Chapter 21: CHAPTER 19

I Hate You , I Love You | UNFORGOTTEN SERIES 2Words: 7540

--------------------ASTON'S POV-------------------

(Knockkkkkkk knocked)

"You guys ready ?Kuya Clint called me ,he said they are about to go out "Saad ni Kuya Clyd

"Okay na kami let's go"Sagot ni Asher dito kaya lumabas na din kami ng kwarto.

Umaga ng dumating kami dito sa Japan bago tumawag samin ni Kuya Clint at sinabi Ang rason kung bakit nya kami pinasunod dito.And it's because gusto nya ng mag proposed kay Kuya

At first hindi ako nakasagot , napaisip sa lahat .Magpapakasal sila even though they are both guy ,iniisip ko na baka husgahan ng mga tao si Kuya Aiden .But in the end I realize He's happiness is more important than anything else ,kaya Masaya kaming pumayag na tatlo ng mag paalam samin si Kuya Clint .

Hindi alam ni Kuya Aiden na nasa Japan na kami dahil nga surprise ang magiging proposal .Pag dating pa lang namin sobrang temp na temp na kaming Makita sya dahil sobrang miss na namin sya lalo pa at nasa iisang hotel lang din kami kung saan sila nag s-stay .Pero dahil nga wala syang alam ay kailangan namin mag hintay na makita sya .

"Andito na po sila ,pwede na po kayong bumaba "imik ni Kuya Khan dahil pag dating namin sa may Tower ay nanatili muna kami sa sasakyan habang nag hihintay na dumating sila at maayos ang lahat

"Ayy sheeeettt !"

"Why ? what's wrong?"tanong ni Kuya Clyd

"Nakalimutan ko mag suot ng Isa pang jacket,saka yung gloves ko "

"Ha?"

"Nag mamadali kasi kayo Akala ko nakasuot na ako ng jacket "

"How stupid " imik ni Carlos bago ay tatayo na sana para lumabas ng hilahin ko ito

"What the hell is wrong with you Human ?"

"Sorry na ....Pahiram ng isang jacket mo"

"What ?are you serious? "

"Hindi nag bibiro lang ako ,Totoo nga kasi....."

"No....."

"Sige na naka long sleeve at sweater ka pa naman sa loob ehh ,long sleeve lang suot ko "

"Was it my fault— that you are stupid ?"imik nito

"Ano ?baba pa ba kayo o gusto ninyong dito na lang kayo ?"pagtatanong ni Kuya Clyd

"Tssskkkk ,Here "pag tanggal nito ng isang jacket nya kaya dalawang suson na lang naiwan sa kanya

"Gloves pa "

"WHAT ? can't you see I only have one "imik nito pero binigay din naman bago ito inis na  bumaba

"When will you guys gonna get along with each other ?"Saad ni Kuya Clyd na natawa na lang

Pag baba namin ay dahan dahan lang kami dahil nakatalikod si Kuya Aiden at busy sa pag kuha ng picture ng umalis si Kuya Clint at iniwan sya .Marami pang ibang tao ang andon kaya hindi nya rin kami agad nakita ng humarap na ito . Hangang sa ilang sandali pa ay makita nya kami at magsimula itong umiyak at bumalik si Kuya Clint na lumuhod sa harap nya ,kita namin ang pag kalito sa kanya humarap pa sya sakin at tinanong ako kung ayos lang ba sa akin .Alam kong mahal na mahal nya si Kuya Clint at ganun din ito sa kanya kaya hindi man maganda ang naging simula ng lahat ay tinangap namin yun para sa kanya at sa ikasasaya nya .

After the proposal ay nag aya si Kuya Clint na kumain muna,gusto pa sana namin mag tagal kaso nag mamadali si Carlos nilalamig na daw kasi sya and I forgot that I take his jacket and gloves

kaya umalis na din kami agad para mag punta sa restaurant at kumain

"Ang tagal naman nilang bumaba ....Mukang dinala na ni kuya Clint si Kuya mag honeymoon ahh "Saad ko ng naka order na kami at nasa loob na pero hindi pa sila bumaba ganung mag kakasunod lang naman kaming dumating sa restaurant

"Can't you wait?maybe they are still talking"

"Talking? Ang tagal ha ,Kuya Riz tawagin mo na sila darating na yung pag kain nagugutom na ako "Saad ko

"Heehhh gutom ka ulit ?"tanong ni Asher

"I am bakit ba?"

"All you did on the plane is eat,when we arrived at the hotel you eat again yet you are still hungry ?"Saad ni Carlos inirapan ko naman ito

"Pakealam mo ba ,ha?gusto ko ngang kumain ehh "

"I feel sorry whoever you will love is ."imik nito

So kawawa ka ?Ikaw ang mahal ko ehh

"Tumigil na kayong dalawa andito na sila "imik ni Kuya Clyd ng bumalik na si kuya Riz kasunod sina kuya Aiden at Kuya Clint bago kami nag simulang kumain habang nag kukwentuhan kung anong mga nangyari sa bakasyon namin.

Pag katapos namin kumain ay bumalik na din kami sa hotel dahil sa malalim na rin ang Gabi at lalong lumamig nasa labas .

"Ton San ka pupunta?"pagtatanong ni Asher ng palabas sana ako ng kwarto namin

"Ibabalik ko lang itong jacket ni Carlos "sagot ko dito

"Hhhmm Sige balik ka kaagad "imik ni Ashwin Saka ako lumabas

Pangatlong kwarto lang mula sa kwarto namin ang kwarto ni Carlos ,mag Isa ito dahil yun daw ang gusto nya kaya may sarili syang kwarto.

(Ding ding )

"Who's tha—"napatigil ito ng pag bukas nya ay ako ang nakita nya sa labas

"What do you want?"tanong nito

"Okay ka lang ?"pagtatanong ko dito dahil namumula na ang ilong nito ay parang may sipon pa

"I'm okay ,bakit kaba andito?"sambit nito

"A-ahh ito yung jacket mo ibabalik ko lang "imik ko bago inabot sa kanya ang jacket nya na kinuha naman nya agad .

Sa pag aabot ko ng jacket sa kanya at napadampi ang kamay nya sa kamay ko at naramdaman ko na sobrang init nito kaya nag taka ako .

"M-may sakit ka ba?"

"Wala to just a cold "sagot nito

"Hindi ehh may lagnat ka.Sandali sasabihan ko si Kuya Cli—"

"No."napahinto ako ng lakas boses nyang sabihin yun

"Pero—"

"Do I looked like a kid?I can take care of myself okay ?just go..."imik nito bago tumalikod na

Nakonsensya naman ako kaya pumasok na ako sa kwarto nya .Alam ko kasing dahil siguro inagawan ko sya ng jacket kaya nag ka ganto sya

"Ohhh what the hell are you doing here ?I said just go I'm okay " imik nito bago naupo sa kama nya

"Hindi kita pwedeng Iwan ng ganyan lang baka mamaya may mangyari pa sayo ,Saka alam ko namang kasalan ko kaya ka nag ka colds dahil kinuha kaoa Yung jacket mo "

"Buti naman alam mo "sagot nito

"Ahhhmm mahiga ka muna,ito taasan mo yung unan mo "utos ko dito at pinag patong ang mga unan nya

"What are you doing ?"tanong nito ng nag iikot ako sa kwarto para humanap ng towel

"Wag ng maraming tanong Basta dyan ka lang."Saad ko dito bago kumuha ng warm water sa shower ng CR

"Mag hubad ka "utos ko dito

"What?are you serious?what are you going to do with me ?"

Wow ha ?ako pa talaga yung may gagawing masama ?

"Wala akong gagawin sayo,pupunasan lang kita makakatulong to sayo kaya bilisan mo na wag ka ng maarte dyan o gusto mong mamatay Sige "Saad ko

"Patay agad ?"imik nito bago ay ginawa rin naman ang sinabi ko .

Pinunasan ko sya at pag katapos nun ay binihisan Buti na lang at nakapagpabili na pala sya ng gamot kaya nakainom ito .

Magpahinga ka na ,bukas okay ka na hihinaan ko lang din yung AC para hindi masyadong malamig"Saad ko dito nahiga naman na ito bago ay pumikit kaya inayos ko lang ang mga gamit ko .binasa kong muli ang towel at pag labas ko ng banyo ay nilagay ko ito sa Ulo nya .

Inayos ko ang kumot nya ng bigla itong umikot pakabila at diretsong yumakap sakin kaya na out balance ako at bahagyang napasandal sa headboard ng kama.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at parang tatalon na palabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito .

Ashton kumalma ka nga

"Hhhmmm"rinig kong pag ungot ni Carlos at siniksik ang muka nya malapit sakin kaya ramdam na ramdam ko ang init nya .

"I'm sorry,if it's not because of me .Wala ka sana sa ganyan ngayon ."imik dito

"Aiva..... Please dito ka lang"mga salitang lumabas sa bibig nya that somehow I feel like someone stubbed in my heart .It's like there is  something painful in my heart na hindi ko alam kung ano at para saan ,Basta masakit nararamdaman ko yung sakit at bigat ng puso ko .

"Aiva ?Sino sya ?bakit mo sya hinahanap Carlos ?

Ms.Lizzie:Who really is Aiva in Carlos life ?