Back
/ 39
Chapter 28

chapter 26

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

"Ama, papasok na ako" pagpapaalam ko

Ang dalawang palad nito ay nakahawak sa hawakan ng baston nito, tumango ito itinaas ang isang kamay at sinenyasan na akong pumasok sa loob ng karwahe, tinignan ko si Rosie nginitian ako nito kaya bumuntong hininga ako at inalalayang makapasok sa loob ng karwahe nang makalayo kami sa palasyo ay napayuko ako at nilaro ang tatlong singsing na nasa aking daliri

"anong sabi niyo?" tumigil ako sa paglalakad upang harapin ang tatlo

"narinig mo naman ata ang aming kagustuhan" nakangising sabi ni Raefon habang nilalaro ng kaniyang hintuturo ang kaniyang mamula mulang labi

"nandito kami ngayon upang hingin ang iyong kamay sa iyong ama" ngumiti si Albert

Napakuyom ako ng kamao, apat na araw simula nang makauwi kami galing sa kanluran, tatlong araw ko silang hindi nasilayan yun pala ay nag babalak na silang pakasalan ako at pinagpaplanuhan kung paano haharapin ang aking ama, hindi ito maganda alam kong hindi papayag ang ama sa kagustuhan nang tatlo at maaaring magalit ito sakin, kapag nalaman ng lahat ang totoong ako lalo na at nagpakasal ako sa tatlong ito ay maaari kaming bumagsak,ibig sabihin ay mawawala ang lahat samin,bakit ba hindi nila ako maintindihan? Ipinilipit nila ang mali.

Umiling ako at pinigilan sila sa pagpasok sa loob ng palasyo.

Tumingin ako sa paligid at nang masiguradong walang alapit na mga bantay samin pati na ang mga katulong ay tinignan ko sila

"may pinag usapan tayo" I hissed

Nagtungo sa aking likuran si Edward at pinadulas ang daliri sa mahaba kong buhok at inilapat ang isang palad sa aking balikat

"pinangako mong papakasalan mo kaming tatlo kapalit ng hindi namin pag kalat sa totoong ikaw" Edward

Lumayo ako sa kaniya at pinagpagan ang balikat na nilapatan niya ng kaniyang palad, natawa ang tatlo sa ginawa ko

"umalis na kayo dito iniistorbo niyo ako"

"papasukin mo kami Cazimiya habang malamig pa ang ulo naming tatlo" mahinahong sabi sakin ni Albert

"umalis na kayo!" sa inis at galit ko hindi ko na napigilan pang pag taasan sila ng boses

Maya maya ay patakbong lumapit sakin si Andrey kasama ang ilang mga tagapag bantay at nakahawak na sila sa kanilang mga espada ngunit umayos sila ng tayo ng makita kung sino ang mga kaharap ko, tinignan ako ni Andrey

"A...Andrey" tawag ko sa pangalan niya

"anong nangyayari dito?" matapos nitong sabihin iyon ay nagbigay galang siya sa tatlong prinsipe

"ayaw kaming papasukin ni Prinsesa Cazimiya" sabay na sabi ng tatlo

"ano ang kailangan niyo sa loob ng palasyo?" tanong ni Andrey

"bawal ba kaming dumalaw sa hari ng Cadrica?" taas noong tanong ni Albert "hindi atang tama ang ganitong pakikitungo ng Cadria sa aming tatlo"

Itinaas ni Andrey ang isang braso upang ipangharang sa muling pagbabalak na pagpasok ng tatlo sa loob, nahuli ko ang tatlong sinamaan ng tingin si Andrey

"hinarangan mo ba kami?" inis na tanong ni Raefon

"trabaho kong ipagtanggol ang prinsesa Cazimiya at sa nakikita ko ngayon halatang ayaw niya kayong pumasok sa loob at mukhang may sinasabi kayong hindi maganda sa kaniyang pandinig, hindi ako nagtatrabaho sa inyo upang sumunod sa inyong kagustuhan, kaya ipag paumanhin ngunit umalis na lamang kayo" walang emosyon sabi ni Andrey sa kanila

Edward chukled tsaka napailing na lamang, si Albert ay mukhang gusto na atang makipag away habang si Raefon at nakangisi ngunit halatang natapakan ego niya sa sinabi ni Andrey

Napayuko ang lahat kaya napatingin ako sa pintuan ng palasyo, nakita ko ang ama na nagtataka kung bakit nandito ang tatlong prinsipe....pinagsalikop ko ang palad, binati ng tatlo ang aking ama

"anong dahilan at bakit kayo nangugulo sa harapan ng aking palasyo?" pangunguna ni ama

"nandito kaming tatlo upang pag usapan ang pagpapakasal sa inyong anak" diretso sabi ni Albert sa aking ama

Muntik nang matumba si ama kundi lang nasalo ni Andrey, pinapasok na ang tatlo sa loob ng palasyo kaya binigyan nila ako ng ngisi

Nandito kaming lahat sa sala ng palasyo, katabi ko ang ama habang nasa harapan namin ang tatlong prinsipe, nakatayo naman sa gilid ko si Rosie habang sa kabilang gilid naman ay si Andrey, kinakabahan ako sa mga mangyayari, ginagalit ng tatlo ang ama.

"gusto niyong pakasalan ang aking anak?" tanong ni ama sa tatlo

Tumango ang tatlo

"hindi maaari, maraming magagandang prinsesa ang nasa paligid tiyak akong magbabago pa ang inyong mga kaisipan" umiling ang ama at kinuha ang tsaang nakalapag sa ibabaw ng lamesa "hindi pa handa ang aking anak sa ganiyan, kung gusto niyo ay ako ang maghahanap ng mga babaeng mas babagay sa inyo"

Sumandal si Raefon sa kinauupuan at itinaas ang dalawang paa sa lamesa, bastos! Walang respeto! Hari ang kaniyang kaharap tapos ganiyan ang ugaling ipinapakita niya ?!

"ayaw niyong ipakasal ang iyong anak hindi dahil hindi pa ito handa o may iba pang rason---"

Tumayo ang ama at dinuro si Edward

"mga walang respeto! Prinsipe ba talaga kayo?!" sigaw ni ama sa tatlo

Nagkatinginan kami ni Rosie

Itinukod ni Albert ang dalawang siko sa magkahiwalay nitong mga hita at tinignan ang aking ama

"alam na naming tatlo ang lahat, hindi namin alam kung bakit lahat ng nasa paligid niya ay hindi man lang mawari kung babae ba talaga siya" kalmado nitong sabi

"sa tingin namin ay may malaki pang rason kung bakit pilit mong ipinatatago sa buong bayan na iyong nasasakupan ang totoong kasarian ng iyong anak" Edward

"kung ayaw mong ipakalat namin ay payagan mong ipakasal si Cazimiya sa aming tatlo, baka tulungan ka pa naming itago ang totoo" Raefon

Napalunok ako

"h...huwag niyong pagsalitaan ng ganiyan ang aking ama!" tumingin ang tatlo sakin "ama, huwag mo na lamang silang pakinggan"

"gusto ni Cazimiya na malaman ang totoo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng tatlo "wala ka bang balak na sabihin sa kaniya?"

Napatingin ako kay ama, nawalan ng kulay ang mukha nito, kaya nagtataka na ako....

"pumunta ka muna sa kwarto mo Cazim, mag uusap kaming tatlo"

Kahit ayaw ko man ay wala na akong nagawa pa, nang makapasok sa loob ng kwarto ay nagtungo ako sa dulo ng aking kama

"Prinsesa Cazimiya, kung pumayag ang mahal na hari ay baka mas mahirapan kang malaman ang totoo dahil nangako ang tatlong prinsipe sa iyong ama" nag aalalang sabi ni Rosie

"yun nga ang aking kinatatakot, parang nakalimutan ng tatlong iyon ang pinag usapan namin" tukoy ko nang gabing pinasok nila ako sa loob ng tent

Sana hindi pumayag ang ama.

Third person Pov;

"paano niyo nalaman ang lahat?" nangangalati na sag alit ang mahal na hari habang nakatingin sa tatlo

Napangisi naman ang tatlo, nag unat ng braso si Raefon at tinignan si Edward nagtawana ang dalawa, nagsimulang magsalita si Albert

"huwag mo kaming minamaliit mahal na hari, marami kaming mata sa paligid....alam namin ang nangyari noon, takot ka bang ipaalam sa iyong anak? Mukhang hindi yan ang iyong dahilan, takot kang mawala ka sa pwesto mo takot kang mawala sayo ang trono mo" Albert

"mag dahan dahan ka sa pananalita sa mahal na hari" ani ni Andrey at handa nang itutok ang espada sa leeg ng tatlo

"walang makakaalam at ibabaon namin sa lupa lahat ng alam namin kapalit nun ay ang iyong anak" Edward

Umupo ang mahal na hari, nanginginig na ang tuhod nito at ramdam na radam niya ang panonood ng tatlo sa bawat kilos na magawa niya

Inilapag ng tatlo ang mga kaniya kaniyang singsing sa maliit na unan sa ibabaw ng lamesa

"kung pumayag ka ay ipasuot mo ang tatlong singsing na ito sa iyong anak at kung hindi.....alam mo na ang susunod na mangyayari" Albert

Tumayo na ang tatlo at nagpaalam na

Cazimiya pov:

Pumayag ang ama sa pagpapakasal ko sa tatlo, nang malaman ko iyon ay hindi ko napigilang mapaiyak, wala pang may alam tungkol dito maliban sa tatlong prinsipe, Rosie, ama at si Andrey...dahil sabi sakin nang ama ay ipapaalam nito sa lahat ang kasalanang magaganap sa aking kaarawan, nang malapit na sa gate ng school ay inihubad ko na ang tatlong singsing at itinago sa loob ng bag.

Share This Chapter