Back
/ 38
Chapter 25

Chapter 24: Guitar

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

"Ang lakas talaga ng ulan," bulong ko habang nanginginig sa lamig. Basang-basa pa rin ang polo ko, at pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nilalamig.

"Itataas ko ang heater," sabi ni Sir Ezekiel, bahagyang binabaan ang volume ng radyo. "Sobrang basa ka na."

Napalingon ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya, parang hindi siya naapektuhan ng biglang pagbuhos ng ulan. Samantalang ako? Mukhang basang sisiw na nagtatago sa kasuotan ng corporate attire.

"Sir, pasensya na talaga. Sobrang basa ko," sabi ko habang pilit kong pinipigilan ang panginginig.

Napailing siya. "Hindi mo kasalanan ang ulan, Skyler."

Napalunok ako. Pucha, bakit parang ang lalim ng sinabi niya? Parang pwede siyang gumawa ng motivational quotes sa social media.

Habang nagmamaneho siya, napansin kong hindi papunta sa ruta ng apartment ko ang dinadaanan namin.

"Sir, teka... hindi 'to daan papunta sa amin."

"Dadalhin kita sa apartment ko," sagot niya nang hindi ako nililingon. "Basa ka na, malakas ang ulan, at hindi safe ngayon na bumaba ka sa lugar niyo."

Nanlaki ang mata ko. "H-Ha?! Sa apartment niyo, Sir?"

"Oo," sagot niya. "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Wala akong balak na masama, Skyler."

ay jusmeyo!!

"Ay! Hindi ko naman sinabing may masama kayong balak, Sir!" mabilis kong depensa.

Pero bakit parang ako 'yung nagkakabalak?

Tumikhim siya. "Kalma lang. Gusto ko lang na ligtas ka."

Dahan-dahan akong napasandal sa upuan at hinayaang yakapin ako ng init ng heater. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang kaba sa dibdib ko. Kasi... seryoso... papunta ako sa apartment ni Sir Ezekiel?!

—

Pagdating namin sa isang high-rise building, hindi ko naiwasang mamangha. Ang parking area pa lang, parang art gallery na. Ang mga sasakyan? Mga luxury cars na mukhang presyong kidney.

Pagkababa ko, binigyan ako ni Sir ng isang oversized hoodie mula sa backseat. "Isuot mo 'to. Baka sipunin ka."

Tinanggap ko 'yon. "Salamat, Sir. Ang bait niyo talaga.."

Hindi siya sumagot pero bahagyang ngumiti.

Sumakay kami ng elevator. Pinindot niya ang PH button.

"Sir, PH?"

"Penthouse," sagot niya.

Shuta. Penthouse?! Ang boss ko pala ay certified rich kid!

Pagdating namin sa tuktok, bumungad sa akin ang isang malawak na sala na mukhang kinuha sa Pinterest. Marble floors, leather couch, at isang malaking glass window na kita ang city lights sa ilalim ng malakas na ulan.

para ako nasa hera place ng THE PENTHOUSE YUNG NASA KDRAMA! OWEMJIIII!!! fav ko kasi yun na drama na yun ih!

"Wow," nasabi ko. "Ang sosyal naman dito, Sir. Parang kahit ang alikabok dito mayaman."

"Hindi ko naman masyadong ginagamit ang space na 'to," sabi niya habang hinuhubad ang coat niya. "Halika, magpalit ka ng damit."

Naglakad siya papunta sa isang guest room at binigyan ako ng oversized shirt at shorts.

"Pasensya na, wala akong masyadong damit na kasya sa'yo."

"Okay lang, Sir. Lalaki rin naman ako," sagot ko sabay ngiti.

Pumasok ako sa banyo at nagpalit ng damit. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, natawa ako.

"Skyler, anong ginagawa mo sa penthouse ni boss mo?" tanong ko sa sarili ko at napatingin sa inidoro

shuta! parang nahiya yung pwet ko sa kubita ni sir! ang kintab to the max ,andaming anek anek sa loob ng banyo halatang pang mayaman talaga.

hindi ko rin maiwasan nakaramdam ng ingit..Sana bago ako ma tegirot maranasan naman ni mama at papa itong marangyang buhay..

speaking of mama,papa...namimiss ko na sila tsaka bihira lang siya tumatawag kasi mabagal ang signal sa probinsiya namin.

Paglabas ko, nakita ko si Sir na nasa may kusina at nagtitimpla ng dalawang tasa ng hot chocolate.

"Umupo ka," utos niya, sabay abot ng tasa.

"Salamat, Sir," sabi ko habang humihigop. Aba, masarap 'to ah. Pang mayaman ang lasa!

Tahimik kami habang pinagmamasdan ang ulan sa labas.

"Skyler," basag niya sa katahimikan. "Alam kong naguguluhan ka."

Tumango ako. "Medyo, Sir. Pero... ayokong husgahan agad si Zachary. Mabait siya sa akin."

"Oo, mabait siya," sagot ni Sir. "Pero minsan, ang kabaitan ay maskara lang."

Nagkatinginan kami. Sa seryosong ekspresyon ng mukha niya, naramdaman ko ang bigat ng mga hindi niya sinasabi.

Maya-maya, naramdaman kong may tumulo mula sa buhok ko.

"Basang-basa ka pa pala," sabi niya, tumayo at kinuha ang tuwalya. Lumapit siya at maingat na pinatuyo ang buhok ko.

Napakagat ako ng labi. Shit, Skyler. Wag kang kiligin. Boss mo 'yan!

Pero paano? Ang lapit ng mukha niya. Amoy ko 'yung mild, woody scent ng pabango niya.

"Sir... kaya ko na 'yan. Ako na," sabi ko, pero nanatili siya sa posisyon niya.

"Hayaan mo na," bulong niya. "Pabayaan mong alagaan kita, Skyler."

Tangina. Sumabog ang puso ko.

Ulan sa labas, sunog sa dibdib ko.

At sa sandaling 'yon, alam kong may delikadong nangyayari sa pagitan namin na hindi ko na kayang pigilan.

parang may naramdaman ako na ako sakanya..pero ang gulo.. hindi ko mawari ang sexualidad ni sir kasi e..

"Okay, Skyler," bulong ko sa sarili habang nakaupo sa couch ni Sir Ezekiel, nakatitig sa city lights sa labas ng malaking bintana. "Relax. Normal lang 'to. Wala kang dapat ika-kaba."

Pero paano ako mare-relax?! Andito ako sa penthouse ng boss ko, suot ang oversized hoodie niya, at amoy mamahaling fabric softener.

Naramdaman kong lumapit si Sir Ezekiel at naglatag ng isang acoustic guitar sa kandungan ko. "Alam mo bang marunong akong tumugtog mg guitar?"

Napatingin ako sa kanya, nanlalaki ang mata. "Sir, seryoso? weh?"

Napangiti siya. " Pero may konting skills ako hehe."sabay bigay sakin ng guitar.

Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang posisyon ng mga daliri ko sa fretboard. Shit, ang init ng kamay niya.

"Okay," sabi niya, bahagyang yumuko para gabayan ang daliri ko. "Eto ang G chord. Pindutin mo 'tong tatlong strings na 'to."

Ginawa ko naman pero parang may nag-pop na ugat sa daliri ko. "Agh! Sir! Bakit parang torture 'to?! "

takte sakit!

Tumawa siya. "Ganyan talaga sa una. Try mo ulit."

"Sir, ano 'to? Finger gymnastics? Baka sa susunod hingin niyo akong tumugtog ng 'Canon in D' gamit lang ng hinlalaki!"

Umiling siya, natawa nang mahina. "Ang daldal mo. Sige, try natin 'tong mas madali. E minor."

Inayos niya ulit ang daliri ko. This time, mas madali siya pero nag-strum ako at tunog lata pa rin.

"Sir... parang kaluluwa ng sirang electric fan 'yung tunog."

Tiningnan niya 'yung gitara, saka ako. "Baka hindi sa gitara ang problema."

"Ay, wow! I'm sorry ha! Guitar prodigy ba ako?"

Napangiti siya at biglang umikot sa likuran ko. Wait... sa likod ko?!

Tumayo siya at dahan-dahang pumwesto sa likod ng couch. Naramdaman ko ang init ng katawan niya nang bahagya niyang ibaba ang mukha niya malapit sa tenga ko.

holy kalabaw!!

"Relax," bulong niya. "Hindi natin kailangan ng perfect chords."

Tangina. Ang hininga niya... minty. At ang boses niya? Parang ASMR pero with feelings.

shit!ang puso ko!

dug

dug

dug

dug

dug

Hinawakan niya ang mga kamay ko at siya mismo ang gumabay sa pag-strum.

"Dito... dito mo ilagay ang daliri mo," sabi niya, habang ang kamay niya ay nakapatong sa kamay ko. Halos mapaliyad ako sa awkwardness.

Lord, wag po akong mahimatay ngayon!

"Leaves will soon grow from the bareness of trees..."

eh?kumakanta ba siya?

Bigla siyang kumanta habang nakaposisyon pa rin sa likod ko.

Napakurap ako. Paano ko ba idedeklara na hindi na ako humihinga sa sobrang kilig?

"And all will be alright in time..."

teka familiar sakin yang kanta na yan ah!

Dahan-dahan niyang ginalaw ang daliri ko sa fretboard. Pero hindi ako makapag-focus. Paano ako mag-aaral ng chords kung sa bawat galaw niya parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko?

"From waves overgrown come the calmest of seas..."

"Sir," sabay atras ko ng kaunti. "Ah... okay na po siguro ako. Hehe."

Lumayo siya pero bahagyang ngumiti. "Ayaw mo na agad?"

hin-oo kasi ang akward!

"Ah... hindi naman po... pero medyo... hindi komportable yung likod-turo-turo technique niyo, Sir," sagot ko, habang nakayuko. Tangina, pulang-pula na siguro ako!

huhu sowrey na sir!

Tumawa siya. "Okay, okay."

Inabot niya ang gitara, umupo sa tabi ko, at sinimulan ang chorus.

"All will be alright in time..."

Hindi ako makatingin sa kanya. Kasi kung titingin ako... baka hindi ko kayanin ang damdamin kong tumutugtog kasabay ng chords niya.

"To flee the shadows of the night

It haunts me and it makes me feel blue

But how can I try to hide

When every breath and every hour

I still end up thinking of you

And in the end everything we have makes it worth the fight

So I will hold on for as long"

actualy maganda ang boses ni sir.. ang lalim at ang sarap sa tenga parang nakaka relax.

"As leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmest of seas

And all will be alright in time"

Dahan dahan ko pinikit ang mga mata ko at ninamnam ang boses niya.

"I never thought that I would see the day

That I'd decide if I should leave or stay

But in the end what makes it worth the fight's

That no matter what happens we try to make it right"

grabe!swerte kaya magiging mapapangasawa nito e! pogi na nga may talento pa!

"Leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmest of seas

And all will be alright in time

And wounds of the past will eventually heal

I said all will be alright in time

'Cause all of this comes with a love that is real

And all will be alright in time"

kahit sino namang babae kikiligin sa ginagawa ni sir..

ewan ko ba bakit naging malapitin ako kay sir or sadyang clumsy or kinaawan ako dahil sa mga palpak kong ginawa nong una trabaho ko dito..

pero infairnes ah! medjo this few days walang kapalpakan akong ginawa.. Improve yarn sky!

pikit ko parin ang aking mga mata pero para akong ewan dito para sakin.

"Skyler," bigla niyang sabi kaya't bigla ko idinilat mata ko.

ay tapos na pala siya kumanta.. pero bitin isa pa nga sir!

"Sir?"

"Huwag mong masyadong pagkatiwalaan si Zachary."

Napalunok ako. "Sir... sigurado po ba kayo? Baka misunderstanding lang?"

Huminga siya nang malalim. "Kung misunderstanding lang sana, hindi ko sasabihin sa'yo."

nga naman sky!

Nagkatinginan kami. Sa mga mata niya, nakita ko ang hindi niya masabi. Takot. Pag-aalala. At... may kung anong hindi ko maintindihan.

Pero sa kabila ng lahat, alam kong isang bagay ang totoo:

Ligtas ako kapag kasama siya.

At kung ang puso ko ay isang gitara, siya 'yung daliring marunong tumugtog ng tamang damdamin.

Share This Chapter