Calvin's PoV
Tsk! Mga istorbo talaga ang mga ito. Bakit kasi bigla bigla na lang sila sisingit, andun na e. Psh.
Gusto ko pa sanang pagtripan si nerd. Oh wait, nasanay na talaga akong tawagin siyang nerd. Kahit naman gusto ko siya, ayun talaga ang nakasanayang tawag ko sa kanya. Hindi na yun magbabago.
Naalala ko na naman ang nangyari sa loob ng van. Hindi alam kung bakit napapangiti na lang ako kapag naaalala ko yun.
Ang ganda niya kapag namumula. Natatakpan lang ng malaki niyang salamin. Ang nakapukaw sa atensyon ko ay yung labi nya. D*mn. Pigil hininga ako kanina nung sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
Parang may nagtutulak sa akin na idikit ang labi ko sa labi niya. Palihim na lang akong na napalunok.
Bwisit kasi ang mga kaibigan ko. Panira nang moment. Tss. Ang gandang bigyan ng tag-iisang batok.
Nag-aalinlangan ako kanina na baka marinig niya ang tibok ng puso ko.
Si nerd lang talaga ang nagparamdam sa akin ng ganito. Na makikita ko palang siya, bigla na lang nagi-slow motion ang lahat ng paligid. Parang siya lang ang nasa paningin ko. Parang gusto na ring lumabas ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok. Parang may roon ding koryente nang nagtatama ang kamay namin.
Ang lahat ng nararamdaman ko kay nerd, hindi ko pa nararamdaman sa lahat ng naging girlfriends o naging flings ko.
Mula nung naamin ko na may gusto na pala ako sa kanya. Hindi na ako yung dating Calvin na kung sino sino ang kahalikan o kung sino sino ang ka-date.
Mula noong naramdaman ko ito sa kanya. Parang nawala lahat ng gana kong mambabae. Kahit maraming lumalapit sa akin. Lalagpasan ko agad sila o hindi kakausapin.
Napapansin na nga ng mga kaibigan ko ang pagbabago kong ito. Pero hindi ko na lang yun pinansin pa.
Hindi ko alam kung bakit ako naduduwag na sabihin ang nararamdaman ko sa kanya? Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naduwag.
Naalala ko ang nangyari sa amusement park. Nu'ng nasa Ferris wheel kaming dalawa. Dun ako naglakas loob na sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya.
Pero, lintik lang. Sumabay pa ang fireworks noon. Kaya hindi nya narinig ang pagtatapat ko sa kanya. Tsss. Hindi ko na inulit pa ang sinabi ko noon. Tinamaan ako ng hiya. P*tcha.
Mas lalo akong nagkakagusto sa kanya kapag ngumingiti siya o nahihiya. Ewan ko sa sarili ko kung bakit ako sa kanya nagkagusto.
Hindi siya iyung tipo kong babae. Gusto ko yung sexy, siya hindi sexy. Gusto ko yung maputi, pero siya hindi ganoong kaputi. Gusto ko yung matangkad, hindi kagaya niya na hanggang kili kili ko lang, ang liit niya. Gusto ko yung may malaking b*obs, pero siya, halatang halata na flat chest. Gusto ko yung magaling humalik, pero siya parang hindi pa nakakahalik. Eh ako nga ang first kiss ng nerd na yun. Hindi ko na masabi ang lahat ng gusto ko sa isang babae, na wala sa kanya.
Pero lahat ng katangian ng gusto ko sa isang babae. Biglang nawala dahil lahat sa kanya. Dahil sa kanya, nahanap ko ang totoong pagmamahal.
Ito na siguro ang karma ko dahil sa dami kong pinaiyak na babae.
Ang mapunta ako sa kabaliktaran ng mga katangian na gusto ko sa isang babae.
Pero bakit ganun, hindi ako nakakaramdam ng pagkadismaya? parang wala lang sa akin yun.
Biglang pumasok sa akin ang mga reaction niya kapag lagi ko siyang inaasar o iniinis.
Hindi ko namalayan na napangiti na lang ako. Malala na talaga ako, napapangiti na lang ako dahil sa bagay na 'yun.
Ang mukha nyang nakabusangot na nakatingin sa akin. Ang mukha nyang galit na galit na kapag nasobrahan ako sa pag-aasar.
Ang mukha nyang nakangiti kapag nakikipag kwentohan kina Megan. Parang may kung kumikinang sa paligid niya kapag tinitignan ko siya.
Parang bakla man pero syet, parang may kung anong paro paro na lumilipad sa tiyan ko kapag tinitignan ko siya.
"Huyyy! Pre? Tol?!!"
"TOLLLL??!!!"
"AYYY PARO PARONG NERD!!!!"
Nabalik ako nang ulirat ng may biglang nangyugyog sa balikat ko. Kunot noo naman akong tumingin sa mga kasama ko.
Nakita ko silang ang lalawak ng ngiti sa labi. Naguluhan naman ako sa kanila. Problema ng mga ito?
"Why?" takang tanong ko sa kanila at binigyan sila ng kunot noo.
Mas lalo namang lumawak ang mga ngisi nila sa kanilang mga labi. Pataas baba pa ang kilay nila.
D*mn it. Ano bang nangyayari sa mga ito?
"Ikaw tol ha, hanggang sa pagde-daydream mo si Devon parin ang nasa isip mo. Hmmm. Iba na yan." may kahulugan na sabi ni Tyron.
Ngumisi naman sina Ross at Tristan.
Binalik ko naman ang tingin ko kay Tyron.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" naguguluhan kong tanong ulit.
May topak ba ang mga ito? Tsk.
"Haha! Naku mga tol, nagmaang maangan pa ang kaibigan natin. Tsk! Tsk! Tsk!" iling iling na sabi ni Tristan.
Naningkit naman ang mata ko sa kanya.
"Ganito kasi pare, binabalik ka lang namin sa kasalukuyan dahil kanina ka pa kasi nakatulala diyan sa kina-kaupuan mo. Tapos...." nakangisi nyang pambibitin sa sasabihin.
Kaya tinignan ko naman siya ng masama. Loko to, hindi nya na lang kasi diretsohin ang sasabihin. May pabitin bitin pang nalalaman.
"Ano nga? Sabihin mo na, pabitin ka. Baka ikaw ang bitinin ko diyan." iritang pag-uutos ko sa kanya.
"Oh chill, chill!! Huwag atat pre, mahina ang kalaban. Haha." natatawang sabi nya sabay taas ang dalawa nyang kamay.
"Tsss! Ano nga?"
"Tapos ang pangalan ni Devon ang nabigkas mo. Ayieee! Ikaw dude ha, hanggang sa isip mo si Devon parin ang iniisip mo." nakangising pagpapatuloy ni Tristan.
Tapos sabay sabay silang tatlo na tumawa ng malakas.
"Ehem! Ehem! Pumapag-ibig." pang asar nilang tatlo sa akin.
"Tangna n'yo. Huwag ako, wag n'yo akong pagtripan diyan. Baka matatamaan kayo sa akin." naiiritang pagbabanta ko sa kanila.
"Matatamaan ng ano? Ah, natamaan ka ni kupido ng pana. Ayiee! Ikaw ha. Corny mo uyy." pang aasar ni Tristan.
"G*go! pinagsasabi mo diyan? Sapakin kita diyan e." irap kong banta.
At ang loko, tinawanan lang ako. Tsk. At ayun, tinawanan na naman ako ng mga ugok.
"Huwag mo ng ipagkaila tol. In love kana sa NERD MO, ehem!" pang aasar ni Tyron. At diniin nya pa ang NERD MO. Tsk.
Natahimik ako sa sinabi nyang inlove. Me? Inlove? To whom? Kay nerd? Alam kong gusto ko sya pero ang inlove. Hindi ko alam.
Inlove na ba ako sa kanya?
Pero paano ba ang magmahal?
Aisshh!!! Kasalanan ng mga ugok kong mga kaibigan e. Kung ano ano kasi ang nasa isip. Mas lalo tuloy gumulo ang isip ko. Tss.
"Kita niyo, hindi nakasagot ang lover boy natin. Tsk! Maghanda kana tol, mukhang nahanap mo na ang katapat mo." may pananakot na sabi ni Ross.
Pinukulan ko naman siya ng masamang tingin.
"Hindi ko alam yang pinagaasabi niyo." baliwalang sabi ko sa kanila.
Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ng ice cream. Hindi ko namalayan na medyo natutunaw na pala. Dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko alam na may kinakain pala akong ice cream.
"Okay, sabi mo e." nakangising pinagpatuloy naman nila ang pagkain ng ice cream.
Hindi ko na lang yun pinansin pa.
****
"Tapos na kaya ang mga yun? Ilang oras na tayong nakatambay dito e." tanong ni Tristan na may halong pagrereklamo.
"Tapos na siguro ang mga yun." pagsagot ni Ross.
Naglalakad kami patungong boutique ni ate Maddy. Kilala namin siya dahil suki niya kami. Sa shop nya kasi kami pumupunta kapag nagpapagupit.
Kanina pa itong Tristan na ito na reklamo ng reklamo. Tsk. Buti kami ni Tyron, tahimik lang na naglalakad.
"Ano kaya ang magiging itsura ni Devon mamaya no? Siguro ang ganda niya mamaya kapag nakita natin siya? Baka may isa diyan na mapanganga na lang dahil sa kagandahan ni Devon." pang aasar na pagpaparinig ni Tristan.
Napantig ang tainga ko dun. Naniningkit naman ang mata kong tumingin sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
Pero nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya, agad nyang iniwas ang tingin. Tsk!
"Baka may tutulo ang laway niya pa kamo. Hmm. Grabe, nerd turn to hot chicks." pagdudugtong din ni Ross sa sinabi ni Tristan kanina.
At napansin ko na napatingin siya saglit sa akin at bigla ding inalis ang tingin.
"Psh!" napamaang ako ng marinig kong medyo natawa si Tyron sa tabi ni Tristan.
Tsk! Isa din ang ito e. Pasimple din itong tumatawa.
"Tsk!"
Nakapamulsa na lang ako at nauna na sa kanila. Habang naglalakad ako, hindi talaga nawawala ang mga ng tingin ng kababaihan o mapabinabae man sa akin.
Ganun na lang ba ako kagwapo, para hindi nila maalis ang tingin nila sa akin? Psh!
Hindi ko na lang sila pinansin. Nawalan na din ako ng gana na makipaglandian.
Nang makarating ako sa boutique ni ate Maddy. Agad akong pumasok, nakita ko naman si ate Maddy na may kung anong ginagawa sa table niya.
Kaya agad ko siyang nilapitan.
"Yow! Ate Maddy. Busy tayo ngayon a." pagbabati ko naman sa kanya nang makalapit ako sa harapan niya.
"Jusko kong bata ka! Bakit ka ba nang gugulat ha? Bigla bigla ka na lang susulpot sa harapan ko." hawak hawak nya pa ang dibdib nyang saway sa akin.
Mukhang gulat na gulat siya dahil sa bigla na lang akong susulpot sa harapan niya.
"Pft! Sorry naman ate kung nagulat kita. Haha! Ang busy mo naman kasi e." natatawa kong paghihingi ng paupahan.
Tinignan lang nya ako at sinamahan ng tingin.
"Oh nasaan sina Tristan? Bakit hindi mo sila.....oh nandiyan na pala sila e." napatingin naman ako sa likuran.
Tama nga siya nakita ko silang papalapit dito sa pwesto namin. Tsk! Binigyan ko na lang sila ng nakakamatay na tingin.
Pero ang mga loko, nginisahan lang ako.
"Hello, ate Maddy. Lalo kang gumaganda ha." nakangiting pagbabati nila kay ate Maddy.
Tumingin muna sila sa akin at binalik ang tingin nila kay ate Maddy.
"Huwag nyo akong bolahin. Alam ko yang mga ugali nyo, ang hilig nyong mangbola." mataray nyang sabi sa amin.
Kaya natawa na lang kami.
"Buti naman ate ma alam mo. Tama ka, binibiro ka lang namin." si Ross.
"Aba't!!"
"Joke lang. Hehe!" tsk.
"Tapos na ba sila, ate Maddy?" tanong ni Tyron.
Tumingin naman sya kay Tyron.
"Tapos na siguro sila. Puntahan nyo na lang sila kung gusto nyo." pagsasagot nya.
"Sige ate."
Ngumiti lang si ate Maddy sa amin at binalik ang tingin sa ginagawa.
Ngumisi muna sila sa akin. Tsk. Nang aasar na naman ang mga ito.
*****
"Hindi pa ba kaââ?!!!!"
Biglang nagtama ang paningin naming dalawa.
*tug*
*tug*
*tug*
Sh*t! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gustong lumabas sa katawan ko. Parang napako ang paningin ko sa kanyang buong mukha.
D*mn it again.
Bakit?
Bakit parang nag-slow motion lahat?
Habang nakatingin ako sa kanya, siya lang ang nakikita ng mga mata ko.
Anong nangyayari sa akin? Medyo nahihirapan akong huminga.
Bakit ang ganda na nya? May i-gaganda pa pala siya. Hindi ko lubusan na madadatnan ko siya nang ganyang ayos.
Sh*t. Hindi parin tumitigil ang pagbibilis ng tibok ng puso ko. Para pa rin akong hindi makahinga.
"Sabi ko na kasi e. Halos lumawa na ang mata pagkatapos makita si Devon na ganyan ang ayos. Tsk! Tsk! Tsk!"
"Natuluyan na talaga ang loko. Hindi na nga magawang ikurap ang mata. Pft!"
"Look oh, halos maglaway na si Calvin sa itsura ni Devon. Haha!!"
"Para siyang ulol na aso... Buwahaha!!"
"Minamasdan kita ng di'mo alam pinapanalangin na ikaw ay akin... ð¶ðµðµ"
Nabalik na lang ako ng diwa ng may bigla akong narinig na bulong bulungan. Dahil medyo tinamaan ako ng hiya, pero hindi ko yun pinahalata. Agad kong iniwas ang tingin sa pwesto ni nerd. Mukhang nahihiya siyang tumingin sa amin.
Pero d*mn. Ang ganda ganda nya sa ayos nya.
Devon's PoV
Matapos silang nagbayad. Nagpasalamat muna kami bago lumabas ng salon ni ate Maddy.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakapaniwala na ang laki ng pinagbago ko. Hindi ko alam ganito ang pakalalabasan.
Laking pasasalamat ko kina Megan dahil sa ginawa nila sa akin. Tatanawin ko ito na malaking utang na loob. Kahit sasabihin nila na parang gift nila sa akin ito.
Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko kanina dahil sa tingin nilang yun. Akala ko, hindi bagay sa akin ang ayos ko. Pero nakahinga ako ng maluwag nang purihin nila ako na bagay na bagay sa akin ang ayos ko at maganda ang itsura ko.
Kahit nahihiya ako, ngumiti pa rin ako sa kanila.
"Dito na lang tayo kakain." bigla na lang nagsalita si Trisha.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dito sa likod ng mall. Napatingin ako sa paligid. Hindi na masama. Ang ganda dito. May mangilan ngilan na bulaklak. Pero ang linis. Halos wala kang makitang pakalat kalat na dumi.
May nakita din ako na pabilog na mga upuan at may batong lamesa sa harapan nito. Gawa sa semento ang upuan.
Ang cute. Iba iba ang kulay. Parang rainbow. Hihi!
"Upo muna tayo guys." yaya nila.
Nagsiupo naman kami. Tamang tama walo ang upuan.
Ganito ang pwesto naming walo.
AkoâCalvinâMeganâTanyaâRossâTyronâTrishaâTristan
Isipin nyo na lang na pabilog ito.
Ramdam ko na medyo kinakabahan ako dahil sa katabi ko. Si Calvin, kanina ko pa napapansin ang patingin tingin niya sa gawi ko.
Hindi ko na lang yun pinansin dahil baka hindi ako yung tinitignan.
"Ayy shit! Wala pala tayong nabiling pagkain natin. Basta na lang kasi tayong pumunta dito na hindi bumibili." biglang pukaw na sabi ni Trisha.
Dahil sa sinabi nya, napatanga na lang ako.
Ano ba yan! Edi panibagong paglalakad na naman. Aish! Pagot na akong maglakad e.
"Bili na lang tayo." tumayo si Tanya.
"Sige, sige. Sasama akong bumili ng pagkain." agad din namang tumayo si Megan sa pagkakaupo.
"Tulungan na namin kayong magbuhat ng bibilhin." pagpiprisinta nila Ross, Tristan at Tyron.
Whattt???
Pupunta silang lahat?
Nagtaka naman ako ng hindi nagsalita si Calvin sa tabi ko. Akala ko sasama din siya pero. Hindi ko sya narinig nagsalita.
"Sama din ako." bigla din akong tumayo. Kaya lahat sila napatingin sa akin.
"Hindi na kailangan, Devon, kami na lang ang bibili. Kayo na lang ni Calvin ang maiiwan dito para may magbantay." pagpipigil sa akin ni Megan.
Napanganga at napakurap na lang ako dahil sa sinabi nya.
Ano?
Iiwan nila ako kay Calvin?
No, ayokong maiwan kasama sya......
Naiilang ako.
"Dito ka lang Devon baka may uupo dito pag lahat tayo pupunta." seryosong sabi ni Trisha. Kaya medyo napalunok ako.
"Geh! Iwan na namin kayo dito. Dito lang kayo ha, huwag kayong aalis. Enjoy!" sabay sabay nilang pagpapaalam.
Ewan ko kung namamalikmata lang ako o ano. Nakita ko kasing nagngisihan sila e. Tapos palihim silang nag-high five sa isat isa. Tapos palihim pa silang tinignan ang katabi ko.
Kaya, kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Wala kaming imikan. Mga boses lang ng mga tao sa loob ng mall ang maririnig mo.
Para akong statue na nakaupo. Parang nakakalimutan ko na din ang himinga. De joke lang.
Mas lalo akong nailang dahil sa tingin ni Calvin sa akin. Dahil hindi ako napagtiis, liningon ko siya.
"B-bakit ka n-nakatingin sa akin?" medyo kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Medyo naiilang pa ako sa tingin nya sa akin. Pero ramdam ko na naman ang pagkapula ng pisngi ko.
"Bakit masama bang tignan ang taong gusto ko? "nakangising tanong ko akin.
Nganga...
Me.....
Wtf!!!
"bakit masama bang tignan ang taong gusto ko?"
"bakit masama bang tignan ang taong gusto ko?"
"bakit masama bang tignan ang taong gusto ko?"
"bakit masama bang tignan ang taong gusto ko?"
Parang sirang plaka na nag-paulit ulit sa isip ko ang katagang sinabi nya sa akin. Parang hindi nagproseso sa isip ko ang mga narinig ko mula sa kanya.
Tama ba ako ng nadinig?
Hindi naman ako bingi di'ba?
Sinabi nyang gusto nya ako... Parang ang hirap paniwalaan. Alam niyo yun. Kasi naman, ang alam ko hindi siya yung tipo na magseseryoso.
Akala ko nagbibiro siya matapos niyang sabihin na gusto niya ako. Akala ko tatawa siya ng malakas dahil sa mukha kong shocked na shocked. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi siya tumawa. Seryoso lang ang mukha nya habang natitig sa akin.
Kinabahan na ako dahil dun.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ng time na yun. Parang hindi ko mahanap ang dila ko.
"Devon? Huyy, Devon? Okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na tulala?" agaw atensyon na tanong ni Tanya sa akin.
Kaya naptingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng ngiti.
"O-okay lang ako. Pagod lang siguro dahil sa nangyari kanina." sagot ko sa kanya.
Nandito na din ngayon sa loob ng van. Papauwi na kami. Lahat kami pagod. Yung iba nakatulog na, tulad nina Megan, Trisha, Tyron, Tristan at si Ross. Kami lang nina Tanya at Calvin ang hindi nakakatulong.
Buti na lang at may driver kami.
At isa pa, hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina sa likod ng mall. Isa yun ang hindi ko nakatulugan. Pagpipikit ako, mukha niya ang nakikita ko, ang mukha niyang nakatingin sa akin ng seryoso.
Agad akong tumingin sa labas ng bintana. At inalala ang nangyari kanina.
Flashback.....
"Bakit masama bang tignan ang taong gusto ko?"
Nganga......
Me!
WTF! Para akong napako sa kinakaupuan ko. Parang kinapos ako sa hangin sa sinabi nya sa akin.
Nagbibiro lang siya, diba?
Joke lang yun, diba? Hindi siya seryoso sa sinabi?
Anong pinagsasabi nya?
Hinintay ko ang sabihin nyang nahbibiro lang sya. Na ginu-good time nya lang ako. Alam ko naman ang hilig niyang mang-asar.
Baka nabingi lang ako sa sinabi nya. Dapat pala lagi akong naglilinis ng tainga.
Pero makalipas ng ilang minuto, hindi siya nagsalita. Hindi niya sinabi ang naglalaro sa isip ko. Kahit ni isang salita. Wala talaga. Nabalot kami ng matinding katahimikan.
"Hey! M-magsalita ka naman. Kinakaupsap kita. Hindi mo na narinig ang sinabi ko ha, nerd?" masungit nyang pagtatanong.
Aba't, loko to a. Siya pa ang may ganang magalit.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat. Pektusin ko ang lalaking ito e. Hindi nya ba alam na halos sumabog na ang pinipigilan kong kilig? Parang naiihi na nga ako sa kinakaupuan ko e.
Isabay mo pa ang puso ko. Parang atakihin na ako sa kaba. Namumula na rin ang tainga ko.
"A-anong p-p-pinagsasabi mo d-diyan?" utal utal kong tanong.
Ang hirap talagang maniwala na may gusto siya sa akin. Sa pangit kong ito. Hmp. Kahit naman maayos na ang mukha. Hindi na ako mukhang manang at mangkukulam. Parang ang pangit ko parin.
"Huwag mong sabihin na hindi ka naniniwala sa akin?" naningkit ang mata nyang tanong sa akin.
Unti unting nawala ang hiya ko. At panginginig ng kamay ko. Kaaaar tong lalaking ito talaga. Ang bilis mainis. Sa hindi naman kapakapaniwala eh.
Biglang napataas ang kilay ko. Na minsan ko lang pinapakita.
"Hoyy lalaki, ikaw pa ang may ganang mainis diyan. Sino ang makakasagot agad sa sinabi mo ha? Bigla bigla na lang ganun ang sinabi mo." inis kong pangbubulyaw sa kanya.
Hindi ko na kasi mapigilan na bulyawan siya e.
Natahimik siya bigla. Napatitig na lang siya sa akin. Kaya nailang ako dun.
Tumikhim ako. "B-bakit ganyan ka m-makatingin?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Pero ganun parin siya, nakatitig lang siya sa akin.
"Mula ngayon, you are my girlfriend now. Get it."
Nganga ulit....
Tuluyan nang nawalan ako ng dilang magsalita. Parang ayaw pumasok sa isip ko ang sinabi nya.
Parang panaginip lahat ng nangyayari ngayon. Napatitig na lang ako sa mga mata nyang napaka-seryoso. Walang bahid na kalokohan.
"A-a-ano??" nahihirapan kong tanong sa kaniya. Halos hindi ko marinig ang sinabi kong yun.
Kinunotan nya ako ng noo. Pero seryoso parin ang mukha nyang nakatingin sa akin.
"Bingi ka ba o ano? Sabi ko, gusto kitang nerd ka. Kaya mula ngayon, girlfriend na kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Ayoko yung nauunahan ako ng iba, lalo na't marami na akong kaagaw." seryoso nyang sabi sa akin. pero hindi ko nadinig ang last nyang sinabi.
*tug*
*tug*
*tug*
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.
Syet! Panaginip lang ba ito? Kung panaginip lang ito. Huwag na sana akong magigising pa.
Kahit naman sa panaginip man lang maranasan ko ang magustuhan ako ng isang Calvin. Matagal ko na itong hiling na magkagusto din siya sa akin, kagaya ng pagkagusto ko sa kanya.
Hindi ko inaakala na magkakagusto siya sa akin, kahit na sa panaginip lang. Para akong nakahiga sa ulap. Para akong nakalutang.
Ang sarap sa pakiramdam na sinabi ng taong gusto mo na gusto ka din nya.
Tumitig ako sa mga mata nya. Nakikita ko ang halo halong emosyon na hindi ko mapangalanan.
Nginitian ko siya ng malaki. Kahit panaginip man lang, masabi ko na gaano ko sya kamahal.
Tumayo ako at lumapit sa harap nya at walang sabing hinawakan sa pisngi.
"May aaminin din ako sayo. Kahit na panaginip lang ito, gusto kong sabihin ang totoo kong nararamdaman sa iyo. Na matagal tagal ko din na linilihim." pagsisimula ko.
Hawak hawak ko pa rin siya sa pisngi. Ramdam ko ang init sa pisngi niya pero hindi ko yun pinansin. Ang mahalaga ngayon ay ang maipagtapat ko ang totoo kong nararamdaman sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim na buntong hininga bago pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Hindi ko alam kung bakit na lang ganito ang nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam na darating ang araw na magkakagusto ako sa isang katulad mong babaero. Walang ibang alam kundi ang manakit ng damdamin ng mga katulad kong babae. Nung una, inis na inis ako sayo at badtrip na badtrip. Lagi mo kasi sinisira ang araw ko. Isama mo pa ang pagiging babaero mo. Araw araw na lang may ibat-ibang babae na kasa-kasama. Galit na galit talaga ako sa mga kagaya mong playboy."
"Pero kahit ganun ang pagkainis at pagka-badtrip ko sayo. Hindi ko maiwasan na magkagusto sa'yo. Ewan ko nga kung bakit. Sa dinami dami pa ang magugustuhan ko, ikaw pa na mapanakit. Psh! Baliw na baliw kasi ang puso ko sayo. Hindi mapigilan na mahalin ka." mahaba haba kong pag-aamin sa nararamdaman ko sa kanya.
Wala akong naramdaman na hiya dahil alam kong isa lang itong panaginip.
Matapos kong sabihin ang dapat kong sabihin sa kaniya. Para akong nakahinga ng maluwag. Parang nawala na lahat ng nakabara sa lalamunan ko at sa dibdib ko.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Ayun, tulalang tulala siya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa pagtatapat ko. Psh.
"Kita mo, tulala ka din. Hindi ka din agad makapagsalita." natatawang sabi ko.
Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa magkabila nyang pisngi.
Nagtaka naman ako bigla. Parang may mali.
"H-hindi ako makapaniwala na matagal mo na pala akong gusto. Matagal mo na palang nililihim, hindi ko man lang napansin. Shit! Ganun na lang ba ako kamanhid? Damn! Dahil alam kong may gusto ka din sa akin, hindi kita hahayaan na mapunta sa iba."
Tumingin siya diretso sa mga mata ko. Bigla nyang linapit ang mukha nya sa mukha ko.
O____________O
Namalayan ko na lang na, dikit na dikit na pala ang labi naming dalawa.
Akala ko nananaginip lang ako nang oras na iyon. Pero akala ko lang pala iyon.
End of the flashback.....
[a/n: sorry guys kung hindi ako magaling na gumawa ng mga eksenang kagaya ng nababasa nyo o napapanood. Hehe! Kasi naman, mga bebelabs. Wala akong experience sa mga ganyan. Haha! NBSB, ata ako. Haha! Ge! Pag-pasensyhan nyo na lang.]
Yun ang nangyari sa usapan naming dalawa. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa ng time na dahil sa kahihiyan.
Akala ko.....
Akala ko, panaginip lang yun lahat.
Waaaaahh!! Hiya ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang at wala ang mga kaibigan namin. Hindi nila nakita ang pagtatapat ko sa kanya at yung ginawang paghalik sa akin ni Calvin.
Baka hiniling ko na lang na bigla akong lamunin ng lupa. Aish!
Kaya ngayon, nahihiya akong tumingin sa kanya at makipag-usap. Kapag nakikita ko siya biglang umuurong ang dila ko.
"Nandito na tayo sa inyo, Devon."
Napatingin ako kay Tanya ng bigla siyang nagsalita sa tabi ko. Tapos tumingin ulit ako sa labas ng bintana.
Ay syet! Tama nga siya. Nandito na kami sa labas ng bahay.
Tumingin naman ako sa kanya na may nahihiyang mukha. Kasalanan kasi ni Calvin ito e. Aish! Binabagabag nya ang isip ko.
"Hehe! Nandito na pala tayo. Pasensya na, ang lalim ng iniisip ko." nahihiya kong sabi.
"Halata nga. Haha" natawa na din siya.
Napakamot na lang ako. Huminga ako ng malalim na buntong hininga.
"M-maraming s-salamat pala sa lahat ng ginawa nyo sa akin. Salamat dahil sa ginawa nyong pagbabago sa itsura ko. Hindi ko inaakala na magagawa niyo ito sa akin. Ang ganda ng kinalabasan. T-tatanawin ko ito utang na loob. Kaya maraming salamat sa inyong lahat. M-masaya ako dahil naging k-kaibigan ko kayo." mahaba haba kong pasasalamat sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko. At tumingin sa mga mata ko. Binigyan nya ako ng masayang masaya na ngiti.
"Ano ka ba!! Wala lang yun, kaibigan ka namin. Ganun talaga ang magkakaibigan. Masaya din kami dahil ikaw naging kaibigan namin. Wala kaming nagsisihan dun. Huwag ka na ding mahiya sa amin. Psh! Matagal na tayong magkakaibigan mukhang naiilang ka pa rin sa amin. Haha" natatawa nyang sabi..
Natawa na din ako ng mahina.
"Ganyan, ngumiti ka lang para mas lalo kang gumaganda." dugtong nya at ngumiti ng malawak.
Kaya napakamot na lang ako ng ulo at nahihiyang ngumiti.
"Sige Tanya, paki-sabi na lang sa kanila na maraming maraming salamat. Hindi ko naman masasabi sa kanila dahil tulog na tulog sila. Haha, napagod." ako.
"Oo naman. Pasensya ka na at hindi na kita maihahatid hanggang sa bahay nyo. Pagod na din ako sa ginawa nating maghapon." pagod na paghihingi nya ng paumanhin.
"Ano ka ba. Okay lang yun, nandito na naman ako. Walang mangyayaring masama sa akin." sabi ko naman sa kanya.
"Bye!"
"Bye!"
Tumingin muna ako sa mga kasama naming natutulog sa kani kanilang mga upuan bago tumayo at lumabas.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng van nang bigla itong bumukas. Kaya napaigta ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Anong nangyari sayo? Mukha kang nakakita ng multo." nakakunot ang noo na tanong ni Calvin sa harapan ko.
Syet! Para akong aatakihin sa puso ng makita ko siya sa harap ko.
Napapikit na lang ako ng marinig kong tumawa ng mahina si Tanya sa likod ko. Aish! Nakakahiya. Pektusin ko tong lalaking ito e.
Agad akong lumabas ng van at bigla siyang hinarap.
*tug*
*tug*
*tug*
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin kong ang lapit ng katawan namin dalawa. Kaya wala sa sariling napaangat ako ng tingin. Hanggang nagtama ang paningin naming dalawa.
Syet! Parang kinapos ako ng hangin sa baga.
"Lu-lumayo ka nga sa akin. B-bakit ba ang lapit l-lapit mo ha?" utal utal kong pag-uutos sa kanya.
Napangisi siya bigla. Kaya namula ang buo kong mukha. Tapos bigla nyang inilapat ang mukha nya sa tainga ko.
Ugh! Heart kalma lang. Huwag ka masyadong tumibok ng malakas. Baka marinig nya. paki-usap ko sa sarili ko.
"You looked beautiful when your face became a red like tomato, babe. " bulong nya sa tainga ko.
Biglang nagsitaasan naman ang mga balahibo sa batok ko. Para na naman akong kinapos sa hangin.
Bigla akong lumayo sa kanya. Baka marinig nya pa ang tibok ng puso ko. Babe? Anong nakain nito at ganun ang tawag nya sa akin?
"H-huwag mo nga akong t-tawaging, babe, diyan." iwas ang tingin kong saway sa kanya.
Bigla siyang humakbang papalapit sa pwesto ko. Napatitig ako sa kanya, hindi ko nagawang humakbang palayo sa kanya.
Nakapamulsa lang siyang tumingin sa akin at may ngiti na naglalaro sa labi nya.
"Bakit naman? Hindi ba puwedeng tawagin ang girlfriend ko na babe?" nakangisi nyang pagtatanong. Nandun parin ang ngisi sa labi.
Napalunok ako bigla. At bigla kong iniwas ang tingin ko. Ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi.
Ayun na naman ang girlfriend na sinasabi nya. Hindi nya ba alam na sobrang ilang ko bawat bigkas nya yun? Psh.
"Tigi--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng may naramdaman akong malambot na bagay ang lumapat sa noo.
Hindi agad ako nakapag-react dahil dun. Napatulala na lang ako habang nakatitig sa likod nyang papalayo sa akin.
Napatanga na lang ako dahil dun. Hindi ako makapaniwala na gagawin nya sa akin yun.
Mas lalo pa tuloy akong nahuhulog sa kanya.
"Bye, Devon"
Ngumiti lang ako kay Tanya, na nakadung-aw sa bintana ng van.
Pinapanood ko lang ang van na papalayo sa akin. Hanggang tuluyan ko na itong hindi nakita.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Ang dami talaga ang nangyari ngayong araw na ito, na hindi ko inaakala.
Tatalikod na sana ako para pumasok sa gate namin nang may nahagip ang mata ko sa kabilang bahay. Sa harap lang ng bahay namin.
May nakaparada kasing sasakyan dun. Hindi lang basta bastang sasakyan. Kundi mamahaling sasakyan.
Nagtaka ako naman ako. Sa pagkaka-alam ko, wala namang sasakyan ang kapitbahay naming ganun.
"Baka bisita lang nila yun." sabi ko na lang at tuluyan ko ng inalis ang tingin sa magarang kotse.
Habang naglalakad ako papasok ng bahay, para may nararamdaman akong kakaiba. Parang medyo kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag.
Ay ewan. Siguro dahil na rin sa pagod akong ngayong araw.
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para makapasok na ako sa loob ng bahay. Gusto ko na kasing magpahinga.
"Pero ma'am, baka po mabigla siya kapag sinabi ko alam ang totoo. Ayoko ko pa siyang nabibigla. Baka, mas lalo lang po lumala ang sakit sa puso niya. Alam nyo naman po na may sakit siya sa puso mula ng ipanganak siya."
"Iniisip ko din naman yan, manang, pero desperado na kami na makasama ang anak namin. Gustong gusto na namin siyang makasama ng asawa ko at ang anak kong lalaki."
Sinong kausap ni inay??
"Natatakot po ako sa mangyayari kapag malaman niya po ang totoo. Alam ko pong kamumuhian nya ako. Matagal kong linilihim sa kanya ang totoo."
Malungkot na sabi ni nanay sa kausap. Parang hirap na hirap siyang magsalita.
At anong totoo ang pinagsasabi ni nanay?
Naguguluhan ako.
"Birthday na niya bukas. Mage-eighteen na siya, ito na ang panahon para sabihin ang totoo sa kanya. Manang Tess. Gagawin namin ang lahat para mapatawad niya kami."
Parang umiiyak na sabi ng kausap ni inay. At pamilyar sa akin ang boses na 'yun. Kaya kinabahan ako.
"Sana nga po at mapatawad niya tayo dahil sa paglilihim natin sa kanya. Hindi po talaga maipagkaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
Nabitawan ko ang mga hawak hawak kong mga damit. Para akong nanghihina sa narinig ko.
"Hindi po talaga maipagkakaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
"Hindi po talaga maipagkakaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
"Hindi po talaga maipagkakaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
"Hindi po talaga maipagkakaila na parehas na parehas kayo ng hugis ng mukha ni Devon, talagang mag-ina talaga kayo, Mrs. Harris."
Parang silang plaka na nagpa-ulit ulit sa isip ko ang huling sinabi ni nanay.
"A-a-anak??" nanginginig na tawag sa akin ni nanay mula sa pinto.
Nakita ko silang dalawa ng taong hindi ko inaasahan na makikita ko dito. Kitang kita ko sa mukha nila ang nanlalaking mata. Parang hindi alam ang gagawin.
"N-n-nay?? M-mrs. H-h-harris???.....a-anong??" nahihirapan kong salita.
Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"A-anak??"
Sabay silang lumapit sa akin, pero agad akong umatras. Nakita ko sa kanila ang pangamba.
Para na din akong nanghihina. Hindi ko namalayan na napahawak na pala ako sa bandang dibdib ko. Parahang nahihirapan akong huminga.
Nanlalabo na din ang mga mata ko.
Ang huli ko na lang na natatandaan ay ang may nangbuhat sa akin.