Devon's PoV
Ilang linggo na ang lumipas mula nung nangyari ang pang bubully sa akin. Sa ilang linggong yun kahit kailan man hindi ko sinabi kay nanay ang nangyari sa akin. Nagsinungaling ako sa kanya.
Nagtanong sya kung anong nangyari sa pisngi ko. Nakita nya kasi yun na namumula. Abot hanggang langit ang kaba ko ng time na iyun.
Pero dahil magaling akong magpalusot. Naagapan ko agad.
Sinabi ko na "Napagtripan lang ako ng mga kaibigan ko na lagyan ng make up ang mukha ko. Napapansin kasi nilang medyo maputla ang pisngi ko. Minake over nila ako, wala akong nagawa kundi ang pumayag. Ang rami nila, nag iisa lang ako."
Ganyan ang sinabi ko kay inay, ang haba haba ng pagpapaliwanag ko na sinabi ko sa kanya. Wag kayo, matagal kong pinag isipan yun. Hehe.
Buti na lang at naniwala agad si nanay sa kasinungalingan ko. Akala ko mahihirapan pa akong magpaliwanag.
Sa mga kaibigan ko naman, sobrang galit na galit sila nung time na pinagtapat ko ang totoong nangyari sa araw na yun. Kung paano ako pagsasampalin at pinagsasabunot ng apat na babae. Gusto sana nilang simugod sa may gawa sa akin nun pero pinigilan ko agad sila.
Ayoko na pati sila madamay pa sa sitwasyon ko. Ayoko na pati sila mabully dahil sa akin. Okay lang kung ako na lang ang bulihin wag lang sila.
Matagal tagal din silang kumalma ng time na yun. Si Trisha, mas lalo ang galit nya ng time na yun. Parang may gustong kumawala sa kanya pero pinipigilan nya lang.
Pag naaalala ko yun. Napapangiti na lang ako. Ang suwerte ko dahil may kaibigan akong kagaya nila. Handa silang makipaglaban para maprotektahan ka lang o maiganti ka lang sa umaapi sayo.
Si Calvin....
Bigla na lang nagpop sa isip ko ang mukha nya. Ang mukha nyang galit na galit. Parang hindi ako makapagsalita agad ng tinanong nya kung anong nangyari sa pisngi ko.
Parang kung may mali kang masabi, may mangyayari na agad na masama.
Kitang kita ko sa mata nya ang ibat ibang emosyon na bumukas. Hindi ko lang yun mapangalanan.
Kaya hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari. Hindi alam kung bakit bigla syang nagalit ng time na yun at biglang nagwalk out.
Nang makaalis nya, sinabi ko ang totoo sa mga kaibigan ko.
Gusto kong mag assume na may gusto sya sa akin. Dahil sa pinapakita nyang emosyon sa kanyang mukha. Pero mahirap ang umasa kung alam mo naman na wala talagang pag asa na magustuhan ka nya.
Pero pinapanalangin ko na sana, kahit konting katiting man lang, may nararamdaman syang pagkagusto sa akin.
Nung time na tumingin sya sa mga mata ko. Nung tinanong nya kung anong nangyari sa pisngi ko at kung paano nya hawakan ang pisngi kong may pasa.
Parang may libo libong nakoryente na dumaloy sa buong katawan ko. Para akong hindi nakagalaw sa kinakaupuan ko. Para akong napako.
May napansin ako ng time na hinawakan nya ang pisngi at tumingin diretso sa mga mata ko. Parang kung ano sa mata na ang hirap paniwalaan.
Parang may napansin akong 'pagmamahal' sa mata nya ng time na yun. Hindi ko lang alam kung guni guni ko lang yun o ano. Bigla din kasing nawala at napalitan yun ng galit na mukha.
Hindi mawala wala ang sa akin ang emosyon na yun. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa pinapakita nya.
Bakit kasi ang hirap na aminin sa kanya na gustong gusto ko sya? Kung saan madaling aminin e, pero ang hirap aminin sa mismong harapan nya.
"Huyy!! Bakit ka nakatulala diyan? okay ka lang ba? May bumabagabag ba sayo?"
Mapabalik ako ng ulirat ng tapikin ni Megan ang balikat ko.
"Ah?" napamaang na lang ako dahil dun.
"Sabi ko na e wala ka sa sarili mo." napailing naman sya.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil dun. Hindi ko napansin na kausap na pala nya ako. Hehe. Ang lalim kasi ng iniisip ko. Buti na lang at hindi ako nalunod. Haha!!
Tumingin naman ako sa kanilang lahat. Nakita ko na napailing na lang sila. Kaya mas lalo akong mapakamot.
Mapabaling naman ako ng tingin kay Calvin. Nahuli ko kasing nakatingin sa akin. Namula naman ang mukha dahil dun, kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Sh*t. Wag sana nyang napansin ang mukha kong namumula.
"Ehem! okay ka lang ba talaga Devon? Bakit namumula ka yata?" tanong ni Ross.
Ewan ko kung guni guni ko lang yun o ano. Napansin ko kasi na napangisi sya ng palihim. Nang dahil sa tanong nyang yun o tanong nya ba? Mukha kasing nang aasar e.
Mas lalo akong namula. Hindi ko sinagot ang tanong nya, iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Pero ramdam kong maraming mata ang nakatingin sa akin. Kaya nag angat ako ng tingin.
Tama nga ako, nakita ko silang napatingin lahat sa akin. Parang pinipigilan na wag ngumiti.
Nang bumaling naman ako ng tingin kay Calvin. Nakita ko syang nakangisi ng malaki. Parang nasisiyahan sya sa nakikita nya ngayon.
Hmp. Kaasar ang lalaking ito. Tawanan ba namam nya ako kung sya naman ang dahilan kung bakit ako namumula ngayon. Tsk!
"Ayieee!ð¶ pasulya sulyap kunwarið¶Â ð¶Patitingin tinginð¶ð¶" pagkanta nila. Wala naman sa tono. Psh. Joke.
Gusto ko sana yung may tono, para madama ko ang kanta... Buwahahahha!!
Sabay naman kaming nag iwas ng tingin ni Calvin. Pero nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga.
Pfft! Namumula din pala ang lalaking ito. Kala ko babae lang ang namumula kung kinakatyawan.
"Oo nga pala Devon. Malapit na ang birthday mo? Diba magde debut kana, mage eighteen ka na ngayon?" bigla na lang tanong sa akin ni Tanya.
Natigilan naman kaming lahat dun. Ngayon ko lang naalala na malapit na pala ang birthday ko. Hindi ko man lang namalayan. Kita mo naman, malapit na ang debut ko. Debut na walang kahanda handa.
"Oo, ang bilis ng araw. Muntik ko ng nakalimutan na malapit na pala ang birthday ko. Hehe." awkward kong sabi. Napakamot na lang ako ng ulo.
Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Ang cute cute mo talaga mahiya Devon. Papisil nga yang pisngi ko."
Nagulat na lang ako ng biglang pisilin ni Tristan ang magkabilang pisngi ko. Dahil sa gulat hindi agad ako nakapagreact.
"Aww! Mashaket!" ako.
Parang nanggigil sya sa pagpisil ng pisngi ko. Alam kong namumula na ang pisngi ko sa ginagawa nya.
Maya maya pa naramdaman ko na lang na wala ang kamay sa pisngi ko. Naramdaman ko na lang na may huli sa kamay ni Tristan palayo sa pisngi ko.
"Don't you f*cking dare to touch her again. Kung ayaw mong tanggalin ko yang kamay mo sa katawan mo." malamig na pagkakasabi ng taong nanglayo kay Tristan sa akin.
Wala naman sa sariling napaangat ako ng tingin. Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko ng nagtama ang paningin namin.
Parang kinapos ako sa hangin. Kitang kita ko sa mata nya ang halo halong emosyon.
Ang lakas talaga ng tama ko sa lalaking ito. Sa isang tingin lang nya, parang kinakapus na ako sa hangin.
Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya at ganun din sya sa akin.
Ang mga kasama naman namin biglang nanahimik sa kani kanilang mga upuan. Na kanina ang ingay, naging tahimik na.
Nandito kami sa field. Nakatambay, recess kasi namin.
Nagulat ako ng bigla syang lumapit sa tabi ko at walang prenong hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"Okay ka lang ba?? masakit ba ang pisngi mo?" nag aalalang tanong nya sa akin.
Nang dahil dun, napaigta ako. Para akong nakoryente sa pagkakahawak nya sa pisngi ko. Sh*t! Ang lambot ng kamay nya, nahiya ang palad ko. Ang init init pa ng palad nyang nasa pisngi ko.
Napalunok ako. Hindi ko maiwasan ang hindi mamula sa ginawa nya. Waah! Nahihiya ako. Sa harap ng mga kaibigan namin nya ginawa ang ginagawa nya.
Bigla nyang hinaplos ang pisngi ko. Kaya bigla akong nanigas sa kinakaupuan ko. Hindi ko din namalayan na napatitig na ako sa kanya.
"Ehem!"
"Aray koo!!"
"Bakit ang daming langgam dito? Aww!"
Hindi nasagot ang mga tanong nya ng may biglang umeksena sa amin.
Dahil dun bigla syang napalayo sa akin. Hindi sya makatingin sa akin at sa mga kasama namin dito.
Bumalik naman sya upuan nya kanina na parang walang nangyari.
Kaasar naman ang mga ito e. Nandoon na sana e, tapos agaw eksena pa sila. Hmp! Kaasar sila a. magdadabog sa isipan ko.
Parang hindi nya nagustuhan ang panbibitin na naganap kanina.
De joke lang.
Buti na lang at umeksena sila kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Para akong natatae na ewan.
Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Hehe!
"Hoy Devon! Anong nangyari sayo? Para kang tanga diyan na nakangiti ng mag isa." agaw atensyon ni Trisha sa harapan ko.
Kaya agad naman nabura ang inisip ko.
Tinignan ko sya ng masama. Istorbo talaga ang babaeng ito. Nagde day dream pa ako e. Pinutol agad.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin Devon?" may pagtataka naman nyang tanong sa akin.
Hindi ko sya sinagot at bigla na lang akong napasimangot.
"Haha!!"
May narinig naman akong tawanan. Tinignan ko silang lahat ng masama. Maliban kay Calvin na naka head set sa kinakaupuan nya. Parang wala syang pakialam sa paligid. Tsk? Inalis ko ang tingin ko sa kanya.
"Kayo naman kasi e. Inostorbo nyo ang moment nilang dalawa. Ang romantic na sana e. Sinira nyo pa."
Bigla silang napangisi ng matapos na sabihin yun ni Megan. Mas lalo akong namula dahil sa tingin nilang iyon.
Heto na naman po tayo. Ako na naman ang nakitang asar asarin. Lagi na lang ako ang nakikita nilang asarin.
Iniwas ko ang mukha kong namumula sa kanila. At wala sa sariling tumingin ulit kay Calvin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko syang malayo ang tingin.
Pero kahit nakaside sya sa amin. Kapansin pansin ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Mas lalo akong namula ng masilayan ko ang ngiting yun. Ang ganda sa paningin ko ang mga ngiti nya. Mas lalo akong naiinlove. Ehem.
"Ayieee! Nakatitig sa kanya."
Napaigta ako ng may sumundot sundot ang tagiliran ko. Nakita ko sina Megan, Tanya at Trisha na sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Yaah! W-wag nyo akong ki-kilitiin. Waaaah! T-ta-tama.. Haha!"
****
"Nay nandito na po ako."
Agad akong pumasok sa loob ng bahay namin ng marating ako sa bahay. Nang makapasok ako, walang nanay ang nadatnan ko.
Kaya napakunot naman ako doon. Binaba ko muna ang bag ko sa upuan. Agad akong pumasok sa kwarto namin. Baka kasi nandun sya.
Nang makarating ako dun. Tama nga ako dun. Nandito sya sa kwarto namin, mukhang busy sa kakukulikot sa loob ng kabinet.
Anong ginagawa nya diyan? Dahil sa busy nya sa ginawa, hindi nya namalayan na nasa likod nya ako.
"Anong ginagawa mo nay? Mukhang busy ka diyan a. Hindi mo napansin na pumasok ako." taka kong tanong sa kaniya.
Dahil sa bigla nyang narinig ang boses ko. Parang kidlat sa bilis nyang lumingon sa akin. Dahil sa paranta nya, dali dali nyang isinara ang kabinet.
"K-ka-kanina k-ka ba d-diyan n-nak?" utal utal na tanong sa akin ni inay.
Napansin ko na medyo sya namutla. May nakita pa ako na namumuong pawis sa noo nya.
"Kadarating lang po. Anong ginagawa nyo diyan? At saka may sakit po ba kayo, bakit pinagpapawisan kayo at namumutla? okay lang ba kayo?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.
Lumapit naman ako sa kanya. Sobrang kaba ko dahil sa itsura ni inay.
Iniwas nya ang tingin sa akin. Napasin ko na napabuntong hininga sya.
"W-wag kang mag alala nak, okay lang ako. P-pagod lang siguro ito." iwas ang tingin nyang sagot sa akin.
"Sigurado kayo nay ha. Baka iba na yan." pag aalala kong sabi.
Ngumiti lang sya sa pag. Na parang sinasabi na dapat walang ikabahala. Kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Halikana sa kusina, kakain na tayo. Tapos naman na akong magluto ng panghapuhan natin." pagyayaya ni nanay sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango sa kanya.
****
"Oo nga pala nak, malapit na ang birthday mo. Anong gusto mong handa? Para yung ang bilhin ko." nakangiting tanong sa akin ni inay habang kumakain kami sa hapag kainan.
Napatingin naman ako sa kanya ng wala sa oras. At napabuntong hininga.
"Kahit huwag na po akong maghanda. I save mo na lang po yang pangbili nyo ng handa ko. Hindi ko naman po kailangan ng handa, basta po kasama ko kayo. Okay na okay na po sa akin. Masayang masaya na ako." totoo kong sagot sa kanya.
Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasa ko si nanay. Sya na lang kasi ang nag iisa kong pamilya.
Napatingin naman ako kay nanay ng bigla syang natahimik sa kinakaupuan nya. Parang bigla syang nalungkot.
"Okay ka lang po?"
Tumingin sya sa akin at tumango.
Someone's PoV
Napatitig na lang ako sa larawan ng anak kong babae. Ang larawan nyang nakangiti sa picture. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang nakatitig sa kanya. Nahawa ako sa ngiti nya.
Pero hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak at tamang tama naman na nahulog sa picture ng anak kong babae.
Malapit na ang kaarawan mo anak. Malapit na tayong magkasama sama. Malapit ng mabuo ang pamilya natin. Hindi na ako makakapaghintay pa. Mahal na mahal ka namin." umiiyak na kausap ko ang larawan ng anak ko.
Agad ko itong nilapit sa bibig ko at hinalikan ito.
"Shh! don't cry hon, makakasama din natin ang anak natin. Mabubuo din tayo. Magiging masaya tayo. At kung darating ang araw na yun, hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa."
Mahabang pag-aalo ng asawa ko sa akin. Hinayaan ko na lang ang magsihulugan ang luha ko sa mata.
Sumandal na lang ako sa kanyang balikat at pumikit.
Sana nga mabuo na ang pamilya namin. Miss na miss ka na namin anak.
*****
Devon's PoV
Tatlong araw na lang. Birthday ko naaaaa. Excited na ako, kahit wala akong handa. Mage eighteen na ako. Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Whoa! De joke lang.
Ayy! May handa pala ako sa birthday ko...
Guess what?
BANANA QUEEEEE!!!!
Magluluto daw si nanay ng maraming banana que para may handa man lang ako sa birthday ko.
Pero sabi ko kay nanay na ayoko ng banana que. Nakakaumay na kasi.
Nagtanong sya kung anong gusto ko.
Sabi ko na kamote que....
Kaya ayun, nabatukan ako. Haha.
Syempre ko lang yung kamote que. Mas gusto ko parin yung banana que. Hehe!
Hindi ko alam kung ano ang lulutuin ni nanay. Siya kasi ang may gusto na maghanda kahit konti lang daw. Kaya wala akong nawala kundi ang umoo. Mapilit sya e, edi pagbigyan. Haha... Joke Lang.
Ngayon lang sya naghanda e. Hindi naman kasi ako naghahanda sa nagdaan na birthday ko.
Pupunta pa ang mga kaibigan ko upang makilamon ng banana que. Buwahaha. Oo, makilamon........ Charrrr. ^_^v
Pupunta daw sila sa bahay para makikain ng handa ko. Alam nyo naman ang mga yun, mas gusto ang libreng pagkain. Ang yayaman e. Chaaarrr Ulit.......
Ano kaya ang magandang gawin sa birthday ko?
Aisshh! Makukolong na lang sa loob ng kwarto. Mabibilang ng butiki sa kisame namin. Nganga kung may tae ng butiki na mahuhulog. Sayang din yun kung hindi nasalo.
Ano pa ba?
Hmmm. Mambubulabog sa kapitbahay. Babatuhin ang bubong at tatakbo papasok sa loob ng bahay.
Ano ba pa ang gagawin ko?
Hmmm.
Mangangaroling sa mga kapitbahay para may ipangbili ng handa. Tapos bibigyan sila pagnaluto na ang handa.
Ano pa ba?
Aha! Alam ko na.
Aakyat ako sa bubong ng bahay at tatalon sa pangalawang buong ng kapitbahay. Tapos sisilipin kung anong ginagawa sa loob.. Buwahahah. Nice.
Okay na siguro yun na gagawin ko sa birthday ko. Para naman hindi ako ma boring.
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school namin. Wala lang. Gusto ko lang rumampa. Hindi naman masama diba. Hehe.
Gusto ko lang irampa ang mukha kong maganda.
Buwahahaha...
Wuuhahahahahah......
*bogshh*
"Araaayyyy kooo!!!"
Napahawak ako sa noo kong nauntog. Salubong naman ang kilay kong tumingin sa harap ko.
Walangya! Sa bakal pa ako nauntog. Sa isang poste. Yaaa! Ang sakit ng noo kong nauntog...
"Bakit ba bigla bigla na lang akong nauuntog? Dahil sa sinabi kong maganda ako? Yun naman ang sabi nanay e. Na maganda ako.
Ganoon na ba ako kaganda para poste gusto ng makipaghalikan sa akin? Tsk.
No thanks na lang. Mas gusto ko si Calvin na halikan.
Opps! Nadulas.. Hehe....
"Aissh! Nauntog lang ako, kung ano ano ng kalandian ang pumapasok sa isipan ko. Ugh! Ganun ba talaga ang mga nerd, dahil sa katalinuhan kung ano ano na ang iniisip? Aissh!" bulong na tanong ko sa sarili ko.
Hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Para lang akong statue dito na nakatayo. Kung may makakakita talaga dito sa akin, pagkakamalan nila akong baliw na pangit na nerd. Hmp. Wala akong paki. Gets. Ge!..
Pero ang sakit parin talaga ng noo ko!!!
-_-
"Anong nangyayari sayo, iha? Are you okay? Bakit kinakausap mo ang sarili mo?"
Napatigil ako sa pagdadabog sa kinatatayuan ko may narinig akong nagsalita sa harapan ko. Hindi agad ako nakaayos. Pamilyar sa akin ang boses na yun a.
Dahan dahan akong napaangat ng ulo. Nang maiangat ko ang ulo.
O__________________________O
Nanlaki na lang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"Mommy Devi????!!!"
Gulat kong bulaslas.
"Ako nga iha. Okay ka lang ba? Bakit ka nakatayo na lang diyan? Parang statue dito na nakatayo." ulit nya ulit na tanong sa akin. Bakas ang pag aalala sa mukha.
Hindi agad ako nakapag react ng bigla syang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Kaya medyo nagulat naman ako dun. Hindi pa din ako masyadong sanay e. Nahihiya parin ako. Kahit naman wala akong hiya.
"Hala iha, namumula ang noo mo. Nauntog ba ito?" pag aalala nyang tanong sa akin.
Napangiwi naman ako sa kanya at napakamot na lang ng noo.
"Hehe! Opo! Wala po kasi ako sa sarili." totoo kong sagot sa kanya. Medyo natawa pa ako nung sinabi ko yun.
Napailing naman sya at inakay malapit sa isang bench umupo kami dun.
"Ikaw talaga iha. Apat na nga yang mata mo hindi mo pa nakita yang dinadaan mo. Kita mo na ngayon. Namumula na."
Napanguso ako sinabi nya. Ano daw? Apat ang mata ko? Aba loko tong si mommy Devi a.
Chaar...
Kinareer ko na talaga ang tawag ko sa kanya na mommy. Hehe. Yun naman ang sabi nya sa akin e.
Edi pagbigyan. Baka mamaya bawiin nya pa ang scholar ko dito sa school nila. Buuwwahhahahaha....
"Mommy Devi naman. Hindi kaya apat ang mata ko. Dalawa lang e. Salamin sa mata ko ang ikaapat na sinabi mo." nakanguso kong reklamo ko.
Edi ako na ang feeling close. Psh.
"Ayieee! Ang kyut ng baby Devon ko!!!"
Tapos bigla nyang pinisil ang magkabila kong pisngi.
Waaaah!
"Awwwww!!!Mashaket phoo!!"
"Omo! Sorry baby!"
Agad naman nyang inalis ang kamay nyang nasa pisngi ko kanina. Naramdaman ko na lang na hinahaplos nya ang pisngi ko.
Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa mukha nyang sobrang kinis. Halos wala ng makitang pimple o ano sa mukha ni mommy Devi.
Naiinggit ako. Joke.
Habang nakatingin ako sa kanya. Parang may kamukha sya. Hindi ko alam kung saan ko nakita.
At isa pa, bakit nakakaramdam ako ng pag aalaga ng isang ina sa kanya. Bakit napakagaan ang pakiramdam ko sa kanya?
Kailan lang naman kami nagkakilala e.
"Mommy?!"
Hindi ko namalayan na naibulaslas ko na pala ang kanina ko pa iniisip. Para naman akong natauhan dun.
Pero si mommy Devi. Para syang hindi nakagalaw sa kinakaupuan nya. Nastock ang kamay nya sa pisngi. Nakatitig lang sya sa mga mata ko. Kitang kita ko sa mukha nya ang ibat ibang emosyon. Tulad ng ngungulila, pagmamahal kung ano ano pa.
Kaya medyo napakunot naman ako dun.
"Okay lang po ba kayo mommy Devi?" nag aalala kong tanong sa kaniya. Ako naman ngayon ang may hawak sa pisngi nya.
Syet! Ang lambot ng pisngi nya mga tol. Nahiya ang palad kong magaspang.
"Ha?!" bigla naman syang natauhan.
Napakamot naman ako at inalis ang kamay kong nasa mukha nya. Nakakahiya kasi, ang gaspang pa naman ang kamay ko.
"Bigla bigla na lang po kasi kayo natulala. Okay ka lang po ba? Masama po ba ang pakiramdam nyo? Gusto mo po bang dalhin kita sa clinic?" pagpapanik kong sunod sunod na tanong sa kaniya.
Napatigil ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay. At diretsong tumingin sa mga mata ko.
"Calm down iha. Don't worry, okay lang. May naalala lang ako." pagpapatahan nya sa akin, hawak hawak nya parin ang kamay ko.
Medyo kumalma naman ako dahil dun. Humugot ako ng buntong hininga.
"Ano po yun?" yun na lang ang lumabas sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa kanya. Hinihintay ang pagsagot sa tanong ko. Oo na, ako na ang tsismosa. Paki nyo. Buwahaha. Joke.
"Ang anak ko." sagot nya.
Napakunot ako. Si Devin? Ganun nya na lang ba kamiss ang anak nya. Lagi naman silang magkasama sa bahay e.
"Si Devin po?" tsismosa kong tanong na naman sa kanya.
Napatigil sya. Tumingin diretso sa mga mata ko.
"No. Ang anak kong babae."
Nagulat naman ako dun at medyo napanganga....
Wait! Mabilis kong sinara ang bunganga ko ng maamoy akong tuyo. Alam na alam kung kung sino may amoy nun e.
Siyempre ako yun. Alangan naman si mommy Devi.
Buwahahahahha.....
OK, Tama na.
"May anak po kayong babae? Eh nasaan po sya?" walang prenong tanong ko kay mommy Devi.
Siguro ang ganda ng anak nya no. Ang ganda ganda kaya ni mommy Devi.
Nakita ko naman syang napatigil sa tanong ko. Parang hindi nya inaasahan yung tanong ko sa kaniya.
May masama ba sa tanong ko?
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa ang tsismoso ko na naman.
"S-sorry kung may pagka-tsismosa ako. Hehe. Hindi ko po kasi napigilan ang m-magtanong." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Hinawakan nya naman ang kamay ko. Na kinagulat ko. Pero hindi ko yun pinahalata.
"Oo, may anak akong babae. Sa katunayan nga e, kakambal ng anak kong si Devin." pagkukwento nya sa akin.
Nanlaki naman ang mata ko. May kambal pala si Devin? Whoa! Ngayon ko lang to nalaman a. Grabe hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
Pero halatang halata sa mukha nya ang matinding lungkot. Hindi ko alam kung bakit syang nalungkot.
Pero agad kong pinasigla ang usapan.
"Whoa! May kambal pala si Devin. Ngayon ko lang po nalaman a." may pagkamanghang sabi ko.
"Siyempre naman ,iha. Ngayon ko lang naman kwinento." pagbabara nya sa akin.
Ang ngiti kong malaki. Bigla naging busangot. Pero napangiti na lang ako sa isipan ko ng bumalik na agad ang ngiti nya.
"Mommy naman e."
"Hehe! Sorry na baby. Haha." tumawa na lang sya.
Pero ang sarap sa pakiramdam na tawagin kang baby. Hehe. Para talaga nya akong anak. Hihi.
Sana ako na lang ang anak nya. bigla na lang pumasok sa isipan ko yun.
Bigla ko namang pinukpok ang noo.
"Arayyy!!!"
Napa-aray na lang ako dahil sa natamaan ang noo kong medyo mahapdi. Ang tanga ko talaga. Aisshh...
"Ano ba naman iha. Bakit mo kasi pinukpok yang noo mo? Alam mo naman na namumula e."
Agad naman hinawakan ni Mrs. Harris ang magkabila kong pisngi at hinipan ang noo ko. Nang dahil bigla na lang unti unting nawawala ang sakit.
"Okay na ba iha?" pag aalala nyang tanong.
Tumango tango na lang ako."Opo."
Tumahimik naman kami ng ilang segundo. Pero maya maya bigla syang nagsalita.
"Pasensya iha kung hindi ko maikuwento sayo ang sinabi ko kanina a. Hindi ko kaya e. May malaki ang kasalanan ko sa anak kong yun. May bagay na pinagsisihan ko. Alam kong hindi nya ako mapapatawad. Lagi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyaring yun." sobrang lungkot nyang kwento sa akin.
Nagulat na lang ako ng may nakita akong luha na pumatak sa kanyang mata. Parang kanina pa nya pinipigilan ang luha nyang mahulog.
Bumigat ang pakiramdam ko matapos syang nagkuwento. Parang may bumara sa dibdib ko na hindi ko mailabas. Isama mo din ang pagtusok sa puso ko.
Pero isa lang ang alam kong gawin upang hindi ko ito naramdaman. Ang yakapin sya ng mahigpit.
Alam kong ikinabigla nya ang pagyakap ko sa kanya pero hindi ko yun pinansin pa.
Naramdaman ko na lang na yumakap sya ng mahigpit sa akin. Tama nga. Gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman ko din na medyo kumalma sya.
"Ang masasabi ko na lang ay kaedad mo lang sya. Parehong pareho kayo na maganda, Mabait. Marami kayong katangian na magkapareho." dugtong nya sa kuwento nya sa akin.
Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal nya ang anak nya.
Medyo naguluhan pa ako sa una nyang sinabi. May malaki syang kasalanan sa anak nyang babae?
Anong ibig nyang sabihin dun?
Hinahaplos haplos ko na lang ang likod nya.
"Tahan na po. Mapapatawad din kayo ng anak nyo. Hindi ko man alam po ang kwento o nangyari sa inyo. Alam kong walang anak na hindi napapatawad ang ina. Hindi po dapat kayo mawalan ng pag asa, darating din ang tamang panahon na mapapatawad nya din kayo" mahaba haba kong pagpapagaan sa pakiramdam ni Mrs. Harris.
"Saan nga iha. Sana darating ang panahon na Yun na mapatawad nya ako." malungkot nyang sabi sa akin.
Kumalas ako sa pagyayakap sa kanya at tumingin sa kanya ng diretso.
"Darating po ang panahon na yun." ngumiti ako ng malaki sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti sya sa akin ng malaki. Para akong babunutan ng tinik sa lalamunan.
******
Nang makaalis si Mrs. Harris. May pupuntahan pa daw syang meeting. Hindi muna ako pumasok sa room. Maaga pa naman e.
Inayos ko ang salamin ko. At hinihimas ang noo kong nauntog kanina. Buti ba lang unti unti ng nawawala ang pagkapula nya.
Nagmuni muni lang ako. Tinitignan ang mga taong naglalakad. May mga estudyante na ang sasama ng tingin sa akin. May iba naman parang statue na lang na daan daanan. Sanay na ako dun.
Nagtaka ako ng hindi ko na nakikita ang nambully sa akin. Ilang araw ng hindi ko sila nakikita. Kadalasan nga e, nakikita ko silang pakalat kalat na lang sa mga corridor. Parang plastik lang. Haha.
Pero sa loob loob ko, ang saya ko dahil hindi ko sila nakikita. Nakakatakot ang mga yun e.
Binalik ko ang tingin sa mga taong naglalakad.
Dahil sa pagmuni muni ko. May nahagip ang apat kong mata este dalawa kong mata. Dalawang tao na ang sweet sweet.
Nakaakbay ang lalaki sa babae at yung babae naman nakayakap sa beywang ng lalaki. Pareho silang ang lawak ng ngiti. Pinagtitinginan din sila ng mga estudyante na nakakasalubong nila.
Naningkit ang mata ko.
Walangya ka talagang Calvin ka..... P*tya. Ang sakit nila sa mata. Ang playboy na Calvin na yun, may kasama na namang ibang babae. Nakakabanas. Nakakasira ng araw.
Hindi lang basta basta babae ang kaakbay nya.
Kundi si Chelsae. Kung naaalala nyo yung kasama namin sa amusement park. Sya ngayon ang kasama ni Calvin.
Ugh! Badtrip talaga ang lalaking yun. Napakalandi.
Pero agad din akong napatigil. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit bigla na lang nawala sa isip ko na may girlfriend na pala sya.
Yung babaeng kasa kasama nya.
Bakit ba ako umaasa na magkakagusto din sya sa kagaya kong pangit?
Pa fall. Ang walangyang yun. Tsk.
Mabaog ka sana.
Buwahahaha...
Ang sama ko.