sa kape ko ng mag vibrate ang cellphone kong nasa loob ng aking bulsa, kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng kaibigan ko.
"hey"
"Cazim!" tawag nito sa pangalan ko
Bigla kong naalala ang babaeng kontrabida sa librong binabasa ko, Cazimiya ang ngalan nito, napailing na lamang ako at tinanong kung ano ang kailangan niya sakin.
"magkita tayo sa park ngayon, ibigay mo na sakin ang libro" he's a booklover, he really treasure his books.
"let me change my clothes"
Pinatay ko na ang tawag at nagpalit na ng damit.
Lumabas na ako sa building ng condominium na tinitirhan ko, hindi na ako pumara ng taxi lalakarin ko nalang papuntang park hindi naman kalayuan dito iyon, ilang minuto lang naman ang lakaran.
inayos ko ang suot na hoodie, alas otso na ng gabi, masigla pa din ang mga tao, nagtatawanan at kumakain ng mga pagkain mula sa mga nagtitinda sa mga gilid gilid, hindi ako pala salitang tao lagi kong kinukulong ang sarili ko sa loob ng kwarto, iisa lang ang kaibigan ko yun ay kundi ang lalaking kikitain ko ngayon upang ibalik ang librong pinatatago nito sa akin.
"tulong!"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sigaw na iyon, nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaking may hawak na patalim at nakatutok iyon sa leeg ng hawak hawak nitong batang babae, walang nagtakangkang lumapit takot na baka sila ay madamay.
Nagsimula nang umiyak ang batang babae, ang nanay nito ay nasa gilid at nagmamakaawang pakawalan ang kaniyang anak.
Ang mga taong nasa mundong ito ay dahan dahang napapariwara, nakakaawa.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad, wala akong panahong masaksihan ang isa nanamang taong nilamon ng kasamaan.
"maawa ka sa anak ko"
Habang papalayo ako ng papalayo sa gawing iyon ay hindi ko maintindihan kung bakit mas lalong lumalakas ang hagulhol at pagmamakaawa ng ina nang bata, hindi maalis sa isipan ko ang boses nito, hinigpitan ko ang hawak sa libro at pilit na hindi lumingon ngunit nabigo ako ng marinig ang sigaw ng batang babae.
Mabilis ang hakbang na bumalik ako sa gawi nila.
"bitawan mo yung bata" ani ko sa lalaki gamit ang aking malamig na tono
"kung ayaw ko?" nakita ko ang pagdiin ng hawak nitong patalim sa leeg ng batang babae
"t....tulungan mo ang anak ko" nagmamakaawang sabi sakin ng matandang babae
"bitawan mo yung bata, what do you want? Money?" kinuha ko ang pitaka na nasa bulsa ko at naglabas ng limang libo, tsk allowance ko to ng dalawang linggo. "here, take my money"
Ngumisi ito at tinulak ang batang babae.
"ganiyan ang mga gusto ko eh" naglakad ito papalapit sakin at kinuha ang perang hawak hawak ko
Binilang niya ang pera bago ako tinignan.
Nagsigawan ang mga taong nasa paligid, tumakbo ang lalaki dala dala ang pera ko at iniwan ang patalim na nakatarak na ngayon sa dibdib ko, dahan dahan kong tinignan ang dibdib ko...hanggang mapaluhod na ako at unti unting sumasagap ng hangin, dumating ang ambulansiya at sinakay ako don...may sinasabi sakin ang isang nurse ngunit wala akong maintindihan, nakatulala lang ako sa itaas at pilit na ginigising ang sarili sa bangunot na to.
Ramdam ko ang pag agos ng dugo ko, nanghihinang tinignan ko ang hanggang ngayong na hawak hawak kong libro.....
Paano ko I e explain sa kaibigan ko na natuluan ko ng dugo ang kaniyang libro?
Bago ako pumikit tinignan ko ang nurse na pinipigilan ang pag agos ng dugo ko, nanghihinang nilapag ko sa hita nito ang hawak na libro.
"c...can you g...give this t..to---" umubo ako ng dugo, ilang beses akong umubo bago muling pinagpatuloy ang sinasabi kahit pinipigilan ako nitong magsalita "m...my f....friend and t...tell him---" dahan dahang pumikit ang mga mata ko, narinig ko ang pag ka alarma ng nurse
Ayoko pang mamatay, hindi pa ako tapos sabihin lahat ng gusto kong sabihin.
"I l....like h...him" halos pabulong ko na lamang na ani bago dahan dahang lamunin ng dilim.
"he's dead"
THIRD PERSON POV:
" mahal na hari, mataas po ang lagnat ni prinsesa Cazimiya....ilang beses na din siyang nagsusuka, sinunod po namin ang inutos niyong punatahan ang pinaka magaling na doctor sa kabilang bayan ngunit pati siya ay hindi matukoy kung ano ang sakit ng prinsesa Cazimiya" naluluhang sabi ng taga pangalaga ng prinsesa mula pagkabata
Tumayo ang mahal na hari upang punatahan ang kaniyang anak na ilang araw nang nanghihina.
Nang makapasok sa kwarto ng kaniyang anak ay agad niya itong nilapitan at nilapat ang likod ng kamay sa noo nito.
"Cazimiya" tawag nito sa anak "idilat mo ang iyong mata, Cazimiya!"
Naalarma ang lahat ng makitang hindi na humihinga ang prinsesa.
"Cazimiya!!" pinatalsikan ng mahal na hari ng tubig sa mukha ang kaniyang anak ngunit hindi na ito kumikibo pa, napaluhod ito at tinukod ang dalawang braso sa kama ng anak at hinawakan ang kamay nito "gumising ka, hindi ito maaari...." Mangiyak ngiyak na ani ng mahal na hari
Dumating ang dotor at muling chineck ang pulso ng prinsesa.
"kinalulungkot ko mahal na hari ngunit wala na talagang buhay ang prinsesa" yumuko ang doctor ng tatangkain siyang suntukin ng mahal na hari
"hindi pwede! Buhay pa ang anak ko!"
Dalawang araw ang lumipas, mugto ang mga mata ng mahal na hari, nakaupo ito sa kaniyang malaking upuan, tahimik siyang nakatitig sa basong may lamang wine.
"mahal na hari" tumingin si mahal na hari kay Andrey ang namumuno sa mga tagapag bantay dito sa kaniyang palasyo "alam nang lahat na namatay na si prinsesa Cazimiya"
Hindi man kapani paniwala ay nabuhay ang prinsesa cazimiya, ilang oras bago ito nawalan ng hininga.
"ano ang gusto mong sabihin?" tanong ng mahal na hari
"hanggang kailan niyo itatago na lalaki si prinsesa Cazimiya?"
Umiling ang mahal na hari at nilagok ang wine na nasa basong hawak nito.
"alam ng buong nasasakupan kong ang inilabas ng aking asawa ay iisang sanggol lamang na babae, hindi ko maaaring ipaalam pa sa lahat na kambal ang iniluwal ng asawa ko..hindi ko ipapaalam sa lahat na namatay ang isa kong anak na babae dahil sa kahinaan, payag naman si Cazim na magpanggap bilang isang babae"
"ngunit mahal na hari, dadating ang araw na iibig sa isang babae ang mahal na prinsipe"
"Kung mahal siya ng babaeng iibigin niya ay tatanggapin niya ang lahat sa aking anak" tumayo ang mahal na hari sa pagkakaupo sa kaniyang trono
Napatigil ang dalawa sa pag uusap ng tumakbo papalapit sa kanila ang isang katulong.
"gising na po ang prinsesa Cazimiya!" hinga nitong sabi
Nagkatinginan ang mahal na hari at si Andrey at sabay na tinungo ang kwarto ng prisesa.
(Simulan na!)