Chapter 25: Sleepover
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised
Skyler's POV
Pagkatapos ng guitar session naming dalawa, nanatili akong nakaupo sa sofa, habang si Sir Ezekiel ay tahimik na ibinabalik ang gitara sa stand. Biglang tumunog ang malakas na kulog sa labas. Napatingin kami pareho sa bintana.
"Mukhang lalong lumalakas ang ulan," sabi niya, tumayo at nagtungo sa kusina.
"Oo nga po, Sir. Parang bagyo na yata 'to."
"Sigurado akong baha na sa labas," sagot niya habang binubuksan ang ref. "Magluluto ako. Dito ka na kumain."
"Ay, Sir, nakakahiya naman!"
"Hindi nakakabusog ang hiya, Skyler. Tulungan mo na lang akong maghiwa ng sibuyas."
Sumunod ako sa kusina. Inabot niya sa akin ang chopping board at kutsilyo.
"Okay, chop mo 'tong sibuyas. Gawin mong pantay, ha."
Tinignan ko ang sibuyas na parang mortal enemy. Okay, sibuyas. Game na tayo.
Nagsimula akong maghiwa pero sa ikatlong hiwa, nanikip ang mata ko.
takte aray!
"Sir... parang... ang sakit sa mata," reklamo ko, habang pilit na pinipigil ang luha.
"Ah, natural 'yan," sagot niya, hindi man lang naapektuhan habang hinihiwa ang bawang. "Ang sibuyas kasiâ"
"Sir, ayoko ng science ngayon, masakit mata ko!"
tongono ang sakit na nga may explanation pang kasama.. sana ok ka lang sir huhu
Natawa siya. "Mag-igib ka na lang ng tubig."
Pumunta ako sa lababo habang si Sir Ezekiel ay nag-sauté ng bawang at sibuyas. Ilang saglit pa, naamoy ko ang ginisa na may halong butter.
"Wow, Sir. Parang restaurant ang amoy."
"Chicken alfredo pasta 'to," sabi niya. "Specialty ko."
Napa-wow ako. Sana all boss marunong magluto.
Ilang minuto pa, inilapag niya ang dalawang plato ng creamy pasta sa dining table. Naupo ako at hinintay siyang sumabay.
"Tikman mo," utos niya.
Sumubo ako at napaungol sa sarap. "Shit, Sir. Ang sarap! Legit!"
"Kaya nga 'specialty' ko, di ba?"
kumain na kami total gutom naman na ako,Matapos naming kumain, nagligpit kami ng mga plato,syempre ako na nagvolunter maghugas kasi nakakahiya naman sakanya.
"Skyler," sabi niya bigla. "Dito ka na matulog."
Napatigil ako sa paglagay ng baso sa lababo. "Ha?"
"Baha na sa labas. Delikado umuwi. Dito ka na."
Napalunok ako. "Ah... eh... sige po, Sir. Salamat."
"Relax ka lang," sabi niya, bahagyang nakangiti. "Hindi kita kakainin."
Ewan ko lang kung ako ang kakainin ng kaba at kilig.
after ko magligpit pumunta ako sa sala,
"Ah... Sir?" basag ko sa katahimikan.
"Hmm?"
"Ah... uhm... may extra kumot po ba kayo? Para sa pagtulog ko sa sofa?"
Napatingin siya sa akin, kunot-noo. "Sofa? Bakit sa sofa ka matutulog?"
Napalunok ako. "Ah... syempre po, eh dito lang naman ako dapat, diba?"
Tumayo siya at tumingin sa bintana. Sa labas, patuloy ang malakas na ulan. "May guest room. Doon ka matulog."
Nanlaki ang mata ko. "Guest room? dito?"
Ngumiti siya nang bahagya. "Oo. O gusto mong sa rooftop matulog?"
"Ah... hindi na po, Sir. Guest room na lang."
mwisit tow!
Tumawa siya nang mahina at tinuro ang pintuan sa kaliwa. "Doon ang kwarto."
Pumasok ako sa guest room at napa-wow ako. King-size bed, malambot na carpet, at may sariling banyo na parang hotel. Hinawakan ko ang bedsheet.
Shit. Ang lambot. Talo pa 'yung kumot namin sa probinsya na parang liha.
humiga ako sa kama at sabay stretch
sheshhhhh sarap sa pakiramdam!
dahan dahan ko pinikit ang mga mata ko pero kahit anong pilit kong ipikit ang mata ko,hindi ako makatulog,halos nagbilang na ako mg tupa o nagikot ikot hindi ako makatulog
Tumayo ako at dahan-dahang sumilip sa pinto. Sa labas, nakita kong nakaupo si Sir Ezekiel sa sofa, hawak ang gitara, at malalim ang iniisip.
Hindi ko alam kung bakit, pero bumaba ako at lumapit sa kanya.
"Sir?"
Napatingin siya sa akin. "Hindi ka pa natutulog?"
Umiling ako. "Hindi po ako makatulog eh."
Tumango siya at tinapik ang space sa tabi niya. "Dito ka muna."
Umupo ako sa tabi niya. Ilang saglit kaming tahimik.
"Alam mo, Skyler," biglang sabi niya. "Hindi ko inakalang magiging ganito ang sitwasyon natin."
"Anong sitwasyon, Sir?"
Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. "Ikaw at ako. Nandito, sa ganitong sitwasyon."
Napalunok ako. "Ah... ano pong ibig niyong sabihin?"
Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang gitara at muling tumugtog.
"Leaves will soon grow from the bareness of trees..."
Napangiti ako. "Sir, bakit paborito niyo 'yang kanta?"
"Kasi," sagot niya, hindi tumigil sa pagtugtog, "paalala 'yan na kahit anong sakit, kahit anong bagyo... lilipas din lahat."
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero sinandig ko ang ulo ko sa balikat niya. Nagulat ako sa sarili ko. Pero ang mas ikinagulat ko? Hindi siya umalis.
"Sir... hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero... masaya ako na nandito ako ngayon."
Hindi siya sumagot. Pero naramdaman kong bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa gitara.
"Skyler," biglang sabi niya. "Kamusta ka noong bata ka?"
Nagulat ako sa tanong at tinignan siya. "Ako po? Ah... okay naman. Probinsyano ako, Sir. haha "
ngumiti siya. "Talaga? Saan 'yon?"
"Sa Mindoro, Sir. Doon ako natutong mang-harvest ng mangga at tumakbo kapag may ahas."
"Kaya pala ang liksi mo."
"Uy, Sir, pinupuri niyo ba ako o nilalait?"
"Depende," sagot niya, nakangisi. "Ikaw naman, kwento ka pa."
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nasabi ko sa kanya 'yung time na nahulog ako sa kanal dahil may hinahabol akong tandang, at 'yung minsang muntik na akong madakip ng kapitbahay namin kasi akala magnanakaw ako sa puno ng bayabas nila.
Tawa siya nang tawa. Ang saya pala ni Sir Ezekiel tumawa. Yung tipong hindi pilit.
"Ikaw, Sir?" tanong ko matapos ang ilang minutong tawanan. "Kamusta ang childhood niyo?"
Bigla siyang nanahimik. Huminga ng malalim.
"Mahigpit," sagot niya sa wakas. "Lumaki akong may sinusundan na script sa buhay. Hindi pwedeng magkamali. Hindi pwedeng magkulang."
"Parang... nakakapagod po 'yon."
Tumango siya. "Oo. Kaya minsan... gusto ko rin maging katulad mo."
"Ako, Sir? Bakit ako?"
"Kasi... natural ka. Hindi ka natatakot maging totoo."
Bigla akong napangiti. Pero para akong natapakan ng kilig.
At sa gitna ng tawanan, kwentuhan, at awkward na titigan, pakiramdam ko... may kung anong bumubuo na sa pagitan naming dalawa,para kaming magtropa or normal na walang iniisip na bussines or trabaho/
"Hindi ka pa rin matutulog?" tanong ni Sir Ezekiel.
Umiling ako. "Parang mas hyper pa ako ngayon, Sir. Siguro sa hot chocolate."
Napangiti siya at nag-inat. "Okay, movie marathon tayo."
napatingin ako sa wallclock
hanepz! ala una na pala! a
Napakurap ako. "Movie? As in ngayon? Ala una na ng umaga, Sir."
"Eh hindi ka makatulog, di ba? Tara na." Tinapik niya ang TV remote at binuksan ang malaking screen na halos sinlaki ng pader. "Gutom ka?"
"Uh... medyo."
"Halika sa kusina. Mag-raid tayo ng snacks."
Sus. Parang normal lang kay Sir Ezekiel ang ganito. Sa amin kasi, kapag madaling araw at gutom ka, chichirya o kanin na may mantika lang ang solusyon.
Pagdating sa kusina, binuksan niya ang isa sa mga cabinets at napanganga ako.
"Sir... ano 'to? Mini grocery?"
Puno ng imported chips, chocolates, cookies, at kung anu-ano pang pagkain. May mini-fridge pa na puro ice cream.
"Ano gusto mo?" tanong niya habang kinukuha ang malaking tray.
"Ah... kahit ano po, basta may cheese."
Kumuha siya ng tatlong bags ng cheesy popcorn, dalawang chocolate bar, at isang litro ng cookies and cream ice cream.
"Sir, dalawang tao lang tayo. Hindi po ba 'to pang family gathering?"
"Mabilis kang kumain, 'di ba?"
"Hoy, grabe kayo!"
Tumawa siya at naglakad pabalik sa sala. Sumunod ako dala ang isang malaking unan na nakuha ko sa sofa.
Umupo kami sa carpet sa harap ng TV and pumunta sa netlex. Inayos niya ang playlist at napatingin sa akin. "Anong gusto mong genre?"
"Romantic-comedy? Yung tipong tawang-tawa ka pero kinikilig ka rin."
Nag-scroll siya at pinili ang pelikulang "The love has come."
"Uy, gusto ko 'yan!" sabi ko.
poster palang mukang cute romance siya
Nagsimula ang movie. Habang tumatakbo ang opening credits, nagsimula akong sumalok ng ice cream gamit ang isang malaking kutsara. Napansin ko si Sir na nakatingin lang sa akin.
"Sir?"
"Wala lang. Ang saya mong tignan pag kumakain ka," sagot niya, nakangiti.
Puta. Anong klaseng comment 'yon?! Napakagat ako ng kutsara at napayuko.
"Hindi ko alam kung compliment 'yan o insulto, Sir," sabi ko, pilit na tumatawa.
"Compliment 'yon," sagot niya, sabay kuha ng popcorn. "Nakakatuwa kang panoorin."
luh do i look clown?char!
Napanguso ako. "Opo, Sir. Next time papanoorin ko rin kayo habang kumakain para quits."
napatawa naman siya.
ang sarap tignan ni sir kapag tumatawa..
Nagpatuloy kami sa panonood,habang nagkakanda-kalat ng popcorn sa carpet. Pero pagkatapos ng isang oras, biglang nag-iba ang eksena.
Napalingon ako nang marinig ang background music na biglang naging sensual.
"Wait... Sir... anong eksena 'to?"
Nakita kong nag-stiffen siya sa pagkakaupo.
Sa screen, biglang nag-transition sa bed scene ang pelikula. 'Yung tipong slow motion na tanggalan ng damit habang umiikot ang camera.
ay jusmeyo!bold na ata to!the love has come!
Nanlaki ang mata ko. "Ahhh... bakit may ganito dito?!"
Hindi ako makatingin sa TV pero naririnig ko ang malalim na music at ang mga sound effect na hindi ko kayang i-describe.
"ugh..I'm harder babe"
"Shit," bulong ni Sir. "Nakalimutan kong may bed scene pala dito."
Ay wow, Sir. Nakalimutan mo talaga?
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa screen ba, kay Sir, o sa sahig?
putek!nasa tamang edad naman kami manood ito pero ang ackward lalo na may kasama ka!
"Uh... popcorn po, Sir?" alok ko para ma-divert ang atensyon.
Kinuha niya pero halatang hindi rin alam ang gagawin.
Habang nasa peak ng bed scene, napalakas ang volume ng TV.
"Ohhh... yes... there... rightâ"
"AY PUTA!" Napasigaw ako at hinagilap ang remote. Napindot ko ang wrong button kaya nag-slow motion pa 'yung eksena.
"Skyler, bilisan mo!" utos ni Sir, pero halatang pinipigilan ang tawa.
"Sir, hindi ko alam kung anong pipindutin ko! Paano ba 'to?!"
"Mute! Mute!"
Pinindot ko ang mute button. Bigla kaming napayuko pareho.
Tahimik.
Nagkatinginan kami.
At sabay kaming sumabog sa tawa.
"hahahahahaha"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Shit, Skyler," tawa ni Sir, halos mahulog sa sofa. "Ang galing mong magpanic!"
"Sir, ikaw naman! Ang awkward nun, grabe!"
Humagalpak kami ng tawa ng ilang minuto hanggang sa napadapa ako sa sahig. Si Sir naman ay nakasandal sa sofa, hawak ang tiyan niya.
Maya-maya, humupa ang tawa namin. Napatingin kami ulit sa TV.
Movie paused at 1:43:20 â kissing scene.
Nagkatinginan kami ulit.
Bigla akong napalunok.
"Ah... Sir... baka gusto niyong ibang movie na lang?"
Ngumiti siya, pero hindi agad sumagot. "Bakit? Naiilang ka?"
"Ah... hindi naman po," sagot ko, pero halos mabasag ang boses ko.
Tumayo siya at kinuha ang remote. "Sige. Ibang movie na lang."
Huminga ako ng maluwag.
Pero bago pa siya makapindot ng next movie...
"Skyler."
"Sir?"
"May ice cream ka sa labi mo."
"Ha?"
Lumapit siya at gamit ang hinlalaki, marahang pinunasan ang gilid ng labi ko.
Nag-freeze ako sa kinauupuan ko.
Shit.
Shit.
Shit.
"Ayan," bulong niya, bahagyang nakangiti. "Malinis na."
Napalunok ako. Lord, anong ginawa ko para mapunta sa ganitong sitwasyon?!
At bago pa ako makapag-react, bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga... at bago pa ako makaiwas...
Dahan-dahan niyang hinalikan ang labi ko.
Isang marahang, mainit, at hindi inaasahang halik.
PUTANGINA. ANO 'TO?!