Chapter 30: Chapter 29

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 29117

Devon's PoV

"Totoo? O baka pinagloloko mo lang kami. Sasapakin talaga kita." hindi maka-paniwalang tanong ulit ni Trisha.

Mukha ba akong nagbibiro?

"Hmp! Edi, huwag kayong maniwala. Hindi ko din kayo iimbitahan sa debut ko dahil hindi kayo naniniwala sa akin." balewalang sabi ko sa kanila.

At binalik ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Ha? Diba tapos na ang birthday mo? Tapos may panibago na naman?" takang tanong ni Tanya.

Binaling ko naman ang tingin ko sa kanya. Nakita ko nakatutok lahat ng tingin nila sa akin.

"Iyon ang gusto ni mama e. Hindi kasi natuloy noong sabado ang birthday ko at ang kambal ko." kabit balikat kong sagot sa kanila.

Naramdaman ko naman na napasinghap sila.

"Whoa!! Kita niyo naman, may kambal pala ang kaibigan nating ito."

"Grabe hindi ko makapaniwala na ganito ang ikukwento mo sa amin."

Napailing na lang ako. Mukhang manghang mangha sila sa kwento ko. Sabagay ganun din ako noong una.

"Tigilan niyo na nga yan. Bakit ba manghang na mangha kayo diyan?" natatawang tanong ko.

"Duh!! Ikaw ba naman ang malaman na anak ka pala ng mayaman na tao at may-ari pa ng school na pinapasukan natin. Tignan lang natin kung hindi ka mamamangha"

"At ito pa ha, kaibigan pala natin siya. Jusko. Ang ganda ipagmayabang na kaibigan natin ang may-ari ng school. Hehe!"

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Tigilan niyo na nga ako, ituloy na nga lang natin itong kinakain natin. Baka mamaya lumamig na ito. Hindi na masarap." pag-aalibay ko.

Naiilang ako sa mga pinag-sasabi nila.

"Hindi mo ba tatanungin kung nasaan si Calvin, Devon?" biglang tanong ni Tristan.

Kaya napabaling ulit ang tingin nila sa akin. Heto na naman tayo. Nakatingin na naman silang lahat sa akin.

Pero hindi ko na lang yun pinansin. Ang nakakuha ng atensyon ko ay yung tanong ni Tristan.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pero ramdam na ramdam ko na namumula na ang magkabilang pisngi ko.

"H-ha? B-bakit ko n-naman siya t-tatanungin?" utal na balik kong tanong sa kanya.

Natawa naman sila.

"Wala lang, baka lang kasi hinahanap mo." kabit balikat n'yang sagot. Pero may ngisi parin sa labi.

Paano niya kaya nalaman na kanina ko pa siya hinahanap? Halata ba ako?

"May tumawag sa kanya kanina, nang matapos n'yang binaba ang tawag dali dali siyang tumatakbo at pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan niya. Hindi lang namin alam kung saan ang punta niya. Pero makikita sa mukha niya ang pag-aalala.. " kwento ni Ross habang ngumunguya.

"Ahh!!" parang wala sa sariling sabi ko na lang at biglang napayuko.

Habang kumakain kami, biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ross.

May tumawag sa kanya? At bakas sa daw mukha nya ang pag-aalala? Saan naman siya pumunta? Sino yung pinuntahan? Ganun na lang ba kaimportande ang pinuntahan nya para hindi man lang nakapagpaalam?

Babae ba o lalaki  ang pinuntahan?  Bigla na lang nanikip ang dibdib ko nang pumasok sa isip ko na babae ang pupuntahan niya.

Ang suwerte naman ang babaeng yun.

Pero diba sabi niya noon, girlfriend nya ako? Pero bakit ganun? Ang sakit parin sa puso ng marinig na may pinuntahan siya at alalang alala ito.

Sabi ko na e, pinaglalaruan lang niya lang ako.. Hindi totoong gusto niya ako. Ganun na lang ba ako katanga sa pag-ibig?

****

Naglakad lakad ako dito sa loob ng mall. Kanina pa nagpaalam sina Megan, may klase daw pa sila. Baka daw hindi sila papasukin kung magtatagal pa sila dito.

Kaya wala akong nagawa kundi nagpa-alam din sa kanila.

Hindi pa ako umuwi sa amin. Gusto ko munang magpalamig dito. Mag-tingin tingin ng mga paninda..

At isa pa, gusto ko din ng mag-isip isip kung paano ako, aamin kay Calvin na mahal ko siya. Gustong gusto ko na talagang amin ang nararamdaman ko... Hindi ko na kayang ilihim pa.

Kahit nasabi ko na sa kanya na may gusto ako sa kanya pero gusto ko talaga yung hindi ako lutang na magtapat, sobrang kahihiyan talaga ang naramdaman ko noon.

Inalis ko na lang sa isipan ko yun at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Hanggang sa nakarating ako sa ice cream parlor.. Pero hindi pa ako nakakapasok.. Nang may nahagip ang mata ko sa loob.

Bigla akong kinabahan sa nakita ko. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Pero ang napansin ko na lang ay biglang nanikip ang dibdib ko.

Si Calvin.

Si Calvin na may yakap yakap na babae. Hindi ko makita ang mukha nung babae dahil sa nakayakap siya sa dibdib ni Calvin.

Parang napupunit ang puso ko sa nasaksihan ko ngayon. Hindi ko kayang makita siya na may yakap yakap siyang iba..

Bakit?

Bakit parati na lang akong nasasaktan pagdating sa kanya?

Ayoko na, suko na ako... Ang sakit sakit na.  Lagi na lang akong nasasaktan.

Nakatingin lang ako sa kanila, hindi ko maalis ang tingin ko. Pero ang mas nakapabigat sa damdamin ko ay biglang hinalikan ni Calvin ang ulo nung babae.

Para akong napako ng maghiwalay sila ng yakap nung babae. Para akong nawalan nang hangin sa baga nang makita ko ang mukha nung babaeng kayakapan ni Calvin.

Si Chelsea.

Para akong nanghina.... Hindi makapaniwalang siya ang yakap yakap ni Calvin.

Sila parin ba?

Pinagloloko lang ba ako ni Calvin?

Totoo ba talagang may gusto siya sa akin o biro lang ang lahat nang iyon?

Kung totoo naman na pinaglalaruan niya ako. Edi panalo na siya, nasaktan na ako nang sobra sobra.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya haplusin ang buhok ni Chelsea. Para itong ingat na ingat. Bigla na namang nanikip ang dibdib ko dahil dun.

Kung tatawagan ko kaya siya at tatanungin kung nasaan siya? Sasagutin nya kaya ang tawag at ang tanong ko?

Wala sa sariling kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Tatawagan ko siya at tatanungin ko kung nasaan siya ngayon.

Pero isang sinungaling lang siya, ayoko na talaga. Suko na ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita o makasama.

Agad ko siyang tinawagan... Nagtago ako sa hindi nya ako kita. Ayoko na makita nya ako dito na nasasaktan..

"Hello?"

Nagulat ako nang magsalita ang nasa kabilang linya. Akala ko hindi niya sasagutin dahil busy siya sa babae niya?

Babae niya?

Bigla na lang may kumurot sa dibdib ko. Sumilip ako sa pwesto nila. Nakita ko si Chelsea na kumakain ng ice cream, katabi nya si Calvin. Malungkot na lang akong nakatanaw sa kanila.

Para silang nagdi-date.

"Hey! Still there?!"

Mabilis akong inalis ang tingin ko sa kanila.

"A-ah, oo!" mabilis kong sagot...

"Bakit ka napatawag? Miss mo na ako 'no?" pang-asar niyang tanong sa akin. Ramdam na ramdam ko na nakangisi na naman siya ngayon.

"H-hindi a. B-bakit n-naman kita m-mami-miss?" nauutal kong mabilis na sagot sa kanya.

"Pft! Chill lang, huwag kang kabahan. Ano naman kaya ang kailangan ng girlfriend ko para napatawag siya? Hmm!!" tanong nya sa kabilang linya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nyang girlfriend ko.

Hindi ko maitatago na mas lalo akong nagkakagusto dahil sa mga salita n'yang mga sweet.

"N-n-nasaan k-ka?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Nagtaka naman ako nang wala akong narinig mula sa kabilang linya. Kaya agad ko namang tinignan kung may kausap pa ako. Napakunot ako nang makita ko pang hindi pa called ended ang tawag.

"Hello? Nandiyan ka pa ba??" ako.

"A-ah, yeah! Nandito pa ako. A-ano ulit yung t-tanong mo?" medyo kinakabahan nyang tanong ulit.

Hindi ko alam kung nagkukunwari lang sya o ano. Pero inulit ko parin ang tanong ko.

Isang maling sagot mo, malaya ka na. Hindi ako maghahabol sayo. Kahit mahal kita..

"N-nasaan ka ngayon? S-samahan mo naman ako oh?" linagyan ko pa nang pagmamakaawa ang boses ko.

Please, sabihin mo yung totoo. Huwag kang magsinungaling sa akin. paki-usap ko sa isipan ko.

"S-sorry, babe. H-hindi kita masasamahan dahil nandito ako ngayon sa school, m-magsisimula na kasi yung k-klase namin.." sagot nya.

Liar.

Agad kong pinatay ang tawag. Isa siyang malaking sinungaling. Ang sakit sakit. Parang napunit punit ang puso dahil sa sagot nya.

Pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko noon, totoo ang lahat ng pinapakita niya. Yun pala isa palang kasinungalingan. Hinding hindi ko talaga siya mapapatawad.

Hindi na ako lumingon sa pwesto nila basta na lang akong tumakbo papalayo. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko.

Takbo lang ako ng takbo palabas nang mall.

Buti na lang at wala akong nabubunggong tao na nakakasalubong ko.

****

"A-anong nangyari nak? Bakit ka umiiyak? May umapi ba sayo? At saka, bakit hingal na hingal ka? Tumakbo ka ba ng mabilis?" sunod sunod na tanong ni mama sa akin pagkarating ko dito sa bahay.

Nadatnan ko sila mama at nanay na nag-uusap dito sa sala. Buti na lang at walang masamang nangyari sa akin kanina..

Nag-aalala silang lumapit sa akin. Hindi ako nagsalita, wala sa sariling niyakap ko si mama.

Naramdaman ko naman si nanay na hinahaplos haplos ang likod ko. Kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon.

"Shh! Tahan na anak." pag-aalo ni mama at iginaya nya ako paupo sa couch.

Pinagitnaan naman nila ako. Pero ang mukha ko, nakabaon parin balikat ni mama.

"Anong nangyari anak? Bakit ka umiiyak na umuwi? Kanina lang masaya kang umalis dito sa bahay." nag-aalalang tanong ni nanay habang patuloy ang paghaplos ng likod ko.

"B-bakit ganun po? Ang s-sakit sakit na makita ang taong m-mahal mo na may yakap yakap siyang i-ibang b-babae? Ang sikip po nang dibdib. Hindi ko po kayong makita siyang may kasa kasamang iba." humihikbi kong pagkukwento sa kanila.

Naramdaman ko naman na napatigil sila ng isang saglit pero agad din naman bumalik sa pagpapakalma sa akin.

"Hmm! Dalaga na talaga ang anak namin." si mama at medyo natawa pa.

Bigla akong napasimangot.."Mama naman e." reklamo ko at mas lalong binaon ang mukha ko sa balikat nya.

"Oo na, heto. Pft! Ang love hindi lang puro saya at pagmamahal, hindi ka tao kung hindi mo mararamdaman ang sakit. Mararamdaman mo talaga ang sakit kung bago ka palang sa pag-ibig ibig na yan. Pero hindi ka dapat susuko, malalagpasan mo din ang pagsubok na ibinigay sayo bago mo marating ang kasiyahan na iyong inaasam. Kaya huwag kang sumuko. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Kita mo kami ng papa mo, nalagpasan namin ang lahat nang problema. Hanggang humantong kami sa kasalan." mahabang paliwanag ni mama.

Agad naman naman siyang kumalas nang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabigla kong pisngi para punasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

"Kaya anak, magtiwala ka lang darating ang panahon na nalalagpasan mo ang ganitong pagsubok" pagpapagaan din ni nanay sa akin.

Nang dahil sa mga sinasabi nila, gumaan bigla ang nararamdaman ko.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumingin ako sa kanila na nakangiti.

"Maraming salamat po dahil pinagaan niyo ang pakiramdam ko." nakangiti kong pasasalamat sa kanila.

Niyakap ko silang dalawa. Kaya agad din silang gumanti ng yakap sa akin.

"Sino naman ang masuwerteng lalaking iniibig ng baby namin? Hmm " nakangiting tanong ni mama habang nakatingin sa akin.

Nang dahil sa tanong niya biglang umilap ang tingin ko, agad akong iniba ang tingin ko. Pero dinig na dinig ko ang tawa nilang dalawa ni nanay.

Bigla na lang namula ang pisngi ko.

"m-mama naman e, n-nay, t-tigilan niyo nga ako. Nakakahiya e." nahihiya kong reklamo sa kanila.

Agad kong inilagay ang palad ko sa mukha ko para hindi nila makita ang sobrang mulang mukha ko.

"Yiie!! dalaga na ang baby namin. Alam na ang salitang mahal." panunukso sila sa akin.

Napaigta ako nang sundot sundutin nila ako.

Waaahh! May kikiti ako diyan.

"Ayy ma'am, alam ko kung sino ang iniiyakan nang batang ito." biglang sabi ni nanay.

Kaya bigla akong napatigil. Mas ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Waaahh!!! Paano nalaman ni nanay??

"Talaga, manang Tess? Sino naman ang binatang ito?" may panunukso na tanong ni mama kay nanay..

Para itong excited na malaman kung sino.

"Si......."

"Waaaahh!!!"

Humihiyaw akong tumakbo papalayo sa kanila. Ayokong marinig ang sasabihin ni nanay kay mama..

Nang makarating ako sa loob ng kwarto ko, agad akong lumundag sa kama at napagulong gulong.

*******

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na ipakilala ako ng magulang ko sa lahat. Isabay pa ang birthday ko. Jusko, abot hanggang langit ang kaba ko ngayon. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko.

Sina mama at papa ang naging bahala lahat lahat. Wala kaming ginawa ni kuya Devin kundi ang magsukat ng mga susuotin namin sa araw ng kaarawan, kahit na tapos na.

Excited na ako ngayong araw na ito. Dahil first time lang mangyari ang okasyon na ito sa akin. Mula pa kagabi hindi gaano ako makatulog. Excited ang lola niyo.

Parang maraming mangyayari sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang sumagi sa isip ko. Pero agad kong pinagsawalang bahala.

Hindi parin nawawala ang excited ko.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Inaayusan ako ng stylist. Dito na lang sa bahay namin gaganapin ang birthday celebration namin. Okay lang din sa akin.

"Ang ganda ganda mo na anak, manang mana ka talaga sa akin. Ganyan na ganyan din ako noong kabataan ko." pukaw na papuri ni mama sa akin, matapos akong ayusan.

Napatingin naman ako sa kanya sa gilid ko. Kasama niya doon si nanay na ang lawak lawak ng ngiti. Bakas sa kanila ang saya.

Nag-uumapaw din ang saya ko. Dahil buo ang pamilya ko na ice-celebrate ang birthday namin ni kuya. Wala na akong hinihiling pa kundi ang makasama sila habang buhay.

"Talaga po maganda po ako?" wala sa sariling tanong ko naman. At binalik ang tingin sa malaking salamin sa harap ko. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako.

Kitang kita ko ang mukha kong may make up. Kinulot nila ang buhok ko. Pero hindi yung kulot na kulot. Yung may tatlong ikot lang ang ginawa nila para maging kulot ang buhok ko. Medyo makapal pa ang eyeliner sa gilid ng mata ko. Pinahaba nila ang pilik mata ko. May nilagay sila, pero hindi ko alam kung anong tawag doon. Pinatangos nila ang ilong ko. Na mas lalong kinabagay ng ayos ko. Hindi kasi katangusan ang ilong ko.

Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang anyo ko ngayon. Kailan lang, ang pangit pangit ng itsura ko, tapos ngayon para na akong prinsesa na nasa palasyo. Hehe!!

"Oo naman, anak. Baka mamaya hindi ka na nila makikilala sa itsura mo e." pagsagot naman ni nanay Tess ss akin.

Tumingin ako sa kanila gamit ang reflection ko sa salamin. Binigyan ko sila ng malawak na ngiti. Buti na lang at nandito sila para palakasin ang loob ko.

Humarap ako sa kanilang dalawa at niyakap.

"Maraming salamat po dahil lagi kayong nakagabay sa akin. Salamat dahil hindi niyo ako pinabayaan, at mahal na mahal niyo ako. Kaya mahal na mahal ko po kayong lahat."  pasasalamat ko sa kanila.

Niyakap naman nila ako nang pabalik. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Hindi ko pinansin kung masisira ang make up ko. Ang mahalaga makapagpasalamat ako sa kanila.

"Shh! Tahan na anak. Naiiyak na din kami e. Baka masira ang make up mo. Kita mo ang ganda ganda mo pa naman ngayon." pagpapatahan ni mama sa akin...

"Baka mamaya, hindi ka na titignan ni ehem, kung iiyak ka." malokong biro ni nanay.

Kaya napasimangot na lang ako. Heto na naman po tayo. Ako na naman ang napiling biruin.

"Nay naman e, huwag niyo nga po akong tuksuhin. Kinikilig na po ako e." nahihiya kong saway sa kanya.

Dahil sa sinabi ko sabay silang natawa.

"Oh siya, sukat mo na ang gown mo. Hindi na ako magugulat kung mas lalo kang maganda at babagay sayo ang gown." napangiti na lang ako sa papuri ni mama sa akin.

"Baka mas lalong maiinlove sayo si ehem kapag nakita n'yang ganun ang suot mo."

Bigla akong namula sa sinabi ni nanay. Lagi na lang akong tinutukso ni nanay kay Calvin.

"Hmp! Huwag niyo nga pong ipaalala si Calvin sa akin. Naaalala ko ang pagsisinungaling nya sa akin noong nakaraang araw. Ayoko siyang pansinin!" biro kong mataray sa kay nanay.

"Ikaw talaga 'nak, wala naman sinabi ang nanay Tess mo na pangalan e. Ikaw naman ang nangbanggit ang pangalan ng Calvin na, ehem! ehem mo." nakangiting sabi ni nanay sa akin.

Dahil doon, mas lalong namula ang pisngi ko. Parang mas mapula pa ito kaysa ang nilagay nilang blush on sa pisngi ko.

Para akong nahiya, na gusto na lang maglaho sa harapan nila. Nakakahiya.

"Naman e. Tigilan niyo na nga ako." nahihiya kong pagsasaway sa kanila.

Natawa na lang sila at itinigil na ang panunukso sa akin.

"Oo na, titigil na kami. Sige na magpalit ka dun. Excited na kaming makita ka ng nakagown."

Luh? Parang mas excited pa sila sa akin ah.

"Okay, po. Atat lang." natatawa kong sabi.

"Hehe!!" nag-peace lang si mama.

Agad akong pumasok sa loob ng dressing room. May sarili kasi kaming dressing room dito sa bahay. Yayamanin talaga.

Nang matapos akong nagpalit, wala sa sariling napatingin ako sa reflection ko sa salamin.

Wala sa sariling napanganga ako nang makita ko ang buong katawan ko. Syet! Halos hindi ko makilala na ngayon ang pagkatao ko. Hindi ako makapaniwala na ako ito ngayon.

Jusko, ito na ba ako? O baka panaginip lang ang lahat nang ito? Para akong isang prinsesa. Parang nahiya din ang balat habang suot suot ko ang gown. Kumikinang kinang.

Tapos ang bigat pa. Halos hindi ako makalagad dahil sa may kabigatan. Pero gorah parin, ngayon lang ako nakapagsuot ng ganitong mamahalin na gown.

(DM note: kayo na po bahala na mag imagine ng gown niya. Hehe! Peace✌️)

Paano kaya kung gawin ko itong pantulog mamaya? Para mafeel ko. Joke. Siyempre, nagbibiro lang naman ako.

Tumitig ulit ako sa salamin. Hindi ko talaga maalis ang tingin ko dito. Bakit ang ganda ganda ko?

Oops! Huwag niyo na lang pansinin. Ngayon ko lang pinuri ang sarili ko. Pagbigyan nyo na.

"Miles anak, hindi ka pa ba lalabas nyan?? Baka mamaya nyang kinain ka na pala ng gown mo." narinig kong tawag ni mama mula sa labas. Medyo natawa ako sa joke nya.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago lumabas. Pero sa huling pagkakataon, tumingin ako sa salamin at ngumiti ng sobrang lawak.

Kinakabahan naman akong lumabas.

Nang makalabas ako, kagat labi ko silang hinarap. Hindi ko alam kung nagagandahan ba sila sa suot ko? Pero sana magandan sila.

"Okay lang po ba ito? Bagay ba sa akin?" nahihiya kong tanong sa kanila.

Napansin ko naman na napatitig lang sila sa akin. Kaya medyo napakunot ako dahil sa inaasta nila.

Bakit ganyan nila nakatingin? Pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?

"B-bakit po ganyan kayo m-makatingin sa akin?" utal kong tanong sa kanilang dalawa.

Nang makita ko sila nang tuluyan, dun ko nakita ang itsura nilang napanganga na nakatingin sa akin.

"Omo!!! Waah!! Ang ganda ganda mo anak!Halos hindi kana namin makilala dahil diyan sa suot mo?"

"My gosh! Bagay na bagay talaga sayo ang suot mo ngayon. Manang mana ka talaga sa akin. Ang sexy natin diyan ah. Para kang kuminang kinang.."

Manghang mangha nilang papuri sa akin. At dali dali silang lumapit sa pwesto ko at sinuri nila bawat katawan ko.

Para silang mga bata na manghang mangha.

Nang dahil sa mga papuri nila, nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung hindi na bagay at hindi magadan sa akin ang gown na suot suot ko.

Ang saya saya ko dahil bagay na bagay daw sa akin ito.

"Maraming salamat po." pasasalamat ko sa kanilang dalawa...

"Ang ganda natin anak ha. Manang mana ka talaga sa mama mo noon na ganyan din kaganda."

Sabay naman kaming napatingin sa pinto nang marinig namin ang boses ni papa sa labas.

Nakita ko siyang nakatayo doon at kasama si Devin na ang gwapo gwapo sa suot, naka tuxedo white lang siya. Litaw na litaw talaga ang kagwapuhan ng kambal ko.

"Salamat papa. Gwapo din natin ngayon ha." nakangiting papuri ko din sa kanya.

Kumindat naman siya sa akin. "ganun talaga anak, hanggang ngayon wala parin akong kupas. Kaya nga patay na patay sa akin ang mama mo. Haha." natatawang sabi nya sabay kindat kay mama.

Kaya hetong si mama, namumula. Halatang halata na kinikilig. Pft! Kahit matatanda na sila hindi parin nawawala ang pagmamahal sa isa't isa.

Kaya minsan naiinggit din ako sa kanila e. Kahit ang daming pagsubok na dumating sa kanila. Hindi sila agad sumuko. Hinarap lahat nila ang pagsubok.

Sana ganun din ako sa future, sana mahanap ko din ang taong mahal na mahal ako at kaya akong pahalagahan.

"Ganda natin kapatid ha. Hindi talaga maitatago na magkapatid tayo, parehong pareho tayo na maganda at gwapo.. Haha!!" natatawang papuri ni Devin sa akin.

Kaya napatingin ako sa kanya nang bigla nya akong akbayan.

Pabiro ko naman siya tinaasan nang kilay. Ang hangin neto ha.

"Lah! Pinagsasabi mo kuya? Ako lang daw ang magadan e, hindi naman nila sinabing gwapo ka." pamaang na sabi sa kaniya.

Ang kyutt nang kambal ko kapag nakasimangot.

Narinig ko naman  na natawa sina mama sa likuran ko. Alam kong nanonood lang sila sa amin ni kuya Devin.

"Ikaw talaga babysis. Pagbigyan mo na ako, birthday naman natin ngayon e, ayt! tapos na pala ang birthday natin"

"Hahaha!!"

"Pffft!"

Ang kaninang pinipigilan ko na tawa, biglang lumabas na lang sa bibig ko. Hindi ko mapigilan na hindi humalakhak nang malakas.

Tawa lang kami ng tawa dahil sa kanya, pero siya mas lalong humaba ang nguso. Hindi talaga ako nakapaniwala na ang kapatid ko, alam pala ang sumimangot.

"Ang cute cute mo talaga kuya. Oh ayan, masaya ka na? Hindi ka na siguro magtatampo?" natatawang tanong ko sa kaniya.

Natawa na lang ako ng bigla nya akong irapan.

"Oh siya, siya, halina kayo. Labas na tayo, kanina pa tayo hinahanap sa labas." biglang papagitna ni mama sa amin.

"Paano po ito mama, baka maapakan ko itong gown ko?. Ayoko pong mapahiya kayo." kinakabahan kong tanong ko sa kanila.

Tumingin naman silang lahat sa akin. At nginitian ako nang nagsasabing huwag akong kabahan.

"Huwag kang mag-aalala anak, kahit kailan hindi ka namin kinakahiya. Kung ano man ang mangyayari mamaya, asahan mong nandiyan lang kami sa tabi mo. Kaya huwag kang mag-isip kung ano ano. Dapat magsaya ka lang." mahabang pagpapalakas nang loob sa akin ni mama.

Dahil sa sinabi niya parang may humaplos sa puso ko. Biglang nawala lahat nang nga negatibong pumapasok sa isipan ko. Gumaan ang pakiramdam ko.

"Isipin mo na lang na nandito lang kami sa tabi mo." nakangiting sabi ni nanay.

"Ikaw talaga kambal, kung ano ano ang nasa isip mo. Anong silbi ko sa tabi mo kung hahayaan ko lang yun na nangyari."Napangiti na lang din ako sa sinabi ni kuya Devin...

"Group hugs!" si papa.

Nagyakapan naman kaming lahat. At ako ang nasa gitna nila.

"Maraming maraming salamat sa inyong, mas lalo nyong pinalakas ang loob ko." nakangiti kong pasasalamat sa kanila.

Bigla na lang akong napasimangot ng bigla bigla nilang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Waah!! Tama na po, nagugulo na po yung buhok ko." nakasimangot kong reklamo sa kanila.

Natatawang kumalas naman sila sa pagyayakap sa akin.

"Hayaan mo maganda ka parin, baby." papuri naman si papa sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya at binigyan nang ngiti.

*****

"Bigyan natin nang masigabong palakpakan sina Mrs. Devi Harris and Mr. Micheal Harris." anunsyo nang emcee mula sa ground floor..

Kaya rinig na rinig ko ang mga palakpakan ng mga tao sa baba.. Jusko, kinakabahan ako. Nararamdaman ko na ang dami nilang inimbitahan na bisita.

Nalaman ko din na inimbitahan nila lahat nang ka schoolmate ko at mga kaklase ko.

Hindi ko alam kung mamumukhaan ba nila ako.

"Sige na mga anak, una na kami nang papa niyo." papaalam ni mama sa amin at binigyan kami nang halik sa pisngi.

"Opo" kami ni Devin.

"Miller, ikaw na bahala sa kapatid mo na pababa ha. Huwag mo siyang pababayaan." pagbibilin ni papa kay kuya Devin  sa tabi ko.

"Opo, daddy." sagot nya.

Lumapit naman sa amin si papa at hinalikan kami sa noo.

Ngumiti lang kami sa kanila bago sila bumaba nang hagdan.

Napatingin naman ako kay kuya Devin nang bigla nyang pisilin ang palad ko.

"Okay ka lang, babysis? Bakit mukhang nanginginig ang palad mo?" nag-aalalang tanong ni kuya.

Ngumiti lang ako sa kanya." Don't worry kuya okay lang ako, medyo nanginginig ako dahil first time lang mangyari ito sa akin. Hehe!" nakangiwi kong sagot sa kanya.

Ikinawit ko naman ang kamay sa braso nya.

Biglang pumasok sa isip ko kung ano ang mangyayari mamaya. Ano kaya ang sasabihin nang nga classmate ko kapag nakita at nakilala nila ako?

Kapag nalaman nilang anak ako ng may ari nang pinapasukan nila. Titigilan na ba nila ako sa kabubuli nila? Kakaibigan ba nila ako?

Marami na akong kaibigan.

"Let's welcome the daughter and the son of Mrs. Harris and Mr. Harris. The twins, Mr. Devin Miller Harris and...... Ms. Devon Miles Harris. The birthday celebrant. Belated happy birthday, Ms. Devon and Mr. Devin.." masayang anunsyo nang emcee.

Kaya dinig na dinig ko ang palakpakan nila sa baba.

Bigla akong kinabahan. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Devin. Humugot muna ako nang buntong hininga bago nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Mabuti na lang at nakakapit ako kay kuya. Baka kung wala akong kakapitan ngayon, baka kanina pa ako pangulong gulong pababa.

"Huwag kang kabahan, babysis. Nandito lang ako sa tabi mo." pagpapagaan ni kuya sa akin habang pababa kami.

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng ngiti. Ngumiti lang din siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Salamat, kuya."

Nang makababa na kami ni kuya, bigla kaming pumunta sa stage buti na lang at ang lawak lawak nang bahay namin.

Grabe, ganun na lang ba ang lawak nang bahay namin para magkasya ang maraming tao. Grabe ang theme, ibat ibang kulay, parang rainbow. Hehe! Kumikinang kinang. Ano ba 'yan parang bata lang. Just kidding.

Kinakabahan akong umupo sa gitna ng stage. May dalawa doon na upuan. Mas lalo akong kinabahan dahil lahat ng mata nila ay nasa amin.

Late na gaganapin na ang kaarawan namin ay wala na yung 18 roses mga ganun, basta para itong birthday lang. Dinadaluhan nang mga business man/womman. Mga kilalang politiko. Kung ano ano pa. Grabe, ang dami dami pala ang kakilala ni mama at papa.

Hanggang may nahagip ang mga mata ko, ang mga kaibigan ko sa isang malaking table. Ang saya ko ng makita ko silang kumpleto.

Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila, bigla silang kumaway sa akin, kaya agad din akong kumaway sa kanila. Hanggang sa nahagip ang mata ko si Calvin na kasama nila..

Medyo nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin. Pero napansin ko ang kasama nya.

Biglang nanikip ang dibdib ko ng makita kong sino ang nasa tabi niya.

Wala iba kundi si Chelsae.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Ayokong makita niya na nasasaktan ako.

Nakinig na lang ako sa mga sinasabi nang emcee at mga speech nila mama at papa.

Hindi sila makapaniwala na may isa pa silang anak na matagal na hindi naisa-publiko. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng mga taong nasa paligid sa akin.

Ang mga mata ng ka-schoolmate ko at may mangilan ngilan na kaklase ko. Parang hindi sila makapaniwala na nakikita nila ako ngayon dito.

Pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Nagtagal ang ilang oras. Nagpaalam muna ako kila mama na lalabas muna ako, dahil medyo naiinitan ako dito sa loob.

Umupo sa swing sa likod nang bahay namin. Agad akong tumingala sa langit.

Ang gandang pagmasdan ang langit dahil ang dami daming mga bituin na kumikinang. Pinikit ko naman ang mata ko at dinama ang lamig ng paligid. Ang preskong tumambay dito. Medyo nakahinga pa ako nang maluwag.

Pumasok na naman sa isipan ko ang mukha ni Calvin na titig na titig sa akin. Na parang hindi siya makapaniwala na ako ang nakita nya kanina.

Napabuntong hininga na lang ako. Inalis ko na lang sa isipan ko ang bagay na iyon.

"What are you doing here? Bakit wala ka sa loob, baka hinahanap kana nila doon?" biglang may nagsalita sa likuran ko.

Kaya agad agad akong napamulat nang mata at napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Calvin na nakapamulsa at titig na titig sa akin.

Pero agad ko din iniwas sa kanya ang tingin ko at agad ding tumayo.

"Ah! S-sige papasok ako." nagmamadali naman akong lumakad.

Lalagpasan ko sana siya ng bigla niya akong hinawakan sa braso at bigla niya akong pinaharap sa kanya.

Kaya gulat akong napatingin sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Ang lapit lapit pa ng mukha naming dalawa. Kaya bigla akong napalunok.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Tinignan lang nya ako ng seryoso.

"Bakit mo ako iniiwasan? Akala mo hindi ko nahahalata. Anong ginawa ko sayo at bakit mo ako iniiwasan??" seryoso niyang tanong sa akin.

Napalunok at bigla akong kinabahan ng dahil sa tanong nya.

"A-anong pinagsasabi mo? Hindi kita iniiwasan." sagot ko pero agad ko ding uniwas ang tingin ko sa kanya...

"PWEDE BA HUWAG KA NANG MAGSINUBGALING SA AKIN. Bakit mo ba ako pinapahirapan ha? Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ka nagkakaganyan?!" Pasigaw niyang tanong sa akin.

Dahil sigaw niyang yun, halos mapatalon ako sa gulat. Hindi ako makapaniwalang sinigawan niya ako.

Nang makita n'yang medyo natakot ako at medyo napaatras ako, bigla umamo ang mukha nya.

Bigla akong umatras ng tatangkain nyang umapit.

"I-I'm s-sorry baby, hindi ko sinasadyang s-sigawan ka." may kung ano sa mata niya ang biglang nakitaan ko nang kakaibang emosyon.

Pero umiling iling lang ako...

"P-please, t-tigilan mo na ako, ayoko na." matapos kong sabihin yun, bigla akong tumalikod ang biglang tumakbo papalayo sa kanya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako...

***

a/n: happy ending o hindi? Comment below for the answer guys. Enjoy Reading. Maraming salamat sa pagsuporta sa story ko.

Epilogue na po next.