chapter 27
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
"Cazimiya tila malalim ang iyong iniisip" nakatayo ngayon sa aking harapan si Victoria
Tumingin ako sa labas ng bintana at sinandal ang likod sa kinauupuan, kapag nalaman ni Victoria ang tungkol sa kasalanang magaganap ay hindi ko alam kung matutuwa ba siya o hindi at kapag nalaman naman niya na hindi ako babae ay alam kong magagalit siya sakin at baka hindi niya ako mapatawad, mawawalan siya ng tiwala sakin at ayokong mangyari yun
"Cazimiya, hindi mo ko sinasagot" muling sabi ni Victoria
Bakit ba kasi na sa akin napunta atensyon nang tatlo? Dapat kay Victoria sila nababaliw at hindi sakin...kay Victoria dapat sila dahil yun ang sabi nung libro, kung pinagpatuloy ko ba ang ugali nung totoong Cazimiya/Cazim ay walang mangyayari saking problema? Walang lalapit na tatlong prinsipe sakin upang hingin ang aking palad sa aking ama at piliting pakasalan ako? Mababaliw na ako! Binuhay pa ako sa mundong ito kung ganito lang din ang magiging takbo ng buhay ko, matagal ko na ding hindi nabibisita si Dio miss ko na siya, hindi ba siya nag aalalang hindi niya ako nakikita sa paligid?
What if mag confess na ako sa kaniya? Sasabihin ko ang totoo kong nararamdaman at pagkatapos nun ay tatakbo kaming dalawa papalayo dito at mamumuhay kami ng mapayapa, kung si Dio lang ang makakasama ko kahit na mahirap kami ay wala na akong pakialam kaya naming mamuhay ng simple, pero paano kung hindi siya sumama sakin?
Napasabunot ako sa buhok at kinagat kagat pa ang dulo ng buhok bago nilingon si Victoria na pinapaypayan na ang sarili habang nakatingin sakin
"ano ba ang nangyayari sayo Cazimiya? Kanina pa kita tinatawag at kinakausap ngunit hindi mo ako pinapansin" may inis sa kaniyang tono
Ngayon ko lang siya nakitang naiinis
"pag paumanhin ngunit may iniisip lang ako" paghingi ko ng tawad
"tumayo ka na lang diyan dahil simula na nang PE" tumalikod ito at lumabas na ng lassroom kaya tinatamad akong tumayo at sumunod na sa kaniya
Dating gawi, hihintay ko ang lahat ng mga babaeng magpalit ng kanilang kasuotan pang PE sa loob ng changing area para sa mga babae, hindi naman kasi pwedeng makihalubilo ako dahil lalaki ako, napatingin sakin ang iba nang makalabas sa changing area nakasuot na nang green tight shorts at puting tshirt nakatali na din ang kanilang mga buhok, nang wala nang tao sa loob ay pumasok na ako at binuksan ang locker na gawa sa makapal na kahoy kinuha ko ang pampalit tsaka pumasok sa loob ng maliit na kwarto tsaka nagpalit, nang matapos ay pumunta na ako sa field at nakita ko si Victoria na nakatingin sa gawi nila Mary
Nandito lahat ng estudyante sa Field, berde, pula at abong mga estudyante....
Itinaas ko ang buhok at gamit ang ngipin kinuha ko ang tali sa palapulsuhan ko tsaka itinali ang buhok
Hindi nakatakas sa aking paningin ang tatlong prinsipeng nakaupo sa bleachers at napapaligiran ng iba pang mga prinsipe, nakatingin ang tatlo sakin at nagbubulungan pa kaya napaikot nalang ako ng mata at tinignan ang ginagawa ng iba, lumapit ako kay Victoria at nagtulungan kaming mag stretching
"prinsesa Victoria" tawag sakin ng isang pulang estudyante
"ano ang maitutulong ko?" inunat ko ang braso
Magsasalita na sana ito ng umeksena ang dalawang babae, pamilyar....kumunot ang noo ko ng unti unting mag sink in sakin kung saan ko sila nakita, sila yung dalawang babaeng aawayin sana si Mary sa loob ng banyo ngunit napigilan ko, yung kulot na babaeng may subo subong lollipop at yung kasama nitong naka pigtail parang elementary na bully
I crossed my arms, ano nanaman kaya ang sasabihin nila sakin?
"dumami sumali sa grupo namin" sabi nung naka pigtail
"good to know, congratulations" I said
"ilang beses na silang napunta sa detention room, marami na silang nakaaway dito at ginagawa nilang katulong ang mga abong estudyante" bulong sakin ni Victoria
Sinabi nito ang pangalan ng dalawa sakin, Des ang kulot at Tine naman yung naka piggy tail na buhok, mga kasamahan ata ng dalawa yung nakaupo sa di kalayuan at masama ang tinging binibigay sa akin
"pwede bang hiramin namin saglit----" hindi ko pinatapos ang kanilang sinabi
Hinanap ko si Mary at nakita ko itong nakayuko at pinag gigitnaan ng mga kasamahan nung dalawa kumuyom ang kamao ko lalapit na sana ako sa pwesto ni mary ng pigilan ako ni Tine hawak hawak na niya ngayon ang braso ko, napataas ang aking kilay
"sinabi ko nang ayokong hinahawakan ako, diba?" taas kilay kong sabi "kaibigan ko ang pinaglalaruan niyo, gusto niyo bang kayo ang paglaruan naming mga berdeng estudyante? Dahil kung tutuusin isang pitik lang ng daliri ko ay gagawin na kayong bola ng mga berdeng estudyante at walang masamang mangyayari samin dahil walang karapatan ang mga kasamahan mong magsumbong dahil kami pa din ang mas nakatataas"
Hinila ko ang braso kong hawak nito, ngunit bigla niya akong tinulak
Victoria gasped
"mga hangal! Sigaw nito sa dalawa
Napatingin na sa amin ang lahat, tumayo ako pinagpagan ang aking pang upo tsaka alakas na sinampal ang dalawa
"mga walang galang! Bastardo!" nanggigigil kong sabi "ako ba talaga ay sinusubok niyong dalawa?! Mga anak ng mga hangal!"
Tumawa ang dalawa
"galit na galit? Ang katulad mong prinsesa ay hindi dapat makipag kaibigan sa mga katulad nila" tinuro ni Des ang mga abong estudyante lalo na si Mary "o baka naman ayaw mong ipahiram saglit ang abong estudyanteng iyon dahil kinakawawa mo at ayaw mong isiwalat niya sa amin ang baho mo"
Nagbulungan ang mga nasa paligid
"kaya ayokong isinasama ang mga pulang estudyante sa atin" rinig ko namang sabi nang mga berdeng estudyante
"ano Prinsesa Cazimiya? Bakit ka natahimik? Dahil totoo?" Tine
Susugod na sana ako ng may brasong pumulupot sa aking bewang at hapitan ako papalapit sa kaniya kaya nadikit ang aking likuran sa matigas nitong dibdib, hanggang niyakap na niya ako sa likod
"E....Edward!"
"hindi niyo ba alam na kasalanan ang pagsasalita nang walang respeto sa nakakataas sa inyo?" sabi ni Albert sa dalawa "pinagbigyan namin kayong dalawa na pagsalitaan ang prinsesa Cazimiya ngunit nang hawakan mo siya at itulak ay mukhang gusto niyo atang makulong at alisin sa pwesto ang mga magulang niyo"
Napalunok ang dalawa tsaka napaatras ng lumapit sa kanila si Raefon
"huwag kang masiyadong galit sa dalawa" sabi ni Raefon kay Albert at pumuwesto sa gitna ng dalawa "huwag tayong magpapaiyak ng mga babae"
Albert tsked
"sabi ng aking ina ang mga babae ay kailangang igalang at punuin ng pagmamahal, lahat naman tayo ay nagkakamali" dagdag ni Raefon
Nagnining ang mga mata ng dalawa
"t...tama ka, Prinsipe Raefon" Tine
Pinaglandas ni Raefon ang likod ng tatlong daliri sa pisngi ni Tine hanggang bumaba iyon sa leeg nito
"sinaktan ka ba ni Prinsesa Cazimiya?" Raefon asked
"s....sasaktan palang niya ako, baka abangan niya ako sa gate mamaya....alam naman natin ang ugaling meron si Prinsesa Cazimiya at alam kong hindi lang kami ni Des ang sasaktan niya" this bitch!
"Cazimiya is really a hard headed girl---"
"n...nasasaktan ako"
"hmm?" Edward hummed, umalis sa pagkakayakap sakin at nilapitan naman si Des tsaka ginaya ang ginagawa na ngayon ni Raefon
Lahat nang nakapaligid samin ay wala man lang kaalam alam na ang dalawang nasa harapan namin ay nanginginig na sa takot dahil mahigpit na ang hawak nila Raefon sa leeg ng mga ito, tumakbo papalapit samin si Mary kinausap naman siya ni Victoria kung ayos lang ba siya tumango ito.
"tama na yan" ani ko
Lumapit ako sa tatlo at isa isang pinapunta sila sa aking likuran
Nag agaw hininga ang dalawa at hinimas ang leeg na namumula na
"umalis na kayong dalawa sa harapan ko" napahilot ako sa sintido habang pinapanood ang dalawang tumakbo papalayo sa amin sumama na din ang mga tauhan nila
Sinulyapan ko ang tatlo nakangiti sila sakin habang ang mga palad ay nasa likod nila at magkasalikop, akala ba nila ay nakatulong sila sakin? tsk
"saan ka pupunta?" tanong ng tatlo ng magsimula akong maglakad papalayo