chapter 11
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
"a...ako nga p...pala si M...Mary Enguero" she said and fixed her glass
Pumalakpak ako at tumayo tsaka siya nilapitan, pumalakpak din si Victoria na nakaupo at kaharap ang tatlong prinsipe na nakabusangot...nandito kami sa magiging secret base namin para sa aming club nasa underground kami ng bahay ni Mary, wala pang gaanong gamit mahabang lamesa, anim na upuan at isang blackboard na nakasabit sa wall, ngayong ang unang araw na magsisimula kami sa pagpapakilala kahit kilala na namin ang isa't isa, suggestion ko din naman to at walang makakahindi sa kahit anong sabihin ko.
"alam mo Mary wag ka nang mahiya pa sa amin ikaw ang leader ng club na ito kahit utusan mo ang tatlong prinsipe wala silang karapatang magreklamo" I gave her a thumbs up
The three prince groaned.
Humarap ako sa kanila at ipinatong ko sa upuan nasa harapan ang aking paa at tinukod ang braso sa hita.
"total magkakasama din naman tayo dito at palagi nating makakasama ang isa't isa, tawagin niyo nalang akong Cazimiya katulad ng tinatawag sakin ni Victoria, ala nang prinsipe at prinsesang isasama"
Nagtaas ng kamay si Albert.
"may sasabihin ka?" tanong ko habang binelatan si Raefon na nakasandal ang paa sa ibabaw ng lamesa at halatang magwawala na.
"ang mga pulang estudyante ay hindi tayo maaaring tawagin sa ating panggalan" ani nito
Lumapit sakin si Mary at yumuko.
"p..prinsesa Cazimiya, ayos lang naman sakin kung---"
Agad ko siyang tinigil sa pagsasalita, tumingala ako at nag isip ng paraan....sinabi na din pala sakin ni Rosie ang tungkol dito, ang mga hindi namin katulad na pinanganak sa palasyo o mga royal childs ay kami maaaring tawagin lamang sa aming pangalan dahil mapagsasabihan silang walang galang o bastos, pero deserve naman ni Mary na tawagin lang kami sa pangalan namin dahil unang una leaer namin siya sa club na ito at sa pagkakaalam ko kaibigan ko na din siya, wow coming from me...halos lahat ng magustuhan kong tao dito ay tinatanggap kong kaibigan ng walang kahirap hirap, maliban nga lang kay Victoria na natagalan bago ko gawing kaibigan.
"ganto nalang tatawagin nalang tayo ni Mary sa pangalan natin kapag tayo tayo lang din ang magkasama, katulad ngayon," tinignan ko si Mary na nakatingin na din sakin "pwede mo kaming tawagin sa pangalan lang namin"
Tumayo si Victoria at lumapit din sakin sabay palupot ng mga kamay sa braso ko.
"it's a good idea, gusto ko ang sinabi ni Cazimiya" sabi ni Victoria
"we're not supposed to be here" reklamo ni Raefon
Malimit lang gamitin ang salitang english sa mundong ito, tagalog lamang ang mas gamit na salita, may iba ding mga taong hindi marunong makaintindi ng english at yun ang mga taong mahihirap at hindi nakapag aral.
"kumalma ka Raefon" tinapik ni Edward ang balikat ni Raefon "mas mabuti na ding maranasan nating sumali sa club, aminin mo na ding nakakasawang tumambay sa opisina"
Albert laughed.
"yeah, this club is interesting" Albert said
Raefon tsked.
Bago pa kumulo ang dugo ko sa reklamdor na lalaki ay nagtungo ako sa blackboard at kumuha ng chlak tsaka doon may sinulat.
"sa club nato para lang tayong nag ca-camping, magpapatayo tayo ng maliit na bahay, magtatanim ng halaman ng gulay etc. mag aalaga ng hayop, mag aadventure sa gubat, pwede tayong mag bonfireâ"
"bonfire?" tanong nilang lahat
Napa face palm ako at nagsimulang mag explain.
"uhmm ang ibig kong sabihin pwede tayong gumawa ng apoy at sa palibot ng apoy ay may mga maliit na upuan na pwede nating upuan, pwede tayong magkwentuhan at sabay sabay na pagmasdan ang kalangitan"
Napa facepalm ulit ako, hindi talaga ako magaling mag explain, sana naman naintindihan na nila ang ibig kong iparating.
"ginawa na namin yang ng ama at ina nung bata pa ako" masayang sabi ni Victoria
"Mary ikaw na" tawag ko sa kaniya
Tumango ito at nanginginig ang tuhod na kinuha ang notebook nitong nasa ibabaw ng lamesa at ibinuklat.
"m..magsisimula t..tayong gawin ang l..lahat sa s...sabado" tumango ako
"ano ang una nating gagawin sa sabado?" tanong ni Edward
"p..pupuntahan natin ang ilog malapit d..dito at k..kung papayagan kayo ay pwede tayong magpalipas ng gabi doon, g...gagawa tayo ng pagtutulugan natin" she said
Nagningning ang mga mata ko.
"matagal ko nang gustong gawin yan!" I exclaimed
"sa pagkakaalam ko hindi mo gustong matulog sa mga ma insektong lugar, maarte ka kaya, pinaglalaruan mo ba yang si Mary" tumayo si Raefon at umupo na sa ibabaw ng lamesa
"Raefon" tawag sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan.
"bakit hindi mo ba ako tigilan? Kung ayaw mo sakin huwag mo kong pagtripan at pwede kang umalis sa club na ito" kumuyom ang palad ko habang nakatingin sa kaniyang nakakaasar na mukha
"wala akong sinabing ayaw kita, ang gusto ko lang iparating na maarte ka sa mga ganitong usapan...baka magreklamo ka lang kapag nasa tabing ilog na tayo"
"sana hindi nalang ako sumama sa club na ito kung wala akong ibang gagawin kundi mag inarte!" I shouted "don't smirk Raefon because right now all I want is to punched your fucking face!"
Tumakbo ako papuntang hagdanan at nagmamadaling umakyat, naiinis na umalis ako sa bahay na yun at tumatakbong tumigil sa park ng eskwelahan, umupo ako sa isa sa mga bakanteng swing at nagsimulang pakalmahin ang sarili, hindi kami pwedeng pagsamahin sa iisang kwarto ng lalaking iyon, siya ata ang papatay sakin.
Yumuko ako at pinulot ang maliit na bato tsaka iyon binato sa malayo.
"Cazimiya" tumingin ako sa nagsalita "hindi ka ba magagalit kung tawagin na lamang kita sa pangalan mo?"
Inikutan ko siya ng mata na ikinatawa niya at umupo sa swing na nasa tabi ko.
"why are you here Albert?"
"im here to say sorry for my friend, sa una lang siya ganiyan pero kapag matagal mo na siyang nakasama magbabago yan"
"kung matatagalan ko pa siyang kasama, kung pwede ko lang siyang sakalin ay matagal ko nang ginawa"
"pagsasabihan ko na lang siya"
"buti natagalan niyo ni Edward ang ugali niya"
"sanayan lang yan"
Ngumuso ako at tinignan ang nilahad nito sakin.
It's a small gold box na may maliit na ribbon sa gitna.
"for me?" I asked
Napakamot ito sa batok at nahihiya pang tumango kaya kinuha ko na iyon at binuksan, napanganga ako ng makita ang kumikintab na singsing sa loob at ginto din ang kulay katulad ng box at ang kaniyang magandang mga mata, di ko naman birthday, hindi ko din naman siya ka close kaya bakit niya ako bibigyan ng ganitong regalo mukhang kapag ibinenta ko to ay umaabot na ng kahalating milyon.
"bakit mo ako bibigyan ng ganitong regalo?" namumula ang mukha niya at the same time ay nakangiti ng malapad, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon, halatang nahihiya siya pero sa pinakikita niya ngayon may kakaiba.
Nagkibit balikat nalang ako at binalik sa kaniya ang box na may singsing.
Napakunot ang noo nito.
"hindi ako tumatanggap ng mga ganiyang regalo" I said
Tumayo ito at lumapit sakin tsaka pumuwesto sa harapan ko, he blocked my view, tumingala ako upang makita ang kaniyang mukha.
"Albert?"
Kinabahan ako ng makita ang malapad niyang ngiti ay napalitan ng ngisi, naguluhan ako sa mga pinakikita niya sakin.
Kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan ang likod ng aking palad, hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan parang na stuck na lamang ako.
He traced my fingers.
"soon" matapos niyang sabihin yun ay pinantayan niya ako ng laki at hinalikan ang aking noo
Shocked written on my face, what's happening?
"Cazimiya......Cazimiya"
Nabalik ako sa wisyo ng ilang beses akong niyugyog ni Victoria habang si Mary ay kinakawayan ang aking mukha.
"kanina ka pa namin tinatawag ngunit nakatulala ka" sabi ni Victoria
"anong nangyari?" mahinang tanong naman ni Mary.
I shrugged.
"I don't know...." I whispered.