chapter 10
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
"ano ang iniisip niyo prinsesa Cazimiya?" tanong sakin ni Rosie at nilapag ang ipinatimpla kong tsaa sa ibabaw ng lamesang nasa harapan ko ngayon
Bumuntong hininga ako at gumuhit ng mga linya sa hangin, wala pa akong nasasalihang club ganun din si Victoria, kapag wala ka daw nasalihang club mapa prinsesa at prinsipe ka man maglilinis ka ng banyo at hallways ng paaralan ng isang taon, ayoko namang gawin ang mga iyon dahil nakakatamad, I groaned and scratch my head.
"Rosie, anong magandang salihang club?"
"ano ba ang hilig niyong gawin? Kung ang hilig niyong gawin ay puminta---"
"binisita namin lahat ng club at kahit may alam ako sa pagpinta o sa kahit ano pa man yan naguguluhan pa din ako"
"kung wala kang mapiling club pwede ka namang gumawa ng sarili mong club yun nga lang kailangan mo din ipaalam sa mga nakakataas at kailangan mong makakuha ng mga miyembro upang---"
"alam ko na yan, narinig ko na yan" ngumuso ako at sumimsim sa tsaa "wala din naman akong balak na gumawa ng sariling club"
"ubusin niyo na ang tsaa niyo prinsesa cazimiya upang makapag pahinga na kayo" ani nito
"pero Rosie---"
Napatayo kaagad ako na ikinagulat ni Rosie, total gusto ko namang maranasang gumawa ng bahay edi sasali nalang ako sa club ni Mary since wala pa siyang nakukuhang mga miyembro at sa tingin ko walang gustong sumali sa kaniya...poor Mary, buti nalang nandito ako at ako na una niyang magiging kasama, sasabihan ko nalang si Victoria bukas.
"anong nangyari prinsesa Cazimiya?" tanong ni Rosie
"nothing" I gave her a cheeky smile
"matulog na kayo prinsesa, lalabas na din po ako"
"ok, goodnight, Rosie"
Tumango ito at lumabas na ng kwarto ko, umupo ako sa gilid ng kama at hindi maiwasang mapatingin sa malaking bintanang nasa harapan ko....kitang kita ko ang bilog na bilog na buwan at ang mga bituin mula dito, nakabukas kasi ang kurtina, ngumiti ako at tinaas ang isang kamay tsaka inimagine na nahahawakan ko ang buwan mula dito, laging sinasabi sakin ng lola ko nung bata pa ako na totoo ang tinatawag nilang pangalawang buhay o reincarnation, mabubuhay ka muli ngunit hindi na sa dati mong katawan mabubuhay ka muli ngunit hindi na sa dati mong pamilya, mabubuhay ka muli ngunit mawawala lahat ng ala ala mo mula sa dati mong buhay.
Hindi ako naniniwala sa kaniya, hindi ko siya pinapansin kapag sinasabi niya sakin ang mga bagay na iyon....ayoko kasing umasa, ayokong tumaas ang hopes ko, takot akong mamatay at mas takot akong mamatay na hindi na muling mabubuhay.
But now...im here, nabuhay muli ngunit sa ibang mundo na, sa ibang katawan at ibang pamilya ngunit bakit ang ala ala ko ngayon ay nandito pa din? Bakit hindi nawala? Naniniwala na ako na totoo ang reincarnation, where's my lola? Ano kaya siya ngayon? Mabait ba ang mga nakapaligid sa kaniya?
Pumikit ako at pinagdikit ang dalawang palad at nagsimulang magdasal.
Kung nasaan ka man lola sana masaya ka, gusto ko ulit marinig ang pag awit niyo....gusto ko ulit maramdaman kung paano niyo ako napapakalma sa tuwing umaawit kayo.
"I miss you"
-
dala dala ko ang hand bag ko habang naglalakad sa hallway ng school, naririnig ang takong ko sa buong hallway sa bawat pagtapak ko sa sahig na siyang nagbibigay trigger nanaman sa mga selos na selos sa kagandahan ko, immune na ako sa kanila kaya hindi ko na din binibigyan ng atensyon.
Kanina ko pa hinahanap si Mary para sabihin sa kaniya na gusto kong sumali sa club niya, tumatakbo ang oras at isang oras nalang bago mag stop ang pagpili ng club na sasalihan, saan na ba kasi nag sususuot ang babaeng iyon? Iniwan ko din sa Mary sa classroom dahil hindi pa siya tapos mag sulat, ngumuso ako at hinawakan ang nakataas kong buhok, na realize ko na sobrang malapit na ako sa mga tao ngayon...naiba ang pag uugali ko, noon ay halos takot akong makasalamuha ng maraming tao magkaroon ng kaibigan maliban sa kaniya ngunit ngayon halos lumabas na ngala ngala ko sa kakasalita.
Lalo na don kay prinsipe Raefon!
Walang ibang ginawa kundi---
"wala ka pa palang nahahanap, ipagpatawad mo ngunit maaari ka nang tumigil"
Nagtago ako sa gilid at sumilip sa mga nag uusap.
"may isang oras pa naman akoâ"
Tumawa si prinsipe Raefon at nilapitan si Mary tsaka ginulo ang nakaayos na buhok nito.
"wag ka nang pasaway pa, baka malas ka lang ngayong taon subukan mo uli sa susunod baka swertehin ka" ani nito
Yumuko si Mary at napahigpit ang hawak sa uniporme.
"humanap ka na ng club na sasalihan mo" prince Albert said
Nanonood lang sa kanila si prinsipe Edward parang walang gana at gusto na lamang mag stay sa kanilang palasyo at matulog buong araw.
"Cazimiya" napatingin ako kay Victoria na tumatakbo papalapit sa akin magsasalita pa sana ulit ito ng ilapat ko ang hintuturo ko sa aking labi.
"wag kang maingay" I hissed
"sino ba ang sinisilip mo?" bulong nito sakin at sumilip din "yan yung babae kahapon diba?"
Tumango ako.
"ang lungkot ng mga mata niya"
Pinagmasdan ko ang itsura ni Victoria ngayon, mukhang nag ayos siya ahhh, ang straight nitong buhok ay naging wavy at sakto lang pula ang kaniyang labi.
Naramdaman niya ang mga mata kong pinagmamasdan siya kaya nilingon niya ako at bigla nalang siyang umatras at muling namula ang mukha, kung sa ibang tao niya pinapakita ang ganiyang pamumula ng mukha niya sigurado akong iisipin nilang may gusto sa kanila si Victoria.
"prinsipe, may isa pa akong oras baka pwedeng maghanap---"
Pinatigil siya ni prinsipe Albert sa pagsasalita na kinakuyom ko ng kamao, nakakainis ah, tama nga din naman si Mary may natitira pang isang oras para sa kaniya para maghanap ng mga miyembro pero tong tatlong to hindi sumusunod sa patakaran, sa inis ko ay lumabas ako sa pinagtataguan at itinaas ang aking isang kamay.
"prinsesa Cazimiya" chorus na sabi nila
"sasali ako sa club ni Mary" nang sabihin ko iyon ay nagulat si Mary at ang tatlong prinsipe habang si Victoria naman ay nag taas agad ng kamay at sinabing sasali din
Maya maya ay ngumiti si Prinsipe Edward.
"ngunit lima pataas ang kailangan, tatlo lamang kayo" he said
"edi hahanap kami" tumingin tingin ako sa paligid hanggang mapadako ang mata ko sa isang building na may mga lalaking kumakaway sakin "ayun oh, mukhang sasali sila lalo na at magaganda kaming tatlo"
Ngumiti ako pabalik kay Prinsipe Edward.
"halika Mary tanungin natin sila---"
Napatigil ako sa pakuha sa kamay ni Mary ng maramdaman ang tatlong kamay na nakahawak sakin, dahan dahan ko silang nilingon at kinunotan ng noo, si prinsipe Edward ay nakahawak sa balikat ko, si prinsipe Albert naman ay sa braso habang si prinsipe Raefon ay nakahawak sa buhok ko.
"bitawan niyo ko" pinandilitan ko sila ng mata "tumatakbo ang oras kapag hindi namin naabot ang lima pataas sa loob ng isang oras humanda kayo sakin!"
Napalunok ang tatlo, si prinsipe Raefon ang unang bumitaw at pinag cross ang dalawang braso tsaka ako pinandilatan din ng mata.
"hahanap ka ng bago mong pag ti tripan" he said "kilala kita prinsesa Cazimiya, alam kong lalapit ka lang sa mga lalaking iyon dahil alam mong madali lang silang mapaikot at mapaloko, kung maaari lamang na ako nalang ang paulit ulit mong lokohin ay tatanggapin ko...sino ba naman ako upang tumanggi sa magandang prinsesang kagaya mo? Ngunit ang dalawang ito ay may----" bago pa matapos ni prinsipe Raefon ang sinasabi ay tinakpan na ng dalawa niyang kaibigan ang bibig nito
"tsk, wala kaming mapapala kung nandito lang kami nakatayo at tinitignan mga kalokohan niyong tatlo" hinarap ko sila Mary "hahanap kami ng mga miyembro"
Sinilip ko sila at nakita kong naglabas si prinsipe Albert ng notebook at tila may tinitignan doon.
"lahat ng mga estudyante ay may kaniya kaniya nang sinalihang club, kaya wala na kayong ibang miyembrong pwedeng maisali.....20 minutes nalang ang natitira" ani nito
Nag aalalang tinignan ako ni Mary.
"sa iba nalang kayo sumali prinsesa Cazimiya, babagsak tayo sa paglilinis ng banyo at sa buong school kung hindi kayo umalis sakin" she said
I frustratedly groaned at inis na tinuro ang tatlong kaharap.
"kayong tatlo sa pagkakalaam ko wala pa kayong club na sasalihan kaya samin na kayo" inis na sabi ko sa kanila
"ngunit hindi naman kami sumasali sa mga club" sagot ni prinsipe Edward
Inikutan ako ng mata ni prinsipe Raefon.
"ngayon kasali na kayo" ngumiti ako "anim na tayo, lista mo na pangalan nila Mary"
Magrereklamo na sana ang tatlo ng hinawakan ko ang kamay nila Victoria at mabilis na lumayo sa kanila.
Hahahaha, bakit hindi ko kaagad naisip yun? Nakasali na ang tatlo, wala nang problema.
"hindi ba sila magagalit?" tanong ni Mary
Umiling si Victoria.
"si Cazimiya na ang bahala sa tatlo" tumingin sakin si Victoria "mukhang ikaw ang gusto nila Cazimiya"
"pwe, nakakadiri" umarte akong nasusuka na ikinatawa nila