Chapter 11: Kabanata 09

The Only GirlWords: 11800

Andrei Jake

It's already late yet I still can't sleep. I'm thinking about Jade. I'm thinking about my sister. Alam ko naman kasing hindi maganda ang nangyayari sa kaniya sa section niyang 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit doon sa section na 'yon siya napunta dahil matalino naman ang kapatid ko. Alam kong matalino 'yon dahil naka-display ang mga medal niya roon sa kwarto ni kuya.

Unang araw pa lamang ay sinabihan ko na ang adviser ni Jade na pilitin siyang lumipat sa section namin pero dahil sobrang tigas ng ulo niya, hindi siya pumayag! Ano bang gusto niya roon? Pangit naman ang ugali ng mga estudyante sa section na 'yon. Baka wala pa siyang matutuhan doon dahil ang section na 'yon ang ayaw na ayaw na pasukan ng mga teacher.

Pero bakit nga ba ako nangingialam? Buhay niya 'yon. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin.

Inis na umayos ako ng higa at pinilit nang matulog. Sasakit lang ang ulo ko kakaisip sa babaeng 'yon.

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm. Sabado ngayon at kailangan ko pa ring pumunta sa school dahil may laban kami ngayon ng basketball. At isa pa, maglalaro rin si Mia kaya kahit tinatamad akong pumasok ay kailangang nandoon pa rin ako.

Nag-aayos ako para makapag-jogging na. Nakasanayan ko na kasing gawin iyon tuwing sabado at linggo. Para na rin makalanghap ng sariwang hangin dahil hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay.

Nagulat ako nang makitang lumabas din ng kwarto si Jade. Kumunot ang noo ko nang makita ang suot niya. Mag-jogging din siya? Nakakagulat din na maaga siyang nagising ngayon dahil kapag walang pasok ay tanghali na 'yan bumabangon.

"Where are you going?" tanong ko at saglit lamang siyang tumingin sa akin.

"Jogging," she answered shortly.

Nice. Kapag ako ang kausap ang cold niya. Tsk.

Isasama niya ba ang mga aso niya sa labas? Hindi ba siya mahihirapan na may dala-dala siyang alaga?

"Akin na si Pomy. I'll go out to jog, too," mahinang sabi ko at lumapit sa aso niya. Ibinigay niya sa akin ang dog lace nito.

"You should behave, baby. Magagalit sa 'yo si Tito Jake kapag nagkulit ka," ani niya na akala mo'y tao lang din ang kausap niya.

Tumahol si Pomy pagkatapos niyang magsalita. Nagkakaintindihan ba sila? Angas naman no'n.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness sa kaniya.

"Iikot ka lang ba o may pupuntahan ka pa?" tanong ko. Sinusubukan ko siyang kausapin ng parang katulad lang ng dati. Iyong hindi palaging galit. Iyong hindi palaging nakasigaw.

"Sa park. I'll let them play muna." Nararamdaman ko pa rin ang pagiging malamig niya sa akin pero hindi ko na muna iyon pinansin. Kung papansinin ko pa kasi 'yon ay paano pa kami magkakaayos niyan?

Nagsimula lang namang mag-iba ang pakikitungo ko sa kaniya dahil sa nangyari kay lola. Nagagalit ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay siya ang may kasalanan kung bakit maagang nawala sa amin si lola.

Sobrang pasaway ni Jade dati. Ang sakit niya sa ulo. Palagi siyang naga-guidance. Palagi siyang may inaaway. Pero ang pinakamalala niyang ginawa ay 'yung inuntog niya ang schoolmate siya sa pader dahil lang sa nagseselos siya roon. Nagseselos siya dahil lahat daw ng atensyon ay naroon lahat sa babae.  At nung nalaman ni lola ang nangyaring 'yon ay inatake siya sa puso.

And... that's the reason why our lola is in heaven now.

Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin, kulang ba ang atensyon na ibinibigay ko sa kaniya dati? Hindi pa ba sapat 'yon? O baka talagang uhaw lang siya sa atensyon. Baka gusto niya lang talaga na nasa kaniya ang mata ng lahat.

Mom talked to me before she left for Pampanga. Gusto niyang intindihin ko na lamang ang kapatid ko pero hindi ko maintindihan kung bakit. Why do I need to understand her? Kailangan ba palagi na lamang namin siyang iintindihin?

Hindi ako ready sa naging sagot sa akin ni mommy. She made me realized some things. Nalaman ko rin ako pala ang may mali. Kami pala ang may kasalanan.

Si Jade ang palaging napag-iiwanan sa amin. Siya ang palaging naiiwang mag-isa sa bahay. Siya ang palaging naaapektuhan ng mga schedule namin. Hindi siya masyadong nabibigyan ng oras— mas tamang sabihin na hindi siya nabibigyan ng oras at atensyon kaya siguro sa iba niya hinahanap 'yon.

Busy ako sa school noon at magkaiba pa kami ng school na pinapasukan kaya hindi ko siya masyadong naiintindi. Sina mommy naman ay busy sa trabaho. Paminsan-minsan pang pumupunta ng ibang bansa sina mommy. Sina kuya naman noon ay malayo sa amin at si lola naman ay tumira lang kasama namin noong nagsimula nang tumigil sina mommy sa New Zealand.

Mas matanda ako ng isang taon kay Jade. Una ako sa kaniyang pumasok ng school. Kaya lang naman kami nagkasabay ngayon dahil kinailangan kong tumigil noon sa pag-aaral dahil sa nagkasakit ako.

Tuwing umuuwi naman ako sa bahay noon ay nakangiti palagi ang kapatid ko sa akin kaya akala ko ay okay lang siya. Akala ko ay walang problema. Hindi ko tuloy napansin na nalulungkot na pala siya.

Sinusubukan kong maging maayos ulit kami pero parang abot-langit na ang sama ng loob niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi.

My girlfriend called me earlier to say that Jade's team might be their opponent later.

Tahimik pa rin siya. Ayaw niya ba akong kausap? Sabagay... sino ba namang tao ang gugustuhing makipag-usap sa taong laging nang-aaway sa kaniya? Tsk.

"Sumali ka pala sa volleyball?" tanong ko para naman sana may mapag-usapan kami.

Isang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin siya sumasagot!

Patience, Jake. Patience. Intindihin mo ang kapatid mo.

"Aren't you gonna answer me?" mabilis akong napapikit ng mariin dahil sa tanong ko.

Fuck! Sabi ko patience!

H'wag sana siyang magalit dahil katulad ko, pikunin din siya!

"May iniisip lang ako! High blood ka agadd'yan. Oo, sumali ako!" mabilis niyang sagot.

Ngayon alam ko na kung sinong nakamana ng pagiging rapper ni mommy.

"Kalaban niyo ata ngayon ang girlfriend ko," sabi ko. Gusto ko siyang makausap ng matagal pero wala naman akong maisip na sasabihin!

"Siguro," maikling sagot niya sa akin.

I pursed my lips.

"Magaling mag-volleyball 'yon," I bragged.

"Siguro," hindi interesadong sagot niya.

"Anong siguro? Magaling talaga'yon! Present ako lagi kapag may laban 'yon!"

"H'wag magsalita ng tapos, baka mas magaling pa 'ko sagirlfriend mo. Hindi mo pa ako nakikitang maglaro."

I smiled secretly. Akala mo lang hindi...

Simula na ang laro nila. Nagkaroon ng pagbabago sa pagkuha ng players na ilalaban sa ibang school dahil kailangang madaliin. Kailangan pa raw kasi mag-training.

Hindi ko alam kung paano sila pumili pero ang magkakasama ngayon ay sina Mia, Lei Anne, Dianne, Rionica at Jade. 'Yung iba nilang kasama ay hindi ko na kilala.

Halos pareho ang galaw nung apat. Galaw na akala mo'y kilalang-kilala nila ang galaw ng bawat isa kaya malaki ang lamang nila sa kalaban. Maganda rin ang teamwork, iyon ang narinig ko.

Hinabol ni Jade ang bola para sana i-save ito ngunit nagkasabay sila ni Lei Anne kaya nagkabungguan ang dalawa. Nakapuntos tuloy ang kabila. Nag-request ng break ang coach nila. Si Sir Jayson.

Nang makalapit sila sa coach ay doon na nagsimulang magsagutan ang dalawa ni Lei Anne. Hindi ko sila marinig dahil nasa malayo ako at maingay ang mga nanonood.

Kanina ko pa napapansin na hindi maayos ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Bukod sa hindi sila nagpapansinan ay iniiwasan din nila ang mapatingin sa isa't isa. Kapag nagkakalapit ay biglang lumalayo agad.

After the long game, they won.

Dahil siguro sa labis na tuwa ay nagyakapan silang lahat. Pero parang mga tanga lang dahil nang ma-realize nilang nagyayakapan sila ay mabilis silang lumayo sa isa't isa.

Weird.

Balak ko sanang lumapit pero kinausap sila ni coach. Mamaya na lang siguro ako lalapit.

"Restroom lang ako, pre," paalam ko sa kaibigan ko.

"Sige lang," sagot nito at tumingin nang muli sa cellphone niya.

Dumiretso na ako sa restroom. Ihing-ihi na kasi ako.

"Kilala niyo 'yung Jade? 'Yung naglalaro kanina," rinig kong sabi ng isang lalaki.

Kumunot naman ang noo ko dahil alam kong kapatid ko ang pinag-uusapan nila.

"Oo, pre. Gago ang ganda no'n," rinig kong sagot ng isa niyang kasama.

Katabi nila ako ngayon at naghuhugas ng kamay. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap sa kapatid ko ngunit nang marinig ko ang huling sinabi ng mga ito ay doon na naubos ang pasensya ko.

"Alam ko kung saan nadaan 'yon tuwing uwian. Ano? Pustahan ba? Maganda pa naman ang katawan no'n."

My fist landed on their face one at a time. Sinubukan pang lumaban ng dalawa ngunit dahil sa galit ko ay hindi sila makaubra.

"Kapatid ko 'yon, tangina niyo!"

Mabilis silang tumakbo palabas nang magkaroon sila ng pagkakataon pero hindi pa ako tapos sa mga 'yon.

I dialed that one person's number.

"Hello, Ms. Principal. I want to report something," diretsong sabi ko at hindi na nagdalawang-isip pa.

Hindi ko naman pwedeng hayaan lang na magpagala-gala ang mga 'yon dito. Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin ng mga gagong 'yon sa kapatid ko.

[What is it, Mr. Fernandez?] tanong niya at nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

"Three students from Section D tried to do something to my sister. I want them expelled now!"

[But, Mr. Fernandez...] Rinig ko ang buntonghininga nito.

"Hindi ko pa 'to sinasabi kay kuya, Miss. Alam mo naman siguro kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman niya pa 'to, 'di ba?" pananakot ko pa. Ayaw kong gumamit ng connections pero ibang usapan na kapag kapatid ko ang maaaring mapahamak.

Alam naman nila kung anong kayang gawin ni kuya at kung anong maaaring mangyari sa school na 'to kapag nagsumbong ako.

She sighed heavily. [I understand. They will be expelled as soon as possible.]

Bumalik na ako para sana i-congratulate sina Jade pero hindi ko nagustuhan ang naabutan ko.

"What the fuck are you doing to my girlfriend? Ano na naman bang problema mo?" Inalalayan kong tumayo si Mia. Itinulak niya kasi at kitang-kita ko pa!

"H-huh? Teka... Hindi ko kasalanan!"

Nakita ko naman, itatanggi niya pa?

"Talaga lang, ah?" sarkastikong tanong ko.

"Jake, kasi..."

"Stop talking! H'wag ka nang magsalita kung magsisinungaling ka rin lang naman."

Bumuntonghininga siya. "Ayan! Ayan ka na naman, e..." Ramdam ko ang pagpipigil niya ng iyak dahil sa malalalim niyang paghinga. "Hindi ka na naman nagtanong kung anong nangyari! Kapag nasaktan 'yang girlfriend mo, susugod ka agad! Kapag ako na 'yung nasaktan, anong ginagawa mo? Nanonood ka lang?" Sunod-sunod ang pagtulo ng kaniyang luha kaya naikuyom ko ang kamao ko.

I made her cry.

I stared at her, unable to process everything. Am I wrong?

"Kuya naman..." Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ang tinawag niya sa akin. Rinig ko ang hinanakit sa boses niya na parang ilang taon niyang kinimkim iyon. "Kahit minsan lang iparamdam mo naman sa 'kin na kapatid mo 'ko. Ako naman 'yung kampihan mo." She cried in frustrations.

I looked away, unable to watch her cry... in front of us.

Stop crying. Please.

"Uso naman kasing magtanong, Jake! Magtanong ka muna kung anong nangyari! Kung bakit ko tinulak 'yang girlfriend mong magaling! Hindi 'yung magagalit ka na lang bigla sa akin without knowing what your girlfriend said to me," mariing sabi niya habang nasasaktang nakatingin sa akin. "Kahit kailan talaga napaka-unfair mo, kuya."

Mabilis siyang lumabas ng gymnasium at hindi na muling lumingon pa sa amin.

I looked at my girlfriend. The disappointment was written on her face. "You're being too harsh on your sister. May nasabi akong hindi maganda sa kaniya at tinulak niya ako dahil doon. Next time, alamin mo muna ang buong pangyayari."

"Hinahanap pa naman kita kanina para sana humingi ng tulong para awatin sila pero ganito naman pala ang gagawin mo sa kapatid mo. Inalam mo ba muna ang nangyari? Hindi, 'di ba?" She chuckled in disbelief. "You don't realize that those little accusations from you... can hurt your sister big time."