Chapter 12: Kabanata 10

The Only GirlWords: 10697

Emerald Jade

Nakaalis na ang mga nanonood. Si Sir Jayson naman ay kinakausap pa rin kami. Nagbibigay siya ng mga tips para mas maging maayos pa ang laro namin.

"Okay naman ang teamwork natin. Ang problema lang ay lagi kayong nagkakabungguan kapag sasalo ng bola kaya nasasayang ang puntos," ani niya at tumango naman kami.

Maayos sana ang usapan kung hindi lang umimik si Lei Anne.

"Palagi kasing umeepal 'yung isa d'yan," bulong niya na narinig ko naman!

Alam kong ako ang sinasabihan niya dahil kaming dalawa lang naman ang palaging nagkakasalubong!

"Kung hindi ka kasi bobong sugod nang sugod," sagot ko agad dahil siya naman ang may problema rito. Hindi ko nga malaman kung marunong ba talaga siyang maglaro o nagpapasikat lang siya, e. Siya palagi ang may error sa amin.

Mabilis na humarang sa amin si Dianne nang maramdaman niyang hindi nagustuhan ni Lei Anne ang sinabi ko.

"Anong sabi mo?" iritadong tanong niya sa akin.

"Totoo naman ang sinasabi ko, ah? Bakit ka nagagalit?" tanong ko, hindi nagpapatalo sa kaniya.

"Tanga ka pala, e! Ikaw kaya 'tong sumubok agawin sa akin 'yong bola!" galit na sigaw sa akin ni Lei Anne.

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya. Paanong aagawin e' kailangan ngang ma-save? Ako ang nasa malapit kaya malamang na hahabulin ko 'yon! Sayang ang puntos. At mas nasayang lang lalo dahil sa kaniya!

"Girls, chill. Tama na 'yan. Panalo naman tayo, oh." Lumapit sa amin si Sir Jayson para umawat din.

Pero dahil hindi ko nagustuhan ang pagsigaw-sigaw sa akin ni Lei Anne ay malamang na sasagutin ko rin siya! Sinabihan pa ako ng tanga!

"Ano ba ang kinakagalit mo?" kunot-noong tanong ko at lumapit sa kaniya. "Ikaw lang naman ang maraming mali rito! Buti nga nanalo pa tayo, e. At anong inagaw? Bobo ka ba? Sa side ko lalapag 'yung bola! Ikaw, nasaan ka ba? Ang layo mo, 'di ba? Nakisabay ka pa sa akin!" inis na sigaw ko rin.

Ramdam ko ang paghawak ni Mia sa akin, pilit na nilalayo ako sa kaibigan niya.

"Wow! So, sinasabi mong ako ang may kasalanan? Bakit hindi mo na lang aminin na mali ka naman talaga? Sabagay, kailan ka nga ba umamin sa mga pagkakamali mo?" She scoffed which made me more annoyed.

Masyado naman atang malalim ang pinaghuhugutan niya? Ni hindi ko na nga makita ang connection no'n sa pinagtatalunan namin!

Binitawan na ako ni Mia. "Bola pa rin ba 'yang pinag-aawayan niyo?"

"Ano sa tingin mo?" inis na tanong ko. Wala naman kaming ibang dapat pag-awayan ni Lei Anne.

Inis na tumingin siya sa akin. "Bakit pati sa akin nagagalit ka?"

"Bakit ba kasi nangingialam ka?" inis na tanong ko rin at hinarap siya.

Magsasalita at susugod pa sana si Lei Anne sa akin ngunit sumigaw si Mia kaya napatigil siya.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Ano ba talagang problema niyo at hindi pa rin kayo tapos?" tanong niya at napairap naman ako.

'Yung bola nga sabi!

"Tanong mo d'yan sa dati mong kaibigan na mang-aagaw," parinig ni Lei Anne sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at mabilis namang humarang si Dianne. "Anong sabi mo?"

"Bwisit! Nasaan na ba si Andrei?" nagpa-panic na sabi ni Dianne habang hawak-hawak pa rin ako.

"Ang sabi ko mang-aagaw ka! I'm done with this shit!" galit na sigaw niya at padabog na umalis.

Tinalikuran ako!

Nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Mia kaya kumunot ang noo ko.

"What?" Ano naman ang problema niya? Wala naman akong ginagawa sa kaniya!

"This is all your fault! Bakit ba kasi bumalik ka pa?"

My lips parted. Wow. Just... wow.

Dahil sa inis ay malakas ko siyang natulak. Ang kapal naman ng mukha niyang sisihin ako!

"What the fuck are you doing to my girlfriend? Ano na naman bang problema mo?"

Napaatras ako sa gulat nang marinig ang galit na sigaw ni Jake.

"H-huh? Teka... Hindi ko kasalanan!"

I tried explaining myself but he chose not to listen. Pagdating sa akin ay sarado palagi ang tainga niya.

Lahat ng galit ko sa kaniya ay ngayon ko nabuhos. Ang unfair-unfair niya! Ako 'yung kapatid niya pero ako palagi ang mali sa paningin niya. Kahit kailan ay hindi niya muna pinakinggan ang side ko bago siya magalit at sigaw-sigawan ako.

Nakakainis na doon pa ako umiyak!Sabi ko ay hindi ako iiyak sa harap nila pero anong nangyari? Kasalanan 'tong lahat ni Jake!

Ang mas nakakainis pa ay maraming tao ang nakakalat sa labas at alam kong nakatingin silang lahat ngayon sa akin! Who knows what they're thinking? Malamang pinagtatawanan na nila akong lahat ngayon sa mga isip nila!

Mabilis na pumasok ako sa classroom namin na isa ring pagkakamali dahil nandoon pa silang lahat! Mabilis akong tumalikod para punasan ang mukha ko bago mabilis na lumapit sa upuan ko para kunin ang mga gamit na dala ko kanina.

Pilit kong hindi pinapansin ang mga tingin nila sa akin. Ramdam ko ang panonood nila kaya naiinis ako sa luha kong ayaw pa ring tumingin sa pagtulo.

Hindi ko na mapapanood ang laro nila pero ayos lang 'yon dahil wala naman silang pakialam sa akin. Kahit na hindi ako manood ay hindi naman nila mapapansin. Hindi ko nga alam kung nanood ba sila sa akin kanina, e.

Nag-aalalang hinawakan ni Austin ang braso ko. "Jade, bakit ka umiiyak?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at akmang lalabas na nang biglang magsalita si Neil. "May laban kami basketball mamaya, hindi ka ba manonood?"

Sinubukan pa akong habulin ni Austin pero desidido akong h'wag muna siyang pansinin. Baka mamaya ay masigawan ko siya at madamay pa siya sa galit ko.

Nang makauwi ako ay tinawagan ko agad si kuya para sana magpasundo dahil gusto ko munang tumigil sa Pampanga pero pauwi na pala siya.

Alam kong pagod siya at ang balak ko sana ay huwag nang tumuloy pero nang makita niya akong umiiyak ay siya pa ang nagpumilit na ilayo muna ako.

Nag-aalalang lumapit siya sa akin at binitawan ang mga dala niya. "Bakit ka umiyak? Okay ka lang ba?"

Akala ko ay tapos na ang pag-iyak ko pero hindi pa pala dahil muli akong naiyak nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni kuya. Mabilis niya akong niyakap.

"Si Jake kasi..." parang batang sumbong ko sa kaniya.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

Umiling ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas pa para mag-kwento.

Tinapik niya ang likod ko bago buksan ang pinto ng kotse para sa akin.

Nang dahil sa pagod ay nakatulog ako habang nasa byahe. Nagising lang ako noong tumigil na ang sasakyan at tinapik na ako ni kuya.

"Akyat po muna ako sa kwarto,"  malumanay na paalam ko kay kuya.

Tumango naman siya at niyakap akong muli. "Rest," bulong niya sa akin.

Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng kwarto ko. I smiled painfully. Ito nga ba ang tahanan ko?

Pagkatapos kong matulog at magpahinga ay dumiretso ako sa banyo para ibabad ang sarili ko sa malamig na tubig. Ramdam na ramdam ko ang pagod ng katawan ko.

Nagulat ako nang makitang puro messages at missed calls ang cellphone ko.

From: Unknown Number

uy jade, okay ka lang talaga? nag-aalala kami sayo

- si austin po ito

From: Unknown Number

where the hell are you?

From: Unknown Number

nagpunta ako sa bahay niyo, hindi ka raw umuwi

From: Unknown Number

c'mon, aren't you going to reply to our messages? this is jack

Marami pa silang message sa akin na halos hindi ko na kayang basahin lahat.

From: Jake

Where are you?

From: Jake

Hindi ka umuwi?

From: Jake

I got a call from Kuya Anthony, you're in Pampanga pala. Usap tayo pag-uwi mo, please?

I saved my classmates numbers mabuti at may pangalan na nakalagay kung sino ang nag-text sa akin.

From: Kian

Hey! I know we're not close but you're crying when you left. Where are you? It's me, Kian ;)

From: Calyx

hi, classmate! saan ka raw nagpunta? calyx to, classmate mo

Gusto ko sanang ngumiti dahil sa mga nababasa pero hindi ako sigurado kung totoo ba ang pag-aalala nila sa akin.

Tadtad na messages din ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang Messenger ko.

Austin Kyut:

@everyone nag-seen na si jade guys

Austin Kyut:

asan ka? ayos ka lang ba? huhu

Halos lahat sila ay naka-online at parang hinihintay ang reply ko kay Austin.

Me:

Don't worry Austin, I'm okay. I'm here in Pampanga.

Pako:

hindi lang si austin ang nag-aalala sayo😠

Muntik na akong matawa. Pero nakakapagtaka pa rin ang ginagawa nilang ito.

Kian:

jade

anong ginagawa mo dyan?

Me:

Wala lang.

Blue Eyes:

Puntahan ka namin! Sabihin mo exact address.

Me:

No need. Uwi rin ako bukas.

Austin Kyut:

Uwi ka agad? Bakit?

Me:

Duh, may laban pa ko bukas! Grade 10 naman daw.

Jaydee:

We'll talk when you're back.

Jaydee...? Ah, si Daryl pala.

Me:

Is there something that we need to talk about? Sabihin mo na ngayon.

Jaydee:

Okay, if you want to. Accept my friend request first.

Me:

Okay.

In-accept ko na ang friend request niya para malaman na agad kung anong sasabihin niya dahil nakaka-curious. Ang arte naman kasi! Bakit kailangan pang i-accept e' pwede niya naman akong ma-message kahit hindi kami friends!

I almost dropped my phone when I received a video call request from him. Fuck! Hindi ako ready! Bakit kailangang tumawag?

I cleared my throat before answering his call.

Bigla naman akong na-conscious sa itsura ko. Hindi pa naman ako nakaayos!

"Ano 'yon?" masungit na tanong ko.

[Are you okay?]

Woah! I wasn't expecting that.

"Y-yeah? I guess." I shrugged my shoulders.

Humiga ako sa kama. Why do I suddenly feel comfortable talking to him? It somehow feels... familiar.

[Tsk. It's your brother, right?]

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

['Yung reason kung bakit ka umiyak. Tss.]

Ahas ba 'to? Ang sarap putulin ng dila! Lagi na lang naka-tsk o kaya tss!

By the way, he looks hot even if he's just wearing a plain black shirt.

"And so? Are you concern to me now?" mapang-asar na tanong ko sa kaniya.

[Asa! The whole section got worried because of you!]

"Oh, what should I say? Sorry? Or... thank you?"

[Damn you!]

Saglit akong natawa bago napairap.

[You look beautiful when you laugh.]

I got stunned. Did... Did I hear that right? I faked a cough.

"Is that a compliment or what?" mataray na tanong ko para hindi niya mapansin na natigilan ako.

[Of course, it's a compliment!] inis na sagot niya.

[Son! It's time to— wait, who's that?] His mom suddenly showed up. Inagaw niya ang cellphone sa anak. [Oh! Jade, hija! Nag-uusap na pala kayo ng anak ko? How are you? Punta ka rito bukas, ah!]

Nagulat ako sa biglang pag-aya niya sa akin. How can I reject her? Ang bait-bait niya sa akin! Ayaw ko namang maging rude sa kaniya.

"S-sige po."

[That's great! I'll prepare some food for you! Hindi kasi natuloy ang dinner natin, e. Ang busy schedules talaga ang may kasalanan ng lahat.]

"Sige po, Tita," I awkwardly said.

Binalik na niya ang cellphone kay Daryl.

[H'wag mong paasahin ang mommy ko! Pumunta ka, ha!]

"Yeah, yeah. Whatever, bye!"

Inirapan ko siyang muli bago patayin ang tawag.

Napatitig ako sa kawalan. Are they really worried about me? Or it was all just an act?

Kailangan ko bang mas maging maingat?