Chapter 34: Kabanata 32

The Only GirlWords: 10716

Hindi ko malimutan ang sudden confession ni Hendrix sa game na iyon. He likes me raw! Hindi ako makapaniwala! Ano 'yon? Hindi ko man lang nahalata? Bakit niya naman ako nagustuhan kung totoo nga ang sinabi niya? At kailan pa?

Sanay naman akong may nagkakagusto sa akin kasi maganda ako pero kasi si Hendrix 'yon! Kaibigan ni Daryl— Kaklase ko! Kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya kaya nagulat talaga ako. Ni hindi nga ako nakapagsalita kanina. Pero hindi ko naman siya pwedeng sabihan na lang na pigilan ang nararamdaman niya sa akin dahil alam kong mahirap gawin ang bagay na 'yon.

Syempre hindi lang ako ang nagulat kanina noong sumagot si Hendrix. Lahat ata kami ay nagulat! Si Daryl lang ata ang walang naging reaksyon kanina. Siguro ay alam na niya at kailangan niya lang ng confirmation kaya ayon ang tinanong niya.

Balak pa nga nilang tanungin pa si Hendrix pero ngumiti lang at agad na lumabas ng classroom. Pinigilan ko lang silang habulin pa ito. Baka kailangan ng space nung tao para makapag-isip. Mahirap kayang i-admit ang nararamdaman mo. Mahirap umamin lalo pa't wala namang kasiguraduhan kung masusuklian ito.

"Hindi ka pa inaantok?" si Austin.

Nagkibit-balikat lang ako. Inaantok na kasi ako pero hindi ako makatulog!

Madaming tanong na naman kasi ang gumugulo sa isip ko. Anong mangyayari sa akin pagkatapos ng School Festival? Gagawa pa rin ba ng paraan si Kuya Anthony para ilipat ako ng section? Bakit ba ayaw nilang nasa Section E ako? Hindi naman nila kilala ang mga kaklase ko, ah? Hindi nila alam na may tinatagong bait naman ang mga 'to kahit mga mukhang gago.

Bumuntonghininga ako. Rinig ko ang ingay ng ibang mga estudyante sa labas. May mga palaro kasi. Hindi naman required sumali kaya nagpahinga na lang kami rito sa classroom.

Dala ang cellphone, lumabas ako ng classroom. Nakahiga na ang ibang kaklase namin kaya hindi na nila napansin ang paglabas ko. Busy naman na naglalaro si Alexis at Daryl sa cellphone nila. Magkatabi ang dalawa at mga mukhang galit kung makapindot sa cellphone. Kulang na lang durugin, e! Ewan ko ba kung anong problema ng dalawang 'yan.

Paglabas ko naman, nakita ko roon si Hendrix. Nakatuon ang dalawang siko sa railings at mukhang malalim ang iniisip. Tahimik akong lumapit sa kaniya at mukhang hindi niya ako pansin.

"Huy!" bulong ko at kahit na mahina lang ang boses ko ay nagulat pa rin siya.

"Kanina ka pa ba?" gulat niyang tanong. Mabilis akong umiling at tinabihan siya. Rinig ko ang malalim niyang paghinga bago umiwas ng tingin sa akin.

Kita rito ang mga estudyanteng nagsasaya sa baba. Pinanood ko sila saglit bago tumingin sa langit. Maraming bituin kaya roon napunta ang buong atensyon ko. Ilang minuto lang ay nagsalita rin muli si Hendrix.

"Galit ka ba?" tanong niya at nahihimigan ko ang pangamba sa boses niya.

Ngumuso ako at umiling. "Hindi naman. Bakit?" Nanatili ang tingin niya sa baba.

"Wala. Akala ko nagalit ka... dahil doon sa sinagot ko kay Jack kanina," mahina niyang sinabi.

Nag-isip ako. Hindi naman ako nagalit. Nabigla lang ako dahil hindi ko inaasahan 'yon. Tumingin ako sa kaniya at bumuntonghininga.

"Bakit naman ako magagalit? Hindi naman masamang magkagusto sa isang tao... kaya lang kasi—"

"Hindi mo 'ko gusto." Tumango siya at malungkot na ngumiti. "Alam ko naman."

Maliit akong ngumiti. Mas okay naman siguro na alam niyang hindi ko siya gusto? Ayaw ko naman siyang saktan pero syempre ayaw ko rin naman na umasa siya sa wala.

"Sorry..." bulong ko dahil alam kong nasasaktan ko ang feelings niya.

Ngumiti siya at saglit na tumingin sa akin. "Hindi naman ako umaasa," malungkot niyang bulong. "Hindi rin naman tayo pwede."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"

He scoffed bitterly. "Nakatakda na kasi akong ikasal sa taong hindi ko naman mahal."

Lalo namang lumalim ang kunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ano?" Napakamot ako sa gilid ng noo dahil hindi talaga makuha ang ibig niyang sabihin sa nakatakda na siyang ikasal sa taong hindi niya naman mahal.

Tumingin siya sa akin. "Arranged marriage is quite a thing in our family."

Natahimik ako. He can't get to choose who to marry? That's... unfair.

"Don't tell the others yet," he whispered. Tumango ako at iniwas na ang tingin sa kaniya.

After a couple of minutes, I decided to break the silence.

"Nakita mo na ba kung sino 'yung babae?" tanong ko.

Tumango siya. "Sa picture."

"Maganda ba?" tanong ko pa.

He shrugged his shoulders. "I can't tell. But, she's definitely not my type."

"Ang kasal? Kailan?" Hinarap ko siya. Ipinatong ko na rin ang isang siko ko sa railings.

"Hindi ko pa alam." Ngumiwi siya. "Pero baka after graduation."

Nagulat ako at napangiwi. "That's too early—"

"Anong pinag-uusapan niyo?" si Kian.

"Wala," masungit kong sagot at umirap.

Gumitna siya sa amin ni Hendrix. May sasabihin sana ako sa kaniya pero naabutan ko siyang nagta-type sa cellphne niya at mukhang may ka-text.

"Who's that?" I asked with my brows furrowed.

"Huh? Wala," maikling sagot niya.

"Naiinis ako sa 'yo," bulong ko.

"Ha? Bakit?" Gulat siyang tumingin sa akin. Nakikinig na rin si Hendrix sa pinag-uusapan namin.

"Did you genuinely love my friend?"

Nalaglag ang kaniyang panga. "A-ano?"

"Did you ever regret... hurting her feelings and doing... such things?" nahihirapan kong tanong.

"Jade..." He looked down as he sighed heavily.

"Sana naman nag-explain ka, 'di ba? Hindi 'yung nag-sorry ka lang tapos 'yun na 'yon." Hendrix looks like he want to stop me from talking but he was behind Kian and he's far from me kaya hindi niya magawa.

Umiling si Kian. "I'm sorry."

Bumuntonghininga ako. "Ayaw ko namang makialam kasi hindi ko naman alam ang kuwento niyo both sides pero kasi... you didn't bother to give her the explanation that she needed. Hindi mo sinabi kung bakit mo ginawa 'yon. Hindi mo man lang ba naisip na baka kinukuwestyon niya ang sarili niya dahil sa ginawa mo?"

Nanatili siyang nakayuko at hindi makatingin sa akin.

Lumapit na sa akin si Hendrix. "Calm down."

Itinulak ko ang kaniyang balikat para pilitin siyang tumingin sa akin. "Bakit hindi ka sumasagot?"

"I didn't mean to hurt your friend, Jade. I regret everything that I did..."

I was about to slap him but I managed to stop myself. My tears are forming as I sighed.

Paulit-ulit siyang umiling. Hindi pa rin makatingin sa akin. "I'm sorry," he whispered. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang tumulo niyang luha sa sahig.

"You know that your sorry won't change anything, right?" mahinang tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango. "Then, at least kahit explanation lang mabigay mo sa kaniya."

Iniwan ko na ang dalawa sa labas at nauna nang pumasok sa classroom. Dumiretso ako sa higaan ko. Tahimik na kaya rinig ko ang mga bulong nila ni Hendrix sa labas pero hindi ko na iyon maintindihan.

Naiinis ako sa kanila dahil sinaktan niya si Dianne. He didn't even bother to explain what went wrong. Kung bakit niya nagawa 'yon. Puro siya sorry.

Ramdam ko ang pagsisisi niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa 'yon. Kung magsalita siya kanina ay para bang may pumipigil sa kaniyang magsalita. Pakiramdam ko ay may tinatago siya na hindi niya kayang sabihin.

"Jade, gising na." I felt my body shake. "Jade!"

I groaned before wiping his arms away from my shoulders. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata bago umupo.

"What time is it ba?" malat pa ang boses ko dahil bagong gising. Pipikit-pikit pa ang mata ko.

"6:00 pa lang naman," sagot niya at lumayo na sa akin.

Saglit akong umupo lang at tumitig sa kawalan. Nang maramdamang gising na talaga ako ay saka lamang ako gumalaw. Kumuha ako ng damit sa bag ko para makaligo na.

Kami na ang magpe-perform ngayong araw. Nagpatahi pa kami ng damit na katulad talaga noong sa Blackpink. Mamaya ata dadalhin iyong damit at mamaya pa rin naman ang start kaya nag-home clothes muna ako.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako agad sa room para kumain. Para na rin hindi ako makakita ng tao na sisira sa araw ko.

Cup noodles at tinapay lang ang breakfast namin ngayon. Marunong naman silang magluto pero siguro dahil ay tinatamad ay ito na lang muna. May mga dala kaya silang rice cooker at kung ano-ano pa na pwede nilang gamitin para magluto. Hindi ko nga alam na allowed palang magdala ng gano'n.

"Jade, hindi ka ba kinakabahan?" curious na tanong ni Austin nang mapansin na parang wala lang sa akin na kami na ang magpe-perform mamaya.

Sasagot na sana ako pero naunang magsalita si Harry. "Don't talk when your mouth is full," sermon niya kay Austin na tinawanan lang ng lahat dahil siya mismo ay nagsasalita nang puno ang bibig.

Uminom muna ng tubig si Austin bago muling nagsalita. "Ano nga, Jade?"

Nagkibit-balikat ako para masagot ang tanong niya. "Hindi naman."

Sa hindi ko malamang dahilan... hindi ako kinakabahan. Siguro ay nasanay na ako noong nag-perform kami ni Daryl.

Napairap ako nang makita si Kian na nakatingin sa akin. I quickly finished my cup noodles.

"Anong meron? Galit ka ba kay Kian?" kunot-noong tanong ni Neil. Siguro ay napansin niya ang pag-irap ko! Ang bilis naman ng mata niya kung ganoon.

Mabilis akong umiling habang nakakunot ang noo. "Hindi. Naiinis lang."

"Huh? Edi galit ka nga," singit ni Austin.

Napairap na naman ako. "Magkaiba ang nagagalit sa naiinis, okay?"

Nagpahinga muna kami pagkatapos kumain. Ang iba ay naligo na. Hindi pa kasi kami pinapapunta sa Auditorium. Siguro ay maya-maya pa. May tatawag naman.

Ilang beses kong inulit iyong rap na kailangan kong ma-perfect mamaya. Doon kasi ako nahihirapan dahil syempre hindi naman ako fluent sa Korean.

"Mahirap ba?" Umupo si Ivan sa tabi ko.

Tumango lang naman ako. Saglit muna siyang natawa bago muling nagsalita.

"Naririnig kita, ayos naman ang ang pagsabi mo ng mga words. Buong-buo nga, e."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang 'yon. Korean siya kaya may tiwala naman ako sa sinabi niya.

"Tumira ka na ba sa Korea?" Wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya dahil hindi naman kami masyadong nag-uusap. Minsan kasi ay busy siya sa cellphone niya. Palaging may ka-video call.

"Yup," mabilis niyang sagot.

"Nasa ibang bansa ang pamilya mo?" tanong ko pa. "Lagi kasi kitang nakikitang may kausap sa phone, e."

"Nasa Korea ang parents ko. Pero 'yung lagi kong kausap, girlfriend ko 'yon." Napangiti siya nang mabanggit ang girlfriend.

"Really? Taga-saan?" curious kong tanong at hinarap na siya ng tuluyan.

"America," nakangiti niyang sagot. I can see that he adores his girlfriend so much.

"America? Paano mo siya nakilala?" dagdag na tanong ko.

"Noong nagbakasyon kami sa America. Kilala ng mga magulang ko ang mga magulang niya," sagot niya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sumingit si Daryl kaya natawa si Ivan.

"Thursday performers, please proceed to the auditorium."

Shit! Ito na.