Tayo'y nagmula sa sawing pag-ibig,
Mula sa mga pusong pina-ibig.
Pinaghalong minahal at winasak,
Miserableng pinaluha mula sa pagkakabagsak.
Nakilala kita bago kami nagkahiwalay,
Ika'y malungkot at walang buhay.
Ako'y nakaramdam ng awa,
Nang idinaan mo ito sa mga halimbawa.
Ilang linggo lang ako'y sumunod sa'yo,
Naramdaman ko ang naranasan mo.
'Di inakalang makaranas kagaya ng iyong mga sinabi,
Ito'y hindi maitatanggi.
Hindi ko alam kung ito'y isang love story,
Pareho naman tayong sawi at luhaang umuwi.
Subali't palagi tayong magkausap,
Sa messenger na walang kurap-kurap.
Nararamdaman kong may feelings ka para sa'kin,
At ako'y umaasa sa atin.
Sana nga ay ganoon ka rin,
At baka nga ay magkakatulayan lang din.
Gusto natin ang isa't-isa,
Dahil pareho tayong galing sa akala.
Ngunit takot na tayong sumugal ulit,
Mula sa mga pasakit na paulit-ulit.
Nasa ponto na ako ng aking buhay,
Na pawiin ang sakit sa'yo na walang humpay.
Sana nga ay sasaluin mo ako,
Dahil handang-handa na akong bumagsak dito;
At muling magpapakasawi para sa'yo.