Chapter 32: iii. pinaiyak

Letters To NimbusWords: 797

Wala na ang dating mga ngiti

Hindi na rin tayo kinikilig

Puro na lamang mga hikbi

At mga yakap na malalamig

Ito na ba talaga ang huli?

Wala na bang ihahaba pa?

Tanong ko sa sarili

Habang patuloy sa pagluha

Nangako tayo sa isa't isa

Saksi ang mga tala

Binuo ang kulang na kapareha

Lungkot ay ginawang ligaya

"Hindi kita iiwan. Mahal kita."

Iyong winika na aking pinaniwalaan

Subalit sa una lang tayo masaya

Binuo mo nga, sinira mo rin naman

Kung gaano kita kabilis nakilala,

Ganoon din nang mawala ka.

Parang kahapon kay lambing mo pa,

Ngayon, aking hinahanap ka.

Nawalan ng tugma ang aking mga tula

Papel ay nagusumot at nabasa

Matapos mapaniwala

sa pagmamahal na isa lamang salita

Pilit pinangiti ang mukhang luhaan

At binulong sa buwan

Na sana ibalik ang nakaraan

Noong hindi mo pa ako binitiwan

PreviousContents
Last Chapter
PreviousContents
Next